Agosto 2013

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Agosto 2013 ay ang ika-walong buwan ng taong iyon. Nagsimula ito ng Huwebes at nagtapos ng Sabado pagkatapos ng 31 araw.


Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari[baguhin | baguhin ang batayan]

Agosto 1, 2013 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Nagsagawa ng imbestigasyon ang hukbo ng NATO sa Apganistan ukol sa nakaraang pag-atakeng himpapawid ng Estados Unidos sa probinsiya ng Nangarhar na kumitil ng buhay ng limang pulis at dalawang sugatan.(ABC News Australia)
Internasyonal na relasyon
Batas at krimen
Politika at eleksiyon
  • Inalis sa puwesto si Willy Telavi bilang Punong Ministro ng Tuvulu ni Gobernador-Heneral Iakoba Italeli, matapos akusahan ng pagtatakang pagpapatalsik kay Italeli. Itinalaga bilang pansamantalang Punong Ministro ang lider ng oposisyon na si Enele Sopoaga.(Islands Business)
Agosto 2, 2013 (Biyernes) baguhin kasaysayan bantayan
Internasyonal na relasyon
Agosto 3, 2013 (Sabado) baguhin kasaysayan bantayan
Politika at eleksiyon
  • Idineklara si Robert Mugabe bilang panalo sa pagka-Pangulo sa Simbabwe, siya ay nakakuha ng 61% sa mayoridad, ito ay pagpapatuloy ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa sa loob ng 33 taon.(AFP via News24)
Agosto 4, 2013 (Linggo) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Politika at eleksiyon
  • Inaugurasyon ni Hassan Rouhani
    • Opisyal ng pinasinayaan si Hassan Rouhani bilang Pangulo ng Iran sa Kapulungan ng Parlamento ng Iran.(Aljazeera)
    • Inanunsiyo ni Rouhani ang kanyang mga itinalagang gabinete na pinangungunahan nina Mohammad Javad Zarif bilang Ministro ng Ugnayang Panlabas (Minister of Foreign Affairs) at Mohammad Nahavandian bilang chief of staff.(Dailystar) (Reuters)
Agosto 5, 2013 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Batas at krimen
Sakuna at aksidente
Politika at eleksiyon
Agosto 6, 2013 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Batas at krimen
  • Parehong nagdesisyon ang Senado at Kamara na itigil ang planong pag-iimbestiga sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam matapos mapagkasunduan ng mga senador na ipagpaliban muna ito hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng ilang ahensiya ng gobyerno.(Abante-Tonite)
Kalusugan
  • Mahigit sa kalahating milyong Filipino ang may problema sa mata ayon sa Kagarawan ng Kalusugan, ang tatlong pinakamadalas na sanhi ng pagkabulag ay katarata, glaucoma at macular degeneration. (GMA News)
Agosto 7, 2013 (Miyerkules) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Sakuna at aksidente
  • Nagsarado ang Paliparang Pandaigdig ng Jomo Kenyatta sa Nairobi kabiserang lungsod ng Kenya dahil sa malaking sunog.(BBC)
Internasyonal na relasyon
Agosto 8, 2013 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Sumabog ang isang bombang pagpapatiwakal sa isang libing sa lungsod ng Quetta, Pakistan na ikinasawi ng 28 katao.(BBC)
  • Nasawi ang 14 katao matapos sumabog ang isang bomba sa sementeryo sa probinsiya ng Nangarhar, Apganistan.(BBC)
Batas at krimen
Internasyonal na relasyon
  • Inalis ng Taiwan ang lahat ng pagbabawal na ipinataw sa Pilipinas pagkatapos humingi ng tawad ni Pangulong Benigno Aquino sa pamilya ng napatay na mangingisda sa Balintang noong Mayo 9, 2013. (BBC)
Agosto 9, 2013 (Biyernes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Kalikasan
  • Ipinagbawal ang paghuli at pagkain ng mga hayop-dagat sa ilang parte ng probinsiya ng Kabite dahil sa pagtagas ng langis sa karagatan. (GMA News)
Agosto 10, 2013 (Sabado) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Dinukot ng mga armadong lalaki ang 3 turistang taga-Thailand habang ito ay naglalakbay sa Rivers State sa Nigeria.(Reuters)
  • Isang bomba ang sumabog sa liwasan ng Baghdad, Iraq, na ikinasai ng apat katao at 16 sugatan.(ABC News)
  • Isang pag-atake ng drone ng Estados Unidos na ikinasawi ng dalawang hinihinalang miyembro ng Al-Qaeda sa tangway ng Arabian sa katimugang Yemen.(BBC News)
  • Inaresto ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang dalawang lalaking hinihinalang nagpaplano ng atakeng pagtitiwakal.(CNN)
Sakuna at aksidente
Agosto 11, 2013 (Linggo) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Napatay ang limang sundalong Yemeni ng mga hinihinalang miyembro ng Al-Qaeda sa isang pag-atake sa terminal ng gas sa Katimugang Yemen.(BBC)
Sakuna at aksidente
Palakasan
  • Nagwagi ang Amerikong golper na si Jason Dufner sa 2013 PGA Championship na nilaro sa Oak Hill Country Club sa Pittsford, New York.(The Australian)
Agosto 12, 2013 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Walong katao ang namatay at 25 ang sugatan sa isang pagpapatiwakal na pambobomba sa Balad, Irak, hilagang kapitolyo ng Baghdad.(Reuters)
  • Ilang armadong lalaki ang namaril sa hilagang-kanluran ng Nigeria na ikinasawi ng 30 katao.(Reuters)
  • Nagsagawa ng pag-atakeng panghimpapawid ang Sandatahang Lakas ng Tunisia laban sa mga militanteng Islam sa hangganang lupain ng Algeria. (Reuters)
Sakuna at aksidente
  • Namatay na si Prinsipe Friso ng Orange-Nassau, kapatid ni Haring Willem-Alexander ng mga Olanda, sa edad na 44 kasunod ng mga komplikasyon dulot ng aksidenteng naganap noong 2012 sa pag-iiski, kung saan siya ay na-comatose sa loob ng isa't kalahating taon.(CNN) (BBC) (Huffingtonpost) (ABC)
  • Bagyong Labuyo (Utor - Internasyonal na pangalan) 2013
    • Ilang paaralan sa Maynila at maging sa mga probinsiya ang nagsuspinde ng klase sa iba’t ibang antas ngayong araw dahil sa pananalasa ng bagyong Labuyo.(Abante-Tonite)
    • Isa ang patay dahil sa pagguho ng lupa sa probinsiya ng Benguet. Ipinasara rin ang Daang Kennon. (GMA News)
    • Probinsiya ng Aurora, matinding hinagupit ng bagyo matapos nitong lumapag sa lupain ng Casiguran.(GMA News)
Internasyonal na relasyon
Politika at eleksiyon
  • Naihalal si Ibrahim Boubacar Keïta bilang bagong Pangulo ng Mali. Bagama't hindi pa tapos bilangin ang mga balota, tinanggap na ng kanyang katunggali na si Soumaïla Cissé ang pagkatalo sa eleksiyon para sa pagka-Pangulo.(BBC)
Palakasan
Agosto 13, 2013 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Sining at kultura
Negosyo at ekonomiya
  • Nagsampa ng kasong "batas ng kompetisyon o antitrust" ang Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos at anim na estado upang mapigilan ang planong pagsasanib ng American Airlines at US Airways. (CNN)
Internasyonal na relasyon
Agosto 14, 2013 (Miyerkules) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Sakuna at aksidente
  • Isinailalim sa katayuan ng sakuna o state of calamity ang mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag sa Aurora dahil sa bagyong Labuyo.(GMA News)
  • Labing-walong manlalayag ng Hukbong Dagat ng Indiya ang nakulong sa ilalim ng tubig ng lumubog ang submarinong INS Sindhurakshak (S63) kasunod ng pagsabog nito sa daungan ng Mumbai.(Fox News)
  • Bumagsak sa Pandaigdigang Paliparan ng Birmingham–Shuttlesworth sa Alabama ang UPS Airlines Flight 1354 na ikinasawi ng piloto at pangalawang-piloto nito. (Alabama 13), (Reuters)
Internasyonal na relasyon
Batas at krimen
Agosto 15, 2013 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Batas at krimen
Internasyonal na relasyon
Agham at teknolohiya
Agosto 16, 2013 (Biyernes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Sakuna at aksidente
Sining at kultura
Negosyo at Ekonomiya
  • Bumagsak sa binakamababang palitan ang rupi ng India laban sa dolyar. Bumagsak ang rupi sa 62.03 laban sa dolyar. (BBC)
Agosto 17, 2013 (Sabado) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Naaresto si Mario Ramírez Treviño lider ng Kartel ng Golpo sa Tamaulipas kaugnay ng Laban ng Mehiko sa Droga. (Reuters)
  • Nalinis ng pwersa ng seguridad ng Ehipto ang isang Moske sa Cairo matapos ang mahabang pananatili ng mga miyembro ng Kapatiran ng mga Muslim. (Reuters), (BBC)
  • Minungkahi ni Hazem Al Beblawi, Punong Ministro ng Ehipto, ang ligal na pagpapabuwag sa grupo ng Kapatiran ng mga Muslim. (Reuters)
  • Inatake ng mga rebelde sa Sirya ang isang checkpoint sa Homs, na ikinasawi ng ng 5 milisya ng NDF at 6 na sibilyan. (Reuters)
  • Inatake ng gobyerno ng Sirya gamit ang eroplanong pangdigma ang Aleppo na ikinasawi ng 15 sibilyan. (New York Times)
  • 18 katao ang nasawi sa sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng Nigerya at Boko Haram Islamists sa hilagang-katimutang Nigerya. (Reuters)
  • 10 ang napatay sa kampo ng mga manghihimagsik sa kanlurang Apganistan. (BBC)
Sakuna at Aksidente
  • Inilikas ang ilang residente ng Greenhorn Gulch sa Idaho dahil sa sunog sa Sapa ng Beaver.(CNN)
  • 31 katao ang patay at 170 pa ang nawawala dahil sa paglubog ng MV St. Thomas Aquinas tapos bumangga sa isang barkong pangkargamento sa Cebu. (BBC)
Agosto 18, 2013 (Linggo) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Batas at krimen
Agosto 19, 2013 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Negosyo at ekonomiya
Sakuna at aksidente
Internasyonal na relasyon
Sining at kultura
Agosto 20, 2013 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Napatay ng kapulisan ng Rusya ang siyam na hinihinalang miyembro ng militanteng Islamist sa Hilagang Caucasus. (Reuters)
Sakuna at aksidente
Internasyonal na relasyon
Batas at krimen
  • Tatlong binatang Aprikanong-Amerikano ang kinasuhan ng pagpatay kay Chris Lane isang manlalaro ng beysbol ng Australya sa Duncan, Oklahoma.[1]
  • Isang korte sa Pakistan ang nagdemanda sa dating Pangluo ng Pakistan na si Pervez Musharraf sa hinalang pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Benazir Bhutto, ang dating Punong Ministro ng Pakistan noong 2007 . (Washington Post)
  • Anim na putok ng baril mula sa AK-47 ang pinakawalan sa isang eskwelahang pang elementarya sa Decatur sa Georgia, Estados Unidos. Walang naiulat na nasugatan, inilikas lahat ng mag-aaral at ibinalik sa kanilang mga magulang. Agad namang inaresto ang hinihinalang may kagagawan. (CNN)
  • Ibinunyag ni Alan Rusbridger, patnugot ng pahayagang The Guardian, na sapilitang sinira ng mga awtoridad ng Britanya ang kompyuter na naglalaman ng mga materyal na lathalain na may kaugnayan sa inililabas na pahayag ni Edward Snowden. (BBC), (The Guardian)
  • Inaresto ng mga awtoridad ng Ehipto si Muhammad Badie, ang Pinakadakilang Patnubay ng Kapatiran ng mga Muslim, sa Cairo. Si Mahmoud Ezzat, representante lider, ang ginawang pansamantalang bagong Pinakadakilang Patnubay. (BBC)
Agosto 21, 2013 (Miyerkules) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Daang katao ang nasawi sa isang pag-atake gamit ang keminal na armas sa labas ng bayan ng Damasko sa Sirya.(BBC)
Sakuna at aksidente
  • Umabot na sa 7 ang nasawi at mahigit 600,000-katao ang naapektuhan ng hagupit ng nagsanib-puwersang bagyong "Maring" at habagat, naparalisa ang buong Maynila at malaking bahagi ng Luzon. (Abante)
  • Natagpuang buhay ang isang mangingisdang taga-Batanes na nawala noon pang 11 Agosto 2013, sa bansang Hapon matapos tangayin ng kanyang bangka ng malalakas na alon. (GMA News)
  • 2013 Pagbaha sa Tsina at Rusya: Dalawampu't-isang katao ang nasawi dahil sa isang flash flood sa probinsiya ng Qinghai. (AP via ABC Local News)
  • 37 katao ang nasawi at 16 ang sugatan kung saan ang isang bus lulan ang mga pasahero paalis ng Genting Highlands sa Malaysia ay nahulog sa bangin. Ang pinaghulugan ay malapit sa Chin Swee Temple.(AP via The Globe and Mail)
Internasyonal na relasyon
  • Opisyal na inanunsiyo ng hukbo ng Nigerya ang pahayag na ang lider ng Boko Haram na si Abubakar Shekau ay napatay sanhi ng pagbaril sa kaguluhang naganap sa pagitan ng mga sundalo. (The Globe and Mail)
Batas at krimen
  • Napagdesisyunan ng isang korte sa Cairo na pakawalan ang dating Pangulong si Hosni Mubarak habang kasalukuyang iniimbestigahan ang kasong korupsiyon laban sa kanya. (BBC)
  • Sinampahan ng 35-taon pagkakakulong si Bradley Manning ngayon ay kilala bilang Chelsea Manning, dating miyembro ng Hukbo ng Estados Unidos dahil sa pagbibigay nito ng mga pinag-uri-uring dokumento sa WikiLeaks.(ABC News America)
Agosto 22, 2013 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Isang kontroladong bomba ang sumabog na ikinasawi ng 5 katao, pinag hihinalaang ito ay kagagawan ng mga militanteng miyembro ng Tehrik-i-Taliban Pakistan sa Timog Waziristan. (The News Pakistan)
  • Labing-apat ang nasawi sa isang bombang pagpapatiwakal sa himpilan ng militar sa kanlurang Irak.(Reuters)
  • Limang sibilyan ang sugatan sa isang sunog ng mortar sa lungsod ng Goma sa Republika ng Konggo. (ABC News)
Negosyo
Sakuna at aksidente
Politika at eleksiyon
  • Dating Pangulong Hosni Mubarak ay pinalaya na sa kulungan ng Tora at inilipat sa isang hospital ng militar. (Los Angeles Times)
  • Ang Alkalde ng San Diego, California na si Bob Filner ay pansamantalang sumang-ayon sa pag-alis sa kanyang puwesto kasunod ng pakikipagsundo sa mga opisyales ng lungsod, kung saan kailangan itong aprubahan ng Konseho ng San Diego; di bababa sa 18 babae ang umakusa sa kanya sa iba't-ibang klase ng seksuwal na panliligalig (siya ay sumailalim sa rehabilitasyon ngunit siya ay patuloy na pinagbibitiw). (CNN)
Palakasan
Agosto 23, 2013 (Biyernes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Batas at krimen
  • Dating Komandante ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos na si Nidal Malik Hassan ay nahatulan ng maraming bilang ng pagpatay dahil sa 2009 Pamamaril sa Fort Hood. (CNN)
  • Dating Sarhento ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos na si Robert Bales ay nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo na walang parole dahil sa pagpatay sa 16 na sibilyang Apghan noong Marso 2012.(NBC News)
Sakuna at aksidente
Negosyo at ekonomiya
Politika at eleksiyon
Agosto 24, 2013 (Sabado) baguhin kasaysayan bantayan

Alitang armado at mga pag-atake

  • Iniulat ng Médecins Sans Frontières na kasalukuyang ginagamot ang 3,600 katao na may sintomas ng "neurotoxic", at 355 nasawi sa Sirya.(BBC)
Sining at Kultura
Sakuna at aksidente
Batas at krimen
  • 30 katao ang nasawi sa isang labanan ng mga sanggano sa kulungan ng Palmasola sa Santa Cruz, Bolivia dahil sa paggamit ng flame throwers.(AP via News24)
  • Isang pamamaril sa Gainesville, Florida, ang ikinasawi ng 3 katao kabilang ang salarin at 2 ang sugatan.(CBS Sports)
Plakasan
  • Iniurong ng African Diaspora Maritime Corp. ang kanilang koponan sa America's Cup dahil sa krontrobersya sa patanggi sa kanilang oportunidad na maging tagapag-adya ng Amerika sa kompetisyon dahil sa pangkat etniko.(San Francisco Appeal)
Agosto 25, 2013 (Linggo) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Pinayagan na ng gobyerno ng Sirya ang mga tagapagsiyasat ng UN na bisitahin ang lugar na hinihinalang ginamitan ng kemikal na armas sa pag-atake sa Ghouta sa labas ng bayan ng Damascus.(BBC)
  • Ilang sunod-sunod na pambobomba sa Irak na ikinasawi ng 41 katao.(BBC)
  • Isang bomba ang sumabog sa isang bus na may lulang mga tauhan ng Hukbong Himpapawid ng Yemen sa kampo nito malapit sa kapitolyo ng Sana'a, isang opisyal ang nasawi at ilang sugatan.(Reuters)
Sakuna at aksidente
  • Sinimulan na ng Federal Aviation Administration ng Estados Unidos ang pag-iimbestiga sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano na nasunog sa Taunton, Massachusetts, na pinaniniwalaang ikinasawi ng 2 katao. (NBC)
  • Apat katao ang nasawi at 35 ang sugatan ng madiskaril ang kilalang-kilalang tren ng El tren de la muerte sa munisipalidad ng Huimanguillo sa Tabasco, Mehiko. (Russia Today) (El Universal)
  • Naiulat na patuloy na lumalaki ang sunog malapit sa Yosemite National Park sa Chicago. (CBS News)
Agosto 26, 2013 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Isang bagong pinag-uri-uring dokumento ng Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman ang nagpapakita ng pagsuporta ng Estados Unidos sa Irak noong kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Iran at Irak kung saan gumamit ng kemikal na armas ang Irak laban sa mamamayan ng Iran at ng mga Kurdish. (Daily Mail) (New York)
  • Ang grupo ng UN na magsisiyasat sa hinihinalang paggamit ng kemikal na armas sa Ghouta ay pinaputukan ng mga mamamaril na nakatago o sniper; walang naiulat na nasaktan sa mga delegado kung saan isa sa hinihinalang lugar ay kanilang napuntahan. Sinabi ni John Kerry ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang ginawang pag-atake sa "isang kahihiyan at isang paglabag sa pandaigdigan at sangkatauhan na kinakailangan ng karampatang parusa". (CNN)
  • Binalalaan ni Khalaf Muftah, dating kawani ng ministro ng impormasyon ng Sirya na gaganti ang kanilang bansa kung ito ay aatakihin ng Israel. (Times Of Israel)
Politika at eleksiyon
Edukasyon
  • Lahat ng 25,000 na aplikante para maging estudyante sa Unibersidad ng Liberia ay bumagsak sa pagsusulit para makapasok sa paaralan. (BBC News)
Agosto 27, 2013 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Binalaan ng Panlabas na Ministro ng Rusya na ang pag-atake sa gobyerno ng Sirya ay maaaring magdulot ng sakuna at sinabi rin sa mga Kanluraning bansa na magpakita ng pag-iingat sa krisis na nangyayari roon. (France 24)
  • Ayon kay Walid Muallem Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Sirya na tinatanggi ng "lubos at ganap" ng gobyerno ng Sirya ang paggamit ng kemikal na armas, habang ang Estados Unidos at ang mga alyansa nito ay naghahanda sa napipintong pag-atake kung saan pinupunterya nito ang departamento ng utos at kontrol, paliparan at artilerya. (BBC) (NBC)
  • Sinabi ng Pangulo ng Pransiya na si Francois Hollande na "handang parusahan" ng Pransiya ang mga responsable sa kemikal na pag-atake. (Fox News)
  • Pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa Tripoli noong Agosto 2013 ang gobyerno ng Sirya kung saan isa sa mga pinaghihinalaan sa Lebanon ang umamin sa kapulisan. (Daily Star)
  • Pinatawag ni David Cameron ang Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian ang mga miyembro ng Parlamento na kasalukuyang nasa pahinga ngayong tag-araw upang pag-usapan ang magiging tugon sa pag-atakeng kemikal sa Ghouta.(BBC)
  • Sinimulan na ng bansang Rusya ang pag-papaalis ng kanilang mga mamamayan na nasa Sirya. (Telegraph)
Sakuna at aksidente
Agosto 28, 2013 (Miyerkules) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Batas at krimen
Agosto 29, 2013 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Nagpadala ang bansang Rusya ng dalawang bapor na pandigma sa Silangang Dagat Mediteraneo. (Reuters)
  • Sinabi ng bansang Libano at Hordan na di magagamit ang kanilang espasyaong panghimpapawid para sa pakikialam sa kilos ng militar sa Sirya. (Xinhua)
  • Iniulat sa pahaygan sa Kuwait na nakikipag-ugnayan ang mga lider ng Golpo sa Israel, at pinapayuhan ang Israel na magpigil kung sakaling umatake ang mga kanluraning bansa sa Sirya. (Israel National News)
  • Magpapadala ng anim na Typhoon fighter jets sa Tsipre upang bantayan ang potensiyal na paghihiganti ng rehimeng Assad kung sakaling magkaroon ng pag-atakeng panghimpapawid sa Sirya. (The Telegraph)
  • Sinabi ni Pangulong Bashar al-Assad na handang ipangtanggol ng Sirya ang bansa sa anumang pag-atake. (Indian Express), (Xinhua)
Agosto 30, 2013 (Biyernes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Sining at kultura
Sakuna at aksidente
Batas at krimen
  • Pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ng Indonesia ang hatol ng kamatayan kay Lindsay Sandiford, isang Briton na nahatulan dahil sa kasong kontrabando ng cocaine na nagkakahalaga ng 2.5 milyong dolyar sa isla ng Bali. (Al Jazeera)
  • Kinasuhan ng Lebanon ang limang lalaki, kabilang ang isang opisyales ng hukbo ng Sirya at isang klerigong Sunni na malapit sa gobyerno ng Sirya, ito ay kaugnay ng pambobomba sa dalawang moske sa hilagang Tripoli noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 47 katao. (Al Jazeera)
Agham at teknolohiya
  • Natuklasan ng mga siyentipiko ang 800 km-haba at 800m-lalim na Sabak sa ilalim ng mga yelo sa bansang Lupanlunti.(BBC)
Agosto 31, 2013 (Sabado) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
Sining at kultura
  • Pumanaw na ang beteranong tagapagbalita sa Britanya nasi Sir David Frost,dahil sa atake sa puso sa edad na 74. (BBC)
 Tagalog
 Ingles
 Asya
 Europa
 Aprika
 Hilagang Amerika
 Timog Amerika