Pumunta sa nilalaman

All TV

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang All TV (na isinaysay bilang ALLTV) ay isang Philippine free-to-air broadcast television network na nagsisilbing flagship property ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) katuwang ang ABS-CBN Corporation bilang pangunahing content provider nito sa pamamagitan ng blocktime agreement. Ang mga broadcast facility at studio nito na matatagpuan sa Mandaluyong at Las Piñas; at ang transmitter nito ay matatagpuan sa Millennium Transmitter, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas.[1]

Noong 2019, pinagkalooban ang AMBS ng panibagong prangkisa sa ilalim ng Batas Republika 11253 kahit ito ay walang pirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil ang panukalang batas ay naging batas matapos ang 30 araw na hindi inaaksyunan.[2][3] Gayunpaman, nagpasya ang pamilya Vera at ang dating pangulo ng AMBS na si Andrew Santiago na ibenta ang kumpanya sa Planet Cable na pagmamay-ari ng negosyante at dating Senador na si Manny Villar dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 sa kumpanya at sa himpilan nito sa FM (K-Lite).[4][5]

Noong Enero 5, 2022, iginawad ng National Telecommunications Commission (NTC) sa AMBS ng pansamantalang awtoridad upang patakbuhin ang prikwensiya na digital Channel 16 (dating nakatalaga sa ABS-CBN Corporation) sa loob ng 18 buwan; kabilang ang prikwensiya ng analogong tsanel 2 sa ilalim ng pansamantalang pagtatalaga para sa layunin ng simulcast hanggang sa pagsasara ng analogong pantelebisyon sa 2023.[6][7]

Noong Hunyo 2022, nagsimulang magkaroon ng test broadcast ang AMBS Manila.[8] Sa mga naunang pahayag ng himpilan, nakatakda sanang magsimula sa himpapawid ang istasyon sa Oktubre 1, 2022,[9] ang himpilan ay magkakaroon ng bahagyang paglulunsad sa Setyembre 13, 2022 sa ganap na ika-12 ng tanghali, naka-plano na rin ang pagpapalawak sa naaabot ng himpilan sa buong bansa, ayon sa anunsyo ni Willie Revillame; ang pormal na paglulunsad ng himpilan ay gaganapin bago matapos ang taong 2022 o sa unang bahagi ng 2023. Noong Hulyo 15, 2022, inihayag ni Revillame sa kanyang pagpirma ng kontrata sa himpilan na magbabalik ang Wowowin sa AMBS, matapos ang huling pag-ere nito sa GMA Network noong Pebrero 11, 2022.[10] Matapos ang ilang linggo, pumirma rin ng kontrata sa AMBS ang aktres at TV host na si Toni Gonzaga, ang kaniyang kabiyak at direktor na si Paul Soriano, kabilang sa iba pang personalidad na pumirma ay ang mamamahayag na si Anthony Taberna, dating TV host na si Mariel-Rodriguez Padilla at kilalang mang-aawit at aktres na si Ciara Sotto.[11][12] [13]

Mga kasalukuyang programa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Orihinal na mga programa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talakayan
  • Toni Talks (2022)
Variety shows
Musika
  • K-Lite TV-Radio (2022)

Iba pang mga programa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Drama
Balita

Mga paparating na programa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
mga Asian drama
  • River Where the Moon Rises (September 17, 2022)
  • Again My Life (2022)
  • If You Wish Upon Me (2022)

Himpilang pantelebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Metro Manila, Philippines
Lungsod ng LisensiyaMandaluyong
Mga tsanelAnalogo: 2 (VHF)
Dihital: 16 (UHF)
Birtuwal: 2.01
TatakAll TV Manila
Pagmamay-ari
May-ariAdvanced Media Broadcasting System
Mga kapatid na estasyon
Kasaysayan
Unang pag-ere
13 Setyembre 2022; 2 taon na'ng nakalipas (2022-09-13)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglilisensya
NTC
KuryenteAnalog: 30 kW TPO
Digital: 500 W TPO
Mga link
Websaytalltv.ph

Digital na telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

UHF Channel 16 (485.143 MHz)

Channel Video Aspeto Maikling pangalan Programming Tandaan
02.01 1080i 16:9 ALLTV HD ALLTV (Main DZMV-TV programming) Commercial broadcast

Mga lugar na maaaring masagap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mendoza, Red (Setyembre 13, 2022). "Villar's ALLTV signs on". The Manila Times. Nakuha noong Setyembre 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Republic Act No. 11253". The Corpus Juris.
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-26. Nakuha noong 2022-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "House Concurrent Resolution No. 21" (PDF).
  5. Fernandez, Daniza (Setyembre 23, 2021). "4 broadcasting franchise applications get Senate panel's nod". Inquirer.net. Nakuha noong Nobyembre 27, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Amojelar, Darwin (Enero 25, 2022). "Villar firm bags NTC license, to use ABS-CBN frequencies". Manila Standard. Nakuha noong Enero 25, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rey, Aika (Enero 25, 2022). "Manny Villar gets ABS-CBN frequencies". Rappler. Nakuha noong Enero 25, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "AMBS Channel 2 starts test broadcast for network opening". pep.ph. Hunyo 27, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Bongga ang pasabog sa Oct. 1: AMBS 2 magpapaulan ng biyaya sa Luzon, Visayas, Mindanao". Abante News Online (sa wikang Filipino). Hulyo 16, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ramos, Neil (Hulyo 16, 2022). "Willie Revillame signs with AMBS". Manila Bulletin.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Iglesias, Iza (Setyembre 5, 2022). "Toni Gonzaga, Paul Soriano sign contract with Villar's AMBS Network". The Manila Times. Nakuha noong Setyembre 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Serato, Arnel C. (Setyembre 6, 2022). "Former ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna inks contract with ALLTV". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Filipino). Nakuha noong Setyembre 6, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Requintina, Robert (Setyembre 9, 2022). "Mariel Rodriguez Padilla joins AMBS AllTV". Manila Bulletin. Nakuha noong Setyembre 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "CNN Philippines enters into content license partnership with ALLTV". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 7, 2022. Nakuha noong September 7, 2022. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)