Pumunta sa nilalaman

Akhenaten

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Amenhotep IV)

Si Akhenaten (play /ˌɑːkəˈnɑːtən/;[1] na binabaybay din bilang Echnaton,[6] Akhenaton,[7] Ikhnaton,[8] at Khuenaten;[9][10] na nangangahulugang "buhay na espirito ni Aten") na kilala bago ang kanyang ikalimang taon ng paghahari bilang Amenhotep IV (na minsan ay ibinibigay sa anyong Griyegong Amenophis IV, at nangahulugang Si Amun ay Nasiyahan) ang Paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto na namuno sa loob ng 17 taon at namatay noong 1336 BCE o 1334 BCE. Siya ay mahusay na kilala sa kanyang paglisan mula sa tradisyonal na politeismo ng Sinaunang Ehipto at pagpapakilala ng pagsambang nakasentro kay Aten na tinatawag na Atenismo at inilalarawan na monoteistiko o proto-monoteistiko. Ang simulang inskripsiyon ay nagtutulad kay Aten sa araw kumpara sa mga bituin at kalaunan, ang opisyal na wika ay umiwas na tawagin si Aten na isang diyos na nagbibigay kay Aten na katayuan na mataas sa mga diyos. Tinangka ni Akhenaten na magdulot ng isang paglisan mula sa Panteon na Ehipsiyo ngunit sa wakas ay hindi ito tinanggap. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang tradisyonal na relihiyon ay unti unting ibinalik. Pagkatapos ng ilang mga dosenang taon, ang mga pinuno na walang maliwanag na mga karapatan ng paghahali sa Ikalabingwalong dinastiya ay nagtatag ng bagong dinastiya at kanilang siniraang puri si Akhenaten at ang kanyang mga kahalili. Si Akhenaten ay tinawag na "ang kaaway" sa mga talaang arkibo ng Sinaunang Ehipto.[11]

Si Paraon Akhenaten (gitna) at ang kanyang pamilya ay sumasamba sa diyos na si Aten.

Si Akhenaten ang ama ni paraon Tutankhamun sa kanyang biolohikal na kapatid na babae.[12]

Akhenaten, Nefertiti and their children
Daughter of Amenophis IV or Akhenaten (1351-1334), a forgery executed in the 18th Dynasty, Walters Art Museum
A heavy gold signet ring bearing the throne name of Akhenaten.

Bilang Amenhotep IV, si Akhenaten ay kinasal kay Nefertiti sa simula ng kanyang paghahari at ang anim na mga anak na babae ay natukoy mula sa mga inkripsiyon. Ang kamakailang analysis ng DNA ay naghayag na anak ni Akhenaten si Tutankhamun sa isa sa mga biolohikal na kapatid na babae ni Akhenaten na si Ang Mas Batang Babaeng momya.[12] Ang mga magulang ng kanyang kahalili sa tronong si Smenkhkare ay hindi alam at si Akhenaten at ang isang hindi kilalang asawa ay iminungkahing mga magulang ni Smenkhkare. Ang ikawalang asawa ni Akhenaten na pinangalanang Kiya ay alam mula sa mga inkripsiyon. Ang ilan ay nagpalagay na kanyang nakamit ang kahalagahan bilang ina ni Tutankhamun, Smenkhkare, o parehong ito.

Ang mga anak ni Akhenaten(alam at teoretikal) na may mga minungkahing taon ng kapanganakan:

Ang kanyang mga alam na konsorte ay sina:

Iminungkahi rin na tulad ng kanyang amang si Amenhotep III, maaaring kinuha ni Akhenaten angilan sa kanyang mga anak na babae bilang kanyang mga konsorte:

  • Meritaten na itinala bilang Dakilang Asawang Maharlika sa huli ng kanyang paghahari bagaman mas malamang na kanyang nakuha ang pamagat na ito sanhi ng kanyang pagpapakasal kay Smenkhkare na kapwa-hari ni Akhenaten.
  • Meketaten, na ikalawang anak na babae ni Akhenaten. Ang dahilan ng mungkahing ito ang kamatayan ni Meketaten sanhi ng panganganak o pagkatapos na ikalabingapat na taon ng paghahari ni Akhenaten. Gayunpaman, wala saanman na siya ay may pamagat o cartouche ng isang reyna.
  • Ankhesenpaaten na kanyang ikatlong anak na babae at manipis rin ang ebidenisya. Sa huling taon o pagkatapos ng kamatayan ni Akhenaten, pinakasalan ni Ankhesenpaaten ang kanyang kapatid na si Tutankhamun.

Sa mga simulang tao ng kanyang paghahari, si Amenhotep IV ay nanirahan sa Thebes kasama ni Nefertiti at ng kanyang 6 na mga anak na babae. Sa simula ay pinayagan niya ang pagsamba sa mga tradisyonal na diyos ng Ehipto na magpatuloy ngunit sa Templo ng Karnak(ang dakilang sentrong kulto ni Amun-Ra), ay kanyang itinayo ang ilang malalaking mga gusali kabilang ang mga templo ni Aten. Si Aten ay karaniwang inilalarawan bilang isang disko ng araw. Ang mga gusaling ito sa Thebes ay kalaunang winasak ng kanyang mga kahalili at ginamit bilang lugar para sa mga bagong konstruksiyon sa Templo ng Karnak. Nang ito ay kalaunang lansagin ng mga arkeologo, ang ilang 36,000 mga may dekorasyong bloke mula sa orihinal na gusali ni Aten ay nahayag na nag-iingat na maraming mga elemento ng mga orihinal na eksena ng relief at mga inskripsiyon.[15]

Si Akhenaten na inilalarawan bilang isang sphinx sa Amarna.

Ang relasyon sa pagitan ni Amenhotep IV at mga saserdote(pari) ni Amun-Re ay unti unting nasira. Sa ikalimang taon ng kanyang paghahari, gumawa ng mga desididong hakbang upang itayo si Aten bilang eksklusibo at monoteistikong diyos ng Ehipto]]. Pinahinto ni Amenhotep IV ang kaparian ng lahat ng ibang mga diyos at an inilipat ang mga sahod mula ibang mga kultong ito upang suportahan si Aten. Upang bigyang diin ang kanyang kumpletong katapatan kay Aten, kanyang opisyal na binago ang kanyang pangalan mula sa Amenhotep IV sa Akhenaten o "Buhay na Espirito ni Aten".[15] Ang ikalimang taon ng paghahari rin ni Akhenaten ang nagmarka sa pagsisimula ng pagtatayo ng kanyang bagong kabisera na Akhetaten o "Horison ni Aten" sa lugar na kilala ngayon bilang Amarna. Sa sandali pagkatapos nito, kanyang senintralisa ang mga pagsasanay na Ehipsiyon sa Akhetaten bagaman ang pagtatayo ng siyudad ay tila nagpatuloy sa ilang mga taon. Bilang parangal kay Aten, pinangasiwaan ni Akhenaten ang pagtatayo ng ilang pinakamalalaking mga templong kompleks sa Sinaunang Ehipto. Sa mga bagong templong ito, si Aten ay sinasamba sa bukas na sikat ng araw sa halip na sa mga madidilim na mga hangganan ng mga templo gaya ng nakaraang kustombre. Pinaniniwalaang isinulat ni Akhenaten ang Dakilang Himno kay Aten. Sa simula, itinanghal ni Akhenaten si Aten bilang isang anyo ng pamilyar na supremang diyos na si Amun-Re. Gayunpaman, sa ikasiyam na taon ng kanyang paghahari, idineklara ni Akhenaten na si Aten ay hindi lamang ang supremang diyos kundi ang tanging tagapamagitan sa pagitan ni Aten at ng kanyang mga tao. Kanyang iniutos na lapastangin ang mga templo ni Amun sa buong Ehipto at sa ilang mga instansiya, ang inksripsiyon ng plural na "mga diyos"(gods) ay ianlis. Ang pangalan ni Aten ay isinulat rin ng iba pagkatapos ng ikasiyam na taon ni Akhenaten upang bigyang diin ang radikalismo ng bagong rehimen na kinabibilangan ng pagbabawal sa mga larawang kulto maliban sa may sikat na disko ng araw kung saan ang mga sinag ay tila kumakatawan sa hindi nakikitang espirito ni Aten na sa panahong ito ay ebidenteng itinuturing na hindi lamang isang diyos na araw kung isang pangkalahatang diyos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Akhenaten". dictionary.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-14. Nakuha noong 2008-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Akhenaton". Encyclopaedia Britannica.
  3. Beckerath (1997) p.190
  4. 4.0 4.1 Clayton (2006), p.120
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Dodson, Aidan, Amarna Sunset: Nefertiti, Tutankhamun, Ay, Horemheb, and the Egyptian Counter-Reformation. The American University in Cairo Press. 2009, ISBN 978-977-416-304-3, p 170
  6. Dominic Montserrat, Akhenaten: History, Fantasy and Ancient Egypt, Psychology Press, 2003, pp 105, 111
  7. "Akhenaton (king of Egypt) - Britannica Online Encyclopedia". Britannica.com. Nakuha noong 2012-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Robert William Rogers, Cuneiform parallels to the Old Testament, Eaton & Mains, 1912, p 252
  9. K.A Kitchen, On the reliability of the Old Testament, Wm. B. Eerdmans Publishing, 2003. p 486 Google Books
  10. Joyce A. Tyldesley, Egypt: how a lost civilization was rediscovered, University of California Press, 2005
  11. Trigger et al. (2001), pp.186-7
  12. 12.0 12.1 Schemm, Paul (2010-02-16). "A Frail King Tut Died From Malaria, Broken Leg". USA Today.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "The family of Akhenaton". Nakuha noong 2008-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Grajetzki, Ancient Egyptian Queens: A Hieroglyphic Dictionary, Golden House Publications, London, 2005, ISBN 978-0-9547218-9-3
  15. 15.0 15.1 David (1998), p.125