Pumunta sa nilalaman

Kasamang Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang mga Kasamang Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas (Ingles: Associate Justice of the Supreme Court of the Philippines) ay mga kagawad na bumubuo sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas maliban sa Punong Mahistrado. Itinatadhana sa Saligang Batas ng 1987 na labing-apat ang bilang ng mga Kasamang Mahistrado. Paiba-iba ang dami ng bilang nito magmula nang maitatag ang Kataas-taasang Hukuman noong 1901. Nagsimula ito sa anim noong 1901[1] hanggang sa kasalukuyang bilang na labing-apat sa ilalim ng Saligang Batas ng 1973. May 23 Amerikano ang nanilbihihan din bilang Kasamahang Mahistrado mula 1901 hanggang 1936.[2]

Sa ilalim ng Saligang-Batas ng 1987, ang isang hihiranging Kasamang Mahistrado ay dapat isang katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas, apatnapung taon gulang man lamang, at labinlimang taon o higit pang nanunungkulan bilang hukom ng isang nakabababang hukuman o nagsasanay ng abogasya sa Pilipinas. Kinakailangan ding nag-aangkin ng subok na kakayahan, kalinisang-budhi, katapatan, at malayang pag-iisip ang isang kagawad ng hukuman.[3]

Gaya ng Punong Mahistrado at iba-pang hukom ng mga nakabababang hukuman, ang mga Kasamang Mahistrado ay itinatalaga ng Pangulo mula sa mga isinumiteng nominasyon ng Sangguniang Panghukuman at Pang-abogasya.[4] Sila ay naninilbihan habang maganda ang kanilang kaasalan hanggang sa sapitin nila ang gulang na pitumpung taon o mawalan ng kakayahang magsagawa ng mga tungkulin ng kanilang katungkulan.[5] Ngunit maaari rin silang matanggal sa puwesto sa pamamagitan ng pagsasakdal.[6]

Talaan ng mga kasamang mahistrado

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Batas Blg. 136. Kabanata II, seksiyon 8. (sa Ingles)
  2. Paras, Corazon., at Ramon Ricardo A. Roque. The Chief Justices of the Supreme Court of the Philippines. Lungsod Quezon: Anvil Publishing, 2000. ISBN 971-27-0958-2. (sa Ingles)
  3. 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Artikulo VIII, seksiyon 7.
  4. 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Artikulo VIII, seksiyon 9.
  5. 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Artikulo VIII, seksiyon 11.
  6. 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Artikulo XI, seksiyon 2.