Pumunta sa nilalaman

Bathala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Bathala (nasa ibabaw), isang diwata (nasa ilalim), at isang sarimanok (nasa gitna).

Sila ay mula sa mitolohiya ng mga lumang Tagalog: si Bathala[1] (mula sa Sanskrito: भट्टार [bhaṭṭāra]) ang makapangyarihang diyos. May mga kasama siyang ibang diyos, sina: Maria Makiling, Minukawa, Kabunian at iba pang mga anito. Sa lahat ng ito, si Bathala ang punong diyos o pinaka-ama ng lahat ng mga diyos.

Kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal. Siya ang makapangyarihang diyos, pinaniniwalaan ng mga sinaunang tagalog at hari ng mga Diwata. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naipluensya ng mga Kastila . Pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong ngayon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino ngayon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Bathala, Diyos". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.