Pumunta sa nilalaman

Obando, Bulacan

Mga koordinado: 14°42′30″N 120°56′15″E / 14.7083°N 120.9375°E / 14.7083; 120.9375
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bayan ng Obando)
Obando

Bayan ng Obando
Opisyal na sagisag ng Obando
Sagisag
Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Obando.
Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Obando.
Map
Obando is located in Pilipinas
Obando
Obando
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°42′30″N 120°56′15″E / 14.7083°N 120.9375°E / 14.7083; 120.9375
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBulacan
Distrito— 0301414000
Mga barangay11 (alamin)
Pagkatatag14 Mayo 1753
Pamahalaan
 • Punong-bayanEdwin C. Santos
 • Manghalalal35,974 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan52.10 km2 (20.12 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan59,978
 • Kapal1,200/km2 (3,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
15,171
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-2 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan13.23% (2021)[2]
 • Kita₱202,638,848.8687,133,993.4194,341,590.13107,619,189.23118,584,000.00131,183,000.00145,156,896.07155,411,050.15170,775,890.95203,129,717.98259,366,511.85 (2020)
 • Aset₱233,295,057.1039,043,600.0642,921,225.3863,203,778.16103,927,000.00110,859,000.00152,191,484.81177,572,686.45198,603,726.20212,120,460.87260,779,958.39 (2020)
 • Pananagutan₱81,858,060.1814,567,696.1117,556,009.3626,712,811.3345,545,000.0048,177,000.0060,285,302.0577,136,273.1980,804,442.8664,914,300.1974,927,832.58 (2020)
 • Paggasta₱188,662,855.9784,732,628.2293,452,237.5710,720,531.1596,665,000.00127,081,000.00145,156,896.07155,411,050.15153,413,020.86209,169,452.22220,786,006.72 (2020)
Kodigong Pangsulat
3021
PSGC
0301414000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytobandopilipinas.wordpress.com

Ang Obando[3] (pagbigkas: o•bán•do) ay isang ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. 16 kilometro ang layo nito mula sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Napapagitnaan ang Obando ng dalawang lungsod mula sa Kalakhang Maynila: ang Lungsod ng Valenzuela sa silangan, Navotas at Lungsod ng Malabon sa timog, Bulacan sa hilaga, at ang mga katubigan ng Look ng Maynila sa kanluran. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 59,978 sa may 15,171 na kabahayan.

Sa patuloy na paglawak ng Kalakhang Maynila, kabilang na ngayon ang lungsod sa binuong area ng Maynila na umaabot sa San Ildefonso sa pinakahilagang bahagi nito.[3]

Senso ng populasyon ng
Obando
TaonPop.±% p.a.
1903 8,051—    
1918 7,604−0.38%
1939 10,026+1.33%
1948 11,957+1.98%
1960 18,733+3.81%
1970 27,176+3.79%
1975 32,378+3.57%
1980 39,618+4.12%
1990 46,346+1.58%
1995 51,488+1.99%
2000 52,906+0.58%
2007 56,258+0.85%
2010 58,009+1.12%
2015 59,197+0.39%
2020 59,978+0.26%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]

Mula noong 2002, may tinatayang populasyong 58,245 ang Obando, kung saan 49% ang kalalakihan at 51% ang kababaihan. Sa kasalukuyang populasyon, may 14% ang namumuhay sa mga rural na barangay habang ang kabilang ang natitira sa populasyong urbano. Mayroon itong mga 12,349 kabahayan. P9,000.00 ang karaniwang buwanang sahod ng isang kabahayan, bahagyang mas mababa kaysa sa minimum na P9,540.00 para sa isang mag-anak na may 6 na abot-kayang-tiisin o abot-saklaw (threshold) na itinakda ng Kagawaran ng Kabutihang Panlipunan at Kaunlaran (Department of Social Welfare and Development).[3]

Mga suliranin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga suliran ng bayan ng Obando ang dagsaang pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan at ang polusyon ng ilog dahil sa pook tapunan sa Tanza, Navotas. Noong 2002, nagpasa ang Sangguniang Bayan ng Obando, Bulacan ng isang kontrobersiyal na resolusyong nagpapahintulot sa mga barge ng Phileco (Philippine Ecology Systems Corporation) na dumaan sa mga kailugan ng Obando upang magtapon ng nilalaman nitong mga basura sa dating-ilog na kontralodong tapunan ng basura ngayon sa Tanza, Navotas, 1 kilometro lamang ang layo mula sa Obando. Maraming mga pagkilos ng masa ng mamamayan ang tumuligsa rito ngunit nabigo ang mga lokal na opisyales para pigilin ang pagtatapon magpahanggang sa ngayon. May mga pag-aaral na nagpapakitang nakapagpapadumi ng ilog ang operasyon ng tapunan at nakapagdulot ng ilang mga karamdaman sa mga naninirahan, karamihan na ang mga may edad, kababaihan at mga kabataan.[3]

Kabuhayan (Ekonomiya)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Trabaho sa lungsod - marami sa mga Obandenyo (o Obandeño) ang may mga "puting-kolyar" na trabaho at naghahanapbuhay sa Kalakhang Maynila. Marami sa kanila ang naging matagumpay at may ilang mga malalaking pangalan sa likod ng mga kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan.
  • Trabaho sa pabrika - mayroon ding mga naninirahang naghahanapbuay sa mga pabrika sa Obando at kanugnog-bayan.
  • OFW - may mga Obandenyo ring sumubok magtrabaho sa ibang bansa kung saan marami ang nagsipagtagumpay.
  • Pangingisda, isang dating pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Obando, marami pa ring aktibong mga mangingisda.
  • Ibang pinagkukunan ng kabuhayan ang pagpoproseso ng mga pagkain, pagaalaga ng mga bibe, poltri, baboy at pagpapalaki ng mga maaalagaang mga hayop.
  • Pangangalakal - kabilang ang pagtitinda ng mga barbekyu at samalamig, mga teleponong selular, tindahang sari-sari, tiangge, potograpiya, at iba pang mga serbisyo.
  • Pedicab o Trike, isa rin itong pangkaraniwang tanawin sa Obando, Bulacan. Ginagamitan ng lakas ng tao ang isang traysikel na may isa o dalawang upuang pantao para dalhin ang mga pasahero, kabilang ang drayber. Maraming mga Obandenyo ang gumamit ng ganitong sasakyang pampubliko, at mas ibig ng mga sumasakay na mga mamamayan sapagkat mas mura ang pamasahe kapag inihambing sa dyipni o traysikel na may motor. Mas gamitin ito tuwing may pagbaha.
  • Pananahi at paggawa ng mga alahas - tanyag ang mga ito ngunit humina ang negosyo noong 2002.
Isang palaisdaan sa Obando

Isa sa mga katangian ng Obando ang pagkakaroon ng mga patag at mabababang mga baybaying sabana o kapatagan. Dating isang estuwaryo (wawa o bunganga ng ilog) ang area ngunit nabuo mula sa gilid o hangganan dahil sa mga buhangin at naging pangkasalukuyang anyong binubuo ng mga distritong pangkalakalan (commercial), bahaging industriyal na disitrito, pamahayan (residential) at palaisdaan. Sa loob ng munisipalidad, mayroong dalawang kailugan at tatlong maliliit na ilog o ilug-ilugan, ang Ilog ng Meycauayan sa hilaga, ang Ilog ng Pinagkabalian sa timog at ang Ilog Paco, Ilog Hulo at Ilog Pag-asa na tumatagos sa bayan kahanay ng daang panlalawigan.[3]

Mayroon 15.91 km² areang lupain ang Obando. Mayroon itong urbanong areang 1.85 km² na binubuo ng 2 mga barangay, binubuo ng 14.06 km² areang rural ang iba pang 9 na mga barangay, 82.50% ang mga palaisdaan. Pampolitika na nahahati pa sa 11 barangay (8 urbano, 3 rural) ang Obando. Nakalagak sa kahabaan ng Ilog ng Paliwas ang mga barangay ng Binuangan at Salambao, at maaari lamang marating sa pamamagitan ng pagsakay sa mga bangkang may motor.[3]

Tulad ng ibang mga bayan sa Bulacan, mayroong dalawang natatanging panahon ang Obando: ang tag-init at tag-ulan. Nagaganap ang tag-ulan mula Mayo hanggang Oktubre, habang ang tag-araw naman tuwing Nobyembre hanggang Abril. Tumatanggap ng 80% pagbagsak ng ulan sa taunang pag-ulan tuwing panahon ng tag-ulan ang Obando, dahil sa habagat ng kanluran at mga bagyo.[3]

Ang Simbahan ng Obando.

Ang bayan ng Obando ay nahahati sa 11 mga barangay.[3]

  • Binuangan
  • Catanghalan
  • Hulo
  • Lawa
  • Salambao
  • Paco
  • Pag-asa (Pob.)
  • Paliwas
  • Panghulo
  • San Pascual
  • Tawiran

Noong ika-18 daantaon, binubuo lamang ng isang bayan - ang Munisipalidad ng Meycauayan - ang mga munisipalidad na kilala ngayon bilang Meycauayan, Polo at Obando. Lumikha ang bayan ng Polo at Obando ng isang baryong tinawag na Catangalan. Noong taong 1623, binuo ang munisipalidad ng Polo, na kilala ngayon bilang Lungsod ng Valenzuela, na kinabubukluran ng pangkasalukuyang mga teritoryo ng Bayan ng Obando. Sa pamamagitan ng isang kautusang ipinatupad noong ng Gobernador at Kapitan Heneral ng Kapuluang si Don Francisco de Obando y Solís Márquez ng Obando, nilikha ang bayan at inihiwalay mula sa inang bayan nitong Polo noong 14 Mayo 1753. Dahil sa wala sa panahong pagkamatay ng gobernador sa kamay ng mga Britaniko noong panahon ng Pitong Taong Digmaan, isinagawa ang paglikha at pagtatatag ng bayan ng alkalde mayor ng lalawigang si Don Francisco Morales y Mozabe, ng Ministrong Panlalawigan, S. Gregorio, Reb. Pr. Alejandro Ferrer, kasama ang maraming mga debotong mga relihiyoso. Si Reb. Fr. Manuel De Olivendia ang ministrong napili para pangasiwaan ang bayan. Noong taong 1907, naging isang nagsasariling bayan ng Bulacan ang Obando. Pagkaraan, dahil sa walang kapagurang pagpupunyagi ng mga opisyal ng munisipyo, muling nilikom ang isang bahagi ng Gasak, Navotas, upang maging bahagi ng Obando. Pinilit nila itong kinuha sapagkat naniniwala ang mga opisyal ng Obando na dating bahagi ng Munisipalidad ang Gasak na inampon lamang ng Navotas sa paglipas ng panahon. Nagtagumpay ang mga opisyal noong 30 Enero 1975 dahil sa Kautusan ng Pangulo Bilang 646 (Presidential Decree No. 646). Isang bahagi ng Gasak, Navotas na tinatayang may 1.78 kuwadrado kilometro ang nabalik sa Obando. Karamihan sa mga ito ang mga palaisdaan at mabuhanging baybayin at pinaniniwalaang magsisilbing mainam na panghikayat na pangturismo kapag napaunlad. Sa pamamagitan ng resolusyon ng Konsehong Munisipal ng 1975, naging isang barangay ang area at pinangalanang Nuestra Señora de Salambao bilang pagbibigay papuri sa isang patron ng Obando.[3]

Mga alkalde ng Obando, Bulacan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Edwin C. Santos (2013 - kasalukuyan)
Orencio E. Gabriel (2007 - 2013)
Zoilito Santiago (2004 - 2007)
Onesimo Joaquin (2001 - 2004)
Conrado Lumabas Jr. (1992 - 2001)
Bienvenido Evangelista (1988 - 1992)
Antonio Joaquin (OIC 1986 - 1988)

Mga bise-alkalde ng Obando, Bulacan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Zoilito A. Santiago (2013 - kasalukuyan)
Danilo R. de Ocampo (2010 - 2013)
Leonardo S. Pantanilla (2007 - 2010)
Jose S.D. Correa (2004 - 2007)
Zoilito A. Santiago (2001 - 2004)
Onesimo Joaquin (1998 - 2001)
Romerico Santos (1995 - 1998)
Gaudioso Espinosa (1992 - 1995)
Romegio Dela Cruz (1988 - 1992)

Mga Makasaysayang Lugar/Pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simbahan
San Pascual Baylon Parish
Binuangan United Methodist Church (1905)
Obando Central United Methodist Church (1916)
Nuestra Senora de Salambao

Himno ng Obando

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May himno ang Obando, Bulacan, na pinamagatang: Obando, Bayang Pinagpala. Narito ang mga panitik:[3]

Dito ako isinilang sa bayang puno ng kasaysayan
Dito ko rin natutunan kulturang minana’t kinagisnan
Yamang dagat may biyayang taglay
Mga patron ang gaming gabay
Taong baya’t pinuno sama-sama sa pagsulong ng aming

Bayang pinagpala, nakamit ang tunay na biyaya
Bayang ipagmamalaki sa puso at diwa.

Saan man ako mapadayo, ipagmamalaking bayan ko’y Obando
Dayuhan ka man sa aking bayan, ituturing kang tunay na kaibigan
Pagtulong sa ‘min ay nakalaan,
Problema mo’y tiyak kang dadamayan
Taong baya’t pinuno sama-sama sa pag-unlad ng aming

Bayang pinagpala, nakamit ang tunay na biyaya
Bayang ipagmamalaki sa puso at diwa.

Bayang pinagpala, nakamit ang tunay na biyaya
Bayang ipagmamalaki sa puso at diwa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 Obando, Bayang Pinagpala!, Pamahalaang Bayan ng Obando, 2006/2007
  4. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]