Panlalaking kondom
- Ang artikulong ito ay tungkol sa panlalaking kondom, para sa kondom na ginagamit ng mga babae, tingnan ang pambabaeng kondom. At para sa isang bayan sa Pransiya, puntahan ang Condom, Gers.
Ang kondom o panlalaking kondom (Ingles: condom) ay isang kasangkapan, karaniwang yari mula sa latex at sa di pa katagalan mula sa polyurethane, na karaniwanang ginagamit sa panahon ng pakikipagtalik. Ikinakabit ito sa nakatayong titi ng isang lalaki at hinaharangan nito ang pagpasok ng lumabas na tamod patungo sa katawan ng katalik na tao. Ginagamit ang kondom upang maiwasan ang pagdadalang-tao at ang paghahatid ng mga karamdamang nakahahawa sa pamamagitan ng pagtatalik katulad ng gonorea, sipilis at HIV. Ito ay ginagamit rin sa pangogolekta ng semilya para sa pag-bubuntis ng mga taong baog. Dahil ang mga kondom ay di-nababasa (waterproof), elastiko, at matibay. Ito ay ginagamit sa mga bagay na di-sekswal katulad ng pag-gawa ng di-nababasang mikropono.
Bilang isang paraan sa pagkontrol ng pag-aanak, ang mga kondom na para sa mga lalaki ay lamang sa pagiging mura, madaling gamitin, konting masamang epekto, at proteksiyon sa mga sakit na nakukuha lamang sa pagtatalik (STDs). Gamit ang angkop na talino, pamamaraan at pag-gamit nito sa bawat kabanata ng pagtatalik, ang babae na ang kapareha ay gumagamit ng mga kondom ay may 2% na pagkakataon upang mabuntis kapag matino ang pagkakagamit at 18% na pagkakataon na mabuntis bawat taon sa karaniwang pag-gamit. Ito ay ginagamit na noong nakaraan na 400 na taon. Mula ika-19 na siglo, ito na ang pinakamabisang paraan ng contraception sa mundo. Kahit ito ay tinatanggap na sa kasalukuyang panahon, meron pa ring pagtatalo na nagaganap tungkol dito, batay kung paano ito ituturo sa mga klase ng sex education.
Gamit pang-medisina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad ng mga iba't ibang uri ng pagpipigil sa pagbubuntis, maaaring suriin ang bisa ng mga kondom sa dalawang paraan. Ang perpektong gamit o rate ng paggamit ay tumutukoy lamang sa sukat ng bisa ng kondom ayon sa mga taong tama at wasto ang paggamit ng kondom. Ang aktuwal na paggamit o tipikal na paggamit ay tumutukoy naman sa mga tao na hindi tama ang paggamit o hindi kadalasang gumagamit ng kondom. Ang mga rate ay karaniwang ipinapahayag para sa unang taon ng paggamit. Para naman kalkulahin ang mga uri na ito, karaniwang ginagamit ang Pearl Index, subalit may ibang mga pagsusuri na gumagamit naman ng mga talahanyang bawasan (decrement tables).
Ang rate ng pagbubuntis sa tipikal na gamit ay umaabot mula 10 hanggang 18% bawat taon, depende sa populasyon na sinusuri. Ang rate ng pagbubuntis sa perpektong paggamit ay hanggang 2% lamang bawat taon. Ang mga kondom ay maaaring gamitin kasama ang iba pang uri ng pagpipigil sa pagbubuntis para sa mas higit na proteksiyon, tulad ng spermicide.
Pagpipigil sa panganganak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kondom ay higit na inirerekumenda para sa pag-iwas sa mga sexually transmitted infections (STIs) o mga impeksiyon na nakukuha sa pagtatalik. Napatunayan nang mabisa ang mga ito sa pagbaba ng mga rate ng impeksiyon sa parehong kalalakihan at kababaihan. Bagama't hindi perpekto, ang kondom ay epektibo naman sa pagbaba ng pagkalat ng mga organismo na nagdudulot ng AIDS, genital herpes, cervical cancer, genital warts, syphilis, chlamydia, gonorrhoea, at iba pang mga sakit. Kadalasan din na inirerekumenda ang kondom bilang pandagdag sa mga mas mabisang kaparaanan ng pagpipigil ng panganganak (tulad ng IUD) kung saan ninanais din ang proteksiyon laban sa STD.
Ayon sa isang ulat ng National Institutes of Health (NIH) sa Bethesda, Maryland, Estados Unidos, ang tama at tuloy-tuloy na paggamit ng kondom na gawa sa latex ay nakakababa ng panganib na mahawa ng HIV/AIDS hanggang 85% kumpara sa panganib kung hindi gagamit ng kondom. Dahil dito, ang seroconversion rate o rate ng impeksiyon na kung nasa 6.7 bawat 100 bawat tao-taon ay bumababa hanggang 0.9 bawat 100 na tao-taon. Sa isang pagsusuri noong 2007 mula sa University of Texas Medical Branch at sa World Health Organization, nakita ang parehong pagbawas ng panganib na 80-95%.
Ayon din sa ulat na gawa ng NIH noong 2000, ang paggamit ng kondom ay labis na nakabababa ng panganib ng gonorrhoea para sa mga lalake. Sa isang pagaaral noong 2006, ang tamang paggamit ng kondom ay nakababawas naman ng panganib ng transmisyon ng human papillomavirus sa mga babae nang humigit-kumulang 70%. Sa iba namang pagsusuri noong parehong taon din, nakita naman na ang tuloy-tuloy na paggamit ng kondom ay epektibo sa pagbabawas ng transmisyon ng herpes simplex virus-2 o genital herpes sa parehong kalalakihan at kababaihan.
Bagaman ang kondom ay mabisa sa paglimit ng mga ganitong panganib, maaari pa ring magkaroon ng pagkalat ng mga sakit kahit gamit ang kondom. Ang mga bahagi ng ari na nakahahawa, lalo na't kung ang mga sintomas ay naroroon, ay posibleng hindi matakpan ng kondom, at bilang resulta, may mga sakit na maaaring lumipat sa direktang pagdikit sa mga bahaging ito. Ang pangunahing isyu sa bisa ng paggamit ng kondom upang pigilan ang STDs ay ang hindi tuloy-tuloy na paggamit nito.
Ang mga kondom ay maaari ring nakatutulong sa pagpapagamot ng potensyal na precancerous cervical na mga pagababago. Ang pagkakalantad sa human papillomavirus, kahit sa mga taong nahawaan na nung virus, lumalalabas ay nakatataas ng panganib ng pagbabagong precancerous. Ang paggamit ng kondom ay nakatutulong sa pagtaguyod ng pag-urong ng mga pagbabagong ito. Bilang karagdagan, ang mga mananaliksik sa United Kingdom ay iminumungkahi na mayroong hormone sa semilya na maaaring magpalubha ng narorooon nang kanser na cervical at ang paggamit ng kondom sa pagtatalik ay maaaring makapigil ng panganib na ito.
Paggamit ng kondom
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa tamang paraan ng pagkakabit at pagsusuot ng kondom ang mga sumusunod na hakbang:
- Sinisigurado muna ng magsusuot kung may bisa pa ang kondom na gagamitin bago makipagtalik. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtingin sa petsang nakasulat sa pakete o kahon na pinanggalingan ng kondom. Tinitiyak ng magsusuot na hindi pa lagpas sa petsang hangganan ng pagiging mabisa ng kimikal o gamot na pinagbabaran at nakapahid sa kondom. Hindi na ginagamit at pinapalitan na ang kondom na lagpas na sa petsa kung hanggang kailan puwede o dapat magamit.
- Makaraang matiyak na magiging epektibo pa ang kondom, pinipisil ng magsusuot ang dulo ng kondom upang maalis ang hangin mula rito. Hindi hinahatak ang kondom bago isuot at bago gamitin.
- Pinapatigas muna ng lalaki ang kaniyang titi bago tuluyang ipasok ang titi sa kondom. Isinusuklob ng lalaki ang kondom hanggang sa mabalutan ang kabuuan ng kaniyang titi, at pinaabot naman ang kabuoan ng kondom hanggang sa pinakapuno ng tubo ng titi.
- Hindi pinapagamit ang lalaki, maging ang kaparehang babae, ng mga pampadulas na langis o losyon. Iminumungkahi ang paggamit lamang ng mga pampadulas o lubrikanteng may halong tubig, o kaya laway lamang.
- Pinapag-ingat ang lalaki upang hindi matanggal o kay mapunit ang kondom habang inilalabas ang titi mula sa kiki pagkaraan ng pagtatalik.
- Ipinatatanggal at ipinahuhubad ang kondom habang matigas pa rin ang titi ng lalaking nakipagtalik. Sa huli, ipinabubuhol ang nagamit nang kondom at ipinatatapon sa tamang tapunang lugar.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ “Tamang Paraan ng Paggamit ng Condom” Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008