Pumunta sa nilalaman

Khufu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Khufu at orihinal na Khnum-Khufu ang pangalan sa kapanganakan ng paraon na namuno sa Ikaapat na dinastiya ng Ehipto noong Lumang Kaharian ng Ehipto noong mga 2580 BCE. Siya ay kilala rin sa kanyang helenisadong pangalan na Khêops o Cheops nina Diodor at Herodotus at hindi mahusay na kilala sa ilalim ng isa pang helenisadong pangalan na Súphis ni Manetho.[4][8] Ang isang bihirang bersiyon ng pangalan ni Khufu na ginamit ni Josephus ay Sofe.[9] Si Khufu ang ikalawang paraon ng Ikaapat na dinastiya. Siya ay humalili sa trono kanyang posibleng amang si paraon Sneferu. Siya ay pangakalahatang tinatanggap ng mga Ehiptologo na nagtayo ng Dakilang Pyramid ng Giza na isa sa Pitong mga Hiwaga ng Sinaunang Mundo. Gayunpaman, ang maraming ibang mga aspeto ng kanyang pamumuno ay nadokumento ng hindi mahusay.[4][8] Ang tanging kumpletong portrait ni Khufu ang tatlong pulgadang mataas na pigurang ivory na natagpuan sa gibang templo ng kalaunang panahon sa Abydos, Ehipto noong 1903. Ang ibang mga relief at estatwa ay natagpuan sa mga pragmento at ang maraming mga gusali ni Khufu ay nawala. Ang lahat ng alam tungkol sa kanya ay nagmumula sa mga inskripsiyon sa kanyang nekropolis sa Giza at mga kalaunang dokumento. Halimbawa, si Khufu ang pangunahing aktor ng sikat na Papyrus Westcar mula sa Ikalabingtatlong dinastiya ng Ehipto.[4][8] Ang karamihan ng mga dokumento na nagbabanggit kay Khufu ay isinulat ng mga sinaunang historyan na Ehipsiyo at Griyego noong mga 300 BCE. Ang obit ni Khufu ay itinatanghal sa magkasalungat na paraan. Samantalang siya ay nagtamas ng isang tumagal na pag-iingat na pamanang kultural sa panahon ng Lumang Kaharian ng Ehipto at Bagong Kaharian ng Ehipto, ang mga historyan na sina Manetho, Diodorus at Herodus ay nagpasa ng isang napaka negatibong at kritikal na paglalarawan sa katangian ni Khufu.[4][8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Alan B. Lloyd: Herodotus, book II., p. 62.
  2. 2.0 2.1 Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs. p42. Thames and Hudson, London, 2006. ISBN 978-0-500-28628-9
  3. Malek, Jaromir, "The Old Kingdom" in The Oxford History of Ancient Egypt, ed. Ian Shaw, Oxford University Press 2000, ISBN 978-0-19-280458-7 p.88
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Thomas Schneider: Lexikon der Pharaonen. Albatros, Düsseldorf 2002, ISBN 3-491-96053-3, page 100–102.
  5. King Kheops accessed November 18, 2006
  6. 6.0 6.1 6.2 von Beckerath: Handbuch der ägyptischen Königsnamen, Deutscher Kunstverlag (1984), ISBN 3-422-00832-2
  7. Aidan Dodson & Dyan Hilton: The Complete Royal Families of Ancient Egypt. Thames & Hudson, 2004, ISBN 0-500-05128-3 pp.52–53
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 Aidan Dodson: Monarchs of the Nile. American Univ in Cairo Press, 2000, ISBN 977-424-600-4, page 29–34.
  9. Flavius Josephus, Folker Siegert: Über Die Ursprünglichkeit des Judentums (Contra Apionem) (=Über die Ursprünglichkeit des Judentums, Volume 1, Flavius Josephus. From: Schriften Des Institutum Judaicum Delitzschianum, Westfalen Institutum Iudaicum Delitzschianum Münster). Vandenhoeck & Ruprecht, Göttingen 2008, ISBN 3-525-54206-2, page 85.