Pumunta sa nilalaman

Pag-arok sa lalim ng lalamunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lalamunang malalim)
Isang babaeng nagsasagawa ng pagsubo sa ari ng lalaki na inaarok ang lalim ng sarili niyang lalamunan.
Ibang posisyong pampagtatalik na nagsasagawa ng pag-arok sa lalim ng lalamunan ng katalik. Tinatawag ang posisyon bilang posisyong "over-the-edge" o "lampas sa hangganan".

Ang Pag-arok sa lalim ng lalamunan o pag-abot sa lalamunang malalim (Ingles: Deep-throating, deep throat) ay isang gawaing seksuwal kung saan ang isang katalik, maaaring babae o lalaki, ng isang lalaki ay isinusubo o halos nilulunon ang buong nakatayong titi na napakalalim o napaka nasa loob ng bibig ng katalik, na lampas sa epiglotis at papasok sa lalamunan. Ang gawaing ito ay isang uri ng pagsubo sa ari ng lalaki o fellatio, na isang uri ng pagtatalik na pambibig.[1] Mayroong isang pantasyang pinagbatayan ang gawaing ito, nagsasaad ang pantasya na may isang buwitreng nagbuka sa bibig ng isang bata at pinuwersang ipasok nito ang kanyang buntot. Tumutugon ang pantasyang ito sa ideya ng fellatio, isang gawaing seksuwal kung saan ang aring pangkasarian ay ipinapasok sa bibig ng ibang tao.[2] Para sa pagpapalamon ng ari hanggang lalamunan, ang titi ay dapat na may sapat na haba upang maabot nito ang likuran ng lalamunan ng katalik.[1] Ang tao na ang titi ay nakapasok ay pangkaraniwang tinatawag na "katalik na tumatanggap", at ang taong nagsasagawa ng pag-arok sa lalim ng lalamunan ay tinutukoy bilang ang "katalik na nagbibigay".

Napakahirap para sa karamihan ng mga tao upang maisagawa ang pag-arok sa lalamunan, dahil sa likas na pag-ikas sa bara (pagluluwa ng pasak, gag reflex o pharyngeal reflex sa Ingles)[3] na nauudyok kapag nahipo o nasagi ang malambot na ngala-ngala.[4] Mayroong iba't ibang kaselanan o antas ng pandama ang iba't ibang mga tao sa repleksiyang ito, subalit may ilang mga tao na natututong pigilan ang repleksiyang ito.

Ang gawain ay humahantong sa isang buo at naiibang estimulasyon ng bibig kung ihahambing sa regular na pagsubo ng titi, habang ang dila ng mapagbigay na katalik ay hindi gumagalaw habang umaarok sa lalim ng lalamunan at hindi nila nagagawa ang pagsupsop; ang glans penis (ang burat, turat, o ulo ng titi) ay nakakaranas ng masidhing estimulasyon dahil sa kahigpitan ng lalamunan ng nagbibigay na katalik.Ito karaniwan sa mga bakla o homoseksuwal na nasanay nang lumunok ng punlay ng lalake o naging bisyo na gawain ang sapilitang paninipsip sa ari ng lalake upang mapadali ang paglabas ng semilya.Ang ganitong gawain ay isang uri ng panghahalay o rape dahil Sa sapilitang paninipsip kung kayat may kaakibat na masamang naidudulot sa hinahalay na lalake gaya ng labis na panghihina ng katawan at pagkahawa sa kabaklaan![5]

Mga posisyon sa pagtatalik

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong ilang mga posisyon sa pakikipagtalik na angkop na angkop para sa pagsasagawa ng pag-arok sa lalamunan. Pinaka mahalaga sa pagpoposisyon o pagpuwesto ang pagpapahinga o hindi paggalaw ng mga masel ng lalamunan ng tumatanggap na katalik. Isang karaniwang posisyon ay ang pagtuwid o paghanay ng bibig at lalamunan ng nagbibigay na katalik upang maging isang tuwid na guhit (katulad ng sa isang tagalunok ng espada), subalit mayroon pang ibang posibleng mga pagpupuwesto, lalo na ang lahat ng regular na mga posisyong ginagamit sa pagtatalik na pambibig, katulad ng posisyong 69. Isang pangkaraniwang posisyon para sa paglunok ng ari sa lalamunan ay ang tinatawag sa Ingles na posisyong "over-the-edge" o "lampas sa hangganan" o "lampas sa gilid". Sa ganitong puwesto, ang nagbibigay na katalik ay nakahiga na ang ulo ay nakabitin sa gilid ng kama at nakatayo o nakaluhod naman ang tumatanggap na katalik sa harapan ng nagbibigay na katalik, na ang titi niya ay nasa antas na kapantay o kasingtaas lamang ng kinalalagyan ng bibig ng nagbibigay na katalik. Isa pang pangkaraniwang puwestong ginagamit para sa pag-arok sa lalamunan ay kinasasangkutan ng pag-upo ng nagbibigay na katalik sa ibabaw ng dibdib ng tumatanggap na katalik, na ang kanyang paa o titi ay nasa harapan ng nagbibigay na kapareha.

Habang nasa regular na pag-arok sa kalaliman ng lalamunan, ang may kontrol o pagtaban ay ang nagbibigay na katalik. Ang pag-arok ng ipinasok na titi sa lalim ng lalamunan na kinasasangkutan ng paglalabas-masok o umiindayog na titi ng katalik ay tinatawag na irrumatio.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Wright, Anne (2009). Grandma's Sex Handbook. Intimate Press, USA. p. 161. ISBN 9780578020754. Nakuha noong Enero 7, 2012.
  2. Freud, Sigmund (1916). Leonardo da Vinci: A PSYCHOSEXUAL STUDY OF AN INFANTILE REMINISCENCE. New York: MOFFAT YARD & COMPANY. p. 39. Nakuha noong Enero 7, 2012. The situation contained in the phantasy, that a vulture opened the mouth of the child and forcefully belabored it with its tail, corresponds to the idea of fellatio, a sexual act in which the member is placed into the mouth of the other person.
  3. McDougal, David; Van Lieshout, Dave; Harting, John. "Medical Neurosciences". UW-Madison Medical school. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 6, 2012. Nakuha noong Enero 7, 2012. Naka-arkibo March 6, 2012[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  4. "About WordNet - WordNet - About WordNet". Princeton University. 2010. Nakuha noong Enero 7, 2012.
  5. Gentry, Cynthia W. (2005). The Bedside Orgasm Book: 365 Days of Sexual Ecstasy. Gloucester, Massachusetts USA: Fair Winds Press. p. 260. ISBN 1592331017. Nakuha noong Enero 7, 2012.