Mga Alyado ng Unang Digmaang Pandaigdig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Mga Alyansa o Kapangyarihang ng magkaka-alyansa(Allies o Allied Powers) ay maaaring tumukoy sa:

Ang unang alyansa ay nagsimula sa panahon ni Bismarck. Nalaman niya na nagbabalak ipaghihanti ng Pransiya ang inabot na kahihiyan sa digmaang Franco-Prusyan. Nakatitiyak ang Alemanyan na hindi aatake ang Pransiya nang walang katulong, pumayag siyang makipag-alyansa sa Austria-Hungary at Rusya noong 1881, nang sumunod na taon binuo ng Triple Alliance na kinapapalooban ng mga bansang Austria-Hungary at Italya.

Pagkatapos ng pagbibitiw ni Bismarck noong 1890, ipinakilala ni Kaiser William II ang kanyang sariling mga patakaran. Pinangalagaan niya ang Triple Alliance ngunit tinapos na ng Alemanya ang kanyang kasunduan sa Rusya, kaya malaya ang Rusya na humanap ng bagong kaalyansa.

 Noong 1914, nang sumabog ang digmaan, laban sa isang panig ang Alemanya at Austria-Hungary. Nakilala ito na Kapangyarihang Sentral.