Pumunta sa nilalaman

Renasimiyento

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Muling pagbanat)
David, ni Michelangelo (Accademia di Belle Arti, Florence) isang obra maestra ng Renasimiyento at ng pandaigdigang sining.

Ang Renasimiyento (mula Kastila: Renacimiento; Ingles: Renaissance), kilala rin sa tawag na Muling Pagsilang, ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Kapanahunan at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Gitnang Kapanahunan at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon. Nakatuon ang tradisyonal na pananawa sa mga maagang modernong aspeto ng Renasimiyento at hinihimok na pagtigil ito ng nakaraan, ngunit nakatuon ang mga mananalaysay ngayon sa mga edad medyang aspeto at hinihimok na karugtong ito ng gitnang panahon.[1][2]. Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.

Bilang kilusang pangkultura, kasama sa Renasimiyento ang makabagong pamumulaklak ng Latin at katutubong panitikan na nagsimula sa muling pag-aaral mula sa mga klasikong sanggunian noong ika-14 na siglo na pinupuri ng mga kapanahon kay Petrarch; ang pagsulong ng perspektibong linyar at ibang kasiningan para mailarawan ang mas natural na realidad sa pagpipinta; at unti-unting pero laganap na reporma sa edukasyon. Sa pulitika, nag-ambag ang Renasimiyento sa pag-unlad ng mga kaugalian at kombensyon ng diplomasya, at sa agham sa nadagdagang pagtitiwala sa pagmamasid at pangangatuwirang pasaklaw. Kahit mararami ang mga rebolusyon ng Renasimiyento sa mga intelektwal na pagtugis, pati na rin ang pagbabagong panlipunan at pampulikta, marahil na pinakakilala ito para sa kanyang pagsulong sa kasiningan at sa mga kontribusyon ng mga erudito katulad nila Leonardo da Vinci at Michelangelo na naging inspirasyon para sa terminong "taong Renasimiyento (Ingles: Renaissance man)".[3][4]

Nagsimula ang Renasimiyento noong ika-14 na siglo sa Florencia, Italya.[5] Mararami ang mga napanukalang teorya para mapaliwanag ang kanyang pinagmulan at katangian na nakatuon sa iba't ibang salik katulad ng kakaibhang panlipunan at pambayan sa panahong iyon: istrakturang pampulitika, ang pagtataguyod ng kanyang nangingibabaw na pamilya, ang Medici,[6][7] at ang pandarayuhan ng mga Griyegong iskolar at kanilang mga teksto sa Italy pagkatapos ng Pagbasak ng Constantinople sa Ottomang Turko.[8][9][10] Kabilang sa mga ibang pangunahing sentro ang mga hilagang Italyanong lungsod-estado katulad ng Venezia, Genova, Milano, Bologna, at sa huli Roma noong Renasimiyentong Kapapahan.

Ang Renasimiyento ay may mahaba at masalimuot na historyograpiya, at, alinsunod sa pangkalahatang pag-aalinlangan ng mga hiwalay na pagpapanahon, nagkaroon ng debate ang mula mananalaysay na tumugon sa ika-19 na siglong pagkaluwalhati ng "Renasimiyento" at indibidwal na bayani ng kultura bilang "taong Renasimiyento" na inuusisa ang kahalagahan ng Renasimiyento bilang isang termino at makasaysayang guhit-balangkas.[11] Naobserbahan ni Erwin Panofsky, isang mananalaysay ng sining ang pagtutol sa konsepto ng "Renasimiyento":

Marahil na hindi aksidente na ang katotohanan ng Italyanong Renasimiyento ay pinaka-nausisa nang masigla ng mga taong hindi obligadong kumuha ng propesyonal na interes sa estetikang aspeto ng sibilisasyon – mga mananalaysay ng pag-uunlad pang-ekonomika at panlipunan, mga sitwasyong pampulitika at pangrehilyon, at lalo na, agham pangkalikasan – ngunit katangi-tangi lamang ng mga mag-aaral ng panitikan at bihira lamang sa mga mananalaysay ng Kasiningan.[12]

Nagduda ang mga ibang tagamasid kung kultural na "pagsulong" ang Renasimiyento mula sa Gitnang Kapanahunan, at tinitingnan nila ito bilang panahon ng pesimismo at galimgim para sa klasikong sinaunang kasaysayan,[13] habang ang mga panlipunang at pang-ekonomikang mananalaysay, lalo na ng mga longue durée, ay nakatuon na lamang sa kawalang-tigil ng dalawang kapanahunang ito,[14] na konektado, tulad ng inobserbahan ni Panofsky, "ng isang libong pagkakaugnay".[15]

Unang lumitaw ang salitang Renaissance, na nangangahulugang "muling pagsilang" (Ingles: Rebirth) noong dekada 1830.[16] Matatagpuan din ang salita sa gawain ni Jules Michelet noong 1855, Histoire de France. Ginagamit din ang salitang Renasimiyento sa mga ibang makasaysayang at kultural na kilusan, katulad ng Renasimiyentong Carolingo at Renasimiyento ng ika-12 siglo.[17]

Pangkalahatang ideya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Renasimiyento ay isang kilusang pangkultura na labis na umepekto sa Europeong buhay-intelektwal sa maagang modernong kapanahunan. Nagsimula sa Italya, at kumalat sa iba pang bahagi ng Europa noong ika-16 na siglo, naramdaman ang impluwensiya nito sa panitikan, pilosopiya, sining, musika, pulikta, agham, relihiyon, at iba pang aspeto ng intelektwal na pagtatanong. Ginamit ng mga Renasimiyentong iskolar ang pamamaraang pantao sa pag-aaral, at naghanap ng realismo at damdamining pantao sa sining.[18]

Hinanap ng mga Renasimiyentong humanista katulad ni Poggio Bracciolini sa mga monasteryong aklatan ng Europa ang Lating pampanitikang, makasaysayang, at pang-orador na teskto ng Sinaunang Kasaysayan, habang nakabuo ang Pagbagsak ng Constantinople (1453) ng pagdagsa ng dumadayong Griyegong iskolar na nagdala ng mga mahahalagang manuskrito sa sinaunang Griyego, karamihan na nawala sa karimlan sa Kanluran.

Sa kanilang bagong pokus ng mga makasaysayang at literaryong teksto, kitang-kita na magkaiba ang mga Renasimiyentong iskolr sa mga edad medyang iskolar ng Renasimiyento ng ika-12 siglo, na nagpokus sa pag-aaral ng mga Griyegong at Arabeng gawain ng agham pangkalikasan, pilosopiya, matematika, sa halip ng mga kutural na teksto.

Ritratto di giovane donna [Litrato ng Dalagang Babae] (s. 1480–85) (Simonetta Vespucci) ni Sandro Botticelli

Sa muling pagsilang ng neo-Platonismo, hindi tinanggihan ng mga Renasimiyentong humanista ang Kristiyanismo; medyo salungat, nilaan ang karamihan ng mga pinakadakilang gawain ng Renasimiyento rito, at pinatangkilik ng Simbahan ang maraming gawin ng Renasimiyentong sining. Gayunpaman, nagkaroon ng banayad na pagbabago sa pagtingin ng mga intelektuwal sa relihiyon na sumalamin sa ibang aspeto ng kultural na buhay.[19] Bilang karagdagan, ibinalik ang maraming Griyegong Kristiyanong gawin, kasama ang Griyegong Bagong Tipan, mula sa Byzantium patungo sa Kanlurang Europa at umakit sa mga Kanluraning iskolar sa unang pagkakataon noong huling sinaunang kasaysayan. Makatutulong ang bagong interes na ito sa mga Griyegong Kristiyanong gawain, at lalo na ang pagbabalik sa orihinal Griyego ng Bagong Tipan na itinaguyod ng mga humanistang Lorenzo Valla at Erasmus, sa pagkakaroon ng Repormang Protestante.

Pagkatapos ng unang pagpahalimbawa ng artistikong pagbabalik sa klasisismo sa iskultura ni Nicola Pisano, nagpunyagi ang mga Florentinong pintor na pinangunahan ni Masaccio na ilarawan nang makatotohanan ang anyo ng tao, kaya nagbuo sila ng mga kasiningan para ilarawan ang perspektibo at liwanag nang mas natural. Sinikap ng mga pampulitikang pilosopo, si Niccolò Machiavelli ang pinakatanyag, na ilarawan ang totoong buhay-pulitika, iyan ay makaunawa nang makatwiran. Isang kritikal na ambag sa humanismo ng Italyanong Renasimiyento, sinulat ni Giovanni Pico della Mirandola ang tanyag na teksto "De hominis dignitate" (Talumpati tungkol sa Dignidad ng Tao, 1486) na binubuo ng mga serye ng mga tesis tungkol sa pilosopiya, natural na pag-iisip, pananampalataya at salamangka na ipinagtanggol sa anumang kalaban sa batayan ng katwiran. Bilang karagdagan sa pag-aaral ng klasikong Latin at Griyego, nagsimulang gumamit ang mga Renasimiyentong may-akda ng mga katutubong wika; na kasama ng panimula ng paglilimbag, nagpahintulot ito sa marami pang mga tao na makapagbasa ng mga aklat, lalo na ang Bibliya.[20]

Sa pangkalahatan, maaaring tingnan ang Renasimiyento bilang pagtatangka ng mga intelektwal na mag-aral at pabutihin ang sekular at makamundo sa pamamagitan ng muling pagsilang ng mga ideya mula sa sinaunang panahon at sa pamamagitan ng makabagong diskarte sa pag-iisip. Hindi pinahahalagahan ang Renasimiyento ng ilang mga iskolar, katulad ni Rodney Stark,[21] sa pabor ng mga mas maagang pagbabago ng mga Italyanong lungsod-estado noong Mataas na Gitnang Kapanahunan, na ikinasal ang tumutugon na gobyerno, Kristiyanismo, at ang pagsilang ng kapitalismo. Ayon sa pagsusuri nito, samantalang absolutista ang mga dakilang Europeong estado (Pransiya at Espanya), at nasa ilalim ng direktang kontrol ng Simbahan ang iba, kinuha ng mga nagsasariling republikang lungsod ng Italya ang mga prinsipyo ng kapitalismo na inimbento sa mga monastikong estado at nagpalitaw ng napakalawak na walang ulirang komersyal na rebolusyon na nauna sa at pinondohan ang Renasimiyento.

Maraming nangangatwiran na ang mga ideyang nilalarawan ng Renasimiyento ay buhat ng huling bahagi ng ika-13 dantaong Florencia, partikular sa mga sulat nina Dante Alighieri (1265–1321) at [1]Francesco Petrarca (1304–1374), gayon din sa mga pinta ni Giotto di Bondone (1267–1337). Medyo tumpak ang pinepetsahan ng mga ibang manunulat sa Renasimiyento; iminungkahi ng isa na 1401 ang simula, habang nakipagkumpitensya ang mga magkaribal na henyo Lorenzo Ghiberti at Filippo Brunelleschi para sa kontratang yumari ng tansong pinto para sa Pabinyagan ng Katedral ng Florencia (nanalo si Ghiberti).[22] Nakikita ng iba ang mas kalahatang labanan ng mga manlilikha at erudito katulad ni Brunelleschi, Ghiberti, Donatello, and Masaccio para sa mga artistikong komisyon bilang apoy na nagsimula ng pagkamalikhain ng Renasimiyento. Gayunman, nananatiling pinagtatalunan kung bakit nagsimula ang Renasimiyento sa Italya, at kung bakit nagsimula ito noong nagsimula ito. Alinsunod dito, pinanukala ang ilang mga teorya para paliwanagin ang kanyang pinagmulan.

Tanawin ng Florencia, pinagmulan ng Renasimiyento

Noong Renasimiyento, hawak-kamay ang pera at sining. Nakasalalay ang mga manlilikha sa mga tagatangkilik habang kinailangan ng mga tagatangkilik ng pera para pagyamanin ang talento ng mga manlilikha. Dinala ang kayamanan sa Italya noong ika-14, ika-15, at ika-16 na siglo sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kalakalan sa Asya at Europa. Pinalakas ng pagmimina ng pilak sa Tyrol ang daloy ng pera. Idinagdag ng mga karangyaan mula sa Silangang mundo na iniuwi noong Mga Krusada ang kaunlaran ng Genoa at Venice.[23]

Coluccio Salutati

Mga Lating at Griyegong yugto ng Renasimiyentong humanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kaiba sa Mataas na Gitnang Kapanahunan, kung saan halos nakatuon ang mga Lating iskolar sa pag-aaral ng Griyegong at Arabeng gawain ng agham pangkalikasan, pilosopiya, at matematika,[24] mas interesado ang mga Renasimiyentong iskolar sa pagbawi at pag-aral ng mga Lating at Griyegong pampanitikang, makasaysayang, at pang-orador na teksto. Sa malawakang pagsasalita, nagsimula ito sa ika-14 na siglo na may Lating yugto, kung saan pinaghanapan ng mga Renasimiyentong iskolar katulad nina Petrarch, Coluccio Salutati (1331–1406), Niccolò de' Niccoli (1364–1437) at Poggio Bracciolini (1380–1459) ng mga gawain mula sa Lating may-akda katulad ni Cicero, Lucretius, Livy and Seneca.[25] Noong unang bahagi ng ika-15 siglo, nabawi ang karamihan sa natirang Lating panitikan; patuloy ang Griyegong yugto ng Renasimiyentong humanismo habang bumaling ang mga Kanluraning Europeong iskolar sa pagbabawi ng sinaunang Griyegong pampanitikang, makasaysayang, pang-orador na, at teolohikong teksto.[26]

Hindi katulad sa Lating teksto, na pinatilian at pinag-aralan sa Kanlurang Europa mula noong huling bahagi ng sinaunang kasaysayan, sobrang limitado ang pag-aaral ng sinaunang Griyegong teksto sa edad medyang Kanlurang Europa. Pinag-aralan ang mga Sinaunang Griyegong teksto tungkol sa agham, matemtika, at pilosopiya mula noong Mataas na Gitnang Kapanahunan sa Kanlurang Europa at sa edad medyang Islamikong mundo (karaniwan sa pagsasalin), ngunit hindi pinag-aralan ang mga Griyegong pampanitikan, pang-orador, at makasaysayang gawain (tulad ng Homer, mga Griyegong mandudula, Demosthenes at Thucydides) sa mga Lating at edad medyang Islamikong mundo; sa Gitnang Kapanahunan, pinag-aralan lamang ang mga tekstong ito ng mga Bisantinong iskolar. Isa sa mga pinakamalaking tagumpay ng Renasimiyentong iskolar ang pag-uuwi ng buong klase ng Griyegong kultural na gawain sa Kanlurang Europa sa unang pagkakataon mula noong huling sinaunang kasaysayan. Minana ng mga Arabeng lohiko ang mga Griyegong ideya pagkatapos nilang sumalakay at manlupig sa Ehipto at sa Levant. Kumalat ang kanilang mga pagsasalin at komentaryo mula sa Arabeng Kanluran patungo sa Iberia and Sicilia na naging mahahalgang sentro para sa transmisyon ng mga ideya. Mula ika-11 hanggang ika-13 siglo, natatag sa Iberia ang maraming paaralan na nakalaan sa pagsasalin ng mga pilosopikong at siyentipikong gawain mula sa Klasikong Arabe patungo sa Edad Medyang Latin. Pinakatanyag dito ang Paaralang Toledo ng mga Tagasalin. Bumuo ang pagpupunyagi ng pagsasalin mula sa Islamikong kultura, kahit na madalas na hindi planado at desorganisado, ng pinakamalaking transmisyon ng ideya sa kasaysayan.[27] Kadalasang pinepetsahan ang kilusang ito na muling pagsamahin ang karaniwang pag-aaral ng Griyegong pampanitikang, makasaysayang, pang-orador, at teolohikong tektso sa kurikulum ng Kanlurang Europa sa imbitasyon noong 1396 mula kay Coluccio Salutati sa Bisantinong diplomata at iskolar Manuel Chrysoloras (s. 1355–1415) na magtuto ng wikang Griyego sa Florencia.[28] Itinuloy ang legado nito ng ilang mga ekspatriateng Griyegong iskolar, katulad nila Basilios Bessarion at Leo Allatius.

Pampulitikang mapa ng Italyanong Tangway sirka 1494

Mga panlipunang at pampulitikang istraktura sa Italya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Humantong ang mga natatanging pampulitikang istraktura ng huling Gitnang Kapanahunan ng Italya sa pagteorya ng ilan na nagpahintulot ang kakaibang panlipunang klima sa paglitaw ng pambihirang kultural na pagbulaklak. Walang pampulitikang entidad na Italya sa maagang modernong panahon. Sa halip nito, nakahati ito sa mas maliit na lungsod-estado at teritoryo: kontrolado ng Kaharian ng Napoles ang timog, ng Republika ng Florencia at Estado ng Simbahan ang gitna, at ng mga Milanes at Genobes ang hilaga at kanluran ayon sa pagkabanggit, at mga Venetiano sa silangan. Ang Italya ng ika-15 siglo ay isa sa mga pinakaurbanisadong lugar sa Europa.[29] Nakatayo ang karamihan ng kanyang lungsod kasama ng mga natitirang bahagi ng sinaunang Romanong gusali; wari na iniugnay ang klasikong kalagayan ng Renasimiyento sa kanyang pinagmulan sa gitna ng Imperyong Romano.[30]

Ipinahiwatig ni Quentin Skinner, isang mananalaysay at pilosopong pampulitika na napansin ni Otto ng Freising (s. 1114–1158), isang Alemang obispo na bumisita sa hilgang Italya noong ika-12 siglo, ang laganap na bagong uri ng pampulitikang at panlipunang organisasyon, na inobserba na waring tumalikod ang Italya sa Piyudalismo para nakabase ang kanyang lipunan ayon sa mga mangangalakal at komersyo. Konektado rito ang antimonarkikal na pag-iisip na kinatawan sa tanyag na maagang Renasimiyentong Allegoria ed effetti del Buono e del Cattivo Governo [Alegorya ng Mabuti at Masamang Gobyerno] ni Ambrogio Lorenzetti (ipininta 1338–1340), na may malakas na mensahe tungkol sa mga birtud ng pagkamakatarungan, katarungan, republikanismo, at pangangasiwa. Nagpigil sa Simbahan at Imperyo, nakalaan ang mga republika ng lunsod sa mga paniwala ng kalayaan. Inuulat ni Skinner na maraming mga pagsasanggalang ng kalayaan tulad ng pagdiriwang ni Matteo Palmieri (1406–1475) ng Florentinong kadalubhasaan hindi lamang sa kasiningan, iskultura, at arkitekto, pero sa "kapuna-punang pagbulaklak ng pang-asal, panlipunang, pampulitikang pilosopiya na nangyari sa Florencia sa parehong oras".[31]

Kahit mga lungsod at estado sa ibayo ng gitnang Italya, tulad ng Republika ng Florencia sa panahong ito, ay kilala para sa kanilang Republikang pangkalakal, lalo na ang Republika ng Venezia. Bagaman oligarkiyal ang mga ito sa totoo lamang, at halos walang pagkakahawig sa moderong demokrasya, nagkaroon sila ng mga demokratikong katangian at nakikiramay na estado, na may anyo ng pakikilahok sa pamamahala at paniniwala sa kalayaan.[31][32][33] Kaaya-aya ang nadulot nilang kaukulang pampulitikang kalayaan sa akademikong at artistikong pagsulong.[34] Gayundin, ginawang intelektwal na sagandaan ang posisyon ng mga Italyanong lungsod tulad ng Venezia bilang dakilang sentro ng pangangalakal. Dinala ng mga mangangalakal ang mga ideya mula sa malayong sulok ng daigdig, lalo na mula sa Levant. Naging susi ang Venezia sa pangangalakal ng Europa sa Silangan, at tagagawa ito ng magandang salamin, habang kabisera ang Florencia ng tela. Ang ibig sabihin ng dinalang kayamanan ng mga negosyong ito sa Italya ay maaaring atasin ang mga pampublikong at pribadong proyekto at mas maraming oras ang mga indibidwal para mag-aral.[34]

Salot na Itim

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Pagwagi ng Kamatayan ni Pieter Bruegel (s. 1562) ay sumasalamin sa kaguluhan sa lipunan at sindak na sumunod sa salot na lumuray sa edad medyang Europa.

Isang ihinarap na teorya ay ang pagkaluray sa Florencia na dala ng Salot na Itim na sumalanta sa Europa sa pagitan ng 1348 at 1350, ay nagbunga sa pagbabago sa pagtigin sa mundo ng mga tao sa ika-14 na siglong Italya. Apektadong apektado ang Italya ng salot, at nagbakasakali na ang nagresultang kasanayan sa kamatayan ay nagpangyari sa mga palaisip na mas pag-isipan nila ang kanilang buhay sa Daigdig, sa halip ng espiritwalidad at ang kabilang buhay.[35] Ikinatwiran din ang pag-udyok ng Salot na Itim ng bagong alon ng debosyon na inihayag sa pagtangkilik ng relihiyosong gawaing sining.[36] Gayunpaman, hindi ito ipinapaliwanag kung bakit nangyari ang Renasimiyento sa Italya mismo noong ika-14 na siglo. Naapektuhan ng Salot na Itim ang buong Europa sa mga inilarawang paraan, hindi lamang sa Italya. Marahil naging resulta ang paglitaw ng Renasimiyento sa Italya sa kumplikadong interaksyon ng mga salik sa itaas.[37]

Idinala ang salot ng mga pulgas sa mga naglalayag na barkong bumabalik mula sa mga daungan ng Asya. Mabilisan ang pagkalat nito dahil sa kakulangan sa wastong sanitasyon: nawalan ang populasyon ng Inglatera, dating 4.2 milyon, ng 1.4 katao sa salot bubonika. Muntik nang mahati ang populasyon ng Florencia sa taong 1347. Bilang resulta ng pagwawasak ng mga tao, tumaas ang halaga ng uring manggagawa, at naging mas malaya ang mga karaniwang tao. Upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa trabaho, naglakbay ang mga manggagawa para sa pinakamainam na posisyong pangkabuhayan.[38]

Nagkaroon ng kinahinatnan sa ekonomiya ang pagbagsak ng populasyon dahil sa salot: bumaba ang presyo ng pagkain at bumaba ang halaga ng lupa ng 30–40% sa karamihang bahagi ng Europa sa pagitan 1350 ng 1400.[39] Marami ang nawalan ng mga maylupa, ngunit para sa mga ordinaryong tao, ito ay naging di-inaasahan kapalaran. Ang mga nakaligtas sa salot ay hindi lamang nakaranas ng mas murang presyo ng pagkain ngunit mas masagana ang mga lupa, at karamihan sa kanila ay nakapagmana ng ari-arian sa kanilang mga namatay na kamag-anak.

Higit na mas makabuluhan ang pagkalat ng salot sa mga mahirap na lugar. Sinalanta ng mga salot ang mga lungsod, lalo na ang mga kabataan. Madaling ikinalat ang salot ng mga kuto, maruming inuming tubig, hukbong-kati, o di-mabuting sanitasyon. Ang mga kabataan ang naging pinakaapektado dahil tudlaan ng mga sakit tulad ng tipus at sipilis ang sistemang imunidad, kaya halos walang pagkakataon ang mga bata. Naging mas apektado ng pagkalat ng salot ang mga kabataan sa mga tirahan sa lungsod kaysa sa mga kabataan ng mga mayayaman.[40]

Ang Salot na Itim ang ikinagulo sa istrakturang panlipunan at pampulitikal ng Florencia kumpara sa mga kinamamayaang salot. Sa kabila ng makabuluhang pagkakamatay ng mga miyembro ng mga namumunong uri, nanatiling umandar ang pamahalaan ng Florencia sa panahong ito. Isinuspinde ang mga pormal na katipunan ng mga nahalhal na kinatawan sa kasukdulan ng salot dahil sa mga napakagulong kondisyon sa lungsod, ngunit hinirang ang isang maliit na pangkat ng opisyal para patakbuhin ang lungsod na tumiyak sa pagpapatuloy ng gobyerno.[41]

Sa panahong ito nagbago ang pananaw ng madla tungkol sa gamit ng sining. Sa halip na gamitin ito sa pananampalataya, nagamit na ito bilang pagtutulad sa tunay na buhay. Ninais ng mga manlilikha ng sining na gumamit ng mga Klasikong, o Greko-Romanong, dalumat sa kanilang mga gawa.[42]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Monfasani, John (2016). Renaissance Humanism, from the Middle Ages to Modern Times. ISBN 978-1-351-90439-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Boia, Lucian (2004). Forever Young: A Cultural History of Longevity. ISBN 978-1-86189-154-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. BBC Science and Nature, Leonardo da Vinci Retrieved May 12, 2007
  4. BBC History, Michelangelo Retrieved May 12, 2007
  5. Burke, P., The European Renaissance: Centre and Peripheries 1998
  6. Strathern, Paul The Medici: Godfathers of the Renaissance (2003)
  7. Peter Barenboim, Sergey Shiyan, Michelangelo: Mysteries of Medici Chapel, SLOVO, Moscow, 2006. ISBN 5-85050-825-2
  8. Encyclopædia Britannica, Renaissance, 2008, O.Ed.
  9. Har, Michael H. History of Libraries in the Western World, Scarecrow Press Incorporate, 1999, ISBN 0-8108-3724-2
  10. Norwich, John Julius, A Short History of Byzantium, 1997, Knopf, ISBN 0-679-45088-2
  11. Brotton, J., The Renaissance: A Very Short Introduction, Oxford University Press, 2006 ISBN 0-19-280163-5.
  12. Panofsky, Renaissance and Renascences in Western Art 1969:38; Panofsky's chapter "'Renaissance – self-definition or self-deception?" succinctly introduces the historiographical debate, with copious footnotes to the literature.
  13. Huizanga, Johan, The Waning of the Middle Ages (1919, trans. 1924)
  14. Starn, Randolph (1998). "Renaissance Redux". The American Historical Review. 103 (1): 122–124. doi:10.2307/2650779. JSTOR 2650779.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Panofsky 1969:6.
  16. The Oxford English Dictionary cites W Dyce and C H Wilson’s Letter to Lord Meadowbank (1837): "A style possessing many points of rude resemblance with the more elegant and refined character of the art of the renaissance in Italy." And the following year in Civil Engineer & Architect’s Journal: "Not that we consider the style of the Renaissance to be either pure or good per se." See Oxford English Dictionary, "Renaissance"
  17. Murray, P. and Murray, L. (1963) The Art of the Renaissance. London: Thames & Hudson (World of Art), p. 9. ISBN 978-0-500-20008-7. "...in 1855 we find, for the first time, the word 'Renaissance' used – by the French historian Michelet – as an adjective to describe a whole period of history and not confined to the rebirth of Latin letters or a classically inspired style in the arts."
  18. Perry, M. Humanities in the Western Tradition Naka-arkibo 2009-04-29 sa Wayback Machine., Ch. 13
  19. Open University, Looking at the Renaissance: Religious Context in the Renaissance (Retrieved May 10, 2007)
  20. Open University, Looking at the Renaissance: Urban economy and government (Retrieved May 15, 2007)
  21. Stark, Rodney, The Victory of Reason, Random House, NY: 2005
  22. Walker, Paul Robert, The Feud that sparked the Renaissance: How Brunelleschi and Ghiberti Changed the Art World (New York, Perennial-Harper Collins, 2003)
  23. Severy, Merle; Thomas B Allen; Ross Bennett; Jules B Billard; Russell Bourne; Edward Lanoutte; David F Robinson; Verla Lee Smith (1970). The Renaissance – Maker of Modern Man. National Geographic Society. ISBN 978-0-87044-091-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. For information on this earlier, very different approach to a different set of ancient texts (scientific texts rather than cultural texts) see Latin translations of the 12th century, and Islamic contributions to Medieval Europe.
  25. Reynolds and Wilson, pp. 113–123.
  26. Reynolds and Wilson, pp. 123, 130–137.
  27. Western Civilization: Ideas, Politics, and Society, Marvin Perry, Myrna Chase, Margaret C. Jacob, James R. Jacob, 2008, 903 pages, pp. 261–262.
  28. Reynolds and Wilson, pp. 119, 131.
  29. Kirshner, Julius, Family and Marriage: A socio-legal perspective, Italy in the Age of the Renaissance: 1300–1550, ed. John M. Najemy (Oxford University Press, 2004) p. 89 (Retrieved May 10, 2007)
  30. Burckhardt, Jacob, The Revival of Antiquity, The Civilization of the Renaissance in Italy Naka-arkibo April 7, 2007, sa Wayback Machine. (trans. by S.G.C. Middlemore, 1878)
  31. 31.0 31.1 Skinner, Quentin, The Foundations of Modern Political Thought, vol I: The Renaissance; vol II: The Age of Reformation, Cambridge University Press, p. 69
  32. Stark, Rodney, The Victory of Reason, New York, Random House, 2005
  33. Martin, J. and Romano, D., Venice Reconsidered, Baltimore, Johns Hopkins University, 2000
  34. 34.0 34.1 Burckhardt, Jacob, The Republics: Venice and Florence, The Civilization of the Renaissance in Italy Naka-arkibo April 7, 2007, sa Wayback Machine., translated by S.G.C. Middlemore, 1878.
  35. Barbara Tuchman (1978) A Distant Mirror, Knopf ISBN 0-394-40026-7.
  36. The End of Europe's Middle Ages: The Black Death Naka-arkibo March 9, 2013, sa Wayback Machine. University of Calgary website. (Retrieved on April 5, 2007)
  37. Brotton, J., The Renaissance: A Very Short Introduction, OUP, 2006 ISBN 0-19-280163-5.
  38. Netzley, Patricia D. Life During the Renaissance.San Diego: Lucent Books, Inc., 1998.
  39. Hause, S. & Maltby, W. (2001). A History of European Society. Essentials of Western Civilization (Vol. 2, p. 217). Belmont, CA: Thomson Learning, Inc.
  40. "Renaissance And Reformation France" Mack P. Holt pp. 30, 39, 69, 166
  41. Hatty, Suzanne E.; Hatty, James (1999). Disordered Body: Epidemic Disease and Cultural Transformation. SUNY Press. p. 89. ISBN 9780791443651.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. https://www.history.com/topics/renaissance-art. Isinangguni noong ika-11 ng Marso, 2018.