Oktubre 2013

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Oktubre 2013 ay ang ika-sampung buwan ng taong iyon. Nagsimula ito ng Martes at nagtapos ng Huwebes pagkatapos ng 31 araw.


Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari[baguhin | baguhin ang batayan]

Oktubre 1, 2013 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Isang grupo mula sa Samahan ng Pagbabawal ng Kemikal na Armas ang pumasok sa Sirya upang simulan ang kanilang trabaho sa pagkakalas ng mga kemikal na armas.(BBC)
Politika at eleksiyon
  • Pansamantalang ipinasara ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang mga ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng Opisina ng Pamamahala at Badyet ng Bahay na Puti, dahil sa pagkakabigo ng Kongreso at Senado ng Estados Unidos na magkasundo sa paglalaan ng pondo upang magpatuloy ang operasyon ng gobyerno. (NBC News)
Batas at krimen
  • Ilang mga nagkakagulong Budismo ang nanunog ng mahigit 70 kabahayan ng mga Muslim na ikinasawi ng isa sa estado ng Rakhine sa Myanmar. (AP via 'The Times of India)
  • Hinatulan ng kamatayan si Salahuddin Quader Chowdhury isang politiko sa Bangladesh dahil sa krimeng pandigmaan kabilang ang pagpaslang, pagpapahirap at pagpatay ng lahi noong nakaraang Digmaang Pagpapalaya sa Bangladesh. (BBC)
Internasyonal na relasyon
Oktubre 2, 2013 (Miyerkules) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Pinagbabaril ng mga armadong lalaki hanggang mapabagsak nila ang isang helikopter ng mga militar sa hilagang Irak na ikinasawi ng apat na sakay nito.(Reuters)
Sining at kultura
Sakuna at aksident
  • Isang aksidente sa I-40 probinsiya ng Jefferson sa Tennessee kung saan nagbanggaan ang isang bus na pang simbahan, traktora at SUV ang ikinasawi ng 8 katao at 14 na sugatan.(NBC)
Batas at krimen
  • Pinasara ng Tagapagpatupad ng Batas ng Estados Unidos ang Silk Road, isang pamilihang webseyt kung saan may iba't-ibang iligal na mga gawain kagaya ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot, inaresto rin ang pinuno nitong si Ross Ulbricht. (Reuters)
  • Hinatulan ng mga hurado ng hindi nagkasala ang AEG Live para sa kasong "Michael Jackson Estate vs. AEG Live" para sa kasong kapabayaan sa pagtatalaga kay Conrad Murray bilang manggagamot ni Michael Jackson. Si Murray ay napatunayang nagkasala ng sinasadyang pagpatay ng tao noong 2011. (Sky News)
Oktubre 3, 2013 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
Alitang armado at mga pag-atake
  • Binomba ng Nigerya gamit ang kanilang mga fighter jets ang isang kampo na pinagkukutaan ng mga militanteng Islam sa hilagang Nigerya bilang tugon sa masaker ng mga estudyante sa isang kolehiyo ng agrikultura. (Reuters)
Internasyonal na relasyon
Oktubre 8, 2013 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
Agham
Oktubre 9, 2013 (Miyerkules) baguhin kasaysayan bantayan
Agham
Oktubre 10, 2013 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
Sining at kultura
Oktubre 14, 2013 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan
Sakuna at aksidente
  • Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga masawi dahil sa bagyong Phailin na sumalanta sa Indiya. (AFP via Sydney Morning Herald)
  • Nag-utos ang hukuman na magsagawa ng pag-iimbistiga sa naganap na pagpapanakbuhan sa kasiyahan sa Navrati na ikinasawi ng 109-katao at 120 sugatan malapit sa temple sa estado ng Indiya sa Madhya Pradesh. (NDTV)
Oktubre 16, 2013 (Miyerkules) baguhin kasaysayan bantayan
Sakuna at aksidente
  • Tumama ang bagyong Wipha sa bansang Hapon na naging sanhi ng pagkasawi ng 7 katao.(The Australian)
  • Siyam na manlalayag ang namatay at dalawa ang nawawala matapos lumubog ang isang bapor ng Panama sa baybayin ng Korea. (Yonhp)
 Tagalog
 Ingles
 Asya
 Europa
 Aprika
 Hilagang Amerika
 Timog Amerika