Pumunta sa nilalaman

Palarong Asyano 2006

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Palaro ng Asya 2006)
XV Asian Games
Punong-abalang lungsodDoha, Qatar
MottoThe Games of Your Life
(Arabe: دورة الالعاب من حياتك‎)
Mga bansang kalahok45
Mga atletang kalahok9,520[1]
Disiplina424 in 39 sports
Seremonya ng pagbubukasDecember 1 (Details)
Seremonya ng pagsasaraDecember 15 (Details)
Opisyal na binuksan niHamad bin Khalifa Al Thani
Emir of Qatar
Opisyal na sinara niAhmad Al-Fahad Al-Sabah
President of the Olympic Council of Asia
Panunumpa ng ManlalaroMubarak Eid Bilal
Panunumpa ng HukomAbd Allah Al-Bulooshi
Torch lighterMohammed Bin Hamad Al-Thani
Main venueKhalifa International Stadium
Busan 2002 Guangzhou 2010  >

Ang XV Asiad (15th Asian Games) o 2006 Palarong Asyano ay ginanap sa Doha, Qatar mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 15. Ang lungsod ng Doha ang kauna-unahang lungsod sa rehiyong Gitnang Silangan at pangalawa sa Tehran, Iran sa rehiyon ng Kanlurang Asya na pagdausan ng naturang palaro. Mayroong 46 na larangan mula sa 39 na disiplina ng palakasan ang pinaglabanan at sa kauna-unahang pagkakataon, lumahok ang lahat ng 45 miyembrong nasyon ng Olympic Council of Asia.[2] Ang Qatar bilang bansang punong-abala ay naging matagumpay sa pagdaos ng edisyong ito ng Palaro.

Talaan ng medalya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
 Pos.  Bansa Ginto Pilak Tanso Kabuuan
1 Republikang Bayan ng Tsina Tsina 166 87 63 316
2 Timog Korea Timog Korea 58 53 82 193
3 Hapon Hapon 50 71 77 198
4 Kazakhstan Kazakhstan 23 20 42 85
5 Thailand Thailand 13 15 26 54
6 Iran Iran 11 15 22 48
7 Uzbekistan Uzbekistan 11 14 15 40
8 India Indiya 10 17 26 53
9 Qatar Qatar 9 12 11 32
10 Chinese Taipei Tsinong Taipei 9 10 27 46
11 Malaysia Malaysia 8 17 17 42
12 Singapore Singapore 8 7 12 27
13 Saudi Arabia Saudi Arabia 8 0 6 14
14 Bahrain Bahrain 7 10 4 21
15 Hong Kong Hong Kong 6 12 10 28
16 Hilagang Korea Hilagang Korea 6 9 16 31
17 Kuwait Kuwait 6 5 2 13
18 Pilipinas Pilipinas 4 6 9 19
19 Vietnam Vietnam 3 13 7 23
20 Nagkakaisang Arabong Emirato Nagkakaisang Emiratong Arabo 3 4 3 10
21 Mongolia Mongolia 2 5 8 15
22 Indonesia Indonesia 2 3 15 20
23 Syria Sirya 2 1 3 6
24 Tajikistan Tajikistan 2 0 2 4
25 Jordan Jordan 1 3 4 8
26 Lebanon Lebanon 1 0 2 3
27 Myanmar Myanmar 0 4 7 11
28 Kyrgyzstan Kyrgyzstan 0 2 6 8
29 Iraq Iraq 0 2 1 3
30 Macau Macau 0 1 6 7
31 Pakistan Pakistan 0 1 3 4
32 Sri Lanka Sri Lanka 0 1 2 3
33 Turkmenistan Turkmenistan 0 1 0 1
Laos Laos 0 1 0 1
35 Nepal Nepal 0 0 3 3
36 Afghanistan Afghanistan 0 0 1 1
Bangladesh Bangladesh 0 0 1 1
Yemen Yemen 0 0 1 1
Kabuuan 428 423 542 1393

Pasahan ng sulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pasahan ng sulo o torch relay ay isang mahalagang bahagi ng Palaro ng Asya na nagsimula taong 1958. Ang mga plano para sa pasahan ng sulo sa Doha 2006 ay inilabas ng Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC) noong 20 Enero 2006.[3]

Ang pasahan ay nagsimula noong 8 Oktubre 2006 sa isang maliit na pagtitipon sa Doha Golf Club at pinanglanan itong: "Flame of Hospitality".[4]

Ang pasahan ng sulo ay dumaan sa walong (8) dating bansang punong-abala at apat (4) na bansang miyembro ng Gulf Cooperation Council (GCC), sa pakikipagtulungan ng mahigit 3,000 tao mula sa Asya. Ang unang tigilan ay sa New Delhi, India noong 11 Oktubre 2006. Sa kabuuan, ang pasahan ay dumaan sa labing-tatlong (13) bansa [5] at dalawampu't tatlong (23) mga lungsod [6] sa buong Asya. Ang pasahan ay may kabuuang distansiya na 50,000 kilometro sa loob ng 55 araw at ang naging pinakamahabang pasahan ng sulo sa kasaysayan ng Palaro ng Asya.[3]

Ang mga lugar na dinaanan ng pasahan ng sulo:[5]

Ang mga lugar na dinaanan ng pasahan ng sulo
  1. India IndiaNew Delhi
  2. Timog Korea KoreaBusan
  3. Pilipinas PilipinasManila
  4. Hapon JapanHiroshima
  5. ChinaBeijing, Guangzhou
  6. Indonesia IndonesiaJakarta
  7. Thailand ThailandBangkok
  8. Iran IranMashad, Esfahan, Tehran
  9. Oman OmanSalalah, Muscat, Sohar
  10. Nagkakaisang Arabong Emirato United Arab EmiratesHatta, Sharjah, Dubai, Abu Dhabi
  11. Kuwait KuwaitLungsod ng Kuwait
  12. Bahrain BahrainManama

Ang sulo ay bumalik sa Doha, Qatar na hawak ni Sheik Joan Bin Hamad AL-Thani at ang paglalakbay sa buong lungsod ay nagsimula noong 25 Nobyembre 2006 at nagtapos hanggang sa opisyal na pagbubukas ng palaro.

Ang Doha Asian Games Organising Committee ay pinili si "Orry" isang Oryx na Qatari, bilang opisyal na mascot ng palaro. Ang Oryx ay minsang nang nanganib na maubos ang lahi, ngunit dahil sa pagpupursigi ng mga grupong nag-preserba sa hayop na ito, naibalik na muli ang mga Oryx sa mga natural nitong tahanan. Ang pagpili kay Orry ay nagbibigay ng mensahe ng kapayapaan at kaligayahan sa mga palaro.[7]

Opisyal na pagbubukas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga paputok sa opisyal na pagbubukas ng ika-15 Palaro ng Asya sa Khalifa Stadium sa Doha.

Ang Opisyal na pagbubukas ng Palaro sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ay itinalaga ng media bilang isa sa mga pinaka-magarbong pagbubukas ng mga kaganapang pampalakasan.[8] Ito ay nasaksihan ng mahigit 50,000 manonood sa Khalifa International Stadium at ang mga pinakakilalang panauhin ay sina: Jacques Rogge ng IOC, Mahmoud Ahmadinejad (presidente ng Iran), Ismail Haniyeh (punong-ministro ng Palestine) at Bashar Assad (presidente ng Syria).[9] Ang pagbubukas ng edisyong ito ay idinirehe ni David Atkins na siya ring direktor ng pagbubukas ng Palarong Olympics sa Sydney 2000.[10]

Ang seremonya ay nagsimula sa pagbati ng Emir ng Qatar na si Sheikh Hamad bin Khalifa Al Thani kasama ang pinuno ng Olympic Council of Asia (OCA) na si Sheikh Fahad Al-Ahmed Al-Jaber Al-Sabah kasama ang kanyang asawa. Sa pagtatapos ng naturang pagbati, isang 10 segundong bilangan ang naganap upang masimulan ang opisyal na seremonya ng pagbubukas. Ang mensahe (sa Ingles) "Peace Be Upon You" mula sa mahigit 2,000 kabataang muslim ang bumati na nasusulat sa wikang Arabic "Assalamualaikum" (السلام عليكم) sa pagtatapos ng bilangan. Isang grupo ng mga bata na pinamunuan ni Nasser Khaled Al Kubaisi ang umawit ng pambansang himno ng Qatar at inilayag ang pambansang watawat.

Ang simula ng palabas ay tinawag na "The Journey Begins", na ikinuwento ang istorya ng isang batang lalaki na nagngangalang "Seeker" sa paglisan niya ng kanyang pamilya at ni "Nura" ang kanyang pag-ibig at nagsimula ang kanyang paglalakbay upang tuklasin ang Asya na sa pag-gagabay ng mga bituin at ng kanyang astrolabe. Pagkatapos masagupa ang isang matinding bagyo sa karagatan, siya ay sinagip ng isang higanteng ibon, na nagbagsak sa kanya sa lupa sa kaligtasan, kung saan itinuloy niya ang kanyang paglalakbay upang madiskubre ang makulay na kasaysayan at kultura ng Asya. Ang Angkor Wat, ang Taj Mahal, ang Templo ng Kalangitan at ang Borobodur ang mga importanteng lugar na binisita niya. Naimalas sa Seeker ang isang makulay na presentasyon mula sa iba't ibang kultura mula sa mga rehiyon ng Asya at and mga sinaunang empiro na dating namuno sa kalahatan ng kontinente. Sa kabilang bahagi, si Nura ang kabiyak ni Seeker ay lumabas sa stadium na may isang malaking piraso ng tela (na tinatawag na Abayah (عبايه)) na sumusunod sa kanya, kung saan ang tela ay naikubli ang kabuuan ng silangang bahagi ng stadium. Umawit siya sa wikang Arabic "Atone, atone oh sea!" bilang paghihintay sa kanyang minamahal. Kasama ang kanyang mga kapatid na asyano, tinulungan siya na makabalik sa kanyang bayang sinilangan. Mapayapang nakauwi si Seeker kay Nura at inimbita ang buong Asya sa kanilang pag-iisang dibdib.


Ang pinakamadamdaming sandali ay nang iakyat ni Sheikh Mohammed Bin Hamad Al-Thani ang kanyang kabayo sa hagdanan pataas ng stadium para sindihan ang kalderon, na dinisenyo ni Michael Scott-Mitchell, na ginamit ang porma ng isang higanteng astrolabe na umiikot. Nang ang baga ay matagumpay na nailipat (sa pamamagitan ng teknolohiya) sa tore ng ASPIRE sa lahas ng stadium, ang mga paputok ay nagsilaban bilang pag-uumpisa ng mga palaro.

Pagsasara ng palaro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga seremonya ng pagsasara ng palaro ay nagpamalas ng mga kuwentong Arabic mula sa ilang libong taong nakalipas. Nagsimula ito sa kuwento ni Seeker gaya ng sa Pagbubukas na seremonya. Ang lalaki ay dinala sa isang mundo ng imahinasyon pagkatapos niyang dumampot ng mga buhangin at hinayaang niyang mahulog ang mga ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Lumipad siya sa isang mundong mahikal sa pamamagitan ng isang karpet, isang gamit na kilala sa mga kuwentong pantasya ni Aladdin. Nang mag-dilim ang stadium, ang lalaki ay ibinaba upang buksan ang mga madisenyong pahina ng isang aklat at nagsimula na ang mga kuwento.

Isa sa mga naging tampok ng seremonya ng pagsasara ay ang pag-awit ni Lea Salonga, isang kilalang aktres at mang-aawit mula sa Pilipinas.


Sa opisyal na talaan, may 46 na disiplina mula sa 39 na larangan ng palakasan na pinaglabanan. Ang lahat ng mga larangan ay nagsimula sa pagtatapos ng pambukas na seremonya maliban sa Badminton, Baseball, Basketball, Football, Table tennis, at Volleyball kung saan ang mga pangunang palaro ay naganap bago ang opisyal na pagbubukas ng palaro. Ang mga larangan ng palakasan sa Palaro ng Asya 2006 ay ang mga sumusunod:


Mga nasyong kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang talaan ng mga bansa/nasyon at teritoryo na lumahok sa edisyong ito ng Palaro ng Asya. Nasa loob na panaklong ang bilang ng mga manlalaro na ipinadala ng mga bansa.

Mga lokasyon ng palaro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Kim Hyung Chil at ang kabayong si Bundaberg Black bago naganap ang aksidente

Isang trahedya ang naganap sa Palaro ng Asya nang malaglag sa kabayo at namatay ang equestrian na mula sa bansang Korea na si Kim Hyung Chil sa kaumagahan ng Disyembre 7 habang idinadaos ang labanan na cross-country sa palakasang equestrian.[11] Ang aksidente ay naganap sa ika-walong (8) talon [12][13] na ginanap kahit umuulan. Ang larangan ng cross-country ay ginanap sa loob ng tatlong (3) araw. Malaking pinsala ang naidulot sa naturang atleta ng pagkadagan ng kabayo, na nagngangalang Bundaberg Black,[14] dahilan upang daliang itinakbo sa ospital si Kim Hyung-Chil at ang opisyal na promulgasyon na kanyang kamatayan ay kinumpirma ng komiteng punong-abala bago sumapit ang tanghali noong araw na iyon (oras sa Qatar).[15] [16] (alas-6 ng gabi sa Timog Korea).

Base sa mga naging batayan ng presidente ng Pambansang Komiteng Pang-Olimpiko ng Korea na si Kim Jung Kil, hindi maayos na natantsa ng kabayo ang kanyang talon at dahil sa basa ang paligid dahil sa ulan, nadulas ito at tumilapon ang atleta. Ang mga opisyal mula sa Timog Korea ay humingi ng isang imbestigasyon upang matukoy kung may pagkakasala ang punong-abala o ang ulan ang naging sanhi ng trahedya.[17]

"In my professional opinion, neither the weather nor the footing had any bearing on this accident. If the horse falls, it's like two tons of bricks falling on you. There is nothing you can do about it," winika ni Andy Griffiths, ang technical overseer ng Palaro.[18]

Ang tatay ni Kim ay isa ring atleta ng palakasang Equestrian na lumahok sa Palarong Olympics 1964 sa Tokyo at ang mas nakababatang Kim ay nanalo ng medalyang pilak sa Palaro ng Asya 2002 sa Busan gamit ang parehong kabayo.[13]

Ito ang naging pang-walong (8) kamatayan na may kaugnayan sa Palaro ng Asya 2006 at ang tanging insidente na may biktimang atleta.[19]

  1. "Olympic Council of Asia : Games". Ocasia.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-21. Nakuha noong 2011-06-02. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Opisyal na website ng 2006 Asian Games
  3. 3.0 3.1 "Doha Asian Games torch relay route revealed". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-14. Nakuha noong 2021-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-05-14 sa Wayback Machine.
  4. Torch ceremony marks countdown to Games
  5. 5.0 5.1 The 15th Asian Games Doha 2006 Torch Relay Route revealed
  6. "King of the Mile" Hicham El Guerrouj to Carry the Flame
  7. "Ang opisyal ng mascot ng Palaro ng Asya 2006". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-16. Nakuha noong 2007-04-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-02-16 sa Wayback Machine.
  8. "Doha Asiad off to spectacular start". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-11. Nakuha noong 2007-04-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-02-11 sa Wayback Machine.
  9. Media fascinated by high-tech at Doha Asiad opening ceremony
  10. "Asian Games open with a festival celebrating the Gulf". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-21. Nakuha noong 2014-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. DAGOC mourns rider after fatal fall
  12. Asian Games: S. Korean rider dies after equestrian accident[patay na link]
  13. 13.0 13.1 South Korean rider dies in jump fall[patay na link]
  14. South Korean rider dies in jump fall
  15. Asian Games roundup: Equestrian rider's death overshadows competition[patay na link]
  16. Tragedy strikes Games
  17. "Koreans demand probe into death fall". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-06. Nakuha noong 2007-04-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Asia Games death 'tragic accident'
  19. Equestrian rider dies at Asian Games

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Nations at the 2006 Asian Games Padron:Events at the 2006 Asian Games