Palarong Asyano 2006
Punong-abalang lungsod | Doha, Qatar | ||
---|---|---|---|
Motto | The Games of Your Life (Arabe: دورة الالعاب من حياتك) | ||
Mga bansang kalahok | 45 | ||
Mga atletang kalahok | 9,520[1] | ||
Disiplina | 424 in 39 sports | ||
Seremonya ng pagbubukas | December 1 (Details) | ||
Seremonya ng pagsasara | December 15 (Details) | ||
Opisyal na binuksan ni | Hamad bin Khalifa Al Thani Emir of Qatar | ||
Opisyal na sinara ni | Ahmad Al-Fahad Al-Sabah President of the Olympic Council of Asia | ||
Panunumpa ng Manlalaro | Mubarak Eid Bilal | ||
Panunumpa ng Hukom | Abd Allah Al-Bulooshi | ||
Torch lighter | Mohammed Bin Hamad Al-Thani | ||
Main venue | Khalifa International Stadium | ||
|
Ang XV Asiad (15th Asian Games) o 2006 Palarong Asyano ay ginanap sa Doha, Qatar mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 15. Ang lungsod ng Doha ang kauna-unahang lungsod sa rehiyong Gitnang Silangan at pangalawa sa Tehran, Iran sa rehiyon ng Kanlurang Asya na pagdausan ng naturang palaro. Mayroong 46 na larangan mula sa 39 na disiplina ng palakasan ang pinaglabanan at sa kauna-unahang pagkakataon, lumahok ang lahat ng 45 miyembrong nasyon ng Olympic Council of Asia.[2] Ang Qatar bilang bansang punong-abala ay naging matagumpay sa pagdaos ng edisyong ito ng Palaro.
Talaan ng medalya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pos. | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Tsina | 166 | 87 | 63 | 316 |
2 | Timog Korea | 58 | 53 | 82 | 193 |
3 | Hapon | 50 | 71 | 77 | 198 |
4 | Kazakhstan | 23 | 20 | 42 | 85 |
5 | Thailand | 13 | 15 | 26 | 54 |
6 | Iran | 11 | 15 | 22 | 48 |
7 | Uzbekistan | 11 | 14 | 15 | 40 |
8 | Indiya | 10 | 17 | 26 | 53 |
9 | Qatar | 9 | 12 | 11 | 32 |
10 | Tsinong Taipei | 9 | 10 | 27 | 46 |
11 | Malaysia | 8 | 17 | 17 | 42 |
12 | Singapore | 8 | 7 | 12 | 27 |
13 | Saudi Arabia | 8 | 0 | 6 | 14 |
14 | Bahrain | 7 | 10 | 4 | 21 |
15 | Hong Kong | 6 | 12 | 10 | 28 |
16 | Hilagang Korea | 6 | 9 | 16 | 31 |
17 | Kuwait | 6 | 5 | 2 | 13 |
18 | Pilipinas | 4 | 6 | 9 | 19 |
19 | Vietnam | 3 | 13 | 7 | 23 |
20 | Nagkakaisang Emiratong Arabo | 3 | 4 | 3 | 10 |
21 | Mongolia | 2 | 5 | 8 | 15 |
22 | Indonesia | 2 | 3 | 15 | 20 |
23 | Sirya | 2 | 1 | 3 | 6 |
24 | Tajikistan | 2 | 0 | 2 | 4 |
25 | Jordan | 1 | 3 | 4 | 8 |
26 | Lebanon | 1 | 0 | 2 | 3 |
27 | Myanmar | 0 | 4 | 7 | 11 |
28 | Kyrgyzstan | 0 | 2 | 6 | 8 |
29 | Iraq | 0 | 2 | 1 | 3 |
30 | Macau | 0 | 1 | 6 | 7 |
31 | Pakistan | 0 | 1 | 3 | 4 |
32 | Sri Lanka | 0 | 1 | 2 | 3 |
33 | Turkmenistan | 0 | 1 | 0 | 1 |
Laos | 0 | 1 | 0 | 1 | |
35 | Nepal | 0 | 0 | 3 | 3 |
36 | Afghanistan | 0 | 0 | 1 | 1 |
Bangladesh | 0 | 0 | 1 | 1 | |
Yemen | 0 | 0 | 1 | 1 | |
Kabuuan | 428 | 423 | 542 | 1393 |
Pasahan ng sulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pasahan ng sulo o torch relay ay isang mahalagang bahagi ng Palaro ng Asya na nagsimula taong 1958. Ang mga plano para sa pasahan ng sulo sa Doha 2006 ay inilabas ng Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC) noong 20 Enero 2006.[3]
Ang pasahan ay nagsimula noong 8 Oktubre 2006 sa isang maliit na pagtitipon sa Doha Golf Club at pinanglanan itong: "Flame of Hospitality".[4]
Ang pasahan ng sulo ay dumaan sa walong (8) dating bansang punong-abala at apat (4) na bansang miyembro ng Gulf Cooperation Council (GCC), sa pakikipagtulungan ng mahigit 3,000 tao mula sa Asya. Ang unang tigilan ay sa New Delhi, India noong 11 Oktubre 2006. Sa kabuuan, ang pasahan ay dumaan sa labing-tatlong (13) bansa [5] at dalawampu't tatlong (23) mga lungsod [6] sa buong Asya. Ang pasahan ay may kabuuang distansiya na 50,000 kilometro sa loob ng 55 araw at ang naging pinakamahabang pasahan ng sulo sa kasaysayan ng Palaro ng Asya.[3]
Ang mga lugar na dinaanan ng pasahan ng sulo:[5]
- India – New Delhi
- Korea – Busan
- Pilipinas – Manila
- Japan – Hiroshima
- China – Beijing, Guangzhou
- Indonesia – Jakarta
- Thailand – Bangkok
- Iran – Mashad, Esfahan, Tehran
- Oman – Salalah, Muscat, Sohar
- United Arab Emirates – Hatta, Sharjah, Dubai, Abu Dhabi
- Kuwait – Lungsod ng Kuwait
- Bahrain – Manama
Ang sulo ay bumalik sa Doha, Qatar na hawak ni Sheik Joan Bin Hamad AL-Thani at ang paglalakbay sa buong lungsod ay nagsimula noong 25 Nobyembre 2006 at nagtapos hanggang sa opisyal na pagbubukas ng palaro.
Mascot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Doha Asian Games Organising Committee ay pinili si "Orry" isang Oryx na Qatari, bilang opisyal na mascot ng palaro. Ang Oryx ay minsang nang nanganib na maubos ang lahi, ngunit dahil sa pagpupursigi ng mga grupong nag-preserba sa hayop na ito, naibalik na muli ang mga Oryx sa mga natural nitong tahanan. Ang pagpili kay Orry ay nagbibigay ng mensahe ng kapayapaan at kaligayahan sa mga palaro.[7]
Opisyal na pagbubukas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Opisyal na pagbubukas ng Palaro sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ay itinalaga ng media bilang isa sa mga pinaka-magarbong pagbubukas ng mga kaganapang pampalakasan.[8] Ito ay nasaksihan ng mahigit 50,000 manonood sa Khalifa International Stadium at ang mga pinakakilalang panauhin ay sina: Jacques Rogge ng IOC, Mahmoud Ahmadinejad (presidente ng Iran), Ismail Haniyeh (punong-ministro ng Palestine) at Bashar Assad (presidente ng Syria).[9] Ang pagbubukas ng edisyong ito ay idinirehe ni David Atkins na siya ring direktor ng pagbubukas ng Palarong Olympics sa Sydney 2000.[10]
Ang seremonya ay nagsimula sa pagbati ng Emir ng Qatar na si Sheikh Hamad bin Khalifa Al Thani kasama ang pinuno ng Olympic Council of Asia (OCA) na si Sheikh Fahad Al-Ahmed Al-Jaber Al-Sabah kasama ang kanyang asawa. Sa pagtatapos ng naturang pagbati, isang 10 segundong bilangan ang naganap upang masimulan ang opisyal na seremonya ng pagbubukas. Ang mensahe (sa Ingles) "Peace Be Upon You" mula sa mahigit 2,000 kabataang muslim ang bumati na nasusulat sa wikang Arabic "Assalamualaikum" (السلام عليكم) sa pagtatapos ng bilangan. Isang grupo ng mga bata na pinamunuan ni Nasser Khaled Al Kubaisi ang umawit ng pambansang himno ng Qatar at inilayag ang pambansang watawat.
Ang simula ng palabas ay tinawag na "The Journey Begins", na ikinuwento ang istorya ng isang batang lalaki na nagngangalang "Seeker" sa paglisan niya ng kanyang pamilya at ni "Nura" ang kanyang pag-ibig at nagsimula ang kanyang paglalakbay upang tuklasin ang Asya na sa pag-gagabay ng mga bituin at ng kanyang astrolabe. Pagkatapos masagupa ang isang matinding bagyo sa karagatan, siya ay sinagip ng isang higanteng ibon, na nagbagsak sa kanya sa lupa sa kaligtasan, kung saan itinuloy niya ang kanyang paglalakbay upang madiskubre ang makulay na kasaysayan at kultura ng Asya. Ang Angkor Wat, ang Taj Mahal, ang Templo ng Kalangitan at ang Borobodur ang mga importanteng lugar na binisita niya. Naimalas sa Seeker ang isang makulay na presentasyon mula sa iba't ibang kultura mula sa mga rehiyon ng Asya at and mga sinaunang empiro na dating namuno sa kalahatan ng kontinente. Sa kabilang bahagi, si Nura ang kabiyak ni Seeker ay lumabas sa stadium na may isang malaking piraso ng tela (na tinatawag na Abayah (عبايه)) na sumusunod sa kanya, kung saan ang tela ay naikubli ang kabuuan ng silangang bahagi ng stadium. Umawit siya sa wikang Arabic "Atone, atone oh sea!" bilang paghihintay sa kanyang minamahal. Kasama ang kanyang mga kapatid na asyano, tinulungan siya na makabalik sa kanyang bayang sinilangan. Mapayapang nakauwi si Seeker kay Nura at inimbita ang buong Asya sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ang pinakamadamdaming sandali ay nang iakyat ni Sheikh Mohammed Bin Hamad Al-Thani ang kanyang kabayo sa hagdanan pataas ng stadium para sindihan ang kalderon, na dinisenyo ni Michael Scott-Mitchell, na ginamit ang porma ng isang higanteng astrolabe na umiikot. Nang ang baga ay matagumpay na nailipat (sa pamamagitan ng teknolohiya) sa tore ng ASPIRE sa lahas ng stadium, ang mga paputok ay nagsilaban bilang pag-uumpisa ng mga palaro.
Pagsasara ng palaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga seremonya ng pagsasara ng palaro ay nagpamalas ng mga kuwentong Arabic mula sa ilang libong taong nakalipas. Nagsimula ito sa kuwento ni Seeker gaya ng sa Pagbubukas na seremonya. Ang lalaki ay dinala sa isang mundo ng imahinasyon pagkatapos niyang dumampot ng mga buhangin at hinayaang niyang mahulog ang mga ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Lumipad siya sa isang mundong mahikal sa pamamagitan ng isang karpet, isang gamit na kilala sa mga kuwentong pantasya ni Aladdin. Nang mag-dilim ang stadium, ang lalaki ay ibinaba upang buksan ang mga madisenyong pahina ng isang aklat at nagsimula na ang mga kuwento.
Isa sa mga naging tampok ng seremonya ng pagsasara ay ang pag-awit ni Lea Salonga, isang kilalang aktres at mang-aawit mula sa Pilipinas.
Palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa opisyal na talaan, may 46 na disiplina mula sa 39 na larangan ng palakasan na pinaglabanan. Ang lahat ng mga larangan ay nagsimula sa pagtatapos ng pambukas na seremonya maliban sa Badminton, Baseball, Basketball, Football, Table tennis, at Volleyball kung saan ang mga pangunang palaro ay naganap bago ang opisyal na pagbubukas ng palaro. Ang mga larangan ng palakasan sa Palaro ng Asya 2006 ay ang mga sumusunod:
|
|
|
|
Mga nasyong kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang talaan ng mga bansa/nasyon at teritoryo na lumahok sa edisyong ito ng Palaro ng Asya. Nasa loob na panaklong ang bilang ng mga manlalaro na ipinadala ng mga bansa.
|
|
|
|
Mga lokasyon ng palaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Al-Arabi Sports Club – Fencing, football (soccer), rugby sevens. table tennis
- Al-Dana Club – Bodybuilding, chess, weightlifting
- Al-Gharrafa Sports Club – Football (soccer), handball
- Al-Khor Road Course – cycling
- Al-Rayyan Sports Club – Baseball, football (soccer), hockey, volleyball, softball
- Al-Sadd Sports Club – Cue sports, football (soccer), sepak takraw, water polo
- Academy for Sports Excellence (ASPIRE) – Artistics gymnastics, badminton, boxing, canoe, kayak, cycling, kabaddi, rhythmic gymnastics, trampoline, wrestling, wushu
- Basketball Indoor Hall – Basketball
- Corniche – Cycling, athletics, triathlon
- Doha Golf Club – Golf
- Doha Racing & Equestrian Club – Equestrian
- Doha Sailing Club – Sailing
- Hamad Aquatic Centre – Diving, swimming, synchronised swimming
- Khalifa International Tennis and Squash Complex – Soft Tennis, squash, tennis
- Khalifa Stadium – Athletics
- Lusail Shooting Complex – Archery, shooting
- Mesaieed Endurance Course – Equestrian Endurance
- Qatar Bowling Centre – Bowling
- Qatar Sports Club – Football (soccer), judo, karate, taekwondo
- The Sport City – Beach volleyball
- West Bay Lagoon – Rowing
Aksidente
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang trahedya ang naganap sa Palaro ng Asya nang malaglag sa kabayo at namatay ang equestrian na mula sa bansang Korea na si Kim Hyung Chil sa kaumagahan ng Disyembre 7 habang idinadaos ang labanan na cross-country sa palakasang equestrian.[11] Ang aksidente ay naganap sa ika-walong (8) talon [12][13] na ginanap kahit umuulan. Ang larangan ng cross-country ay ginanap sa loob ng tatlong (3) araw. Malaking pinsala ang naidulot sa naturang atleta ng pagkadagan ng kabayo, na nagngangalang Bundaberg Black,[14] dahilan upang daliang itinakbo sa ospital si Kim Hyung-Chil at ang opisyal na promulgasyon na kanyang kamatayan ay kinumpirma ng komiteng punong-abala bago sumapit ang tanghali noong araw na iyon (oras sa Qatar).[15] [16] (alas-6 ng gabi sa Timog Korea).
Base sa mga naging batayan ng presidente ng Pambansang Komiteng Pang-Olimpiko ng Korea na si Kim Jung Kil, hindi maayos na natantsa ng kabayo ang kanyang talon at dahil sa basa ang paligid dahil sa ulan, nadulas ito at tumilapon ang atleta. Ang mga opisyal mula sa Timog Korea ay humingi ng isang imbestigasyon upang matukoy kung may pagkakasala ang punong-abala o ang ulan ang naging sanhi ng trahedya.[17]
"In my professional opinion, neither the weather nor the footing had any bearing on this accident. If the horse falls, it's like two tons of bricks falling on you. There is nothing you can do about it," winika ni Andy Griffiths, ang technical overseer ng Palaro.[18]
Ang tatay ni Kim ay isa ring atleta ng palakasang Equestrian na lumahok sa Palarong Olympics 1964 sa Tokyo at ang mas nakababatang Kim ay nanalo ng medalyang pilak sa Palaro ng Asya 2002 sa Busan gamit ang parehong kabayo.[13]
Ito ang naging pang-walong (8) kamatayan na may kaugnayan sa Palaro ng Asya 2006 at ang tanging insidente na may biktimang atleta.[19]
Mga batayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Olympic Council of Asia : Games". Ocasia.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-21. Nakuha noong 2011-06-02.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Opisyal na website ng 2006 Asian Games
- ↑ 3.0 3.1 "Doha Asian Games torch relay route revealed". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-14. Nakuha noong 2021-10-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-05-14 sa Wayback Machine. - ↑ Torch ceremony marks countdown to Games
- ↑ 5.0 5.1 The 15th Asian Games Doha 2006 Torch Relay Route revealed
- ↑ "King of the Mile" Hicham El Guerrouj to Carry the Flame
- ↑ "Ang opisyal ng mascot ng Palaro ng Asya 2006". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-16. Nakuha noong 2007-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-02-16 sa Wayback Machine. - ↑ "Doha Asiad off to spectacular start". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-11. Nakuha noong 2007-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-02-11 sa Wayback Machine. - ↑ Media fascinated by high-tech at Doha Asiad opening ceremony
- ↑ "Asian Games open with a festival celebrating the Gulf". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-21. Nakuha noong 2014-02-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ DAGOC mourns rider after fatal fall
- ↑ Asian Games: S. Korean rider dies after equestrian accident[patay na link]
- ↑ 13.0 13.1 South Korean rider dies in jump fall[patay na link]
- ↑ South Korean rider dies in jump fall
- ↑ Asian Games roundup: Equestrian rider's death overshadows competition[patay na link]
- ↑ Tragedy strikes Games
- ↑ "Koreans demand probe into death fall". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-06. Nakuha noong 2007-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Asia Games death 'tragic accident'
- ↑ Equestrian rider dies at Asian Games
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website ng Palaro ng Asya 2006 Naka-arkibo 2007-01-07 sa Wayback Machine.
- Stagelink - Pagbubukas na seremonya backstage at mga larawan na kinuha mula sa Khalifa Stadium mula 2005 at 2006 Naka-arkibo 2012-12-16 at Archive.is
Padron:Nations at the 2006 Asian Games Padron:Events at the 2006 Asian Games