Pumunta sa nilalaman

Psamtik I

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Su Wahibre Psamtik I (Sinaunang Ehipsiyo: wꜣḥ-jb-rꜥ psmṯk) ang unang paraon ng Ikadalwampu't anim na Dinastiya ng Ehipto at ama ni Necho II. Siya ay naghari sa Sais sa deltang Nilo noong 664 BCE hanggang 610 BCE.

Siya ay kilala sa Asirya bilang Pishamilki (Acadio: 𒉿𒃻𒈨𒅋𒆠 Pišamilki[5]) at Nabu-shezibanni (Acadio: 𒀝𒊺𒍦𒀀𒉌 and 𒉺𒊺𒍦𒀭𒉌[6] Nabu-šezibanni "O Nabu, iligtas mo ako!"[7]) at sa mga Griyego bilang Psammeticus o Psammetichus (Sinaunang Griyego: Ψαμμήτιχος Psammḗtikhos). Nang sakupin ni Esarhaddon na hari ng Imperyong Neo-Asirya ang Ehipto noong 671 BCE, pinatalsik niya ang mga paraong Nubiano ng Ikadalawampu't limang Dinastiya ng Ehipto at humirang ng mga gobernador na Ehipsiyo. Nang pabalikin ng kahalili niyang si Asurbanipal ang mga hukbo Asiryo mula sa Ehipto noong 664 BCE, sinunggaban ng mga gobernador na Ehipsiyo ang pamumuno sa Ehipto. Hinirang ni Psamtik I ang kanyang sarili na nag-iisang pinuno ng Ehipto. Sa kanyang pamumuno, pinag-isa ni Psamtik I ang Ehipto at naging masaganang bansa ang Ehipto. Tumulong rin siya sa humihinang Asirya laban sa Babilonya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Psamtek I Wahibre". Digitalegypt.ucl.ac.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2011. Nakuha noong 20 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames and Hudson, 1994. p.195
  3. Eichler, Ernst (1995). Namenforschung / Name Studies / Les noms propres. 1. Halbband. Walter de Gruyter. p. 847. ISBN 3110203421.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Psamtik I". Touregypt.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Nobyembre 2011. Nakuha noong 20 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Pišamilki [PSAMMETICHUS I, PHARAOH OF EGYPT] (RN)". oracc.museum.upenn.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-02. Nakuha noong 2022-07-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Nabu-šezibanni [PSAMMETICHUS OF SAIS, SON OF NECHO] (RN)". oracc.museum.upenn.edu.
  7. Dalley, Stephanie (2001). Abusch, Tzvi; Noyes, Carol; Hallo, William W.; Winter, Irene J. (mga pat.). Proceedings of the XLV Rencontre Assyriologique Internationale: Historiography in the Cuneiform World. Bol. 1. Bethesda, Maryland: CDL Press. p. 159. ISBN 978-1-883-05367-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)