Rommel N. Angara
Rommel N. Angara | |
---|---|
Kapanganakan | Baler, Aurora, Pilipinas | 20 Agosto 1980
Trabaho | |
Wika | |
Nasyonalidad | Pilipino |
Alma mater | Kolehiyong Monte Carmelo ng Baler |
Kaurian |
|
Si Rommel Nazareno Angara ( /ˈrɒmʌl næzʌˈriːnoʊ əŋˈɡɑːrə/ ROM-uhl na-zuh-REE-noh əng-GAH-rə; Tagalog: [rɔˈmel nazaˈrɛno aŋˈɡarɐ]; ipinanganak noong Agosto 20, 1980), kilala sa payak na pangalang Rommel N. Angara, ay isang Pilipinong makata[1][2] at mananaysay. Ang kaniyang mga tula ay nalathala sa Pambata, isang magasin para sa mga batang Pilipino; Sipag Pinoy, isang pahayagan ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo; at Liwayway, ang pinakamatandang magasing Tagalog sa Pilipinas. Ang kaniyang mga sanaysay ay nalathala sa The Modern Teacher, isang magasin para sa mga gurong Pilipino. Kung minsan ay tinutukoy siya bilang "inspirasyonal na makata ng Aurora."[3]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa bayan ng Baler sa lalawigan ng Aurora sa Pilipinas. Pinakabata siya sa mga anak na lalaki nina Rodolfo R. Angara, Sr. ng Baler, Aurora at Milagros D. Nazareno ng Goa, Camarines Sur. Sa kaniyang pagkabata hanggang maagang adolesensiya, nasaksihan niya ang paminsan-minsang karahasan ng kaniyang ama sa kaniyang ina, na sa bandang huli ay tumakas palayo sa kanilang bahay. Sa kaniyang pagkabata hanggang maagang pagkaadulto, nasaksihan din niya ang paminsan-minsang kalasingan at palagiang paninigarilyo ng nauna. Sa kaniyang maagang pagkaadulto, nagtrabaho siya bilang klerk sa opisina, tutor, at kasambahay. Sa huling bahagi ng Disyembre 2015, nasuri siyang may sakit na Ménière.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtapos siyang balediktoryan sa mataas na paaralan noong 1997 at mag-aaral sa kolehiyo na may karangalan noong 2013 taglay ang digring Batsilyer sa Edukasyong Sekundarya mula sa Kolehiyong Monte Carmelo ng Baler, ang pinakamatandang pangmisyong paaralang Katoliko sa lalawigan ng Aurora.[4]
Karera sa pagsusulat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang mapabilang sa isang wasak na pamilya sa kaniyang maagang adolesensiya, bumaling siya sa pagsusulat ng mga tula upang makasumpong ng kaaliwan. Ang kaniyang unang tulang nalathala ay ang tulang pambata na “Why Do They Cut Me, Lord?” ("Bakit Nila Ako Pinuputol, Panginoon?") na lumitaw sa Pambata noong 1998. Sumulat siya ng ilang tula sa Sipag Pinoy mula 2000 hanggang 2002[5] at sa Liwayway mula 2011 hanggang 2012. Kabilang sa mga tulang isinulat niya sa Liwayway ang sonetong "En Su Incansable Labor" ("Sa Kaniyang Walang-pagod na Paggawa")[6] na inilakip sa katalogo ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas noong 2012.[7] Bilang makata, mayroon siyang matibay na paniniwalang ang "sandaang idea at sandaang saloobin" ay maipapahayag "maging sa pamamagitan ng isang linya ng tula."[8] Sumulat siya ng ilang sanaysay sa The Modern Teacher noong 2005 at mula 2016 hanggang 2020. Kabilang sa mga sanaysay na isinulat niya sa The Modern Teacher ang "Is It Time for You to Say 'I Do'?—An Open Letter to a Young Student in Love" ("Panahon Na ba para Sabihin Mong 'Oo'?—Isang Bukás na Liham sa Batang Mag-aaral na Umiibig").[9][10]
Paglalarawan sa media
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kuwento ng kaniyang buhay ay itinampok sa episodyong “Pasa” ng Maalaala Mo Kaya? (MMK) na isinahimpapawid sa ABS-CBN noong Mayo 21, 2016,[11][12] kung saan gumanap na bida ang batang aktor na si Raikko Mateo at ang aktor, modelo, at video jockey na si Diego Loyzaga.[13][14][15] Nang maging paksang pinag-uusapan sa Pilipinas sa Twitter (na opisyal na tinawag na X mula Hulyo 2023) sa ranggong numero uno sa loob ng mahigit apat na oras bago maghatinggabi ng Mayo 21, 2016,[16][17][18] ang episodyo ng MMK ay nagtamo ng pambansang markang 30.2% kumpara sa mga markang 15.0% at 1.5% na nakuha ng episodyo ng Magpakailanman (MPK) (GMA 7) at episodyo ng Wattpad Presents (TV5).[19] Makalawang ini-upload ng ABS-CBN sa YouTube ang buong episodyo ng MMK, ang una noong Enero 19, 2023[20] at ang ikalawa noong Hunyo 9, 2024.[21] Sa huling linggo ng Oktubre 2024, ang unang upload ay may mahigit limang milyong view, samantalang ang ikalawang upload ay may mahigit 131,000 view. Ibinahagi rin ng mga netizen sa iba’t ibang social media platform, tulad ng Facebook, X (na dating tinatawag na Twitter), at TikTok ang mga clip mula sa episodyo. Ang MMK ang pinakamatagal na nagsahimpapawid na antolohiyang dramang pantelebisyon sa Pilipinas[22][23][24] at sa Asya,[25][26] mula Mayo 15, 1991 hanggang Disyembre 10, 2022,[27][28] na tuwing Sabado ay nagtatampok ng mga kuwentong inspirasyonal ng mga kilala at karaniwang tao, kung saan tagapagsalaysay na host ang media executive, prodyuser ng pelikula at programang pantelebisyon, at aktres na si Charo Santos-Concio.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Liwayway. Muralla cor. Recolletos St., Intramuros, Manila: Manila Bulletin Publishing Corp. Mayo 16, 2011.
- ↑ Roque, Nika (Nobyembre 8, 2018). "Diego Loyzaga in hospital for attempted suicide". The Manila Times. 2nd Flr. Sitio Grande Bldg., 409 A. Soriano Ave., Intramuros, Manila. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2021. Nakuha noong Hunyo 2, 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ "'Aurora's inspirational poet' upclose". wordpress.com. Abril 30, 2023. Nakuha noong Mayo 1, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gonzales, Galo S. (2009). "Reminiscence". www.oocities.org. Nakuha noong Hulyo 12, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morre, Eiryl (Enero 18, 2013). "Writers of Central Luzon and their literary works". prezi.com. Nakuha noong Hulyo 12, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Angara, Rommel N. (Mayo 14, 2012). "En su incansable labor". Liwayway. Muralla cor. Recolletos St., Intramuros, Manila: Manila Bulletin Publishing Corp. p. 2.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "En su incansable labor". wordpress.com. Disyembre 27, 2014. Nakuha noong Enero 1, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Angara, Rommel N. (Hulyo 23, 2020). "Transcend: Poetic insights". Sa Amon, Jay M. (pat.). Mask of zero positive: 20 positive inspiring stories amidst COVID-19. John 14:14 Book Publishing Ctr. pp. 71–73. ISBN 978-621-8208-36-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Angara, Rommel N. (Pebrero 2017). "Is it time for you to say 'I do'? (An open letter to a young student in love)". The Modern Teacher. Bol. 65, blg. 09. 647 P. Paterno, Quiapo, 1001 Manila: In the Grade School, Inc. pp. 345–346. ISSN 2094-8042.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ "Is it time for you to say 'I do'? (An open letter to a young student in love)". wordpress.com. Marso 10, 2017. Nakuha noong Mayo 17, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Batang lumaki sa isang ama at dalawang ina, tampok sa MMK". Balita News Tabloid. Muralla cor. Recolletos St., Intramuros, Manila. Mayo 21, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 20, 2016. Nakuha noong Agosto 7, 2016.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Maalaala Mo Kaya? May 21, 2016 episode Pasa". www.imdb.com. Mayo 21, 2016. Nakuha noong Setyembre 15, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santiago, Ervin (Mayo 21, 2016). "'1 ama, 2 ina' sa MMK episode ni Diego Loyzaga". Bandera. MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City. Nakuha noong Disyembre 21, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MMK episode on May 21, 2016 features Raikko Mateo & Diego Loyzaga as child caught between two mothers". attracttour.com. Mayo 19, 2016. Nakuha noong Disyembre 21, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mateo, Pilar (Mayo 20, 2016). "Diego at Raikko, may dalawang ina". Hataw! D’yaryo ng Bayan. Rm. 103, National Press Club Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila. Nakuha noong Disyembre 21, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ World News [@WorldTweetNews] (Mayo 21, 2016). "Check trndrs theindiansubcontinent.com TwitterPH - Trends: #MMKKakaibangPamilya is setting trend in Philippines at rank 1 for duration 4h…" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TrendiePH - Trends [@TrendiePH] (Mayo 21, 2016). "Trending Philippines 11:20 PM PHT 1. #MMKKakaibangPamilya 2. #PGT5FinalShowdown 3. #opmMegaSabado 4. #FangirlProblems" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TrendiePH - Trends [@TrendiePH] (Mayo 21, 2016). "#MMKKakaibangPamilya was a trending topic in Philippines at rank 1 for duration 4h:16m" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MMK scores more than double of Magpakailanman ratings". www.lionheartv.net. Mayo 24, 2016. Nakuha noong Disyembre 21, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Full episode MMK Pasa" (video). youtube.com. ABS Entertainment. Enero 19, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pasa Diego Loyzaga MMK" (video). youtube.com. ABS Entertainment. Hunyo 9, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bolisay, Richard (Setyembre 9, 2016). "Charo Santos and her triumphant return to film in Lav Diaz's Ang Babaeng Humayo". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2021. Nakuha noong Hunyo 2, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Charo Santos-Concio lectures on leadership, holds external launch of memoir". www.ust.edu.ph. University of the Philippines. Agosto 18, 2017. Nakuha noong Hunyo 2, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Major milestones for Charo Santos, Mike Enriquez air today". The Manila Times. 2nd Flr. Sitio Grande Bldg., 409 A. Soriano Ave., Intramuros, Manila. Nobyembre 28, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2021. Nakuha noong Hunyo 2, 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ "25 years of Maalaala Mo Kaya?". Philippine Headline News Online. Manila. Hunyo 2, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 30, 2020. Nakuha noong Hunyo 2, 2021.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "(TV) GMA's Magpakailanman comeback failed to beat Asia's longest-running drama anthology Maalaala Mo Kaya?". rodmagaru.com. 2012. Nakuha noong Hunyo 2, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dana Cruz (Nobyembre 22, 2022). "MMK set to air final episode after 31 years". Philippine Daily Inquirer. 3rd Flr. Media Resource Plaza Bldg., 2530 Mola cor. Pasong Tirad Sts., La Paz, 1204 Makati City. Nakuha noong Oktubre 30, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ "End of an era: Maalaala Mo Kaya? to bid goodbye after 31 years". www.rappler.com. Nobyembre 22, 2022. Nakuha noong Oktubre 30, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)