Pumunta sa nilalaman

Saulog Transit Inc.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Saulog Transit)
Saulog Transit Inc.
logo
image
Ang Saulog Transit Bus papuntang Kabite.
Naitatag1946
Punong Tanggapan1377 Abenida Elpidio Quirino, Baclaran, Lungsod ng Parañaque, Pilipinas
Lugar ng SerbirsyoMaynila-Lalawigan ng Kabite, Hilagang Luzon, Pilipinas
Uri ng SerbisyoPamprobinsya/Panlalawigan
(Mga) Estasyon
  • Avenida
  • Cavite City
  • Naic
  • Ternate
  • Cubao
  • Olongapo
Fleet100+ Buses (Yutong, Golden Dragon, Daewoo, Santarosa Daewoo, Wuzhoulong, Hino)
TagapamahalaSaulog Transit, Inc.

Ang Saulog Transit Inc. ay isa sa pinakamalaking kompanya ng bus panlalawigan sa Pilipinas. Ito ay bumabaybay mula sa lalawigan ng Kabite hanggang sa Kalakhang Maynila at sa mga lalawigan ng Pampanga, Zambales, at Lungsod ng Baguio sa Benguet. Mayroon din itong kinakapatid na kompanya na Dagupan Bus Company Inc. na bumabiyahe sa Hilagang Luzon.

Ang pangalan ng kumanya ng bus ay hinango kay Alejandro Saulog, founder ng nasabing kompanya ng bus at lolo ng mga pinsan at kamag-anak na kinabibilangan nina Teodoro Saulog, Susan Saulog, Melquiades Saulog, Lilia S. Venturina, at Marietta S. Vergara.

Naitatag noong 1946, ang Saulog Transit ay nagsimula sa iilang bus unit sa disenyong may kulay na dalandan, pilak, at asul. Noong 1974, nakuha nila ang prangkisa ng Villarey Transit, na sinasabing ang anim na Mitsubishi Fuso bus units nito ay ginamit sa biyahe sa Hilagang Luzon sa ilalim ng pangalang Dagupan Bus Company Inc.

Noong 2009, ang Saulog Transit ay mayroon nang tinatayang 500 bus units. Nang sumunod na taon, pumirma ang pamunuan ng Saulog Transit at Genesis Transport Service Inc. ng isang kasunduan (memorandum of agreement) kung saan sasagutin ng Genesis ang pagbabayad ng mga taunang kontribusyon sa SSS, Pag-ibig at PhilHealth sa kadahilanang hindi kayang tustusan ng pamunuan nito ang pagbabayad ng mga nabanggit na kontribusyon. Dagdag pa rito, sasagutin ng huli ang alokasyon para sa mga bagong bus units at pangmatagalang kooperasyon ng dalawang kompanya. Ngayon, ang Saulog Transit ay nakakuha na ng mga bagong units.

Ang punong tanggapan ng Saulog Transit ay matatagpuan sa 1377 Abenida Elpidio Quirino, Baclaran, Parañaque City, Pilipinas at mayroon silang terminal sa Cubao, Lungsod ng Quezon, sa tabi ng terminal ng Viron Transit.

Mga Isyu at Kritisismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa ang Saulog Transit sa mga ipinagbabawal na mga kompanya ng bus panlalawigan na makapasok sa Maynila. Sa ikalawang termino ng alkalde ng lungsod na si Alfredo Lim, nagbaba siya ng isang memorandum na Utos Ehekutibo Blg. 13, na kung saan ipinagbabawal pumasok ang mga bus na galing sa mga lalawigan ng Kabite, Laguna, Batangas at Quezon. Ito ay upang maibsan ang lumalalang trapiko sa Daang Taft sa Maynila.[1] Inakusahan din ang kompanya ng paglabag sa mga ordinansa sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa hindi naman itinakdang terminal sa ilang bayan sa Pampanga at Zambales.

Nag-isyu ang Quezon City Regional Trial Court ng writ of preliminary injunction laban sa Saulog group of companies na nagtatangkang ibenta ang kanilang mga stocks sa ibang kompanya ng bus.[2]

May namumuong problema sa pamunuan ng Saulog Transit at Dagupan Bus Company sa pagitan ng mga magkakamag-anak nito. Nagsimula ang problema matapos ang asasinasyon sa kanilang mga ninuno. Si Alejandro Saulog, na siyang founder ng nasabing kompanya ng bus at lolo ng mga pinsan at kamag-anak na kinabibilangan nina Teodoro Saulog, Susan Saulog, Melquiades Saulog, Lilia S. Venturina, at Marietta S. Vergara, ay binaril at napatay noong 1960 ng isang di-nakilalang gunman, habang ang kanilang padre de pamilya nilang si Ruben Saulog, ama ng kasalukuyang punong ehekutibo ng kompanya at isa sa mga anak ng napatay niyang ama, ay binaril at napatay din noong 1990 ng isa ring di-nakilalang gunman. Magpahanggang ngayon, umiiral ang sigalot ng mga magkakamag-anak dahil lamang sa mana at sa pera kaya hindi pa maresolba ang kaso. Ang pagtatangkang ibenta ang dalawang kompanya ay siniguro ng abogado na si Bernard Saulog, isa sa mga kamag-anak ng mga napatay na tiyuhin, na nakakuha ng 75% ng kabuuang P1.4 B assets, habang ang 25% ng natitirang assets ay ibinigay sa iba pang miyembro ng pamilya. Gayunman, tumanggi sina Teodoro Saulog, panganay na anak ng napatay na sole founder, at ang iba pa niyang mga kapatid at pinsan, na ibenta ang Saulog Transit Inc. at Dagupan Bus Company Inc.[3]

Tulad ng iba pang mga pangunahing kumpanya ng bus, ay moderno kanyang mabilis. Ang ilan sa kanyang mga bus ay nilagyan ng automatic transmission (GM Allison Automatic Transmission), lalo na ang kanilang mga engine pinagagana ng bus. Bilang ng ngayon, ang kumpanya ay ngayon ng paggamit ng mga sumusunod:

  • Yutong ZK6107HA
  • Yutong ZK6119HA
  • Golden Dragon XML6102
  • Golden Dragon XML6103
  • Golden Dragon XML6127
  • Wuzhoulong FGD6128
  • Santarosa Daewoo BV115
  • Santatosa Daewoo BH117H
  • DMMC DM 12 Hino RM2PSS
  • Volvo B7R DMMW
  • Volvo B7R DM16S2

Mga Destinasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Destinasyong Panlalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Rutang Inter-Probinsyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Olongapo City, Zambales - San Jose, Nueva Ecija (via Cabanatuan, Gapan at San Fernando)
  • Olongapo City, Zambales - Cavite City, Cavite (via San Fernando Exit/NLEX at CAVITEX)
  • Olongapo City, Zambales - Alaminos, Pangasinan (via Iba at Sta Cruz, Zambales) [sa hinaharap][4]

Mga Dating Destinasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dating Rutang Inter-Probinsyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Cavite City - Baguio (via SCTEX/Luisita Exit)

(*) ang markang nangangahulugang nasa oparasyon ng Genesis Transport na orihinal na livery

(**) ang markang nangangahulugang nasa oparasyon ng JAC Liner

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]