Simón de Anda y Salazar
Simón de Anda y Salazar | |
---|---|
![]() | |
Gobernador-Heneral ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Hulyo 1770 – ika-30 ng Octubre 1776 | |
Monarko | Carlos III ng Espanya |
Nakaraang sinundan | José Antonio Raón y Gutiérrez |
Sinundan ni | Pedro de Sarrio |
Pinuno ng Pakikibaka ng mga Espanyol sa Pilipinas | |
Nasa puwesto ika-6 ng Octubre 1762 – ika-30 ng Enero 1764[1] | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 28 Oktubre 1709 Subijana de Álava, sa kabayanan ng mga Basko, bansang Espanya |
Yumao | 30 Oktobre 1776 Cavite, sa Pinamamahalaang Teritoryo ng Kapuloang Pilipinas | (edad 67)
Serbisyo sa militar | |
Labanan/Digmaan | Ang Pitong Taong Digmaan |

Si Simón de Anda y Salazar (Oktubre 28 1709 — Oktubre 30, 1776) ay ang naging gobernador-heneral ng Pilipinas mula Hulyo 1770 hanggang ika-30 ng Oktubre 1776. Siya ay isinilang sa bayan ng mga Basque sa hilagang Espanya.
Pananakop ng Britanya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si De Anda y Salazar ay naging isang Tagapakinig ng Audiencia Real ng Maynila, ang kataas-taasang hukuman ng pag-aapela, at hinirang din siya bilang Bise-Gobernador noong pananakop ng Britanya sa Maynila. Subalit niyan, nilisan niya ang Maynila noong gabi ng ika-5 ng Oktubre 1762 noong nagsimula ang Labanan sa Maynila (1762) — at siya'y nagtatag ng isang hukbo at pansamantalang kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Bulacan, (na dating nakapaloob pa sa lalawigan ng Pampanga), at ipinagpatuloy ang kampanyang militar laban sa mga Ingles.
Kasunduan sa Paris (1763)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Marso 1764, ang mga utos ay nakarating lagda ng kapwa kina Jorge III (Hari ng (Britanya]]) at Carlos III (Hari ng Espanya) na isauli ang lungsod ng Maynila sa Espanya alinsunod sa Kasunduan sa Paris ng 1763.
Ang nakaupong Britanikong Gobernador Drake ay kinasuhan ng mga pagkakasala bilang gobernador subalit siya ay nakaalpas sa pamamagitan ng pagbibitiw at pagtakas noong ika-29 Marso 1764. Sa pagkakataong iyon, ang Konseho ng Maynila ay nagtalaga ng kapalit na gobernador, isang nagngangalang Alexander Dalrymple, ngunit siya ay hindi tinanggap at sinunod ng garison ng Maynila. Noong ika-1 ng Abril 1764, ang garison ng Maynila ay seremonyal na sama-samang lumabas, umuuwi, at ibinalik sa mga Espanyol ang kapangyarihan sa Maynila.
Gobernador-Heneral ng Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naglakbay si Anda sa Espanya, at siya ay tinanggap ng mabuti ng parlamento, at siya'y ginawang Konsehal ng Kaharian ng Kastilya, Ito sa kabila ng kanyang mga sinulat ng liham na inirereklamo ang ilang kaguluhan sa Pilipinas, kabilang ang kanyang isinulat laban sa mga prayle.
Noong ika-12 ng Abril 1768 si Anda ay bumalik sa Pilipinas at sa pamamagitan ng Kautusan ng Kahariang Espanya ay naging Gobernador-Heneral noong Hulyo 1770. Nagpatuloy siya laban sa kanyang hinalinhan at ang mga iba pang politiko, at kanyang pinukaw ang oposisyon sa kanyang pagbabago ng hukbong Espanyol ng Pilipinas. Namatay si Simón de Anda y Salazar noong ika-30 ng Oktubre 1776, sa Ospital ng San Felipe sa Cavite sa edad na 67 taon.
Kanyang Pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang Monumento ng Anda sa Maynila ay itinayong pagbigay-pugay sa kanyang mga nagawa, gayundin ang katulad nitong monumento sa Bacolor, Pampanga.
- Ipinangalan ang mga Munisipalidad ng Anda, Bohol at Anda, Pangasinan na turing sa kanya.
- Ipinangalan din sa kanya ang isang lansangan sa kabisera ng teritoryong Basque sa Vitoria-Gasteiz, malapit sa kanyang sinilangang Subijana de Álava sa Espanya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Si Anda ang tenyente gobernador mula noong bumagsak ang Maynila sa mga British noong ika-4 ng Oktubre 1762. Ibinigay ng militar ng Britanya ang kapangyarihang sibil kay Dawsonne Drake bilang gobernador noong Nobyembre 1762. Patuloy nilang kinilala si dating gobernador na si Arsobispo Manuel Rojo bilang pangulo ng Real Audiencia hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-30 Enero 1764. Pagkamatay ni Rojo, sinimulan ng mga Ingles ang negosasyon kay Anda ngunit nanatili si Drake bilang gobernador ng Pilipinas hanggang ika-29 ng Marso 1764.