Pumunta sa nilalaman

Talahulunganan ng mga salitang Hapon na nagmula sa Portuges

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Maraming mga salitang Hapon na nagmula sa Portuges na pumasok sa wikang Hapon noong ipinakilala ng mga Heswitang Portuges na pari nga mga kaisipang Kristiyano, Kanluraning agham, teknolohiya at mga bagong produkto sa mga Hapon sa panahong Muromachi (mga ika-15 at ika-16 siglo).

Ang mga Portuges ang unang taga-Europa na nakarating sa Hapon at ang unang nagtatag ng direktang pangangalakal ng Hapon at Europa noong 1543. Noong ika-16 at ika-17 siglo, nagsagawa ang mga Heswitang Portuges ng matinding trabahong Katekismo na natapos lamang sa pag-uusig ng relihiyon noong maagang panahong Edo (Kasugunang Tokugawa). Ang Portuges ang unang nagsalin ng Hapon sa isang wikang Kanluranin, sa diksiyonaryong Nippo Jisho (日葡辞書, literal na "Diksyunaryong Hapon-Portuges") o "Vocabulario da Lingoa de Iapam" na pinagsama ng Portuges na Heswitang João Rodrigues, at naglathala sa Nagasaki noong 1603 na sumulat din ng isang balarila na "Arte da Lingoa de Iapam" (日本大文典, nihon daibunten). Ipinaliwanag ng diksyonaryong Hapon-Portuges ang 32,000 salitang Hapon na isinalinwika sa Portuges. Tumutukoy ang karamihan sa mga salitang ito sa mga produkto at kaugalian na unang dumating sa Hapon sa pamamagitan ng mga Portuges na mangangalakal.

Talaan ng mga salitang hiram

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakasulat ang marami sa mga unang salita na ipinakilala at ipinasok sa wikang Hapon mula sa Portuges at Olandes sa kanji o hiragana sa halip ng katakana na mas karaniwang paraan upang sulatin ang mga salitang hiram sa wikang Hapon sa modernong panahon. Ateji ang mga bersyong kanji ng mga salita. Ito ay mga panitik na "inakma" o "inilapat" sa mga salita ng mga Hapones, batay sa alinman sa pagbigkas o kahulugan ng salita.

Nagpapahiwatig ang na lipas na ang salita at hindi na ginagamit.

Haponesang Rōmaji Haponesang sulat Haponesang kahulugan Pre-modernong Portuges Modernong Portuges Tagalog Mga tala
bateren 伴天連 / 破天連 misyonerong pari (lalo na mula sa mga Heswita) padre padre pari ginamit sa maagang Kristiyanismo
battera ばってら klase ng sushi bateira — (barco) barko ipinangalan mula sa kanyang hugis
bīdama ビー玉 holen (hugis-simbilog) ---- berlindes, bola-de-gude, bolinha-de-gude ---- pagdadaglat ng bīdoro + tama (Hapon: 'bola').

cf. bīdoro
bīdoro ビードロ isang tiyak na tradisyonal na klase ng of artepaktong salamin vidro vidro salamin
birōdo ビロード / 天鵞絨 pelus veludo veludo pelus ginagamit din ang berubetto (mula sa Ingles na velvet) sa kasalukuyan
bōro ボーロ / ぼうろ isang klase ng galyetas (maliit at malamanik) bolo bolo keyk keiki (mula sa Ingles na cake) ang pinakaginagamit ngayon
botan ボタン / 釦 / 鈕 butones botão botão butones
charumera チャルメラ maliit na dobleng tambo na instrumentong de-ihip charamela charamela (caramelo, magkaugnay sa "karamelo") shawm (cf. ang kaugnay na chalumeau, mula sa Ingles) dating tinugtog ng mga Hapones na tagabenta ng nudels
chokki チョッキ tsaleko; dyaket jaque colete, jaqueta tsaleko; dyaket Mas karaniwan ang besuto (mula sa Ingles na vest) sa kasalukuyan.
furasuko フラスコ prasko frasco frasco prasko
igirisu イギリス / 英吉利 Reyno Unido inglez inglês Ingles (pang-uri o tao)
iruman イルマン / 入満 / 伊留満 / 由婁漫 misyoneryong sunod sa pila para maging pari irmão irmão kapatid ginamit sa maagang Kristiyanismo
jōro じょうろ / 如雨露 pandilig jarro jarro galong, pandilig "posible na mula sa Portuges" (diksyunaryong Kōjien)
juban/jiban じゅばん / 襦袢 tsaleko sa ilalim ng kimono gibão tsalekong pang-ilalim Humantong ang anyong Pranses na jupon sa zubon (pantalon).
kabocha カボチャ / 南瓜 kalabasa ---- Camboja abóbora kalabasa Unang ipinakilala sa Hapon mula sa Kambodya, inangkat ng mga Portuges. Camboja (Portuges) → kabocha (Hapon). Lumilitaw rin ang Haponesang salita na kabocha sa mga makasaysayang tekstong tumutukoy sa Kambodya
kanakin/kanekin 金巾 / かなきん / かねきん tela ng kamisadentro, perkale canequim canequim hindi kuladong muslin/kalenkor jargon mula sa negosyong henero
kandeya カンデヤ ilawan candeia, candela vela, candeia kandila Lipol, dahil lipas na ang mga lampara. Ginamit din ang kantera mula sa Olandes na kandelaar.
kapitan 甲比丹 / 甲必丹 kapitan (ng mga barko sa Europa noong Panahon ng Pagtuklas) capitão capitão kapitan salitang lipol - ginagamit na ngayon ang anyong Ingles na kyaputen (captain)
kappa 合羽 kapote capa capa (de chuva) kapote, amerikana Mas laganap ang reinkōto (mula sa Ingles na raincoat) ngayon.
karuta かるた / 歌留多 barahang karuta cartas (de jogar) cartas (de jogar) baraha isang tradisyonal na uri ng baraha na napakaiba mula sa modernong pandaigdigang beryson
kasutera, kasutēra, kasuteira カステラ Uri ng sponge cake[1] (Pão de) Ló (Pão de) Ló (Tinapay ng) Ló Sinisipi ng mga teoramang Portuges castelo (kastilyo) o ang Kaharian ng Kastila (Castela sa Portuges).
kirishitan キリシタン / 切支丹 / 吉利支丹(Sinusulat din sa mga mas negatibong anyo 鬼理死丹 at 切死丹 pagkatapos ipinagbawal ang Kristiyanismo sa Kasugunang Tokugawa Mga Kristiyano noong ika-16 at ika-17 na siglo (na labis na inusig ng sugunan) christão cristão Kristiyano Ang mga Kristiyano ng kasulukuyan ay Kurisuchan (mula sa Ingles na Christian).
kirisuto キリスト / 基督 Kristo Christo Cristo Kristo
kompeitō 金米糖 / 金平糖 / 金餅糖 Isang uri ng kendi na hugis-bituin confeito confeito confection, candies (konektado sa confetti)
koppu コップ tasa copo copo tasa
kurusu クルス krus cruz cruz krus ginamit sa maagang Kristiyanismo, kurosu (cross) ngayon mula sa Ingles
karameru カラメル karamelo caramelo caramelo karamelo
manto マント balabal manto manto balabal
marumero マルメロ cydonia oblonga marmelo marmelo cydonia oblonga
meriyasu メリヤス / 莫大小 isang uri ng niniting tela medias meias medyas, pagniniting
mīra ミイラ / 木乃伊 momya mirra mirra mira Sa simula, mga momyang embalsamado

gamit ang mira.

oranda オランダ / 和蘭(陀) / 阿蘭陀 Olanda (bansa), Olanda (rehiyon) Hollanda Holanda, Países Baixos Olanda (bansa o rehiyon)
orugan オルガン organo orgão órgão organo
pan パン tinapay pão pão tinapay Kadalasang ikinamamali ang pagkonekta sa Kastilang pan o sa Pranses na pain na magkasingkahulugan at galing sa Latin. Ipinakilala ang salita sa Hapon sa pamamagitan ng mga misyoneryong Portuges.[2]
pin kara kiri made ピンからキリまで pagsusuri ng buong saklaw, pagkakahalu-halo

ng trigo at tara

(pinta, cruz) (pinta, cruz) (tuldok, krus) literal na 'mula pin hanggang kiri'
rasha ラシャ / 羅紗 isang klase ng hinabing pinagtagpi mula sa lana raxa – (feltro) pyeltro
rozario ロザリオ rosaryo rosario rosário rosaryo
sabato サバト Sabado sábado sábado Sabado
saboten サボテン / 仙人掌 kakto sabão sabão sabon Sinasabing nanggaling ito mula sa mala-sabong katangian ng kanyang katas, ngunit mayroong mga kontrobersya

cf. shabon
sarasa 更紗 chintz saraça chintz
shabon シャボン (sabon) sabão sabão sabon Marahil na nagmula sa mas lumang xabon ng Kastila. Kadalasang nakikita sa mga tambalan tulad ng shabon-dama ('mga bula ng sabon') sa modernong Hapon.
subeta スベタ (nakakainsultong salita para sa kababaihan) espada espada tabak Dating salita mula sa mga baraha batay sa mga barahang hindi nakakuha ng puntos. Pinalawak ang kahulugan upang tumukoy sa "isang mayamot, masungit, mababang antas", and from there to mean "an unattractive woman".
tabako タバコ / 煙草 / たばこ tabako, sigarilyo tobaco tabaco tabako, sigarilyo
totan トタン / 塗炭 galbanisadong pilyego ng bakal (hal. kulubot na pambubong) tutanaga kulubot na galbanisadong bakal
tempura 天麩羅 / 天婦羅 pagkaing dagat/gulay na pritong prito tempero, temperar;[3][4] tempora tempero, temperar; tempora panimpla, rikaduhan; mga oras ng pangilin sa karne
zabon ざぼん / 朱欒 / 香欒 suha, sadok zamboa zamboa suha, sadok
zesu o zezusu ゼス, ゼズス Hesus Jesu Jesus Hesus Ang modernong salita イエス (Iesu) ay pagbubuong-panibago ng salita sa Sinaunang Griyego.

Madalas na iminumungkahi na nagmula ang salitang Hapon na arigatō sa Portuges na obrigado, na parehong nangangahulugang "Salamat", ngunit malinaw sa katibayan na katutubong salita ito ng mga Hapon. Isang magalang na anyo ng arigatō ang pariralang Hapon na arigatō gozaimasu. Isang anyo ito ng pang-uri, arigatai, kung saan mayroong mga nakatala na mula pa sa Man'yōshū na pinagsama-sama sirka 759 PK, matagal na panahon bago ang pakikipag-ugnayan ng Hapon at Portugal.[5]

Ang buong pinaghanguan ay arigatō, ang "u" pagbabago sa tunog ng arigataku < arigataku, ang atributibong anyo ng arigatai, < arigatai < arigatashi < ari + katashi. Ang ari ay isang pandiwa na nangangahulugang "maging" at katashi ay isang pang-uri na nangangahulugang "mahirap". Ang orihinal na kahulugan ng "arigatashi" ay "mahirap maging", ibig sabihin, ang kabutihan o pag-uugali ng tagapakinig ay "pambihira" at sa gayon ay "espesyal".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]