Wikipedia:Paghahanda at mga mungkahi para sa Alam Ba Ninyo
Itsura
(Idinirekta mula sa Wikipedia:ABN-handa)
Alam Ba Ninyo? (T:ABN) |
---|
Gabay (WP:ABN-gabay) |
Paghahanda (WP:ABN-handa) |
Susunod (WP:ABN-sunod) |
Mungkahi (WP:ABN-mungkahi) |
Supnayan (WP:ABN-supnay) |
Sinupan (WP:ABN-sinop) |
Dito sa pahinang ito inihahanda ang mga susunod na artikulong itatampok at itatanghal para sa Alam Ba Ninyo? ng Unang Pahina:
- Pagdaragdag
- Bago magdagdag, tingnan at basahin muna ang mga gabay na nasa Wikipedia:Mga huling dinagdag. Gawing huwaran ang mga nagamit nang mga paksa at pamukaw na tanong na nasa Supnayan ng mga napiling artikulong pang-Alam Ba Ninyo?.
- Sundin ang anyo ng mga halimbawa at parisang nandito sa ibaba.
- Makapipili ka ng mga bagong artikulo mula sa Natatangi: Mga Bagong Pahina. Pumili lamang ng mga artikulong bago: may lima o nasa loob pa ng limang araw pagkaraang malikha.
- Pagmumungkahi
- Kung hindi ka pa sigurado o nag-aalangan kung mainam ito para sa Unang Pahina o kung hindi ka pa gaanong sanay sa ganitong gawain sa Tagalog Wikipedia, maaari mo munang ilagay ito sa Usapan hinggil sa mungkahi at paghahanda para sa Alam Ba Ninyo? upang masuri o mapainam pa.
- Nahahati sa limang paksa lamang ang bawat isang pangkat ng mga pamukaw-tanong na nasa ibaba, para matugunan ang pagkakapantay-pantay at pagkakaayos ng mga kahon sa Unang Pahina. Mula sa mga pangkat pumipili para isapanahon ang Alam Ba Ninyo? ng Unang Pahina.
- Kayarian, pag-aayos, at paglalagay sa Unang Pahina
- Sa ngayon, nahahati ang mga nasa ibaba sa sampung pangkat. Nilalagyan ng Ginamit na ang pangkat na pinagkunan para gamitin na. Mag-angat ng mga pangkat kung kinakailangan na. Ipagpatuloy ang pagbubuo ng mga pangkat. Ikalat lamang sana ang mga paksa, kung may kakayahan at may sapat na bilang mga lathalain, para mas malawak ang kaalamang naihahatid sa mga mambabasa. Maaari ring magdagdag ng pangkat kung kailangan. Unahin lamang sana ang nauunang mga pangkat. Subalit maaaring magdagdag ng isa o dalawang paksa at pamukaw tanong kung ibig, nararapat, mahalaga, at/o nasasapanahon. Karaniwang nilalagyan naman ng Wala pa ang mga pangkat na wala pang laman (lalo kung ubos na).
- Maaari ring tuwirang magdagdag sa Alam Ba Ninyo? ng Unang Pahina kapag walang mga nakahanay na pangkat sa ibaba.
- Huwag kalimutang lagyan ng tatak ang pahina ng usapan ng mga paksa. Gayondin, huwag kaligtaang padalhan ng pabatid ang may-akda, nagpalawig, nagpainam at/o nagsalin ng lathalain.
Halimbawa at parisan para sa mismong paghahanda
[baguhin ang wikitext][[Image:Pangalan ng Larawan|right|100x100px]]
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ''(nakalarawan)'' ay ...
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ay/ang ...
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ay/ang ...
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ay/ang ...
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ay/ang ...
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ay/ang ...
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ay/ang ...
* ... na ang/si '''[[Pangalan ng artikulo]]''' ay/ang ...
Mga susunod na pang-Alam Ba Ninyo?
[baguhin ang wikitext]Karaniwang araw
[baguhin ang wikitext]- Paunawa: Hinihikayat kang magsimula at magdagdag ng bagong paksa sa ibaba. May pamukaw-tanong na sana kung maaari. Magdagdag ng bagong pangkat kung kinakailangan.
Unang pangkat
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Esmeraldang Buddha, ang paladyo ng Taylandiya, ay nagpalipat-lipat ng kinaroroonan gaya ng Wat Chedi Luang sa Chiang Mai at Wat Arun sa Thonburi bago sa kasalukuyang tahanan nito sa Wat Phra Kaew sa loob ng Dakilang Palasyo ng Bangkok?
- ... na ang mga bahay-tindahan sa Barrio Tsino, Singapur ay kakikitaan ng mga haluang arkitekturang Baroko at Victoriana?
- ... na sa magkakasunod na taong 2021 at 2022, ang Pandaigdigang Paliparang Hamad sa Doha, Qatar ay ginawaran bilang pinakamahusay na paliparan sa buong daigdig?
- ... na ang estasyong Amsterdam Centraal ng Amsterdam ay ang ikalawang pinakaabalang estasyong daambakal sa buong Olanda matapos ng Utrecht Centraal?
- ... na ang arkitekturang Sino-Portuges ay laganap sa mga makasaysayang pamayamanan ng mga nandarayuhang Tsino gaya ng Lumang Phuket, Singapur, at George Town?
- ... na, sa mga komuna (comune o munisipalidad) ng Italya, ang Atrani ang pinakamaliit sa lawak na 0.12 km2 (0.05 milya kuwadrado) habang ang Morterone ang may pinakamaliit na populasyon na may 33 naninirahan?
- ... na para kay Mao Zedong, "ang mamatay para sa bayan ay mas matimbang kaysa Bundok Tai, ngunit ang magtrabaho para sa mga pasista at mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay mas magaan kaysa isang balahibo"?
- ... na ang Foiano della Chiana ay nagkaroon ng mag pader na hugis-puso noong 1480 matapos itong maisalilim sa kapangyarihan ng Florencia?
- ... na ang Katimugang Italya ay nakaranas ng mas maraming makasaysayang impluwensiya kaysa ibang bahagi ng tangway, gaya ng mula sa Sinaunang Griyego?
- ... na pinaniniwalaang ginamit bilang isang pangkalkula ng mga simpleng operasyon sa matematika ang buto ng Ishango (unang nakalarawan)?
- ... na ayon sa mga tradisyon, nagsimula ang Kristiyanismo sa India nang lumapag si Santo Tomas ang Alagad sa Baybaying Malabar at si San Bartolome ang Alagad sa Baybaying Konkan?
- ... na ang Scala Sancta, isang hagdang relikya na kinuha ni Reyna Elena mula sa praetorium ng palasyo ni Poncio Pilato sa Herusalem, ay diumano inakyatan ni Hesukristo bilang bahagi ng kanyang Pasyon?
- ... na ang lungsod ng Multan sa Pakistan ay isa sa mga sentro ng Islamikong medyebal ng India at kinalalagyan ng mga dakilang mausoleo?
- ... na ang toga ay isang komplikadong pananamit na naging isang panseremonyang kasuotan kalaunan ng mga nakatataas na tao sa sinaunang Roma?
- ... na galing ang pangalan ng Simbahan ng Santa Maria sopra Minerva sa pag-aakalang nakatayo ito sa pundasyon ng gumuhong templo ng diyosang si Minerva, ngunit napag-alamang ito pala ay isang templong inialay sa Ehiptong diyosang si Isis?
- ... na si Mimar Sinan (pangalawang nakalarawan), na nagtrabaho sa ilalim ni Suleiman ang Maringal, ay itinuring bilang isa sa mga pinakadakilang arkitektong Otomano at madalas inihahambing kay Michelangelo?
- ... na itinuring na isa sa mga Ama ng Arkitekturang Baroko si Francesco Borromini dahil sa kanyang unang solong proyekto - ang Simbahan ng San Carlo alle Quattro Fontane sa Roma?
- ... na gawa-gawa lamang ang pangalan ni Fibonacci noong 1838 ni Guillaume Libri, isang Pranko-Italyanong historyador?
Ikalawang pangkat
[baguhin ang wikitext]- Wala Pa
Ikatlong pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na
Ikaapat na pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na
Ikalimang pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na
Ikaanim na pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na
Ikapitong pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na
Ikawalong pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na
Ikasiyam na pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na
Ikasampung pangkat
[baguhin ang wikitext]- Ginamit na