Pransiyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Pransyo o Pransyum ay isang elementong pangkimika na mayroong sagisag na pangkimikang Fr at atomikong bilang na 87. Isa itong metal, na sa larangan ng kimika, ay inilagay sa isang pangkat ng mga elementong metal na pinangalanan bilang mga metal na alkalina. Napakaradyo-aktibo ng francium. Ang napakamaliliit na dami nito ay nasa loob ng mga bato ng uranium at ng thorium. Sa lahat ng mga elementong kimikal, ito ang mayroong pinakamababang elektronegatibidad at pagkahinlog ng elektron.

Katulad ng lahat ng mga elementong nasa pangkat bilang 1 sa talaang peryodiko, ang francium ay marahas na tumutugon (reaksiyon) sa tubig. Ang francium ang isa sa pinakamahirap na mahanap na mga elemento sa Daigdig. Tinataya na mayroong lamang humigit-kumulang sa 15 mga gramo o kalahati ng isang onsa ang mayroon nito sa ibabaw o "balat" ng Daigdig sa loob ng nag-iisang panahon.[1]

Bagaman nalalaman ng mga kimiko na dapat na umiral ang bilang ng elemento na 87 sa talaang peryodiko, matagal bago ito natagpuan. Noong kaagahan ng dekada ng 1900, halos lahat ng mga kahon na nasa talaang peryodiko ay napuno na. Nalalaman ng mga kimiko na mayroong nang tig-iisang elemento na mailalagak sa bawat isang kahon. Ang francium ay natagpuan noong 1939 ng kimikong Pransesa na si Marguerite Perey.[1] Pinangalanan niya ang elementong ito bilang francium, na nakabatay sa pangalan ng kaniyang bansang pinagmulan, ang Pransiya (na sa wikang Pranses ay France).

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Francium, Chemical Element". Chemistry: Foundations and Applications - Elements. Advameg, Inc. http://www.chemistryexplained.com/elements/C-K/Francium.html. Hinango noong 2008-11-21. 



Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.