Pumunta sa nilalaman

Wikang Karay-a

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kinaray-a
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2phi
ISO 639-3krj

Ang Kinaray-a ay isang wikang Austranesyano na siyang pangunahin wikang gamit sa Lalawigan ng Antique sa Pilipinas. Ilan lang ito sa mga wika ng Kabisayaan, kabilang na rin dito ang Aklanon o Malaynon, Capiznon at Hiligaynon. [1]

Pinanggalingan ng Salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagmula ang salitang Kinaray-a sa "iraya" o "ilaya" sa wikang Tagalog, na tumutukoy sa mga mamamayang nakatira sa bulubunduking bahagi ng lalawigan. Ang mga mamamayang nakatira malapit sa mga wawa ng ilog ay tinatawag namang ilawod mula sa salitang Hiligaynon na lawod, nangangahulugang isang malawak na katubigan (dagat, karagatan, o lawa). Samakatwid, ang Kinaray-a ay tumutukoy sa paraan ng pagsasalita o wika ng mga naninirahan sa bulubunduking bahagi ng lalawigan.

Ginagamit din ang Kinaray-a sa ilang bahagi ng Iloilo kasabay ng Hiligaynon. Dahilan na rin sa magkakalapit na rehiyon, media at telebisyon, ang mga Kinaray-a ay nakakaintindi rin ng Hiligaynon. Ang mga Hiligaynon naman ay maaari o maaaring hindi nakakaintindi ng Kinaray-a.

May kamaliang inaakala ng karamihan sa mga Hiligaynon na ang Kinaray-a ay isa lamang wikang sangay ng Hiligaynon; ang dalawang ito sa katunayan ay nabibilang sa dalawang magkaiba, ngunit magkaugnay na pangkat ng wika.

Mga Diyalekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang naisagawang anumang aktwal na pag-aaral hingil sa mga diyalekto ng Kinaray-a. Subalit mayroong mga pagkakaiba-iba sa paraan ng pagsasalita ng Kinaray-a sa bawat bayan. Mapapansin din ang pagkakaiba-iba sa bokabolaryong gamit sa pagitan ng mga diyalekto.

Ang pagkakaibaiba at antas ng di pagkakatulad ng mga diyalekto sa bawat isa ay nakadepende ng husto sa kung gaano kalapit ng isang lugar sa kabilang lugar na may ibang wikang gamit. Kaya sa Antique, sa gawing hilaga, mayroong diyalektong nahahawig sa Aklanon, ang wika ng Aklan, na syang kalapit-lalawigan sa hilaga. Sa timog naman, mas nahahawig and mga diyalekto doon sa sinasalita sa mga bayan ng San Joaquin at Miagao ng Iloilo.

Ang Bukid nga Nagpalangga kang Pispis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Kauna, may sangka bukid nga puro bato. Nagaisarahanun dya sa tunga kang patag."

Walang gaanong mga aklat pambata ang nailathala sa Kinaray-a, ni ng isang makulay at puno ng larawang aklat pambata. Malamang, Ang Bukid Nga Nagapalangga Kang Pispis ang syang kaunaunahang aklat pambata na may makulay na mga larawan sa wikang Kinaray-a. Hango ito sa orihinal na akda ni Alice McLerran na The Mountain That Loved A Bird. Ito'y isinalin sa Kinaray-a ni Genevieve L. Asenjo at isinalarawan ni Beaulah Pedregosa Taguiwalo.

Ang Bukid Nga Nagapalangga Kang Pispis ay inilathala ng Mother Tongue Publishing Inc., na isang bagong lathalaang nakabase sa Maynila, Pilipinas na binuo noong Nobyembre 2006 ni Mario at Beaulah Taguiwalo. Tunguhin nilang makapaglathala ng mga aklat sa pinakamaraming wika at diyalekto hangga't maaari. Naging inspirasyon nila ang mga salita ng manunulat ng science fiction na si Ursula K. Le Guin: "Ang panitikan ay nagkakahugis at nabubuhay sa katawan, sa sinapupunan ng inang-wika." Sang-ayon din sila sa neuro-scientist na si Elkhonon Goldberg na nagsabing ang mga inang-wika ay "isang lubhang naibabagay at makapangyarihang kagamitan sa paghubog hindi lamang ng kung ano, kundi sa kung ano ang magiging, at kung ano ang nais at di natin nais na maging."

Mga Karaniwang Kasabihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kumain ka ba nang maayos? - Kakaon kaw ron sakto? / Kakaun kaw kamayad?

Mabuti. - Mayad.

Sige, kumain ka pa. - Sige, durupi pa kaun.

Kumusta ang pakiramdam mo? - Ano run pamatyag mo?

Aalis na ako. - Mapanaw run ko.

Hindi ko alam. - Wara takun kamaan. (O kaya'y: Maan o ambay.)

Ayoko nyan. - Indi takun kauyon.

Ayoko nga. - Indi takun.

Namimiss ko na sya. - Nahidlaw ako kana.

Namimiss ko sila. - Nahidlaw ako kananda.

Miss na kita. - Nahidlaw run ako kanimo.

Namiss kita ng husto. - Nahidlaw gid ako kanimo.

Dito ka na matulog. - Idya kaw nalang turog. / Rugya run lang ikaw turog.

Umuulan pa rin nang malakas. - Baskug man dyapon uran. / Baskug man gihapon/angud ang uran.

Mag-almusal na tayo. - Mamahaw run ta.

Mananghalian na tayo. - Maigma run ta.

Maghapunan na tayo. - Manyapun run ta.

Dahan-dahan, baka ka madulas. - Hinay lang, basi makadalin-as/makadanlug ikaw.

Ang dulas ng daan. - Danlug ang aragyan.

Mabuti, kung ganun. - Te, mayad eh o mayad ran. / Mayad gali, kon amo.

Nasaan na siya? - Diin run tana?

Sinong katulong mo rito? - Sin-o imong timbang/kabulig idya? / Sin-o kabulig mo rugya?

Sinong nagbabantay sa iyo? - Sin-o nagabantay kanimo?

Sino yan? - Sin-o ran?

Bakit? - Manhaw? / Andut haw?

Maayos pa rin pangangatawan mo. - Nami man angud ang imong lawas.

Medyo tumaba ka. - Nagturutambuk kaw gawa.

Saan ka pupunta? - Diin kaw maagto?

Sa Kabilang bahay - Sa piyak balay.

Ano pangalan mo - Ano ngaran mo?

  Absolutive
(emphatic)
Absolutive
(non-emphatic)
Ergative
(postposed)
Ergative
(preposed)
Oblique
1st person singular ako takun nakun, ko akun kanakun
2nd person singular ikaw, kaw timo nimo, mo imo kanimo
3rd person singular - tana nana, na ana kanana, kana
1st person plural inclusive kita tatun natun, ta atun kanatun kami tamun namun amun kanamun
2nd person plural kamo tinyo ninyo, nyo inyo kaninyo
3rd person plural sanda tanda nanda anda kananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Karay-a at Ethnologue (18th ed., 2015). Isinangguni noong ika-18 ng Marso, 2018.