Pumunta sa nilalaman

Ika-19 na dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 1882)
Milenyo: ika-2 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  1800 dekada 1810 dekada 1820 dekada 1830 dekada 1840
dekada 1850 dekada 1860 dekada 1870 dekada 1880 dekada 1890
Antoine-Jean Gros, Surrender of Madrid, 1808. pagpasok ni Napoleon sa kabisera ng Espanya noong Digmaang Peninsular, 1810.

Ang ika-19 (labinsiyam) na dantaon (taon: AD 1801 – 1900),ay isang siglo na nagsimula noong Enero 1, 1801, at nagtapos noong Disyembre 31, 1900.

Nagkaroon ng malaking pagbabagong panlipunan ang ika-19 na siglo; binuwag ang pagkaalipin, at ang Una at Ikalawang Rebolusyong Industriyal (na sumasanib sa ika-18 at 20 mga siglo, sa ganoong pagkakaayos) na nagdulot sa malawakang urbanisasyon at mataas na antas ng produktibidad, kita at kaunlaran. Nabuwag ang Islamikong Imperyo ng pulbura at dinala ng imperyalismong Europa sa pamamayaning kolonyal ang karamihan ng Timog Asya, Timog-silangang Asya at halos lahat ng Aprika.

Pangkalahatang tanaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Napoleon Bonaparte.

Unang lumabas ang elektroniks sa ika-19 na dantaon, kasama ang introduksyon ng electric relay noong 1835, ang telegrapiya at ang protokol nitong kodigong Morse noong 1837, ang unang pagtawag sa telepono noong 1876,[1] at ang unang gumaganang bombilya noong 1878.[2]

Isang panahon ang ika-19 na dantaon ng mabilis na siyentipikong pagtuklas at imbensyon, na may mahahalagang mga ginawa sa mga larangan ng matematika, pisika, kimika, biyolohiya, elektrisidad, metalurhiya na nagbigay daan sa mga pagsulong ng teknolohiya sa ika-20 dantaon.[3] Nagsimula ang Rebolusyong Industriyal sa Gran Britanya at kumalat sa lupalop ng Europa, Hilagang Amerika at Hapon.[4]

  • 1809: Pebrero 12 - Charles Darwin, tagapagsimula ng teoriya ng ebolusyon sa pamamagitan ng likas na pagpili (namatay 1882)
  • 1811: Marso 20 - Napoleon II, pinagtatalunang Emperador ng Pransya na anak nina Emperador Napoleon I at Emperatris Marie Louise (namatay 1832)
  • 1820: Enero 17 - Anne Brontë, isang Ingles na manunulat (namatay 1849)
  • 1820: Mayo 27 - Mathilde Bonaparte, isang Italyanong prinsesa (namatay 1904)
  • Setyembre 13Digmaang Pilipino–Amerikano – Labanan sa Pulang Lupa: nilabanan ng mga Pilipino ang isang partido ng mga sundalong Amerikano.
  • Setyembre 17 – Digmaang Pilipino–Amerikano – Labanan sa Mabitac: tinalo ng mga Pilipino sa ilalim ni Juan Cailles ang mga Amerikano, sa ilalim ni Kolonel Benjamin F. Cheatham.
  1. Maliban sa 1800

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The First Telephone Call". www.americaslibrary.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-22. Nakuha noong 2015-10-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Dec. 18, 1878: Let There Be Light — Electric Light". WIRED (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2016. Nakuha noong 4 Marso 2017.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Encyclopædia Britannica's Great Inventions (sa Ingles). Encyclopædia Britannica.
  4. "The United States and the Industrial Revolution in the 19th Century" (sa wikang Ingles). Americanhistory.about.com. 2012-09-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-23. Nakuha noong 2012-10-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)