Pumunta sa nilalaman

Banal na Imperyong Romano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Banal na Romanong Imperyo)
Banal na Imperyong Romano
Sacrum Imperium Romanum (Latin)
Heiliges Römisches Reich (Aleman)

Holy Roman Empire of the
German Nation
Sacrum Imperium Romanum Nationis Germanicae (Latin)
Heiliges Römisches Reich Deutscher Nation (Aleman)
800/962[a]–1806
Watawat ng Holy Roman Empire
Imperial Banner
(c. 1430–1806)
Coat of arms (15th-century design) ng Holy Roman Empire
Coat of arms
(15th-century design)
The Holy Roman Empire at its greatest territorial extent imposed over modern borders, c. 1200–1250
The Holy Roman Empire at its greatest territorial extent imposed over modern borders, c. 1200–1250
KabiseraMulticentral[3]
Karaniwang wikaGerman, Medieval Latin (administrative/liturgical/ceremonial)
Various[c]
Relihiyon
Various official religions:
Roman Catholicism (1054–1806)
Lutheranism (1555–1806)
Calvinism (1648–1806)
PamahalaanElective monarchy
Mixed monarchy (after Imperial Reform)[17]
Emperor 
• 800–814
Charlemagne[a] (first)
• 962–973
Otto I
• 1519–1556
Charles V
• 1792–1806
Francis II (last)
LehislaturaImperial Diet
PanahonMiddle Ages to early modern period
25 December 800
• East Frankish Otto I is crowned Emperor of the Romans
2 February 962
• Conrad II assumes crown of the Kingdom of Burgundy
2 February 1033
25 September 1555
24 October 1648
1648–1789
2 December 1805
6 August 1806
Lawak
1150[d]1,100,000 km2 (420,000 mi kuw)
Populasyon
• 1700[18]
23,000,000
• 1800[18]
29,000,000
SalapiMultiple: thaler, guilder, groschen, Reichsthaler
Pinalitan
Pumalit
East Francia
Kingdom of Italy
Carolingian Empire
Confederation of the Rhine
Austrian Empire
Kingdom of Prussia
Old Swiss Confederacy
Kingdom of Sardinia
Duchy of Savoy
Dutch Republic
Kingdom of France

Ang Banal na Imperyong Romano, kinilala bilang Banal na Imperyong Romano ng Bansang Aleman pagkatapos ng 1512, ay pampolitikang entidad na umiral sa Kanluran at Gitnang Europa ng halos sanlibong taon mula sa maagang Gitnang Panahon hanggang sa mga Digmaang Napoleoniko. Sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador Romano. Nabuo ang Imperyo noong ika-10 siglo buhat sa sangay ng pamilyang Carolingian at dinastiyang Otto. Si Otto I ang unang Banal na Romanong Emperador noong 962 AD. Galing ang pangalan nito, Banal na Imperyong Romano mula sa paniniwala ng pamunuan nito noong Gitnang Panahon patungkol sa pagiging banal, sa desisyong ito ay ang pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.

Unang ginamit ang pariralang Sacrum Imperium noong 1157, sa panahon ni Frederick Barbarossa (1122-1190) habang ang Sacrum Imperium Romanum naman ay lumitaw lamang 1184, at may kaukulang pamantayan na gagamitin lamang hanggang 1254. Nadagdag lamang ang bahaging Nationis Germanicae (Bansang Aleman) noong ika-15 siglo. Sa pagtagal ng panahon, lumawak ang nasasakupan ng Imperyo kung saan napabilang ang maraming bansa sa gitna at katimugang Europa, gaya ng Kaharian ng Alemanya, sa Kaharian ng Italya, at sa Kaharian ng Borgonya; mga teritoryong hawak ng kasalukuyang Alemanya (maliban sa Katimugang Schleswig), Austria (maliban sa Burgenland), Liechtenstein, Swisa, Belhika, ang Netherlands, Luxembourg, Republikang Czech, Slovenia (maliban sa Prekmurje), mga mahahalagang bahagi ng Pransiya (Artois, Alsace, Franche-Comté, Savoie at Lorraine), Italya (Lombardy, Piedmont, Emilia-Romagna, Tuscany, at Timog Tyrol) at Polonia (Silesia, Pomerania, at Neumark). Sa buong kasaysayan ng Imperyo ito ay hinati-hati lamang sa maliliit na mga prinsipalidad, mga dukado, mga kondehan, mga Malayang Siyudad ng Imperyo at iba pang maliliit na yunit. Bagamat tinataglay nito ang pangalang Romano, kailanman ay hindi napabilang ang siyudad ng Roma sa Imperyo. Ang lungsod ng Roma noong panahong yaon ay kontrolado ng Santo Papa.

Dahil sa pagpasok ng malakihang pagbabago at pagiging moderno ng Europa noong mga huling bahagi ng ika-16 at ika-17 siglo, halos lumiit ang kakayahan ng Imperyo na maglunsad ng mga opensiba at digmaan upang lalo pang mapalawak ang teritoryo nito. Kaya naman sa mga panahong ito, mas binigyang-pansin ng Imperyo ang pagtatanggol sa pansarili nitong batas at pagpapatupad ng kapayapaan sa nasasakupan. Upang mapanatili ito sa kapangyarihan at bilang paglalaro sa kakayahan ng pansariling interes, binigyan ng Imperyo ng proteksiyon ang mangilan-ngilang mga prinsipe at panginoon kasabay ng pagbibigay-diin sa maliliit na pagsuway sa kautusan ng Imperyo. Noong 1648, ang mga teritoryo at kaharian sa paligid ng Imperyo ay unti-unting napabilang sa tinatawag na estado ng Imperyo (imperial states), kung saan napanatili nito ang kapayapaan sa mahabang panahon.

Noong pumasok ang ika-18 siglo, lumakas ang kapangyarihan ng ibang bansa sa labas ng Imperyo, kung saan hindi na nito kaya pang protektahan ang mga estado nito buhat sa palisiya at impluwensiya ng mga ibang kaharian. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyo. Dahil sa mga pananakop ng digmaang Napoleoniko at kaalinsabay na pagtatatag ng Kumpederasyon ng Rino, unti-unti nang bumaba ang kapasidad ng Imperyo na pamunuan ang iba pang mga estado. Noong 6 Agosto 1806, opisyal na bumagsak ang Imperyo nang maghain ng pagbaba sa trono ng huling emperador na si Francis II.

Buhat sa Mataas na Gitnang Panahon, ang Imperyo ay natapakan ng mga paglalaban-laban ng mga prinsipe ng mga lokal na sakop upang mapasakamay ang malalawak na lupain. Kumpara sa mga malalaking kahariang nakontrol ng mga gitnang Pransiya at Inglatera, ang mga Emperador ay nagkaroon ng mahinang kapangyarihan naman sa mga nasakop nito. Upang mapanatili ang kanilang interes at soberanya sa mga lupang ito, nagtalaga ang mga Emperador ng mga maharlika at maging mga obispo upang pamahalaan ang mga ito. Ang prosesong ito ay nagsimula noong ika-11 siglo sa pamamagitan ng Kontrobersiya sa Pagpapatibay (Investiture Controversy) at malamang na nagtapos noong 1648 dahil sa Kapayapaan sa Westphalia. Ilang mga Emperador na ang tumalikwas sa patakarang ito ngunit sinasalungat naman ng Kapapahan at mga prinsipe ng Imperyo pabalik sa dati.

Hari ng mga Romano

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang korona ng Banal na Imperyong Romano (ikalwang bahagi ng ika-10 siglo), na ngayon sy nasa Vienna Schatzkammer

Ang napipisil na hari na maging Emperador ng Imperyo ay tinatalaga munang Hari ng mga Romano ('Rex romanorum' / 'römischer König'). Ang mga haring Aleman ang naluklok sa mga puwesto buhat sa hindi matandaang panahon: noong ika-9 na siglo sa mga hari ng mga importanteng tribo (Prankong Salian ng Lorraine, Prankong Ripuarian ng Franconia, at mga Sakson, Bavarian at mga Swabian); nang tumagal ay mga duke at obispo ng kaharian; at sa wakas ay mga Kurfürsten (dukeng bumoboto o nanghahalal). Ang konseho ng mga mamboboto ay opisyal na binuo noong 1356 ng Hari ng Bohemia na si Charles IV sa pamamagitan ng dikretong Gintong Batas ng 1356. Noong una, ang konseho ay binubuo ng pitong manghahalal: ang Kondeng Palatin ng Rino, ang Hari ng Bohemia, Duke ng Saxony, ang Magreib ng Brandenburg, at mga Arsobispo ng Cologne, Mainz, at Trier. Noong Tatlumpung Taong Digmaan, ang Duke ng Bavaria ay nabigyan ng upuan bilang ikawalong mamboboto. Ang sinumang kandidato sa pagka-Emperador ay kinakailangang magbigay ng lupa o anumang ari-arian sa konseho upang masiguro ang kanilang pagkapanalo.

Sa maraming pagkakataon, ang botohan ay tumatagal ng maraming tao dahil sa iba't ibang mga usaping kinakaharap ng napipisil na Hari: kailangan niya munang sugpuin ang mga rebelyon na nagaganap sa hilagang Italya, o maaaring may hindi pakikipag-unawaan sa mismong Santo Papa. Ang mga nahuling Emperador ay kinoronahan na ng Papa, at ang huling pinutungan ng Papa ay si Charles V noong 1530.

Ang Emperador ay kinakailang mabuting tao na may gulang 18, at ang lahat ng kanyang ninuno ay dapat bahagi ng dugong bughaw. Walang batas ang umaasa na dapat siyang Katoliko ngunit iyon na ang nakagawian ng Imperyo. Hindi niya kailangang maging Aleman (halimbawa ay si Alfonso X ng Castile na isang Espanyol). Sa bahaging ika-17 siglo, ang lahat ng mga Emperador ay nagkaroon na ng sakop sa loob ng Imperyo bago pa mahalal, halimbawa ay si Louis XIV ng Pransiya.

Ang Emperador ay hindi nararapat padalus-dalos sa pagtibay ng mga kautusan at batas, gayunding limitado ang pangkalahatang kapangyarihan niya sa Imperyo. Ang kapangyarihan niya ay nililimitahan ng mga lokal na pinuno: pagkatapos ng huling ika-15 siglo, tinayo ang Reichstag, isang asembleya na nagkikita kapag ginusto ng Emperador sa iba't ibang lugar. Noong 1663 lamang naging isang permanenteng lupon ang Reichstag.

Mga lupain ng Imperyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang lupain ay tinuturing na Reichsstand (lupain ng Imperyo), kung ayon sa batas Piyudal, ay kung wala ritong namumuno maliban na lamang sa mismong Emperador. Ito ay kinabibilangan ng mga:

  • Mga teritoryong pinamumunuan ng mga prinsipe o duke, at sa ibang kaso ay mga hari. Ang mga pinuno ng Imperyo, maliban na lamang sa Hari ng Bohemia na isang mamboboto, ay hindi pinahihintulutang maging hari sa loob ng Imperyo ngunit mayroon naman silang mga kaharian sa labas ng Imperyo. Halimbawa ay ang Kaharian ng Gran Britanya na ang pinuno ay ang prinsipeng-elektor na Hanover hanggang sa sirain ang Imperyo noong 1714.
  • Mga teritoryong piyudal na pag-aari ng mga klerigo, o mga prinsipe ng Simbahan. Sa pangkaraniwang kaso ng Prinsipeng Obispo, ang teritoryong ito ay tumutumpak sa kapangyarihan nito sa Simbahan–kaya't lalong lumalawak ang kapanyarihan ng isang obispo.
  • Mga Malayang Siyudad ng Imperyo.

Mga Reichstag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Reichstag o Reichsversammlung ay ang kamarang gumagawa ng batas ng Imperyo kung saan mas makapangyarihan pa ito kaysa sa Emperador. Ito ay hinati sa tatlong uri:

  • Konseho ng mga Siyudad ng Imperyo. Ito ay binubuo ng mga kinatawan mula sa mga Malalayang Siyudad na hinati sa dalawang Grupo: Swabia at Rhine. Bawat Grupo ay may isang pinagsamang boto. Ang Konseho ay maaaring bumoto at umayon sa pagtanggap ng mga bagong teritoryo para sa Imperyo. Ang pagkakaroon ng kinatawan ng mga Malalayang Siyudad sa Reichstag ay naging palasak noong huling Gitnang Panahon.

Pangalan ng Imperyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Koronasyon ni Carlomagno noong 800.

Dahil sa pagkuha ng kaparehong pangalan, sinasarili ng Imperyo ang pagkakataon na sila ay nagmula sa Imperyong Romano, na katulad ng Silangang Imperyo Romano (Imperyong Bizantino), ay nangangarap ng paglakas sa daigdig. Noong ika-11 siglo lamang nang dumating ang paniniwalang isang malakas na imperyo ang kahariang ito.[19] Sa kabilang banda, namayani muli ang takot sa mga propesiya ni Daniel kung saan hinulaan niya na may apat na malakas na imperyo ang mamayani bago dumating ang Anti-Kristo at Huling Paghahatol.[20] Ito raw ang dahilan kung bakit hindi bumagsak ang Imperyong Romano. Ang sinumang maging emperador ng Banal na Imperyong Romano ay magiging santo. Ito ang dahilan kung bakit pumayag si Carlomagno na makoronahan ni Papa Leo III bilang hari o Imperator Augustus, na naging hudyat ng pagtatatag niya sa Imperyo noong 800.

Nang hanggang sa kalagitnaan ng ika-10 siglo, wala pa ring Emperador ang kwalipikado na maging santo. Ang unang emperador na si Otto I at kanyang mga tagasunod ay kinikilala bilang kinatawan ng Diyos sa daigdig at mga unang patrono ng Simbahang Katoliko.

Ang impluwensiya ng Imperyo ay minaliit at bahagyang sinira ng Papa mula 1075 hanggang 1122 dahil sa alitan sa pagpapatibay (Ingles: investiture). Ang konsepto ng imperium sacrum o banal na imperyo ay nabuhay noong panahon ni Frederick Barbarossa habang pilit ng mga Papa na gawing institusyon ng Simbahan ang Imperyo.[21] Noong 1157, nagdeklara ang Imperyo ng kasarinlan mula sa Kapapahan, batay sa pagpapatuloy ng kasaysayan ng relihiyon. Ang Imperyo, buhat noon, ay unit-unti nang ginagamit ang makalumang tradisyon ng batas Romano.[21]

Sa panahon ng panandaliang katahimikan mula 1250 hanggang 1273, noong nahalal nang magkakasunod ang mga haring may pare-parehong pananaw, biglang ikinabit ng Imperyo (noon ay ang opisyal na pangalan ay Imperyong Romano) ang pang-uring "banal", gamit ang pangalang 'Latin Sacrum Romanum Imperium (Aleman: German Reich Heiliges Römisches).[22] Noong panahon lamang ni Charles IV nang opisyal na lumitaw sa mga dokumentong Aleman ang salitang banal.

Ang opisyal namang titulo na Nationes Germanicae ay unang lumitaw noong huling Gitnang Panahon bandang 1450. Noong 1486, ang titulo ay ginamit ni Frederick III bilang pambungad sa mga dokumento ng Diet ng Cologne.[23] Ayon naman sa Emperador Maximilian I, opisyal na ginamit ng Imperyo ang pangalang Banal na Imperyong Romano.[24] Noong hanggang 1806, Banal na Imperyong Romano (Heiliges Römisches Reich Deutscher Nation) ang opisyal na pangalan ng Imperyo, SRI para sa Latin na Sacrum Imperium Romanum o H. Rom. Reich sa Aleman.[25] Ang huling dalawang kautusan na pinagtibay ng Imperyo na Reichsdeputationshauptschluss ng 1803 na nagtatakda ng reorganisasyon sa Imperyo at ang pagsuko ayon sa kasunduan ni Franz II o Francis II ay gumamit ng salitang Aleman: deutsches Reich (imperyong Aleman), at walang bumabanggit ng kabanalan.

Batasan ng Imperyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
"Makasaysayang Pagbabago ng Kasalukuyang Estado ng Konstitusyon ng Banal na Imperyo" ni Justitzrath Pütter. - Göttingen: Vandenhoeck & Ruprecht, 1788.

Ang mga batayan sa pagbubuo ng legal na pundasyon ng Imperyo ay hindi masasabing katulad sa totoo at maka-batas na basehan.[26]. Ang mga batas sa Imperyo ay binubuo ng ibinigay na talaan ng mga kautusang ibinatay naman sa Gitnang Panahon at paunti-unting binabago ng mga natural na pangyayari gaya ng modernisasyon. Ayon sa mga abogado ng ika-18 siglo, ang mga batas ng Imperyo ay pinaghalu-halong kaisipang may kaugnayan sa karapatan, at mga sinaunang literatura na tumutungkol sa paniniwala, tradisyon, kakayahan bilang manggagawa; mga gawaing pambayan ng Imperyo at ng kanyang mga nasasakupan.

Ang organisasyong panloob ng Imperyo, na nasa pederal na anyo ng pamamahala, ay labis na pinulaan ng mga kontemporaryong kritiko ng kasaysayan noong ika-17 siglo, gaya ni Samuel von Pufendorf, na ginamit ang tagong-pangalan na Severinus von Monzambano sa kanyang aklat na De statu imperii Germanica (Ang Kalagayan ng Imperyong Aleman). Ito ay ginawa ni von Pufendorf upang maprotektahan ang interes ng mga Protestanteng prinsipe sa loob ng Imperyo, kung saan tinawag niya ang huli bilang "kawangis ng isang halimaw.[27] Sa kabilang banda, ang organisasyon ng Imperyo sa mataas na lebel ay binubuo ng isang piniling lider ng emperador; ang emperador at kanyang konseho; at ang mga estadong imperyal. Ang kakaibang anyo ng Imperyo ay gumugulo sa ilang mga abogado ng panahong iyon–ang pinagmulan at kung paano ito nabuo. Mayroon kasing konsehong tinatawag na Majesta realis na kalipunan ng mga estadong imperyal habang mayroong majesta personalis na itinatalaga ng emperador.[28]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lawak ng Banal na Imperyong Romano noong 1600, nakapaibabaw ang mga hangganan ng makabagong estado sa Europa.
  1. "Charlemagne | Holy Roman emperor". Encyclopædia Britannica Online. Nakuha noong 16 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kleinhenz 2004, p. 810; "Otto can be considered the first ruler of the Holy Roman empire, though that term was used until the twelfth century.".
  3. von Aretin, Karl Otmar Freiherr (31 Disyembre 1983). Schieder, Theodor; Brunn, Gerhard (mga pat.). "Das Reich ohne Hauptstadt? Die Multizentralitat der Hauptstadtfunktionen im Reich bis 1806". Hauptstädte in europäischen Nationalstaaten: 5–14. doi:10.1515/9783486992878-003. ISBN 978-3-4869-9287-8.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "UNIO REGNI AD IMPERIUM in "Federiciana"". Treccani.it. Nakuha noong 2022-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Enrico Vi, Re Di Sicilia E Imperatore In "Federiciana"". Treccani.it. Nakuha noong 2022-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kamp, Norbert. "Federico Ii Di Svevia, Imperatore, Re Di Sicilia E Di Gerusalemme, Re Dei Romani In "Federiciana"". Treccani.it. Nakuha noong 2022-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Brady 2009, p. 211.
  8. Pavlac & Lott 2019, p. 249.
  9. Wissenschaften, Neuhausener Akademie der (14 Hulyo 2021). Beiträge zur bayerischen Geschichte, Sprache und Kultur (sa wikang Aleman). BoD – Books on Demand. p. 106. ISBN 978-3-0006-9644-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Schmitt, Oliver Jens (5 Hulyo 2021). Herrschaft und Politik in Südosteuropa von 1300 bis 1800 (sa wikang Aleman). Walter de Gruyter GmbH & Co KG. p. 659. ISBN 978-3-1107-4443-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Buchmann, Bertrand Michael (2002). Hof, Regierung, Stadtverwaltung: Wien als Sitz der österreichischen Zentralverwaltung von den Anfängen bis zum Untergang der Monarchie (sa wikang Aleman). Verlag für Geschichte und Politik. p. 37. ISBN 978-3-4865-6541-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Klopstock, Friedrich Gottlieb (1974). Werke und Briefe: historisch-kritische Ausgabe (sa wikang Aleman). W. de Gruyter. p. 999. Nakuha noong 6 Pebrero 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Pihlajamäki, Heikki; Dubber, Markus D.; Godfrey, Mark (4 Hulyo 2018). The Oxford Handbook of European Legal History (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 762. ISBN 978-0-1910-8838-4. Nakuha noong 6 Pebrero 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Johnston, William M. (23 Marso 1983). The Austrian Mind: An Intellectual and Social History, 1848–1938 (sa wikang Ingles). University of California Press. p. 13. ISBN 978-0-5200-4955-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Pavlac & Lott 2019, p. 278.
  16. Žůrek 2014.
  17. Wilson 2016, pp. v–xxvi.
  18. 18.0 18.1 Wilson 2016, p. 496.
  19. John Gilissen, La notion d'empire dans l'histoire universelle, sa : Les grands empires, De Boeck Université, 1989, Padron:P.846.
  20. Padron:De Peter Hutter, Germanische Stammväter und römisch-deutsches Kaisertum, Hildesheim, 2000, p. 20.
  21. 21.0 21.1 Jean Schillinger, op cit, p.56.
  22. Michael Essig, Aleman: Europäische Identitätsfindung : das Reich als europäische Vision, Erlangen-Nürnberg, 1998, p. 149.
  23. Michael Essig, opcit, p. 212.
  24. Helmut Neuhaus, Das Reich in der frühen Neuzeit, Munich, 2003, p. 5.
  25. Sa ibang sanggunian, may mga gumagamit ng Aleman: H. Reich, Aleman: Heyl. Rom. Reich or simply Aleman: Reich, ngunit hindi lumilitaw ang modernong HRR.
  26. Katharina Weikl, Krise ohne Alternative? Das Ende des Alten Reiches 1806 in der Wahrnehmung der süddeutschen Reichsfürsten, Berlin, 2006,p.27.
  27. Katharina Weikl, op. cit. p.31.
  28. Padron:De Heinz Duchhardt, Barock und Aufklärung, Munich, 2007, Padron:P.12.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2