Pumunta sa nilalaman

Kaguluhan (kosmogoniya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Chaos (kosmogoniya))

Ang Kaguluhan[T 1] (Sinaunang Griyego χάος, khaos) ay tumutukoy sa walang anyo o katayuang walang laman na nauna sa paglikha ng uniberso o cosmos sa mga mito ng paglikha ng Griyego na mas espesipikong inisyal na "puwang" nanilikha ng orihinal na paghihiwalay ng langit at lupa. Ang motif ng Chaoskampf (Aleman para sa "pakikibaka laban sa kaguluhan") ay laganap sa mga mito ng paglikha na naglalarawan ng isang labanan ng isang kulturang bayani sa isang halimaw na kaguluhan at kadalasang nasa hugis ng isang ahas o dragon. Ang parehong termino ay pinalawig sa mga parehong konsepto sa mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan. Ang paglikha ng daigdig ayon sa mga mitolohiya ng Sinaunang Malapit na Silangan at Mitolohiyang Griyego ay nagresulta mula sa mga aksiyon ng isang diyos o mga diyos/diyosa sa mga primebal na materya na umiiral na at kilala bilang kaguluhan.

Paglalarawan ng Kristiyanisadong Chaoskampf. Ang estatwa ni Arkanghel Miguel na pumapaslang kay Satanas na kinatawan bilang isang dragon.

Ang mga pinagmulan ng mitong Chaoskampf ay malamang nasa relihiyong Proto-Indo-Europeo na ang mga inapo ay halos lahat nagpapakita ng isang anyo ng kuwento ng isang diyos na bagyo na nakikipaglaban sa ahas ng dagat (sea serpent) na kumakatawan sa labanan sa pagitan ng mga pwersa ng kaayusan at kaguluhan. Ang Maagang akda ng mga akademikong Aleman sa mitolohiyang komparatibo ay nagpasikat ng pagsasalin ng mitolohikal na ahas ng dagat bilang isang dragon. Ang mga halimbawang Indo-Europeo ng labanang ito ang:Thor vs. Jörmungandr (Norse), Tarhunt vs. Illuyanka (Hittite), Indra vs. Vritra (Vedic), Θraētaona vs. Aži Dahāka (Zorastrian), at Zeus vs. Typhon (Griyegong Mitolohiya) at iba pa.[1]

Ang mitong ito ay kalaunang naipasa sa mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan (na karamihan ay kabilang sa pamilya ng wikang Apro-Asyatiko) at pinakamalamang ay sa simula sa pamamagitan ng ugnayan ng mga taong Hittite sa Syria at Mayabong na Kresente.[2] Ang mitong ito ay isinama sa sinaunang relihiyong Sumeryano gaya ni Ninurta bago kumalat sa natitira ng Sinaunang Malapit na Silangan. Ang mga halimbawa ng bagyong diyos vs. ahas ng dagat sa Sinaunang Malapit na Silangan ang makikita sa mga mito nina Baʿal vs. Yam (relihiyong Cananeo), Marduk vs. Tiamat (mitolohiyang Mesopotamiano), at Yahweh vs. Leviathan (Mitolohiyang Hudyo) at iba pa. Mayroon ring ebidensiya na nagmumungkahi ng posibleng pagpasa ng mitong ito sa Malayong Silangan sa Hapon at Shintoismo gaya ng pinapakita sa kuwento ni Susanoo vs. Yamata no Orochi.[3] Ito ay kalaunang namana ng mga inapong relihiyon ng mga sinaunang relihiyon na ito gaya ng Kristiyanismo gaya ng kuwento ni Saint George and the Dragon (na malamang ay nagmula sa sangay na Slaviko ng relihiyong Indo-Europeo gaya ng mga kuwento ng Dobrynya Nikitich vs. Zmey Gorynych) gayundin din ang mga depiksiyon kay Hesus at San Miguel vs. Diyablo (Apoc. 20:2, Apoc. 12:7-9 ) at malamang ay nauugnay sa kuwentong Yahweh vs. Leviathan at kalaunang Gabriel vs. Rahab sa mitolohiyang Hudyo.[4]

Sa iba't ibang kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinaunang Ehipto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa relihiyong Sinaunang Ehipsiyo, ang mundo ay lumitaw bilang isang tuyong espasyo sa primordial na karagatan ng Kaguluhan na tinatawag na Nu. Dahil ang araw ay mahalaga sa buhay sa mundo, ang unang pagahon ni Ra ay nagmamarka ng sandali ng paglitaw na ito. Ang mga iba't ibang mga anyo ng mitong Ehipsiyo ay naglalarawan ng proseso sa mga iba't ibang paraan: isang transpormasyon ng primordial na diyos na si Atum sa mga elemento na bumuo ng mundo, bilang paglikha sa pamamagitan ng pananalita ng intelektuwal na diyos na si Ptah at bilang akto ng nakatagong kapangyarihan ni Amun.[5] Ang akto ng paglikha ay kinakatawan ng simulang pagtatag kay maat at ang pattern ng mga kalaunang siklo ng panahon.[6]

Sa kosmolohiyang Hindu, sa pasimula ay walang bagay sa uniberso kundi kadiliman lamang at esensiya ng diyos na nag-aalis ng kadiliman at lumikha ng mga primordial na katubigan. Ang kanyang binhi ay lumikha ng pangkalahatang germ (Hiranyagarbha) na pinaglitawan ng lahat ng ibang mga bagay.

Kabihasnang Babylonian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mitolohiyang Babylonian sa Enuma Elish, ang uniberso ay nasa isang estadong walang anyo at inilalarawan bilang isang matubig na kaguluhan. Mula dito ay lumitaw ang dalawang mga pangunahing diyos na lalakeng si Apsu at babaeng si Tiamat at isang ikatlong diyos na manlilikha ng Mummu at kanyang kapangyarihan upang magsimula ng pagsulong ng mga kosmogonikong kapanganakan.

Sa Hudaismo sa Aklat ng Genesis, ang mundo sa nasa maagang estado pagkatapos ng pagkalikha nito ay naglalarawan sa mundo bilang "walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang espiritu ng Diyos ay sumasa ibabaw ng tubig." Pagkatapos ay inutos ni Elohim na magkaroon ng liwanag. Sa Aklat ng Genesis 1:2, ang Tehom (תְּהוֹם‎) na karaniwang isinasalin na "ang malalim" ay tumutukoy sa mga katubigang primordial ng paglikha. Ito ay linguistikong nauugnay sa Tohu wa bohu (תֹ֙הוּ֙ וָבֹ֔הוּ) sa Gen. 1:2 na isinasalin na "walang anyo at walang laman". Ang parehong ito ay mga aspeto ng kawalang anyo bago ang paglikha ayon sa Genesis. May ebidensiya na ang tohu wa bohu ay nagpapakita ng pagkawasak at hindi simpleng paglikha. Halimbawa, mababasa sa bersiyong Chaldee ng Gen. 1:2 na, "Ngunit ang daigdig ay naging disyerto at walang laman"; sa Septuagint, "Ngunit ang daigdig ay hindi magandang tingnan at walang laman; at sa Aramaiko, "At ang daigdig ay nawasak at hindi tinirhan". Sa mga ibang talata ng bibliya, ang tehom ang lugar ng nagkukubling panganib at kaguluhan (Eze.26:20). Ang tehom ay isang kognato ng salitang Akkadian na tamtu at Ugaritikong t-h-m na may parehong kahulugan. Sa gayon, ito ay tinutumbas sa mas naunang diyosa ng mitolohiyang Babilonian na Tiamat na pagkakatawan na halimaw ng kaguluhang primordial.

Mitolohiyang Norse

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mitolohiyang Norse, ang Ginnungagap ay inilalarawan bilang isang primordial na kalaliman na kung saan ay lumitaw ang mga unang nabubuhay na nailalang kabilang ang higante si Ymir na ang katawan ay kalaunang naging mundo na ang dugo ay naging mga karagatan. Ang isa pang bersiyon ay naglalarawan sa pinagmulan ng mundo bilang isang resulta ng isang pagbabanggan ng maapoy at malamig na mga bahagi ng Hel.

  1. Sa Ingles, ang chaos ay nangangahulugang Kaguluhan

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Watkins, Calvert (1995). How to Kill a Dragon: Aspects of Indo-European Poetics. London: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-514413-0
  2. Speiser, "An Intrusive Hurro-Hittite Myth", Journal of the American Oriental Society 62.2 (Hunyo 1942:98–102) p. 100
  3. Miller, Roy Andrew. 1987. "[Review of] Toppakō: Tōnan Ajia no gengo kara Nihongo e … By Paul K. Benedict. Translated by Nishi Yoshio." Language 63.3:643-648
  4. Rudman, Dominic, "The crucifixion as Chaoskampf: A new reading of the passion narrative in the synoptic gospels = La crucifixion comme Chaoskampf: une nouvelle lecture du récit de la Passion dans les évangiles synoptiques", Biblica 84, 2003, 102-107
  5. Allen 2000, pp. 143–145, 171–173, 182
  6. Shafer 1997, pp. 2–4