Pumunta sa nilalaman

DYAP-FM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
XFM Cebu (DYAP)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Cebu
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar
Frequency88.3 MHz
Tatak88.3 XFM
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkXFM
Pagmamay-ari
May-ariSouthern Broadcasting Network
OperatorY2H Broadcasting Network, Inc.
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1988 (1988)
Dating pangalan
  • DYAP (1988–2001, 2010-2015)
  • First FM (2001–2003)
  • Mom's Radio (2003–2010, 2015-2018)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
ERP32,000 watts

Ang DYAP (88.3 FM), sumasahimpapawid bilang 88.3 XFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Southern Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Y2H Broadcasting Network, Inc. Ang estudio nito ay matatagpuan sa Unit 5, 2nd floor, Z Plaza Bldg., Dionisio Jakosalem St., Brgy. Zapatera, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa SBN Compound, San Carlos Heights, Quiot Pardo, Lugnsod ng Cebu.[1][2][3]

Itinatag ang DYAP noong 1988, na may album rock na format. Nung panahong yan, nasa Crown Bldg. sa North Reclamation Area ang tahahan nito.

Noong 2001, naging First FM 88.3 ito na may adult Top 40 na format.

Noong huling bahagi ng 2003, naging Mom's Radio 88.3 na may format na nagsisilbi para sa mga babae, lalo na sa mga nanay. Lumipat ito sa Krizia Bldg. sa kahabaan ng Gorordo Ave.

Noong 2010, naging DYAP ito na tumutugtog lamang ng iba't ibang musika. Lumipat ito sa kanyang transmiter sa San Carlos Heights.

Noong Nobyembre 2015, bumalik sa ere ang Mom's Radio, na sumahimpapawid ito mula sa Maynila sa ilalim ng pamamahala ng Estima, Inc. Noong Pebrero 25, 2018, nawala ulit ito sa ere dahil sa problemang pangpinansyal.[4]

Noong Setyembre 2022, kinuha ng Y2H Broadcasting Network ang mga operasyon ng himpilang at ginawa itong XFM na may halong musika at balita sa format nito. Sinimulan nito ang pagsuri noong Enero 26, 2023.[5]

Noong Pebrero 13, 2023, inilunsad ng XFM Cebu ang lokal nitong programming.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 'MR' is not just for 'mister' anymore! Archived from the original
  2. What the mind conceives, the body believes
  3. "MOM'S RADIO The Search for Super Mom 2003". Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2019. Nakuha noong Agosto 25, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Up, up and away, Supermoms!
  5. "Broadtek Media Co's Successful Installation of 10kW FM Transmitter at 88.3 XFM Cebu". broadtekmedia.com. Enero 28, 2023. Nakuha noong Enero 28, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)