Dokumentaryong Hipotesis
Ang Dokumentaryong Hipotesis (DH) ang isa sa mga modelo na ginagamit ng mga iskolar ng Bibliya upang ipaliwanag ang pinagmulan at komposisyon ng Torah o Pentateuch na unang limang aklat ng Tanakh ng mga Hudyo. Ito ang AKlat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng mga Bilang at Deuteronomi.[4] Ang bersiyon nito na isinulong ng Alemang iskolar ng Bibliya na si Julius Wellhausen ang modelogn tinanggap ng halos lahat ng iskolar ng Bibliya noong ika-20 siglo.[5] Ito ay nagsasaad na ang Torah ay kalipunan ng apat na orihinal na mga independiyenteng dokumento: mga pinagkunang Jahwist (J), Elohist (E), Deuteronomista (D), and Pinagkunang maka-Saserdote (P). Ang J ay mula c. 950 BCE.[1] Ang E ay mula ika-9 na siglo BCE. Ang D ay noong panahon ni Josiah noong ika-7 o ika 8 siglo BCE. Ang P ay mula panahon ni Ezra noong ika 5 siglo BCE.[3][2] Ang mga pinagkunang ito ay pinagsama sama sa iba't panahon at binago rin ng mga iba't ibang editor at redactor [6] Ito ay nagpapaliwanag sa iba't ibang mga kontradiksiyon, mga doublets, mga anakronismo at mga iba't ibang istilong linggwistiko na kalat sa buong Torah.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Viviano 1999, p. 40.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Gmirkin 2006, p. 4.
- ↑ 3.0 3.1 Viviano 1999, p. 41.
- ↑ Patzia & Petrotta 2010, p. 37.
- ↑ Carr 2014, p. 434.
- ↑ Van Seters 2015, p. viii.