Estasyon ng EDSA (LRT)
EDSA | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||||||||||||
Lokasyon | Abenida Taft, San Rafael, Pasay | ||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||||||||||||
Koneksiyon | Maaaring lumipat patungong Linyang Dilaw sa pamamagitan ng isang nakaangat na walkway patungong Estasyong Taft Avenue | ||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Yes | ||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||||||||||||
Kodigo | ED | ||||||||||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||||||||||
Nagbukas | Disyembre 1, 1984 | ||||||||||||||||||||
Serbisyo | |||||||||||||||||||||
|
Ang Estasyong EDSA ng LRT (o tinatawag ding Estasyong Abenidang E. Delos Santos ng LRT) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Tulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong EDSA. Matatagpuan ito sa sangandaan ng Abenida Taft at EDSA, isa sa mga pangunahing lansangan ng kalakhang lungsod. Ipinangalan ang estasyon sa EDSA, na pinangalanan naman kay Epifanio de los Santos, isang kilalang mananalaysay.
Nagsisilbi bilang panlabing-siyam na estasyon ang estasyong EDSA para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pangalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa ang EDSA sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, Libertad at Baclaran.
Mga kalapit na palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit ito sa Metropoint Mall at Saver's Square, kapuwang kilalang-kilala sa mga mananakay; at Winston Lodge at isang sangay ng Sogo Hotel, dalawa sa mga maraming otel na matatagpuan sa EDSA malapit sa estasyon. Ito rin ang estasyon para sa mga papuntang SM Mall of Asia, Heritage Hotel, San Juan de Dios Hospital and College at Manila Tytana College (dating Manila Doctors College).
Mga kawing pangpanlalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Estasyong EDSA ay pinagsisilbihan ng maraming bus, dyipni, at taksi sa mga ruta ng EDSA at Abenida Taft, na may mga hintuan malapit sa estasyon. Karamihan sa mga panlalawigan na linya ng bus, tulad ng Victory Liner (na nagsisilbi sa Hilagang Luzon) at Philtranco (na nagsisilbi naman sa Katimugang Luzon at nalalabing bahagi ng Pilipinas), ay may mga terminal ng bus malapit sa estasyon. Ang mga bus at dyipni mula sa estasyon ay dumadaan sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila, tulad ng Pasay, Muntinlupa (Sucat at Alabang), Taguig, Parañaque (Bicutan), SM Mall of Asia, Las Piñas, Maynila, Caloocan, at Makati, at gayundin mga katimugang lalawigan ng Kabite, Batangas, at Laguna.
Ang estasyon ay isa ring transfer point para sa mga mananakay na sasakay sa Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila na kilala rin bilang MRT-3. Nakakonekta ang estasyon sa Estasyong Taft Avenue ng MRT sa pamamagitan ng isang walkway na nakapaligid sa Metropoint Mall.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr. | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Baclaran → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, Estasyon ng Taft Avenue ng Linya 3, Metropoint Mall |
L1 | Daanan |