Pumunta sa nilalaman

Labanan sa Mactan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Labanan sa Mactan
Petsaika-27 ng Abril, 1521
Lookasyon
Mactan, Cebu, Pilipinas
Resulta Wagi ang Kaharian ng Mactan
Pagkamatay ni Fernando de Magallanes
Mga nakipagdigma
Kaharian ng Mactan Karahanan ng Cebu
Espanya Ekspedisyon ni Magellan
Mga kumander at pinuno
Lapulapu Espanya Fernando de Magallanes 
Raha Humabon
Datu Zula
Lakas
1,500 katutubong mandirigma
(sa tala ni Antonio Pigafetta)
49 Kastilang manggagalugad, at mga 200–300 alyadong katutubong mandirigma.
Mga nasawi at pinsala
mangilan-ngilan ang namatay at sugatan 14 ang namatay, kabilang si Magellan (mga Kastila), at 'di bababa sa 150 katutubong mandirigma.
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Batong-lungtian
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas
Ang kinaroroonan ng Mactan sa Kabisayaan.

Ang Labanan sa Mactan (Sebwano: Gubat sa Mactan) ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Natalo ng hukbo ni Lapulapu, datu ng Pulo ng Mactan, ang mga kawal na Kastila sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorador na si Fernando Magallanes. Napatay ng mga tribung sundalo si Magellan, na nagkaroon ng alitang pampolitika at pagkakaribal kasama si Lapulapu. Noong 16 Marso 1521 (kalendaryong Kastila), natanaw ni Magellan ang mga kabundukan ng ngayon ay Samar habang nasa isang misyon upang hanapin ang pakanlurang ruta sa mga kapuluang Maluku para sa Espanya.

Nang sumunod na araw, inutos ni Magellan na iangkla ang kanilang mga barko sa mga baybayin ng Kapuluang Homonhon. Doon ay kinaibigan niya sina Raha Kulambu at Raha Siagu na pinuno ng Limasawa na gumabay sa kanya sa Cebu. Ang hari ng Cebu na si Raha Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magellan kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa. Dahil sa impluwensiya ni Magellan kay Raha Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapulapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng pulo ng Mactan ang tanging tumutol.

Tumangging tanggapin ni Lapulapu ang kapangyarihan ni Raha Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Raha Humabon at Datu Zula kay Magellan na pumunta sa pulo ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapulapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magellan ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Bisaya at umayon na pasukuin ang mapanghimagsik na si Lapulapu. Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapulapu na sumunod sa mga kautusan ni Raha Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng ika-28 ng Abril, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapulapu at kanyang mga mandirigma at sumalakay kay Magellan na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan.

Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tauhan ni Magellan ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na mga tala ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raha Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan at nanood sila mula sa malayo. Iniulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapulapu ay, "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng daigdig dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga kawal na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Raha Humabon. Si Magellan ay hinalinhan ni Juan Sebastián Elcano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtataksil ni Humabon. Si Elcano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng daigdig.