Mga Pangasinan
Kabuuang populasyon | |
---|---|
2,012,496 (senso ng 2020)[1] (1.9% ng populasyon ng Pilipinas) | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Pilipinas (Pangasinan, Tarlac, La Union, Benguet, Nueva Ecija, Zambales, Nueva Vizcaya, Kalakhang Maynila) Estados Unidos Canada Buong mundo | |
Wika | |
Pangasinan, Ilokano, Tagalog, Ingles | |
Relihiyon | |
Nakakarami ang Romano Katoliko, may ilan ang Protestante, Iglesia ni Cristo, Muslim, Budista and Animista | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Pilipino (Kapampangan, Sambal, Ilokano, Ibanag, Igorot, Ivatan, ibang pangkat-etniko sa Pilipinas) ibang mga Austronesyo |
Ang mga Pangasinan (Pangasinan: Totoon Pangasinan), kilala din bilang Pangasinense, ay isang pangkat-etnolingguwistikong katutubo sa Pilipinas. Bumibilang sa 1,823,865 noong 2010, sila ang ika-10 pinakamalaking pangkat-etnolingguwistiko sa bansa.[2] Pangunahing nakatira sila sa kanilang taal na lalawigan ng Pangasinan at ang katabing mga lalawigan ng La Union at Tarlac, gayon din ng Benguet, Nueva Ecija, Zambales, at Nueva Vizcaya. Matatagpuan din sila sa iba pang bahagi ng Pilipinas at sa diyasporang Pilipino sa buong mundo.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangahulugan ang pangalang bilang ang "lupain ng asin" o "lugar ng paggawa ng asin". Hinango ito sa salitang asin, ang salitang Pangasinan na "asin" din ang kahulugan sa Tagalog. Tinutukoy ang mga Pangasinan bilang Pangasinense. Tumutukoy ang katawagang Pangasinan sa katutubong tagapagsalita ng wikang Pangasinan o mga taong may pamana o lahing Pangasinan.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinatayang ang populasyon ng mga Pangasinan sa lalawigan ng Pangasinan na 2.5 milyon. Naninirahan din ang mga Pangasinan sa mga katabing lalawigan ng Tarlac at La Union (na dating bahagi ng lalawigan ng Pangasinan), Benguet, Nueva Ecija, Zambales, at Nueva Vizcaya; gayon din ang mga pamayanang Pangasinan sa ibang bahagi ng Pilipinas at ibayong-dagat.
Indigenous religion
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas na dinala ang Katolisismo sa bansa, naniwala ang mga Pangasinan sa mga panteon ng kakaibang mga diyos at diyosa.[3]
Mga imortal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ama: ang kataas-taasang diyos, pinuno ng iba, at ang lumikha sa sangkatauhan; nakikita ang lahat sa pamamagitan ng kanyang tirahan sa langit; ama ni Agueo at Bulan[4] na tinutukoy din bilang Ama-Gaolay[3]
- Agueo: ang malungkot at hindi umiimik na diyos na araw na sumusunod sa kanyang ama, si Ama; naninirahan sa isang palasyo ng liwanag[4]
- Bulan: ang masayahin at pilyong diyos na buwan, na ang madilim na palasyo ay ang pinanggalingan ng walang hanggang liwanag na nagiging bituin; ginagabayan ang daanan ng mga magnanakaw[4]
Mortals
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kilalang Pangasinense
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Urduja ay isang malaalamat na mandidigmang babae na itinuturing bilang isang bayani sa Pangasinan. Pinagtanggol nina Malong at Palaris ang kalayaan mula sa pamumunong Kastila. Ang isa pang prominenteng Pangasinense ay si Fidel Ramos, na ipinanganak sa Lingayen at nagsilbi sa Gabinete ni Pangulong Corazón Aquino, una bilang punong-kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at sa kalaunan, bilang Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa mula 1986 hanggang 1991 bago naging ika-12 pangulo ng Pilipinas. Ang ibang pang kilalang Pangasinense o may lahing Pangasinan ay sina Tania Dawson na mula ang ina sa Santa Maria, Pangasinan, Jose de Venecia, Jr. ang mambabatas na ipinanganak sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan; at ang aktor at ang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Fernando Poe Jr. na ipinanganak ang ama sa Lungsod ng San Carlos, Pangasinan. Mga Pangasinense o may lahing Pangasinan din sina Victorio C. Edades, Angela Perez Baraquio, Ambrosio Padilla, Cheryl Cosim (taga-ulat), Marc Pingris, at Ric Segreto. Kabilang sa iba pang artistang Pangasinan sina Donita Rose, Marlou Aquino, Lolita Rodriguez, Barbara Perez, Gloria Romero, Carmen Rosales, Nova Villa, Jhong Hilario, at Liza Soberano.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ethnicity in the Philippines (2020 Census of Population and Housing)". Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Statistics Office. 2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines (PDF) (sa wikang Ingles). Maynila. Nakuha noong Mayo 19, 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "The Lowland Cultural Community of Pangasinan". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 28, 2020. Nakuha noong Hunyo 19, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 Eugenio, D. L. (2007). Philippine Folk Literature: An Anthology (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magno, R. M. (1992). Urduja Beleaguered: And Other Essays on Pangasinan Language, Literature, and Culture (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: Kalikasan Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)