Pumunta sa nilalaman

Corazon Aquino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Corazón Aquino)
Corazon C. Aquino
Ika-11 Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika
Nasa puwesto
25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992
Punong MinistroSalvador H. Laurel[1]
Pangalwang PanguloSalvador H. Laurel
Nakaraang sinundanFerdinand E. Marcos
Sinundan niFidel V. Ramos
Personal na detalye
Isinilang25 Enero 1933(1933-01-25)
Paniqui, Tarlac, Pilipinas
Yumao1 Agosto 2009(2009-08-01) (edad 76)
Makati
Partidong pampolitikaUnited Nationalists Democratic Organizations (UNIDO)/Lakas ng Bayan (LABAN)/Liberal
AsawaBenigno Aquino, Jr.
TrabahoInang Bahay, Politiko

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulo na si Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong 5 Agosto.

Si María Corazón "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933 sa Paniqui, Tarlac at ikaapat na anak nina José Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang kanyang mga kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio Cojuangco na kasapi ng Kongreso ng Malolos. Ang kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban kay Manuel L. Quezon noong 1941. Si Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Manila sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent sa New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang Pranses. Siya ay nagboluntero para sa pangangampanya ni United States Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa Pangulo ng Estados Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang Pagkapangulo. Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag-aral ng Batas sa Far Eastern University na pag-aari ng mga in-law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes. Siya ay nag-aral ng isang taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng dating Ispiker na si Benigno S. Aquino, Jr.. Sila ay nagkaroon ng limang anak: María Elena (ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora Corazón (ipinanganak noong 27 Disyembre 1957), Benigno Simeon III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa (ipinanganak noong 27 Oktubre 1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong 14 Pebrero 1971).

Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.

Pagpaslang sa kanyang asawang si Ninoy sa paliparan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagpatay kay Ninoy Aquino

Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[3] Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.[4] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. [5]

Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy.[5] Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa.[6].

Snap election

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong mga 1984, ang malapit na personal na kaalyado ni Marcos na si Pangulong Ronald Reagan ng Estados Unidos ay nagsimulang maglayo ng kanyang sarili sa rehimeng Marcos na kanyang malakas na sinuportahan gayundin ng mga nakaraang pangulo ng Estados Unidos kahit pa pagkatapos ideklara ni Marcos ang martial law. Ang tulong na mga milyong milyong dolyar ng Estados Unidos ang sumuporta sa pamumuno ni Marcos sa paglipas ng mga taon.[7] Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino at dahil sa pagpipilit ng kaalyadong Estados Unidos, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang biyuda ni Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3 Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos.[8][9] Sa snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang National Citizen's Movement for the Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser na COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.[10] Ang mga 29 mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos. Ang oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa harap ng kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na "nakakabagabag".[11] Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.[12]

Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay bumagsak.

Himagsikang People power

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'etat laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito[13] at itinanghal sa lokal at internasyonal na press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[14][15]

Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press sa Kampo Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito".[16] Sa isang mensaheng isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Kampo Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA.[16][17]

Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.[18]

Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid.[17] Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.[16]

Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA. Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit ng Bayan Ko[19] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon. Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[20] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[16] Sa gitnang katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[21] Ang mga madreng humahawak ng mga rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang harangin ang mga hukbo.[22] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na nangyari.[16] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Kampo Aguinaldo.[16] Kalauna, ang mga helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Kampo Crame.[23] Sa lihim, ang squadron ay dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan.[16] Sa katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at mga tao ay naghihintay.[23]

Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4,[24] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo. Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga depeksiyon.[16] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon.[16] Ang pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig.[16]

Pagkamatay ng kanyang asawa.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagkamatay ng kanyang asawang si Benigno Aquino Jr. Hindi man lang niya ito pinaimbestigahan kahit pa siya ay naging pangulo katulad ng kanyang anak nas si Benigno Aquino III.

Dalawang inagurasyon ng pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.

Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.

Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7.[16] Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga 3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!".[25] Pagkatapos ng panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.

Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.[16]

Paglisan ng pamilya Marcos sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong alas-tres ng hapon ng Lunes (EST), kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula sa White House.[25] Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong US Air Force DC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman sa Hickam Air Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986.[16]

Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.

Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")

Bilang Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas. Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento.[26] Noong 1989, ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga pribadong industriyang ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos. Ang ekonomiya ay lumago ng 3.4 porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong 1989 ay nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may aberaheng paglago na 3.4 porsiyento sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino. Ang mga 50 porsiyento ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60 porsiyento ay nasa ilalim ng kahirapan.[27] Hindi rin nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng mamamayan. Sa huling taon ni Aquino, ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang trabaho ay 10 porsiyento. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel, mga monopolyo at mga oligopolyo ng mga industriya na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal.[27] Noong 1986, nangako si Aquino ng isang reporma sa lupain. Bago ng pagluklok ni Aquino, ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng lupain.[27] Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain.[27] Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa sa loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang Hacienda Luisita na isang 4,435-hektaryang lupain na pagmamayari ng pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock sa mga manggawa nito. Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga hindi kanais nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga. Inangkin ng mga administrador ni Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain mula 1988 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at kaunti ng 2 porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit ng pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang Asya.[27] Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay. Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan.[27] Sa ilalim ni Aquino, ang mga sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.[27]

Sakit at kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Libingan ni Cory sa tabi ng kanyang asawang si Ninoy.

Noong 24 Marso 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa colon), isang sakit sa bituka, ang dating pangulo. Siya ay namatay noong 1 Agosto 2009 sa Makati Medical Center sa Makati dahil sa sakit na ito sa edad na 76.[28][29]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang tungkuling ito ay pinawalang-bisa sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 3 noong 25 Marso 1986.
  2. Ager, Maila (2009-08-01). "Cory Aquino dies". Inquirer.NET. Nakuha noong 2009-08-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Javate-De Dios, Aurora; atbp., mga pat. (1988), Dictatorship and Revolution: Roots of People's Power, Conspectus Foundation Incorporated, p. 132, ISBN [[Special:BookSources/9919108018|9919108018[[Kategorya:Mga artikulong mayroong hindi katanggap-tanggap na mga ISBN]][[Kategorya:Mga artikulong mayroong hindi katanggap-tanggap na mga ISBN]]]] {{citation}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong); Explicit use of et al. in: |editor-first= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link).
  4. Schock, Kurt (2005), "People Power Unleashed: South Africa and the Philippines", Unarmed Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies, University of Minnesota Press, p. 56, ISBN 0-8166-4192-7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Lakas Ng Bayan: The People's Power/EDSA Revolution 1986". University of Alberta, Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-19. Nakuha noong 2007-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://www.nytimes.com/1990/09/29/world/16-sentenced-to-life-for-killing-aquino.html
  7. Pace, Eric (29 Setyembre 1989). "Autocrat With a Regal Manner, Marcos Ruled for 2 Decades". The New York Times. Nakuha noong 24 Enero 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Pollard, Vincent Kelly (2004). Globalization, democratization and Asian leadership: power sharing, foreign policy and society in the Philippines and Japan. Ashgate Publishing. p. 50. ISBN 978-0-7546-1539-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Parnell, Philip C. (2003). "Criminalizing Colonialism: Democracy Meets Law in Manila". Crime's power: anthropologists and the ethnography of crime. Palgrave-Macmillan. p. 214. ISBN 978-1-4039-6179-2. {{cite book}}: Unknown parameter |editors= ignored (|editor= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Peter Ackerman; Jack DuVall (2001), [[A Force More Powerful|A force more powerful]]: a century of nonviolent conflict, Macmillan, p. 384, ISBN 978-0-312-24050-9 {{citation}}: URL–wikilink conflict (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link);
    ^ Isabelo T. Crisostomo (1987), Cory--profile of a president, Branden Books, p. 193, ISBN 978-0-8283-1913-3{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (showing a reproduction of NAMFREL's announcement of the results).
  11. "PRESIDENT'S STATEMENT, FEB. 11, 1986". US Department of State Bulletin, April, 1986. 1986. Nakuha noong 2007-12-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Schock, Kurt (2005), Unarmed Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies, U of Minnesota Press, p. 77, ISBN 978-0-8166-4193-2, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  13. West, Lois A. (1997), Militant Labor in the Philippines, Temple University Press, pp. 19–20, ISBN 1-56639-491-0, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  14. An Account of February Revolution
  15. Day One (EDSA: The Original People Power Revolution)
  16. 16.00 16.01 16.02 16.03 16.04 16.05 16.06 16.07 16.08 16.09 16.10 16.11 16.12 Paul Sagmayao, Mercado; Francisco S. Tatad (1986), People Power: The Philippine Revolution of 1986: An Eyewitness History, Manila, Philippines: The James B. Reuter, S.J., Foundation, ISBN [[Special:BookSources/0-9639420-7-8|0-9639420-7-8[[Kategorya:Mga artikulong mayroong hindi katanggap-tanggap na mga ISBN]]]] {{citation}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 McCargo, Duncan (2003), Media and Politics in Pacific Asia, Routledge, p. 20, ISBN 0-415-23375-5, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  18. Impossible Dream, Sandra Burton
  19. Taylor, Robert H. (2002), The Idea of Freedom in Asia and Africa, Stanford University Press, p. 210, ISBN 0-8047-4514-5, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  20. Crisostomo, Isabelo T. (1987), Cory, Profile of a President: The Historic Rise to Power of Corazon., Branden Books, p. 217, ISBN 0-8283-1913-8, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  21. Lizano, Lolita (1988), Flower in a Gun Barrel: The Untold Story of the Edsa Revolution, L.R. Lizano, nakuha noong 2007-12-02{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  22. Merkl, Peter H. (2005), The Rift Between America And Old Europe: the distracted eagle, Routledge, p. 144, ISBN 0-415-35985-6, nakuha noong 2007-12-02{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  23. 23.0 23.1 Crisostomo, Isabelo T. (1987-04-01), Cory, Profile of a President: The Historic Rise to Power of Corazon., Branden Books (nilathala 1987), p. 226, ISBN 978-0-8283-1913-3, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  24. Maramba, Asuncion David (1987), On the Scene: The Philippine Press Coverage of the 1986 Revolution, Solar publishing Corp., p. 27, ISBN 978-971-17-0628-9, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  25. 25.0 25.1 Ellison, Katherine (2005), Imelda: Steel Butterfly of the Philippines, iUniverse, p. 244, ISBN 0-595-34922-6, nakuha noong 2007-12-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  26. http://www.gmanetwork.com/news/story/211655/economy/ing-phl-economy-may-average-5-3-from-2010-2016
  27. 27.0 27.1 27.2 27.3 27.4 27.5 27.6 http://news.google.com/newspapers?nid=2209&dat=19920705&id=kZhKAAAAIBAJ&sjid=PJQMAAAAIBAJ&pg=5042,855367
  28. Philippines Icon Corazon Aquino Has Cancer, Former President And Ouster Of Marcos Dictatorship, 75, Reportedly Has Colon Cancer, Manila, Philippines, 23 Marso 2008, The Associated Pressm, CBS.news.com, nakuha noong 25 Marso 2008
  29. Samonte, Angelo S., Anthony A. Vargas, Sammy Martin and AFP. Cory Aquino battling colon cancer –Kris, Bishops, political leaders extend prayers, support, Top Stories, ManilaTimes.net, 27 Marso 2008 Naka-arkibo 25 March 2008[Date mismatch] sa Wayback Machine., nakuha noong 25 Marso 2008

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Ferdinand Marcos
Pangulo ng Pilipinas
1986–1992
Susunod:
Fidel V. Ramos