Pumunta sa nilalaman

Mozambique

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mosambik)
Republika ng Mozambique
República de Moçambique
Watawat ng Mozambique
Watawat
Eskudo ng Mozambique
Eskudo
Awiting Pambansa: Pátria Amada
(ang dating Viva, Viva a FRELIMO)
Location of Mozambique
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Maputo
Wikang opisyalPortuges
KatawaganMozambican
PamahalaanRepublika
• Pangulo
Filipe Nyusi
Adriano Maleiane
Pagsasarili
• mula sa Portugal
25 Hunyo 1975
Lawak
• Kabuuan
801,590 km2 (309,500 mi kuw) (35th)
• Katubigan (%)
2.2
Populasyon
• Pagtataya sa 2017
29,668,834
• Senso ng 2007
21,397,000 (52nd)
• Densidad
25/km2 (64.7/mi kuw) (178th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$18.600 bilyon[1]
• Bawat kapita
$896[1]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$9.654 bilyon[1]
• Bawat kapita
$465[1]
Gini (1996–97)39.6
katamtaman
TKP (2007)0.366
mababa · ika-175
SalapiMetical ng Mozambique (Mtn) (MZN)
Sona ng orasUTC+2 (CAT)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (hindi siniyasat)
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono258
Kodigo sa ISO 3166MZ
Internet TLD.mz
  1. Estima para sa bansang ito malinaw na magdadala sa mga account na ang mga epekto ng sobrang dami ng namamatay dahil sa AIDS; na ito ay maaaring magresulta sa mas mababang-asa sa buhay, mas mataas na sanggol pagkakamatay at kamatayan rates, mas mababang populasyon at growth rates, at ang mga pagbabago sa pamamahagi ng mga populasyon sa pamamagitan ng edad at kasarian kaysa sa ay sa kabilang banda ay inaasahan.

Ang Republika ng Mozambique (pagbigkas: /mo·zam·bík/) (internasyonal: Republic of Mozambique), ay isang bansa sa Katimugang Aprika, nasa hangganan ng Timog Africa, Swaziland, Tanzania, Malawi, Zambia at Zimbabwe. Nasa labas ng baybayin ang Comoros at Madagascar na nasa hilaga-silangan nito at nasa ibayo ng Mozambique Channel.

Ang Republika ng Mozambique ang ika-36 na pinakamalaking bansa sa buong mundo kasunod ng Pakistan.Kung ikukumpara sa ibang bansa, masasabing halos kasinlaki ito ng Turkey, mas malaki ng apat na beses sa Kyrgyztan, dalawang beses na mas malaki sa California at Zimbabwe at mas maliit nang kaunti sa kalahati ng Iran. Napaliligiran ang Mozambique ng mga lupaing hangganan tulad ng bansang Malawi (1,569 km), South Africa (491 km), Kingdom of Swaziland (105 km), Tanzania, (756 km), Zambia (419 km), at Zimbabwe (1,231 km), na bumubuo naman sa kabuuang sukat na 4,571 kilometro. Ito ay makikita sa katimugan ng kontinente ng Africa. Nasa pagitan ito ng Tanzania at South Africa at pumapaligid sa Mozambique Channel. Ito’y may kabuuang lawak na 801,590 kilometro kuwadrado na binubuo ng kalupaan (784,090 km2) at katubigan (17,500 km2). Ang baybayin nito na may haba na 2,470 kilometro ay nagsisimula sa Rovuma River mula sa hilaga, hanggang Ponta de Ouro sa timog. Maraming mabababang lupain sa bansa, matatataas na lupain na gitnang bahagi, mga talampas sa gitnang kanluran na umaabot mula 800 hanggang 2000 talampakan at mga kabundukan sa kanlurang bahagi na may taas na 6,000 hanggang 8,000 talampakan. Ang hilagang bahagi ng Mozambique ay di patag, kung saan ang mga bundok ay maaaring umabot ng higit sa 8,000 talampakan. Ang pang-apat na pinakamahabang ilog sa Africa, ang Zambezi, ang naghahati sa Mozambique sa dalawa. Ang klima ng Mozambique ay mula tropical hanggang subtropical. Ang temperatura at pumapatak mula 65 hanggang 85 degrees Farenheit. Ang mga kapatagan at baybayin ay katamtaman at mahalumigmig na klima, samantalang mas malamig sa mga mabububundok na bahagi ng bansa. Nangingibabaw ang mainit na panahon tuwing tag-ulan na sumasalubong mula Oktubre hanggang Abril. Ang pagpatak ng ulan ay hindi pare-pareho ay mahirap tantsahin. Umaabot ng 60 pulgada ang dami ng tubig-ulan sa hilaga habang 30 pulgada naman sa timog. Malamig-lamig naman ang panahon mula Hunyo hanggang Hulyo at ang natitirang mga buwan ay kadalasang may katamtamang klima. Madalas na nagbabanta ng tagtuyot at matitinding pagbaha ang bansa. Noong Pebrero at Marso 2000, tinaman ng matinding pagbaha ang Mozambique na nagdulot ng matinding kapinsalaan at pagkasawi ng maraming buhay.

Nahahati ang Mozambique sa sampung probinsiya at isang lungsod: Cabo Delgado, Gaza, Inhambane, Manica, Maputo, Maputo (lungsod), Nampula, Niassa, Sofala, Tete, at Zambezia. Ang lungsod ng Maputo (dating pangalan ay Lourenço Marques) ang kabisera ng Mozambique na siya ring pinakamalaking lungsod at pangunahing daungan ng bansa.Umaabot ang bilang ng populasyon ng bansa sa 19, 686, 505 (2006 estimate).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Mozambique". International Monetary Fund. Nakuha noong 2009-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)