Pumunta sa nilalaman

Ng

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ng (digrapo))
Alpabetong Tagalog/Filipino
Aa Bb Cc Dd
Ee Ff Gg Hh Ii Jj
Kk Ll Mm Nn Ngng Oo
Pp Qq Rr Ss Tt Uu
Vv Ww Xx Yy Zz
Ang sumasagisag sa tunog ng titik na Ng (bigkas: /nga/) sa sinaunang baybayin ng Pilipinas.

Ang NG [malaking anyo], at Ng [malaking anyo rin], o ng [maliit na anyo] (bagong gawi ng pagbigkas: /endzi/ at /nang/ kung nag-iisa; lumang pagbigkas: /nga/) ay isang digrapo ng alpabetong Latin. Sa wikang Tagalog, ito ang pinagsamang mga titik na na N at G o g (palaging una ang titik na N). Ito ang panlabinlimang titik sa makabagong alpabetong Tagalog, at ang ikalabing-dalawa sa lumang abakadang Tagalog.[1]

Sa Tagalog, Ingles at ilan pang mga palabaybayang Europeo at mula sa Ingles, karaniwang inilalarawan nito ang pang-ngalangalang pailong (velar nasal), na may tunog na ŋ sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (International Phonetic Alphabet).

Sa maraming wikang Austronesyo, tulad ng Maori, Indones at Tagalog, at ng Gales, ang "ng" ay may kurespondensiya sa ŋ. Kasalukuyang ika-16 titik ang "ng" sa alpabetong Filipino.

Orihinal na inilalarawan ng "ng" ang tunog na [ŋg] noong panahon ng mga Espanyol sa Tagalog at iba pang mga wika ng Pilipinas. Inilarawan noon ang pangngalangalang pailong sa iba't ibang anyo, tulad ng "n͠g", "ñg", "gñ" (tulad ng Sagñay), at isang titik "" na sumunod sa isang patinig (at hindi katinig). Noong isinapamantayan ang Tagalog sa unang bahagi ng ika-20 siglo, ginawang "ng" ang [ŋ] habang naging "ngg" ang [ŋg].

Sa balarilang Tagalog, ang "ng" ay isang pang-ukol na henitibong marka kapag ito ay nag-iisa. Madalas, at hindi dapat, itong ipagkamali sa pang-halip na marka na "'nang". Sa paggamit, gumaganap itong katumbas ng salitang "of" sa Ingles, kapag binibigkas na /nang/; halimbawa: "Ang pangalan ng bata." Ginagamit din itong pang-ari (kapag nasa possessive case) o pamalit sa katumbas ng "'s" at "s'" sa Ingles; halimbawa: "Ang panyo ng dalaga" (The maiden's handkerchief). Ang "ng" din ang nagpapakilala sa tuwirang paksa o bagay na kaugnay (direct object) ng pandiwang transitibo (transitive verb) sa loob ng isang pangungusap - halimbawa ang "Nagtitinda siya ng palay." At, ang ng din ang nagpapakilala sa gumagawa o gumaganap ng kilos (katumbas ng by sa Ingles), halimbawa ang: "Hinabol ng pusa ang daga."[1]

Magkaiba ang paggamit ng nang at ng. Ang "nang" ay ginagamit na kasingkahulugan ng "noong" o "upang"; para pagsamahin ang "na" at "ang"; para pagsamahin ang "na" at "ng"; para pagsamahin ang "na" at "na"; para magsaad ng paraan; at bilang pang-angkop ng pandiwang inuulit.

Mga halimbawa:

  1. Nang (noong) isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo.
  2. Mag-aral kang mabuti nang (upang) makatapos ka sa ‘yong pag-aaral.
  3. Labis nang (na ang) panglalait ang natamo niya.
  4. Napahamak nang (na ng) tuluyan ang kanyang anak nang (noong) ito’y kanyang iwan.
  5. Umalis ka nang hindi man lang nagsuklay.
  6. Manalangin ka nang taimtim nang (upang) makamit mo ang iyong minimithi.
  7. Iyak nang iyak ang mga batang naulila dahil sa trahedya.

Ang "ng" naman ay ginagamit kung sinusundan ng pangngalan, pang-uri, o pamilang.

Mga halimbawa:

  1. Ang tokador ay puno ng damit.
  2. Bumusina nang malakas ang tsuper ng taksi.
  3. Nagsama siya ng sampung kawal.

May mga pagkakataon na parehong tama ang paggamit ng "nang" at "ng" sa pangungusap o tama sa balarila ngunit magkaiba ng pakahulugan at kagamitan.

Halimbawa:

  1. Kumuha ka nang papel. (Pagtatama: Ito ay isinusulat ng "Kumuha ka na ng papel").
  2. Kumuha ka ng papel.

Parehong tama ang dalawang pangungusap ngunit magkaiba ng pakahulugan. Ang unang pangungusap ay nagbibigay ng diin na dapat ngayon na o sa sandaling ito dapat ng kumuha na ng papel ang inuutusan. Maaaring isulat ito na "Kumuha ka na ng papel". Samantalang ang ikalawang pangungusap ay naguutos lang na kumuha ng papel.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "NG, Ng, ng". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 937.

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.