Pumunta sa nilalaman

Pamimisikleta sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagbibisikleta sa Pilipinas)


Mga nagbibisikleta sa tabi ng Abenida Bengino S. Aquino sa Baliwag.

Ang pagbibisikleta ay isang sikat na paraan ng pagbiyahe at isang isport sa Pilipinas.

Unang ipinakilala sa kapuluan ang bisikleta noong 1880s sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas at nagsilbi ito bilang isang karaniwang paraan ng pagbiyahe, lalo na sa mga mamamayang mestisong Pilipino. Sa kasalukuyang panahon, marami sa mga nagbibisikleta ay halos nagbibisikleta bilang isang paraan ng pagbiyahe at isang paraan ng paglilibang, kagaya ng pagkakarera sa kalsada, pagbibisikleta sa bundok, at sa libangang paggamit ng bisikleta. Samantala, nananatili ang pagkasikat ng pagbibisikleta sa loob ng mga lokal na pamayanan at mga pook na rural dahil ang karamaihan ng mga pook na urbano ay intinuturing mapanganib para sa pagbibisikleta dahil sa pangingibabaw ng motorized na trapiko na may kaunti hanggang walang imprastraktura ng pagbibisikleta na pang-proteksyon.

Gayunman, dahil sa pagsususpinde at paghigpitan ng paggamit ng pampublikong transportasyon sa bansa dahil sa dulot ng pandemya ng COVID-19, maraming mga Pilipino ay bumaling sa pagbibisikleta bilang isang alternatibong paraan ng pagbiyahe, kung saan binilisan ang pagtayo at pagsulong ng pagkaroon ng imprastraktura ng aktibong transportasyon sa mga pook na urbano.

Panahong kolonyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang ipinadala ang mga bisikleta sa bansa noong 1880s, kabilang sa ilan-ilang mga makabagong teknolohiya ng ika-20 dantaon na ipinadala sa bansa noong panahon ng pagsasakop ng Pilipinas ng Imperyong Kastila.[1] Inilarawan ng Amerikanong may-akda na si Joseph Earle Stevens sa kanyang mga entry sa journal habang nakatira siya sa Maynila noong 1894 ang pagiging sikat ng pagbibisikleta sa mga kalsada ng Maynila, lalo na sa mga mamamayang mestisong Pilipino. Binanggit din niya ang pagkakaroon ng mga karera ng bisikleta na nagaganap sa Luneta.[2] Habang nakakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal sa Dapitan, nagsulat siya ng isang liham noong 18 Disyembre 1895 na humihiling sa kanyang nanay na bumili ng isang gamit na bisikleta na maari niyang gamitin para sa paglalakbay sa bayan.[3]

Pagkatapos na isinuko ang Pilipinas sa pamamahala ng Estados Unidos, natatagpuan sa mga kalsada ang mga bisikleta na gawa sa Estados Unidos. Sa isang ordinansa noong 1902 na ginawa ng Komisyong Taft ukol sa paggagaamit ng pampubiklong kalsada at lugar sa Maynila, may nabanggit dito na ang bisikleta ay isang paraan ng pagbiyahe na kinakailangang sumunod sa mga ordinansa at regulasyong pang-trapiko, magbigay-daan sa mga pagtawid sa daan, at laging magdala ng ilaw at kampana. Mayroon rin itinatag na pang-rehistro ng bisikleta, kung saan may higit 2,000 na bisikleta ay naka-rehistro, ngunit ito ay tinigil noong 1906. Ipinabenta rin ang pagbibisikleta bilang isang paglilibang sa kasing aga ng 1920s, kung saan ang isyu ng Philippine Education Magazine noong Hulyo ng 1926 ay nagtataguyod na ang pagbibisikleta ay isang pang-ekonomiyang paraan ng pagbiyahe na may benepisyong pangkalusugan.[4]

Panahong Komonwelt at WWII

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1942, itinatayang na mahigit 12,750 na bisikleta ay ginagamit bilang paraan ng pagbiyahe ng dating 9,000 na kataong populasyon ng Maynila, kasama ang mga nasa karatig na lugar.[5]

Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng Pilipinas ng mga Hapones, ginamit ng Hukbong Imperyal ng Hapon ng mga impanteryang bisikleta upang pangkilos at magdala ng armas katulad ng mga masinggan.

Mga sundalo ng Hukbong Imperyal ng Hapon na pumapasok sa Maynila gamit ng mga bisikleta habang isinusuko ang lungsod sa mga Hapones at idinideklara bilang isang open city upang maiwasan ang karagdagang pagkasira.

Noong 1944, napinsala ang sistema ng pampublikong transportasyon dahil sa maraming kinumpiskahin na mga kariton, bisikleta, traysikel, pedicab, at kartilya ng mga Hapones mula sa mga mamamayang Pilipino.[5]

Pagkatapos ng WWII

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng digmaan, ang bisikleta ay patuloy na nagsisilbing paraan ng pagbiyahe para sa mga Pilipino, ngunit bumaba ang halaga nito dahil sa pagpasikat ng paggamit ng mga kotse, mga de-motor na traysikel, at mga dyipni bilang panguahing paraan ng pagbiyahe, Dahil dito, natatakdaan ang paggamit ng bisikleta sa mga lugar na konti lamang ang trapiko sa daan, kung saan napanatili ang pagiging sikat ng pagbibisikleta bilang isang isport at para sa panlalakbay.[6]

Dahil hindi makayanan ang lumalalang trapiko sa mga kalsada at pagkulang na pampublikong transportasyon ang pagdadami ng populasyon at ng mga nagmamaneho ng sariling kotse, may ilan-ilang mga tao na bumaling sa pagbibisikleta bilang isang paraan ng pagbiyahe. Gayunman, ang pagkakulang ng imprastraktura ng pagbibisikleta ay nagiging dulot sa padami-daming ng mga aksidente sa pagitan ng mga nagbibisikleta at mga nagmamaneho ng de-motor na sasakyan, na humahantong sa paghihimok ng pagkaroon ng imprastraktura ng aktibong transportasyon para masolusyonan ang trapik sa mga lungsod.[7]

Noong Abril 2009, ang Office of the Vice Rector for Finance ng Unibersidad ng Santo Tomas ay nagtalaga ng mga lugar para paradahan ang mga bisikleta at mga motorsiklo sa loob ng kanilang kampus. Ang pamparada sa mga itinalagang lugar na ito ay walang bayad at bukas ito sa mga estudyante, mga empleado, at mga bisita ng unibersidad.[8]

Noong 8 Nobyembre 2009, inumpisahan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kanilang "Bike On, Bike Off" or "Bike O2" na proyekto, kung saan pinapayagan ang pagdala ng mga tumitiklop na bisikleta sa loob ng mga tren ng LRT-1 at LRT-2 upang isulong ang bimodal na transportasyon upang bawasin ang trapiko sa kalsada. Ipinahayag rin ng LRTA na ang huling bagon ng bawat tren ay itinataguring bilang mga "green zones", kung saan pwede dito pumarada ang mga gumagamit ng tumitiklop na bisikleta,[9] sa kondisyon na nasa ilalim ito ng mga patakaran ng LRTA sa pinapayagang laki ng bagahe na 2 by 2 talampakan (20 by 20 pul).[10]

Pagkatapos ng maraming panghihikayat mula sa mga gumagamit ng mga tumitiklop na bisikleta, ipinatupad rin ito sa MRT-3, na pinapayagan ang pagdala nito sa loob ng tren noong Pebero 1, 2012, ngunit para lamang sa mga tumitiklop na bisikleta na may mga gulong na hindi lumalampas sa 20 pulgada (51 cm) na dyametro.[11]

Mga itinatag na Class I na daanan ng pagbibisikleta sa tabi ng Lansangang Marikina–Infanta sa Santolan, Pasig.

Ang mga lokal na pamahalaan ay nagpatupad na rin ng mga imprastraktura ng pagbibisikleta at mga hakbangin sa pagbibisikleta sa kanilang mga lungsod at munisipalidad, katulad sa mga lungsod ng Marikina at Pasig sa Kalakhang Maynila, ang Lungsod ng Iloilo sa Iloilo, at ang lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur,[12] habang may ilang mga lungsod katulad sa lungsod ng Mandaluyong na may panukala sa pagtayo ng mga rutang pagbisikleta sa paligid ng kanilang mga lungsod.[13]

Noong Pebero 7, 2019, binuksan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan ang unang protektadong daanan ng pagbibisikleta na nasa kahabaan ng isang pambansang lansangan sa Pilipinas, na matatagpuan sa kahabaan ng Laguna Lake Highway ng Daang Palibot Blg. 6. Bidireksyional ang itinatag na daanan ng pagbibisikleta na sumasaklaw sa 5.8 kilometro (3.6 mi) ng kabuuang 6.94 kilometro (4.31 mi) na haba ng lansangan, at pisikal na nakahiwalay ito sa lansangan gamit ng isang planting strip.[14]

Pandemya ng COVID-19

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, sinunspende at muling binuksan sa limitadong kapasidad ang sistema ng pampublikong transportasyon. Dahil dito, lumaki sa kasikatan ang pagbibisikleta bilang isang paraan ng pagbiyahe sa mga Pilipino na kinailangan ng paraan para pumunta sa kanilang mga lugar ng trabaho nang mabisa at maligtas. Kabilang sa nabawasang trapiko sa kalsada dahil sa mga kuwarentenang pampamayanan, binilisan ang pagpapatupad ng mga imprastraktura ng aktibong transportasyon kagaya ng mga protektadong daanan ng pagbibisikleta at mga paradahan nito sa gitna ng pandemya, at lalong humikayat ang pagbibisikleta.[15]

Sa 16 Abril 2020, ang lungsod ng Pasig ay ang unang lokal na pamahalaan sa bansa na kinikilala ang pagbibisikleta bilang isang mahalaga na paraan ng pagbiyahe, kung saan nagpasa ito ng mga resolusyon at batas para sa pagpapalagay ng mga daanan ng pagbibisikleta at ang pagbukas ng mga tindahan ng bisikleta, na dating isinara dahil sa itinuturing bilang hindi mahalaga na negosyo sa ilalim ng kuwarenenang pampamayanan.[16][17]

Sa 16 Nobyembre 2020, ipinirma ni Pangulo Rodrigo Duterte ang Presidential Proclamation No. 1052 s. 2020, na nagpapahayag ang bawat ika-4 na Linggo ng Nobyembre bilang "National Bicycle Day".[18] Ang proclamation na ito ay nagbibigay ng pagkalehitimo sa "National Bicycle Day" na unang itinatag ng National Bicycle Organization, isang non-government organization na nagho-host nito taun-taon mula noong 2014.[19]

Bilang isport at libangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga siklistang nakikilahok sa 7-Eleven Trail 2018 na pagkarera ng mga mountain bike sa San Mateo, Rizal noong Pebero 18, 2018

Sa Pilipinas, ang mga namimisikleta bilang isang isport ay pinagsama-sama ng mga nagkikilahok sa mga kaganapang triathlon at ng mga namimisikleta pang-turismo, pang-ehersisyo tuwing katapusan ng linggo, at ang mga nagbibisikleta sa loob ng kanilang mga pamayanan.[20]

Karaniwang itinatag taun-taon ang mga road cycling na paglalakay o tour ng iba't-ibang mga institusyong isports. Ito ay madalas na sumasaklaw sa mahahabang distansya, katulad ng mula Maynila hanggang Baguio.[20] Kabilang nito ang taun-taon na Le Tour de Filipinas,[21] Ronda Pilipinas,[22] at PRUride Philippines.[23]

Noong 1990s, sumigla ang mountain biking bilang isang libangang aktibidad tuwing katapusan ng linggo, lalo na sa mga Pilipinong yuppies.[20] Naging kilala ang lalawigan ng Rizal bilang isang tagpuan ng mga sikat na trails na pang-mountain biking, lalo na sa Antipolo.[24] Matatagpuan din sa lungsod ng Tagaytay sa Kabite,[25] at sa ari-ariang pagtutubo ng Nuvali sa Laguna ang iba pang mga sikat na trail.[26]

Noong 2023, nagsimula nang mag-alay ang Ateneo de Manila Senior High School ng pagbibisikleta bilang isang PE elective.[27] Sa taon ding iyon, inihayag ang De La Salle University - Dasmariñas Senior High School na mag-aalay rin sila ng pagbibisikleta na PE elective simula sa susunod na taong panuruan.[28]


Kaugnay na artikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Reyes, Raquel (2012). "Modernizing the Manileña: Technologies of conspicuous consumption for the well-to-do woman, circa 1880s—1930s". Modern Asian Studies. 26: 194 – sa pamamagitan ni/ng JSTOR.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Stevens, Joseph Earle (1898). Yesterdays in the Philippines. Project Gutenberg. pp. 27, 31. {{cite book}}: |archive-date= requires |archive-url= (tulong); Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. "Howie Severino: Rizal's wish for a second-hand bicycle". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Giron, Brian Paul (2020-10-04). "Finding bikes in our history". Cycling Matters (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-10-16. Nakuha noong 2021-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Danquah, Francis (2005). "Reports on Philippine Industrial Crops in World War II from Japan's English Language Press". Agricultural History. 79: 79–80 – sa pamamagitan ni/ng JSTOR.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Cyclotourism in the Philippines". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2020-12-01. Nakuha noong 2021-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Interaksyon (2017-04-26). "CYCLING Not fun in the Philippines". Interaksyon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "UST allots parking for bikers" (sa wikang Ingles). The Varsitarian. Nakuha noong 2022-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. GMANews.TV, SOPHIA DEDACE. "Bikes, trains, and fewer cars with LRT's Bike O2 project". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Wala pong limit sa diameter ng wheels. Kaugnay naman po ng bagahe, hanggang 2 feet x 2 feet po ang maximum dimension na pinapayagan sa LRT-2". Twitter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. News, CARMELA G. LAPEÑA, GMA. "Bike to work? Why not? MRT now allows folding bikes". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-15. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  12. "Creating sustainable transport systems: PH's progress so far". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-29. Nakuha noong 2021-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Mandaluyong City Land Use Plan and Zoning Ordinance 2017-2032 (PDF). Mandaluyong, Metro Manila, Philippines. Agosto 23, 2017. pp. 61, 79–80. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 5, 2021. Nakuha noong Oktubre 5, 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  14. "LOOK: Philippines gets first protected bike lane along national highway". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2019-02-07. Nakuha noong 2022-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "As cycling booms during pandemic, advocates pedal toward sustainable transport". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Sangguniang Panlungsod Resolution No. 59, Series of 2020". Facebook. Abril 6, 2020. Nakuha noong Oktubre 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  17. Reysio-Cruz, DJ Yap, Matthew (2020-05-14). "Pasig City makes busy streets safer for bikers". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  18. Proklamasyong Pampangulo Blg. 1052 (18 Nobyembre 2020), Declaring the Fourth Sunday of November of every year as "National Bicycle Day" (PDF), inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 15, 2023, nakuha noong Mayo 15, 2023{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Fernandez, Rhoel (Nobyembre 7, 2014). "Campaign for bicycle-friendly Philippines kicks into high gear with nationwide ride". SPIN.ph. Nakuha noong Mayo 15, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 Defensor, Teresa (Agosto 22, 2003). "WEEKEND Lifestyle; Ease on down the road". BusinessWorld. Nakuha noong Agosto 22, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Cycling: All set for 2017 Le Tour de Filipinas". ABS-CBN News. Pebrero 17, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 17, 2017. Nakuha noong Pebrero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Navarro, June (Pebrero 22, 2022). "Ronda Pilipinas back on road with 10-stage race in March". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 21, 2022. Nakuha noong Pebrero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Clark ride to usher in PRURide Philippines 2020". The Philippine Star. Disyembre 6, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 27, 2020. Nakuha noong Pebrero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Filart, King (Oktubre 4, 2018). "Sampung Cycling Destinations sa Rizal". Cycling Matters (sa wikang Filipino). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 28, 2021. Nakuha noong Agosto 22, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Terrado, Reuben (Setyembre 10, 2020). "Here's what to expect if you plan a ride to Tagaytay". Sports Interactive Network Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 30, 2020. Nakuha noong Agosto 22, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Prado, Pat (Hulyo 10, 2021). "9 Biking Trails Near Manila For A Much Needed Change of Scenery!". Klook Travel (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 5, 2021. Nakuha noong Agosto 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Mangubat, Leandro (Pebrero 16, 2023). "Seeing the new bike racks at Ateneo SHS gives us hope". VISOR PH.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Starting next semester S.Y. 2023-2024, DLSU-D SHS will offer BIKING as P.E Elective" (PDF). De La Salle University – Dasmariñas. Mayo 18, 2023. Nakuha noong Mayo 30, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)