Pumunta sa nilalaman

Pulilan

Mga koordinado: 14°54′07″N 120°50′56″E / 14.902°N 120.849°E / 14.902; 120.849
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pulilan

Bayan ng Pulilan
Municipality of Pulilan
Mula sa itaas pababa: Panoramang urbano ng Pulilan, Gusaling Pambayan ng Pulilan, Simbahang Parokiyal ng San Isidro Labrador, Pista ng Kalabaw at mga palamuting pahiyas sa kalagitnaan ng taunang Pista ng Kalabaw.
Palayaw: 
Pulo ng Ilan
Sentro ng Komersiyo at Industriya sa Hilagang Bulacan
Tahanan ng Pista ng Lumuluhod na Kalabaw
Ang Bayang Pinagpala
Bansag: 
Celebrate Pulilan Power
Awit: Himno ng Pulilan
"Ako ang Pulileño"
Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Pulilan.
Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Pulilan.
Pulilan is located in Pilipinas
Pulilan
Pulilan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°54′07″N 120°50′56″E / 14.902°N 120.849°E / 14.902; 120.849
Bansa Philippines
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBulacan
DistritoUnang Distrito
Itinatag20 Enero 1749
Pamayanan20 Enero 1796
Mga barangay19
Pamahalaan
 • Punong-bayanMaritz Ochoa-Montejo (Liberal)
 • Pangalawang punong-bayanRJ Peralta (AKSYON DEMOKRATIKO)
 • Electorate66,128 voters
Lawak
 • Kabuuan39.89 km2 (15.40 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
40 m (130 tal)
Populasyon
 (2015)
 • Kabuuan97,323
 • Kapal2,400/km2 (6,300/milya kuwadrado)
 • Antas ng kahirapan
Decrease 4.8%
DemonymPulileño, Pulileña
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Postal
3005
IDD:area code+63 (0)44
Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
KuryenteManila Electric Company
• Pagkonsumo63.65 milyon kW kada oras (2003)
Websaytpulilan.gov.ph

Ang Pulilan, opisyal na Bayan ng Pulilan, ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 108,836 sa may 28,066 na kabahayan. Ang bayang ito ay kilala sa pista ng mga lumuluhod na kalabaw na kung saan ay dinarayo ng libu-libong turista taun-taon tuwing 14 Mayo. Ito ay pasasalamat ng mga mamamayang Pulileño Kay San Isidro Labrador sa ibinigay nitong masaganang ani.

Ang Pulilan ay napapaligiran ng mga bayan ng Plaridel, Baliwag, Calumpit at Apalit sa Pampanga. Hindi lamang kilala ang bayang ito sa kanilang pista kundi pati na rin sa tinatamasa nitong kaunlaran. Isa kasi ang bayang ito sa pinakamayamang bayan sa Bulacan. Maipagmamalaki rin ng bayang ito ang kanilang kultura at tradisyong magpahanggang sa ngayo'y kanilang ipinapamalas.

Dahil sa patuloy na pag-unlad at malawakang urbanisasyon sa rehiyon, ang bayan ay kabilang sa magiging hangganang sakop ng Kalakhang Maynila sa hinaharap na umaabot hanggang sa bayan ng San Ildefonso sa hilagang bahagi nito.

Ang Pulilan ay bahagi ng noo'y bayan ng Quingua (kasalukuyang Plaridel) na mula sa salitang Pampangong Kengwa na ang ibig sabihin ay kabilang ibayo. Noong 1794, ang lugar ay pinangalanang San Isidro ng isang misyonaryong Agustino bilang pag-alaala kay San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Ngunit noong 20 Enero 1796 ay pormal itong pinangalanan bilang Pulilan, na ayon sa kuwentong bayan ay mula sa pariralang "Pulo ng Ilan" na siyang taguri sa bayan. Isa rin sa pinagbabasihang pinagmulan ng pangalan ng bayan ay ang salitang Puliran na sinasabing nakalimbag sa Laguna Copperplate Inscription (LCI), ayon sa pag-aaral ni Antoon Postma, isang dayuhang anthropologist mula sa Netherlands.[3][4]

Unang nadokumento ang Pulilan bilang Puliran sa Laguna Copperplate Inscription, isang pre-kolonyal na dokumento na sinasabing nailathala noong 900 A.D. Ayon sa LCI, pinamumunuan ang mga naninirahan sa lugar noon ni Panginoong Ka-Sumuran (bisitahin Laguna Copperplate Inscription). Noong panahon ng Espanyol, isang Agustinong prayle na nagngangalang Vicente Villamanzaro, ang inatasang magtatag sa bayan noong 20 Enero 1796. Ipinakilala din ng prayle bilang patron ng bayan si San Isidro Labrador, kung saan unang pinangalan ang bayan. Mula sa panahon ng Espanyol, Amerikano hanggang sa mga Hapon, maraming mga Pulilenyo ang nagbuwis ng buhay upang makamit ang kasarinlan ng ating bansa. Matapos nang digmaan, nagsimula ang mga Pulilenyo na bumangon at tumayo sa sarili nilang mga paa. Ngayon, bunga ng mga pagsusumikap na ito, natatamasa sa kasalukuyan ng mga naninirahan dito ang lubos na kaunlaran.[5]

Ang Pulilan ay isa sa 21 na bayan na bumubuo sa lalawigan ng Bulacan. Ito may layong 50 kilometro hilagang-kanluran ng Maynila, ang kabisera ng bansa at may layong 20 kilometro mula sa Malolos, ang kabisera ng lalawigan. Mayroon itong kabuuang lawak na 4,083 hektarya (40.73 kilometro kwadrado). Ito ay nahahangganan ng mga bayan ng Apalit sa hilaga; Baliwag sa silangan; Plaridel sa timog at Calumpit sa kanluran. Nagsisilbi namang hangganan ng bayan mula sa Plaridel ang ilog Angat. Binabaybay din ng ilog Angat ang hangganan ng bayan sa Baliwag at Calumpit.

Ayon sa Köppen climate classification system, ang Pulilan ay may klimang tropikal. Mas madalas na nakakaranas ng pag-ulan sa karamihan ng buwan sa isang taon. Mayroon lamang kaunting buwan kung saan nakakaranas ng tagtuyot.

Ayon sa Köppen and Geiger, ang ganitong klima ay napapabilang sa kategoryang Am. Ang karaniwang temperaturang naitatala rito ay 27.2 °C. Ang karaniwang dami ng ulan sa isang taon ay umaabot 2328 mm. Ang pinakatuyong buwan ay tuwing Pebrero kung saan 11 mm lamang ng ulan ang naitatala. Pinakamarami ang sa buwan ng Hulyo, na mayroong kabuaang 501 mm dami ng ulan. Mayo naman ang pinakamainit na buwan na karaniwang umaabot ng 29.2 °C, samantalang tuwing Enero naman naitatala ang pinakamababang temperatura na umaabot lamang ng 25.5 °C.[6]

Nahahati ang Pulilan sa 19 mga barangay. Lahat ng barangay sa bayang ito ay urbano. Ang Poblacion ang sentro ng komersyo at ito rin ang barangay na mayroong pinakamalaking populasyon. Samantalang, ang Dulong Malabon naman ang may pinakamalawak na nasasakupan at ang may pinakamaliit naman ay ang Dampol 2nd-A.

  • Balatong A
  • Balatong B
  • Cutcot
  • Dampol I
  • Dampol II-A
  • Dampol II-B
  • Dulong Malabon
  • Inaon
  • Longos
  • Lumbac
  • Paltao
  • Peñabatan
  • Poblacion
  • Sta. Peregrina
  • Sto. Cristo
  • Taal
  • Tabon
  • Tibag
  • Tinejero
Senso ng populasyon ng
Pulilan
TaonPop.±% p.a.
1903 9,665—    
1918 10,160+0.33%
1939 12,693+1.07%
1948 16,843+3.19%
1960 20,436+1.62%
1970 28,923+3.53%
1975 34,234+3.44%
1980 38,110+2.17%
1990 48,199+2.38%
1995 59,682+4.09%
2000 68,188+2.90%
2007 85,008+3.09%
2010 85,844+0.36%
2015 97,323+2.42%
2020 108,836+2.22%
Sanggunian: PSA[7][8][9][10]


Lokal na pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Punong-bayan: Maria Rosario "Maritz" Ochoa-Montejo
  • Pangalawang punong-bayan: Rolando "RJ" Peralta Jr.
  • Mga kasapi ng Sangguniang Bayan
    • Gilbert Muñoz
    • Zandro Hipolito
    • Peter Dionisio
    • Ogie Cruz
    • Rudy Arceo
    • Rolie Payumo
    • John Nethercott
    • JR Clemente
  • Ex-offficio Municipal Officials
    • ABC President: Dennis M. Cruz (Sto. Cristo)
    • SK Federation President: Julius Hipolito (Lumbac)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Official City/Municipal 2013 Election Results". Intramuros, Manila, Philippines: Commission on Elections (COMELEC). 11 Setyembre 2013. Nakuha noong 10 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Province: BULACAN". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-18. Nakuha noong 10 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Antoon Postma. "The Laguna Copperplate Inscription" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 13 Hulyo 2018. Nakuha noong 18 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "History of Pulilan Police Station". Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2018. Nakuha noong 18 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Pulilan History". Municipality of Pulilan Official Website. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2018. Nakuha noong 18 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Climate: Pulilan-climate graph,temperature,graph,climate table". Climate_data.org. Nakuha noong 18 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  10. "Province of Bulacan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]