Pumunta sa nilalaman

Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Laguna Copperplate Inscription)
Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna
Larawan ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna na nakatanghal ng seksyong Baybayin ng Pambansang Museo ng Antropolohiya sa Maynila
Paglalarawan
MateryalTanso
Taas< 20 cm (7.9 pul)
Lapad< 30 cm (12 pul)
Petsa
Ginawa900 PK
Pagkakatuklas
Natuklasan1989
Lumban, Laguna, Philippines
Kasalukuyan
NasaPambansang Museo ng Pilipinas
Kultura
WikaLumang Malay, Lumang Habanes, Sanskrito
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas

Ang Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna[1] (Malay: Prasasti keping tembaga Laguna; kadalasang pinapaikli sa akronim na LCI), isang ligal na dokumento na binatbat sa tanso noong 900 PK, ay siyang pinakalumang kasulatan na natagpuan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa petsa ng inskripsyon, magkapanabay ito sa kaharian ng Balitung ng Gitnang Java, ngunit hindi naman ibig sabihin na nanggaling ito mula sa lugar na iyon.[2]

Noong 1989, natagpuan ito ni Ginoong Ernesto Lacerna Legisma sa wawa ng Ilog Lumbang sa barangay Wawa, Lumban, Laguna. Unang isinalin ang inskripsyon na nakasulat sa isang uri ng Lumang Malay gamit ang sulat-Kawi ni Antoon Postma, isang noong Olandes na antropologo at dalubhasa sa sulat-Hanunó'o, noong 1992.[3][4]

Dokumentado sa LCI ang pagkakaroon ng iilang maagang Pilipinong estado sa noong 900 PK, lalo na ang estado sa wawa ng Ilog Pasig, Tondo.[2] Pinaniniwalaan ng mga isklor na nagpapahiwatig nito ang pagkakaugnay sa kalakalan, kultura, at marahil sa pulitika rin sa mga estado at di-kukulangin sa isang kaalinsabay na Asyanong sibilisasyon—ang Kaharian ng Medang mula sa pulo ng Java.[2]

Nakasulat ang inskripsyon sa sulat-Kawi—isang sistema ng pagsusulat na nilinang sa Java—gamit ang halo ng mga wika tulad ng Sanskrito, lumang Habanes, at lumang Malay. Ito ay isang pambihirang badha ng impluwensyang Habanes na nagmumungkahi ng interinsular exchanges noong panahong iyon.[5]

Makasaysayang konteksto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang kolonyalismong Europeo, ang Timog-silangang Asya, kabilang ang Malaysia, ay nasa ilalim ng impluwensya ng Indospera ng dakilang Indya, kung saan yumabong ang mga isinaindyanong prinsipalidad nang maraming siglo sa Thailand, Indonesia, Malaysia, Singapore, Pilipinas, Cambodia, at Vietnam. Binigyan ng tawag ang impluwensya ng kulturang Indyano na indianisasyon.[6] Binigyang-kahulugan ito ni George Coedes, isang Pranses na arkeologo bilang paglawak ng organisadong kultura na napalibutan ng mga Indyanong pinagmulan ng hadyi, Hinduismo and Budismo at ang dayalektong Sanskrito.[7] Makikita ito sa Indianisasyon ng Timog-silangang Asya, pagkalat ng Hinduismo at Budismo. Ang Indyanong diaspora, kapwa noon (PIO) at ngayon (NPI), ay pumapapel bilang propesyonal, mangangalakal, pari, at mandirigma.[8][9][10][10] Inimpluwensya din ng mga Indyanong panggalang sa panggalang ng mga Malay, Thai, Filipino at Indones.[11] Kabilang sa mga halimbawa nito ang Raja, Rani, Maharlika, Datu, atbp. na ihinatid mula sa kulturang Indyano patungo sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga Malay at imperyong Srivijaya.

Ang prekolonyal na katutubong sulat ng mga Filipino na tinatawag na Baybayin (ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔), kilala rin bilang badlit (ᜊᜇ᜔ᜎᜒᜆ᜔) sa Bisaya, bilang kur-itan/kurditan sa Ilokano, at bilang kudlitan sa Kapampangan, ay nanggaling mismo mula sa mga sulat-Bramiko ng Indya at unang itinala noong ika-16 na siglo.[12]

Pagkakatuklas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (key) ay iniukit na may maliit na pagsulat na minartilyo sa ibabaw nito. Nagpapakita ito ng malaking impluwensiya ng kalinangan at kabihasnan ng Indiya (mula sa Srivijaya) na makikita sa Pilipinas bago ang pagdating ng mga Kastila noong ika-16 na dantaon.

Ang kasulatang ito ay natagpuan noong 1989 sa Ilog Lumbang malapit sa lawa ng Laguna[13] ng isang lalaki na kumukuha ng buhanging panghalo sa semento. Sa pag-aakala niya na may halaga ito, sinubok niyang ipagbili ito sa mga kolektor ng antigo at dahil walang naghangas na kumuha nito, nakarating ito sa wakas sa Pambansang Museo ng Pilipinas, kung saan itinakda ito kay Alfredo E. Evangelista, puno ng kanyang kagawaran ng antropolohiya.[14][15] Ang tawag ng Pambansang Museo sa artepakto (sa wikang Ingles) ay Laguna Copper Plate.[16]

Isang taon ang nakalipas, itinala ni Antoon Postma na magkahawig ang inskripsyon sa sinaunang Indones na sulat-Kawi. Naisalin niya ang kasulatan sa tanso at natuklasan ang taon ng kaganapan sa kasaysayan nito, taong-Siyaka 822 na ayon sa lumang kalendaryo ng Hindu na nauugnay sa 900 PK.[17] Nangangahulugan lamang na higit pang matanda ito sa pagkakatuklas ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas sa taong 1521, at maiuugnay sa pagdalaw ng opisyal ng dinastyang Song na Kasaysayan ng Song ng Tsina sa kapuluan noong taong 972.[18]

ntropolohista na nagngangalang Ginoong Antoon Postma ang nakapuna at nagkainteres sa bagay na ito. Ang kaniyang kaalaman sa salitang Mangyan at mga panulat Kawi sa Timog-silangang Asya ay nag-udyok sa kaniya na pag-aralan ang sinaunang kasulatan na nakalimbag sa tanso. Nang maisagawa na niya ang pag-aaral, , pumatak sa ika-21 ng buwan ng Abril, taong 900.

Ang inskripsyon ay nasa manipis na tanso na may sukat na mas mababa sa 20 × 30 cm (8 × 12 pulgada) na may salitang direktang inukit sa tanso. Iba ang pagmamanupaktura nito kumpara sa mga balumbong Habanes ng panahong iyon na ikinikintal ang mga salita sa isang pinainit at pinalambot na balumbong metal.[14]

Nakalilok sa lapad na tansong ito ang taong 822 ng panahong Siyaka, ang buwan ng Waisaka, at ikaapat na araw ng lumiliit na buwan na tumutukoy sa ika-21 ng Abril, taong 900 sa proleptikong kalendaryong Gregoryano.[17] Ang teksto ay nasa Lumang Malay na may mga mararaming salitang-hiram mula sa Sanskrito at iilang di-Malay na elemento sa bokabularyo na maaaring nagmula sa Lumang Habanes.[2] Sa kasulatang ito, sinabi na ang isang huwarang tawo na si Namwaran ay naka alpas sa pagkakautang na may halaga ng timbang ng ginto na 1 kati at 8 suwarna o katumbas ng 865 na gramos.[14][17]

Linya Pagsasatitik
Ang mga tekstong nasa ibaba ay batay sa pagsasatitik ni Hector Santos noong 1995.[19] Lahat ng salin ay nakasulat sa maliliit na titik.
Pagsasalin sa Tagalog[20] Orihinal na salin ni Antoon Postma (1991) sa Ingles Tala
1 swasti shaka warshatita 822 waisakha masa ding jyotisha. chaturthi krishnapaksha so- Mabuhay! Taong Siyaka 822, buwan ng Waisaka, ayon sa aghamtala. Ang ikaapat na araw ng pagliit ng buwan, Lunes Hail! In the Saka-year 822; the month of March-April; according to the astronomer: the fourth day of the dark half of the moon; on
2 -mawara sana tatkala dayang angkatan lawan dengannya sanak barngaran si bukah Dayang Angkatan sampu ng kaniyang kapatid na nagngangalang Buka (bulaklak), Monday. At that time, Lady Angkatan together with her relative, Bukah by name,
3 anakda dang hwan namwaran di bari waradana wi shuddhapat(t)ra ulih sang pamegat senapati di tundu- na mga anak ng Kagalang-galang na si Namwaran, ay ginawaran ng isang kasulatan ng lubos na kapatawaran mula sa Punong Pangkalahatan sa Tundun the child of His Honor Namwaran, was given, as a special favor, a document of full acquittal, by the Chief and Commander2 of Tundun
4 n barja(di) dang hwan nayaka tuhan pailah jayadewa. di krama dang hwan namwaran dengan dang kaya- sa pagkatawan ng Punong Kagawad ng Pailah na si Jayadewa. Sa atas na ito, sa pamamagitan ng Tagasulat, representing the Leader of Pailah, Jayadewa. This means that His Honor Namwran, through the Honorable Scribe4
5 stha shuddha nu di parlappas hutangda wale(da)nda kati 1 suwarna 8 di hadapan dang hwan nayaka tuhan pu- ang Kagalang-galang na si Namwaran ay pinatawad na sa lahat at inalpasan sa kaniyang utang at kaniyang mga nahuling kabayaran na 1 kati at 8 suwarna sa harapan ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Puliran was totally cleared of a salary-related debt of 1 kati and 8 suwarna (weight of gold): in the presence of His Honor the Leader of Puliran,
6 liran ka sumuran. dang hwan nayaka tuhan pailah barjadi ganashakti. dang hwan nayaka tu- na si Kasumuran, (sa kapangyarihan ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Pailah). Kasumuran; His Honor the Leader of Pailah, representing Ganasakti; (and) His Honor the Leader
7 han binwangan barjadi bishruta tathapi sadanda sanak kaparawis ulih sang pamegat de- Samakatuwid ng Binwangan, ang mga nangabubuhay na inapo ng Kagalang-galang na si Namwaran ay pinatawad na sa anuman at lahat ng pagkakautang nito (ng Kagalang-galang na si Namwaran) sa Puno ng Dewata, of Binwangan, representing Bisruta. And, with his whole family, on orders of the Chief of Dewata
8 wata [ba]rjadi sang pamegat medang dari bhaktinda di parhulun sang pamegat. ya makanya sadanya anak Ito, kung sakali, ay magpapahayag kaninuman na mula ngayon kung may taong magsasabing hindi pa alpas sa utang ang Kagalang-galang... representing the Chief of Mdang, because of his loyalty as a subject (slave?) of the Chief, therefore all the descendants
9 chuchu dang hwan namwaran shuddha ya kaparawis di hutangda dang hwan namwaran di sang pamegat dewata. ini gerang Samakatuwid, ang mga nangabubuhay na inapo ng Kagalang-galang na si Namwaran ay pinatawad na sa anuman at lahat ng pagkakautang nito of his Honor Namwaran have been cleared of the whole debt that His Honor owed the Chief of Dewata. This (document) is (issued) in case
10 syat syapanta ha pashchat ding ari kamudyan ada gerang urang barujara welung lappas hutangda dang hwa ... (ng Kagalang-galang na si Namwaran) sa Puno ng Dewata, Ito, kung sakali, ay magpapahayag kaninuman na mula ngayon kung may taong magsasabing hindi pa alpas sa utang ang Kagalang-galang... there is someone, whosoever, some time in the future, who will state that the debt is not yet acquitted of His Honor... * Sa ika-10 linya natapos ang sulatin.[2]

Mga pangalan ng heograpikal na lugar na nakilala sa teksto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinahiwatig ni Postma, ang unang nagsalinwika sa LCI, na kailangang aralin nang mabuti ang mga pangalan ng lugar at personal na pangalan sa LCI ng mga iskolar dahil "nagbibigay sila ng mga napakahalagang badha tungkol sa sanlingang politika at topograpiko" ng mundo noong mga panahon ng LCI.[2] Pumunta sa mga detalye ng teksto, itinala niya na:[2]

“ang mga toponimo o lugar ng pangalan ay: Pailah (linyang 4 at 6); Tundun (linyang 3); Puliran (linyang 6) at Binwangan (linyang 7). Ang Dewata (linyang 8) at Medang (linyang 8) ay maaaring personal na pangalan o toponimo.”[2]

Itinuring ni Postma ang tatlo sa mga toponimong ito, Binwangan, Pailah at Puliran, ay mula sa Malayo-Polynesio (malamang na Filipino),[2] at tatlo pang toponimo, Tundun, Dewata at Mdang, ay mula sa Sanskrito.[2] Nang isinaalang-alang nang mabuti ang mga posibleng interpretasyon ng teksto, kabilang ang posibilidad na nakatagpo ang Pailah at Puliran sa rehiyon ng Laguna de Bay, tinapos ni Postma na nagtitiwala siya na ang Binwangan, Pailah, at Puliran:[2]

“ay may katumbas sa limitadong dawak na kilala ngayon bilang Lalawigan ng Bulacan sa Pilipinas, [at na] maaaring ituring na ang teksto nitong LCI ay tumutukoy sa mga lugar na ito, na umiiral na sa mga magkaparehong pangalan sa ikasampung siglo.”[2]

Ang Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, kabilang sa mga iba pang kamakailangang pagtuklas tulad ng Gintong Tara ng Butuan at mga palayok at gintong alahas noong ika-14 na siglo sa Cebu, ay napakahalaga sa pagrerebisa ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas na dating itinuring ng mga Kanlurang mananalaysay bilang nakahiwalay sa aspetong kultural mula sa iba pang bahagi ng Asya, dahil walang natuklasang pre-Hispanikong kasulatan noon. Inilantad ni Pilipinong mananalaysay na William Henry Scott na hindi totoo ang mga teoryang ito noong 1968 sa kanyang Prehispanic Source materials for the Study of Philippine History na sa dakong huli inilathala noong 1984.[21]

Ipinapakita ng dokumento ang pre-Hispanikong kanulatan at kultura, at itinuturing bilang pambansang kayamanan. Sa kasalukuyan, nakadeposito ito sa Pambansang Museo ng Antropolohiya sa Maynila.

Ito ang pinakamaagang dokumento na nagpapakita ng paggamit ng sipnayan sa mga prekolonyal na lipunan ng Pilipinas. Itinatanghal ang pamantayan para sa mga bigat at sukat sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na pagsukat para sa ginto, at ipinapakita rin ang kaalaman sa rudimentaryong astronomiya sa pagtakda ng tumpak na araw sa loob ng buwan na may kaugnayan sa mga yugto ng buwan.[22]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ang Tundo sa Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna" (PDF). Bagong Kasaysayan. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-22. Nakuha noong Disyembre 2, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 Postma, Antoon (Abril 1992). "The Laguna Copper-Plate Inscription: Text and Commentary". Philippine Studies. Ateneo de Manila University. 40 (2): 182–203. JSTOR 42633308.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Postma, Antoon (Abril–Hunyo 1992). "The Laguna Copper-Plate Inscription: Text and Commentary". Philippine Studies. Ateneo de Manila University. 40 (2): 182–203. JSTOR 42633308.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tiongson, Jaime F. (August 8, 2010). "Laguna Copperplate Inscription: A New Interpretation Using Early Tagalog Dictionaries". Bayang Pinagpala. Retrieved on 2011-11-18. Naka-arkibo September 29, 2012, sa Wayback Machine.
  5. Munoz, Paul Michel (2006). Early Kingdoms of the Indonesian Archipelago and the Malay Peninsula. Continental Sales, Incorporated. p. 236. ISBN 9789814155670.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Acharya, Amitav. "The "Indianization of Southeast Asia" Revisited: Initiative, Adaptation and Transformation in Classical Civilizations" (PDF). amitavacharya.com. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2020-01-07. Nakuha noong 2020-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Coedes, George (1967). The Indianized States of Southeast Asia. Australian National University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lukas, Helmut (Mayo 21–23, 2001). "1 THEORIES OF INDIANIZATIONExemplified by Selected Case Studies from Indonesia (Insular Southeast Asia)". International SanskritConference.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Krom, N.J. (1927). Barabudur, Archeological Description. The Hague.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Smith, Monica L. (1999). ""INDIANIZATION" FROM THE INDIAN POINT OF VIEW: TRADE AND CULTURAL CONTACTS WITH SOUTHEAST ASIA IN THE EARLY FIRST MILLENNIUM C.E.')". Journal of the Economic and Social History of the Orient. 42. (11–17). JSTOR 3632296.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Krishna Chandra Sagar, 2002, An Era of Peace, Page 52.
  12. Morrow, Paul. "Baybayin, the Ancient Philippine script". MTS. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 21, 2010. Nakuha noong Setyembre 4, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  13. Chua, Xiao (2013-05-28). "KAHALAGAHAN NG LAGUNA COPPERPLATE AT IKA-400 TAON NG VOCABULARIO NI SAN BUENAVENTURA". IT'S XIAOTIME!. Nakuha noong 2017-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 14.2 Morrow, Paul (July 14, 2006). "Laguna Copperplate Inscription" Naka-arkibo February 5, 2008, sa Wayback Machine.. Sarisari etc.
  15. "Expert on past dies; 82". Philippine Daily Inquirer. Oktubre 21, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 24, 2008. Nakuha noong Nobyembre 17, 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. National Museum of the Philippines. "National Cultural Treasures of Philippine Archaeology". Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2018. Nakuha noong 13 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 "The Laguna Copperplate Inscription Naka-arkibo November 21, 2014, sa Wayback Machine.. Accessed September 4, 2008.
  18. William Henry Scott, Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History, pg.65. ISBN 971-10-0226-4.
  19. Santos, Hector (1996-10-26). "Sulat sa Tanso: Transcription of the LCI". www.bibingka.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-29. Nakuha noong 2017-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-22. Nakuha noong 2015-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. William Henry Scott. Prehispanic Source materials for the Study of Philippine History. ISBN 971-10-0226-4.
  22. Mathematical Ideas in Early Philippine Society