Pumunta sa nilalaman

Rodrigo Duterte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rodrigo Roa Duterte)
Kagalang-galang

Rodrigo Roa Duterte
Duterte noong 2016
Ika-16 na Pangulo ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2016 – 30 Hunyo 2022
Pangalawang PanguloMaria Leonor G. Robredo
Nakaraang sinundanBenigno S. Aquino III
Sinundan niFerdinand Romualdez Marcos, Jr.
Alkalde ng Lungsod ng Davao
Nasa puwesto
30 Hunyo 2013 – 30 Hunyo 2016
Nakaraang sinundanSara Duterte
Sinundan niSara Duterte
Nasa puwesto
30 Hunyo 2001 – 30 Hunyo 2010
Nakaraang sinundanBenjamin C. de Guzman
Sinundan niSara Duterte
Nasa puwesto
2 Pebrero 1988 – 19 Marso 1998
Nakaraang sinundanJacinto T. Rubillar
Sinundan niBenjamin C. de Guzman
Bise-Alkalde ng Lungsod ng Davao
Nasa puwesto
30 Hunyo 2010 – 30 Hunyo 2013
Nakaraang sinundanSara Duterte
Sinundan niPaolo Duterte
Nasa puwesto
2 Mayo 1986 – 27 Nobyembre 1987
Officer in Charge
Nakaraang sinundanCornelio P. Maskariño
Sinundan niGilbert G. Abellera
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
mula sa Unang Distrito ng Lungsod ng Davao
Nasa puwesto
30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2001
Nakaraang sinundanProspero Nograles
Sinundan niProspero Nograles
Personal na detalye
Isinilang
Rodrigo Roa Duterte

(1945-03-28) 28 Marso 1945 (edad 79)
Maasin, Leyte, Pilipinas
Partidong pampolitikaPDP–Laban
Ibang ugnayang
pampolitika
Hugpong sa Tawong Lungsod (2011–kasalukuyan)
AsawaElizabeth Zimmerman (k. 1973–2000)
Domestikong kaparehaCielito Avanceña
AnakPaolo (kasama si Zimmerman)
Sara (kasama si Zimmerman)
Sebastian (kasama si Zimmerman)
Veronica (kasama si Avanceña)
Alma materPamantasang Liseo ng Pilipinas
Unibersidad ng San Beda
AffiliationLex Talionis Fraternitas

Si Rodrigo Roa Duterte (ipinanganak noong 28 Marso 1945), kilalá rin sa kanyang bansag na Digong, ay Pilipinong abogado at politiko na naninilbihan bílang ika-16 na pangulo ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022.[1] Siya ang unang naging pangulo na mula sa Mindanao.[2] Siya rin ay ang pinakamatandang naging Pangulo ng ating bansa

Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at saka naging alkalde ng Lungsod ng Davao, isang urbanisadong lungsod sa kapuluan ng Mindanao nang pitóng termino o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin siyang bise-alkalde at kongresista ng lungsod.

Noong Oktubre 2021, inihayag ni Rodrigo Duterte na hindi siya tumatakbo sa pagka-bise presidente noong 2022 at magretiro sa buhay pampulitika. Nakaposisyon siya pabor sa Ferdinand Marcos na bigyang-kahulugan ang kanyang pamahalaan bilang kabayanihan.[kailangan ng sanggunian]

Unang bahagi ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Duterte ay isinilang noong 28 Marso 1945, sa Maasin (na ngayon ay kabesera ng Timog Leyte ngunit dati ay bahagi ng insular na lalawigan ng Leyte sa Komonwelt ng Pilipinas). Ang ama niya na si Vicente G. Duterte ay isang abogadong Cebuano at ang kaniyang ina na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan, ay isang guro at civic leader na Maranaw. Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng lalawigan ng (na dáting hindi magkakahiwalay) na lalawigan ng Davao, ay naging akting meyor ng Danao, Cebu.[kailangan ng sanggunian]

Noong Hunyo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Rodrigo Duterte bílang president-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo sa opisyal na bilangán ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong 27 Mayo 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.7 milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar Roxas.[kailangan ng sanggunian]

Mga patakaran

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pananaw hinggil sa West Philippine Sea

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Duterte, ang pagwawagi ng Pilipinas laban sa Tsina sa pag-aangkin ng Pilipinas sa West Philippines Sea sa ilalim ng United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) na isinampa ni Noynoy Aquino noong 2013 ay isa lamang papel na basura.

Imprastruktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga 118 proyektong imprastruktura ng programang Build Build Build ni Duterte, ang tanging 12 lamang ang nakumpleto sa pagwawakas ng kanyang termino. Sa mga 12 proyektong nakumpleto, ang dalawa dito (Ikalawang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila at Metro Manila Skyway) ay mga proyektong sinimulan ni Noynoy Aquino. Sa orihinal na 75 proyekto, ang tanging 42 lang napanatili sa listahan at dinagdagan pa ng mga proyektong mas madaling gawin kahit hindi maituturing na imprastruktura gaya ng National ID system ng Pilipinas o mga proyektong nasimulan na ng mga nakaraang administrasyon. Ang 3 proyektong kasama sa orihinal na 75 na proyekto na hindi madaling gawin ay inalis ng mga opisyal ni Duterte. Ito ang : 18.2 kilometrong tuloy na nagdudugtong sa Luzon (Sorsogon)-Samar, ang 23 Kilometrong tulay na nagdudugtong sa Leyte-Surigao at ang 24.5 kilometrong tulad na nagdudugtong sa Cebu at Bohol. Ang higit sa 56 porsiyento ng pagpopondo sa mga proyektong ito ay mula sa mga pangungutang sa ibang bansa(Official Development Assistance) gaya ng Hapon at Tsina. Ang 3.9 porsiyento ng pagpopondo ay galing sa budget ng pamahalaan(General Appropriations Acts o GCA). Ang 32 porsiyento ay mula Private-Public Partnerships(PPP). Ang PPP ay ugnayan sa pagitan mga pribadong sektor kung saan ang pribadong entidad ay nagpopondo sa mga proyekto imprastruktura ng pamahalaan. Ang pribadong sekta ay kumikita mula sa paggbabayad ng buwis ng publiko sa pamahalaan. Ang utang ng pamahalaan upang matustusan ang BUILD BUILD BUILD sa kasalukuyan mula sa mga dayuhan at mga pribadong indibidwal ay umabot na ng 12.03 trilyong piso. Ito ay 590.5 milyong piso noong 2020 , 1 trilyong piso noong 2021 at 1 trilyon noong 2022.

Batas laban sa terorismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inihayag ng Korte Suprema ng Pilipinas na ang seksiyon 4 and 25 ng "anti terror bill" na nilagdaan ni Duterte at pangunahing isinulat ni Panfilo Lacson ay hindi naayon sa Saligang Batas ng Pilipinas. Ang batas na ito ay pumapayag sa gobyerno na mag-wiretap(makinig nang lihim sa telepono), humuli nang walang warrant(Pahintulot ng hukuman) at magkulong ng 14 araw nang walang kaso sa mga pinaghihinalaang terorista. Ito ay tinuligsa ng ibang bansa at mga organisasyon ng karaptang pantao sa Pilipinas dahil maaari itong gamitin ni Duterte sa pagsupil ng mga tumutuligsa sa kanya. Ito ay matapos ang siyam na aktibista ay napatay ng mga pulis at sundalo.[3]

Ugnayan sa Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

inihayag ni Duterte sa mga Tsino, "Nakipaghiwalay na ako sa kanila(Estados Unidos), kaya ay sasalalay sa inyo sa napakahabang panahon." Bukod dito, sinabi rin niyang "Ako ay Pangulo ng isang soberanyang bansa at matagal na tayong tumigil bilang isang kolonya (ng Estados Unidos)..Ako ay naglilingkod lang sa mga Pilipino." Tinawag niya ang Ambassador Estados Unidos na "gay son of a bitch" bilang tugon sa pagbatikos nito sa pahayag ni Duterte na dapat munang mauna siya bilang Alkalde ng Davao sa paggahasa sa pinaslang na babaeng Australian". Binantaan rin niya ang Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama na nagsabing "putang ina mumurahin kita sa forum(bansang Laos) na yan...Obama go to hell"[4] Dahil dito, kinasenla ni Obama ang pakikipagkita kay Duterte. Kalaunan, tinanggi ni Duterte na minura niya si Obama.

Sa loob ng 20 taon, ang Estados Unidos ay nagbibigay ng tulong pandayuhan sa Pilipinas : 29 bilyong piso para sa sektor na medical at 228 bilyong piso para sa mga layuning pag-unlad ng Pilipinas.[5]

Tugon sa pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa digmaang Ruso-Ukraine

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inapruhan ni Duterte ang panukala na huwag ng tanggalin ang excise tax sa mga produktong fuel at sa halip ay magbigay na lang nga 200 piso kada buwan sa mga mahihirap na pamilya. Ikinatwiran ng opisyal ni Duterte na ang makikinabang lang sa pagtatanggal ng excise tax ay ang mga mayayaman na may mga sasakyan.[6]

Taripikasyon ng bigas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilagdaan ni Duterte ang batas na "Taripikasyon ng Bigas" na naglagong alisin ang mga restriksiiyon sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa at magpatatag ng suplay ng bigas sa bansa at magpabagsak ng presyo ng bigas. Pagkalipas ng ilang buwan, iniutos ni Duterte na itigil ang batas dahil sa naging masamang epekto nito sa mga Pilipinong magsasaka.[7] Dahil sa sobrang bagsak na presyo ng bigas, maraming mga magsasaka ang nalugi at ang iba ay nawalan ng kabuhayan.[8]

Pinakamatagal at pinakamahigpit na lockdown

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang enhanced community quarantine ni Duterte ay kinikilala sa buong mundo na isa sa pinakamahaba at pinakamahigpit na lockdown sa buong mundo. Ang mga mamamayan ay inutusang manatili sa kanilang mga bahay at huwag lumabas kung walang mga pass. Sa kabila nito, ang Pilipinas ang isang bansa na may pinakamaraming kaso ng mga namatay sa COVID-19. Iniutos rin Duterte sa mga pulis na huliin o barilin ang mga taong lumalabag sa patakarang ito.[9]

Mga kontrobersiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iskandalong Pharmally

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamahalaan ni Duterte ay nasangkot sa maanomalyang pagbibigay ng kontrata sa Pharmally Corportion sa pagbibigay ng mga supply na nauukol sa pandemyang COVID-19 sa Pilipinas na nagkakalagang 12 bilyong pisong kontrata sa sobrang taas na presyo. Hinirang ni Duterte ang nasyonal ng Tsina(hindi-Pilipino) na si Michael Yang bilang "Tagapayo ng Pangulo sa Ekonmiya" nong 2018. Si Yang ang nagpakilala ng maraming mga Tsinong suplayer ng COVID 19 upang mag-supply sa gobyerno ni Duterte.[10] Ang bilyon-bilyong pisong kontrata ay ibinigay sa apat na mga kompanyang Intsik na: [11]

  • Xuzhou Construction Machinery Group para sa 250,000 piraso ng Personal Protective Equipment (PPE) sa halagang 1,785 kada piraso sa kabuuang halagang 446, 428, 571 piso.(446 milyong piso)
  • Wen Hua Development Industrial Co Ltd. para sa 558,000 pirasong PPE sa halagang 1,767.46 sa halagang 1,039, 266, 489 piso. (1 bilyong piso) at para sa 800,000 piraso ng PPE sa halagang 1,768.30 kada piraso sa kabuuang halagang 1,373, 568,000 (1 bilyong piso)
  • Chushen Company Ltd para sa 558,000 piraso ng PPE sa halagang 1,767.46 kada piraso sa halagang 1,039, 266,480 piso (1 bilyong piso)
  • Shanghari Puheng Medical Equipment Co Ltd para sa 200,000 piraso ng PPE sa halagang 1,716.96 kada sa kabuuang 343, 392,000 (343 milyong piso)

Imbestigasyon ng International Criminal Court

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang International Criminal Court ay naglunsad ng isang imbestigasyon hinggil sa mga pagpatay sa mga karamihan ay mga mahihirap na gumagamit ng droga o mga napagbintangan lamang. Dahil dito, tinanggal ni Duterte ang Pilipinas bilang kasapi ng ICC noong 2018. Ayon sa isang ulat ng ICC, si Duterte ay responsable sa mga pagpatay nang walang paglilitis at mass murder sa higit tatlong dekada nang simulan niya ang pakikidigma sa droga sa Davao bilang alkalde noong 1988.

Kapag napatunayang nagkasala ng ICC, si Duterte ay maaaring makulong ng hanggang 30 taon sa bilangguan.

Paggamit ng mga troll farm noong 2016 halalan ng pagkaPangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa isang pag-aaral ng Oxford, si Duterte ay nagbayad ng mga 10 milyong piso sa mga troll farm sa internet social media sites upang magpakalat ng mga propaganda upang suportahan ang kampanya. Wala namanng katotohanan ang mga aligasyon na pinupukol kay PRRD [12]

Pag-amin sa pagpatay ng tatlong tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inamin ni Duterte sa BBC na pumatay siya ng tatlong tao.[13]Ayon kay Duterte, "...dati ko nang ginagamwa ito nang personal. Para lang ipakita sa mga pulis na kung kaya ko, bakit hindi nyo kaya? Nagmomotor ako sa Davao at magpapatrolya sa mga lansangan at naghahanap ng gulo. Talagang naghahanap ako ng kompontrasyon para makapatay ako".[13]

Pagpapalibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa sa mga pangako ni Duterte kung mahahalal na Pangulo ng Pilipinas ay ipalibing ang diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay tinuligsa ng marami lalo na ang mga biktima ng Martial Law. Ayon sa Punong Ministro ng Singapore na si Lee Kuan Yew:"Tanging Sa Pilipinas lamang na ang isang pinuno tulad ni Ferdinand Marcos na nagnakaw sa kanyang bansa ng higit sa 20 tao ay bibigyan pa rin ng pambansang libing.".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Official count: Duterte is new president, Robredo is vice president". CNN Philippines. 27 Mayo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2018. Nakuha noong 27 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gavilan, Jodesz (13 Mayo 2016). "The many firsts of president-elect Duterte". Rappler. Nakuha noong 28 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://www.reuters.com/article/us-philippines-rights-idUSKBN2391QN
  4. https://www.cnn.com/2016/08/10/politics/duterte-us-ambassador-comments/index.html
  5. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-06-23. Nakuha noong 2022-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. https://newsinfo.inquirer.net/1569185/duterte-approves-doe-proposal-to-nix-fuel-excise-tax-suspension-oks-p200-monthly-subsidy-to-poor-families
  7. https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/715759/duterte-orders-suspension-of-rice-importation-to-help-local-farmers/story/
  8. https://newsinfo.inquirer.net/1332019/winners-and-losers-from-the-rice-tariffication-law
  9. https://time.com/5945616/covid-philippines-pandemic-lockdown/
  10. https://newsinfo.inquirer.net/1532484/2021-pharmally-scandal-rubs-salt-on-pandemic-wounds
  11. https://newsinfo.inquirer.net/1532484/2021-pharmally-scandal-rubs-salt-on-pandemic-wounds
  12. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-03-31. Nakuha noong 2022-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 https://www.bbc.com/news/world-asia-38337746