Pumunta sa nilalaman

Teresa Teng

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Teresa Teng

Pangalang Tsino 鄧麗君 (Tradisyunal)
Pangalang Tsino 邓丽君 (Payak)
Pinyin Dèng Lìjūn (Mandarin)
Jyutping dang6 lai6 gwan1 (Kantones)
Pangalan nang isilang Teng Li-Chun
Mga ninuno Hebei
Pinagmulan Republika ng Tsina (Taiwan)
Kapanganakan 29 Enero 1953(1953-01-29)
Yunlin, Taiwan
Kamatayan 8 Mayo 1995(1995-05-08) (edad 42)
Chiang Mai, Thailand
Libingan Chin Pao San
25°15′04″N 121°36′14″E / 25.251°N 121.604°E / 25.251; 121.604
Ibang pangalan Teresa Tang, Teresa Deng
Hanapbuhay Mang-aawit
Anyo ng musika Mandopop, Cantopop, J-Pop
Instrumento Pag-awit
Tatak ng rekord Polydor, PolyGram
Taong aktibo 1967–1995

Si Teresa Teng (29 Enero 1953 – 8 Mayo 1995) (Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: ; pinyin: Dèng Lìjūn), na binabaybay ding Teresa Tang o Teresa Deng kung minsan, ay isang kilala at maimpluhong mangaawit mula sa Bayan ng Yunlin, Taiwan. Sa loob ng 30 taon, Kinagiliwan siya ng lahat ng mga pamayanang nagsasalita ng wikang Tsino at maging sa Hilagang Asya, lalo na sa bansang Hapon. Nakilala siya dahil sa mga awiting-bayan at mga kundiman, na tanyag pa rin magpahanggang sa ngayon.[1]

Marami siyang na nagawang mga awitin, kabilang ang When Will You Return? (Kailan Ka Magbabalik?, Tsino: 何日君再来; pinyin: Hé Rì Jūn Zài Lái). Bukod sa kaniyang mga awiting sa wikang Mandarin, lumikha rin siya ng mga awiting nasa wikang Taiwanes, Kantones, Hapon, Indones, at Ingles.[1]

Tanyag pa rin ang mga musika ni Teresa Teng magpasahanggang-ngayon, sa Asya at iba pang mga lupain. Napakakilala kung kaya’t ang kaniyang mga tugtugin ay ipinagbawal nang may ilang tao sa punung-lupain ng Tsina noong mga dekada ng 1980 dahil pagiging maka-burgesa. Kahit na umasa siyang makapagtanghal sa Plasang Tiananmen at pinaunlakan mismo ng pamahalaang Tsino, ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong umawit sa Tsina.[2] Nagtanghal si Teng sa Paris noong nagprotesta ang mga mag-aaral sa Tiananmen noong1989, kung saan siya umawit para sa mga estudyante at naglahad ng pagpanig sa mga ito at para sa demokrasya. Noong 27 Mayo 1989, mahigit sa 300,000 mga tao ang dumalo sa Karerahan ng Happy Valley sa Hong Kong para sa pagtitipon na tinaguriang "Democratic songs dedicated for China" (民主歌聲獻中華, Mga Awitin ng Demokrasyang inihahandog para sa Tsina). Inawit din niya ang kantang "My home is on the other side of the mountain" (Ang tahanan ko ay nasa kabilang panig ng bundok).[1][3]

Umawit siya ng maraming mga awiting Hapones, kabilang ang mga orihinal niyang akdang "Airport" (空港, Paliparan) at ang "I Only Care About You" (時の流れに身をまかせ o 我只在乎你; Sa Iyo Lamang Ako May Pagtingin), at maging ang ilang handog para sa mga orihinal na artistang Southern All Stars, na ang karamihan ay muling isinulat na may panitik sa wikang Tsino.[1]

Isinilang si Teresa Teng sa bayan ng Yunlin, sa Taiwan, sa isang mag-anak na Tsinong nagmula sa lalawigan ng Hebei sa lupain ng Tsina. Nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralang Pambabae ng Ginling.[1]

Sa kaniyang kabataan, mayroon nang kaayaayang boses pang-awit si Teng na naging dahilan ng pagwawagi niya sa maraming mga parangal at patimpalak. Nakamit ni Teng ang pinakauna niyang pangunahing gantimpala noong 1964 para sa Visiting Yingtai (Pagdalaw sa Yingtai), na mula sa pelikulang dula ng Magkakapatid na Shaw (Shaw Bros.) na pinamagatang The Love Eterne (Ang Walanghanggang Pag-ibig, 梁山伯与祝英台) na pinapasinayaan ng Himpilang Radyo Tsino ng Taiwan. Dahil sa tagumpay sa pag-awit, natulungan niya ang kaniyang mag-anak noong kapanahunan ng mga paghihirap at suliraning pang-sangkabuhayan sa Taiwan, na nagsisimula pa lamang umunlad noong mga dekada ng 1960. Para tulungan ang kaniyang ama, hindi nagpatuloy si Teng sa pag-aaral upang tahakin ang larangan sa pag-awit.[1]

Noong 1968, napabantog siya matapos lumahok sa isang kilalang tanghalang pangtugtugin sa Taiwan, at naglabas ng maraming mga album sa loob ng mga sumunod na taon, sa ilalim ng panandang Life Records. Noong 1973, sinubok niyang umawit para sa kalakalang pang-Hapon sa ilalim ng pangangasiwa ng kompanyang Polydor, at sa pamamagitan din ng paglahok sa Kōhaku Uta Gassen ng bansang Hapon, isang paligsahan ng mga matatagumpay ng mga manganganta ng taon. Buong taong isinasagawa ang Kōhaku Uta Gassen ng Hapon, kung saan nagwagi ng gantimapalang "Pinamagaling na Bagong Bituing Mangaawit" si Teng.[1][4]

Noong 1974, minahal siya ng bansang Hapon dahil sa awiting "Airport" (Paliparan, 空港). Nanatili si Teng bilang pangunahing bituin mang-aawit sa Hapon, bagaman napatapon at hindi nakabalik ng maikling panahon noong 1979, kung kailan siya napaalis dahil sa pagtungo sa Hapon na gumagamit ng hindi totoong pasaporteng pang-Indonesia na nagkakahalaga ng $20,000. Isa sa mga dahilang pampolitika sa pagkakapaalis ni Teng ang pagpuputol ng ugnayan sa pagitan ng Taiwan at Hapon nang sumali sa Konsehong Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa. Noong mga panahong iyon, nakakaawit na si Teng sa mga wikang Mandarin, Kantones, Hapon, Ingles, kung kaya't napabantog na siya kahit sa Malaysia at Indonesia.[1]

Noong 1983, inilabas niya ang pinakakinikilala niyang album na Light Exquisite Feeling (Magaan at Kakaibang Pakiramdaman, 淡淡幽情). Binubuo ng 12 tulang Ci mula sa Dinastiyang Tang at Song na sinaliwan ng makabagong Kanluranin at nakaugaliang tugtuging Tsino, na isinulat ng iba't ibang mga manlilikha ng awitin at tugtugin. Kabilang sa mga ito ang mga kompositor na naghanda ng mga naunang album ni Teresa Teng. Mula sa album na ito, ang awiting "Wishing We May Last Long" (Hinihiling Kong Magtagal Sana Tayo, 但愿人长久) ang naging pinakatanyag. Ang mga awitin ni Teng ay mas makikilala ng mga pangkasalukuyang salinlahing tagapakinig ng mga tugtugin mula kay Faye Wong, isang mang-aawit ng Hong Kong.[1]

Kamatayan at pagbabaliktanaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]
1996 postal stamp mula sa Abkhazia na nagpaparangal kay Teresa Teng

Matagal nang hikain, namatay si Teng dahil sa malubhang hika (asthma) habang nagbabakasyon sa Chiang Mai, Thailand sa gulang 42 (43 sa kalendaryo ng mga Tsino) noong 8 Mayo 1995. Idinaos para sa kaniya ang isang libing na pangestado sa Taiwan, na nakasuklob ang watawat ng Republika ng Tsina sa ibabaw ng kaniyang kabaong, na dinaluhan ng Pangulong Lee Teng-hui, ng alkalde ng Taipei na si Chen Shui-bien, at ng ibang pang mga politiko.[1]

Inihimlay ang kaniyang mga labi sa isang puntod sa may tabing-bundok sa Chin Pao San (金寶山; Jinbaoshan, o Bundok ng Ginintuang Yaman), na isang himlayan ng mga patay malapit sa Jinshan, Taipei ng Taiwan. Itinayo ang isang bantayog sa may puntod na may estatwa ni Teng, habang nakatanghal ang mga kasuotang ginamit niya sa pagpapalabas, at habang tumutugtog din ang kaniyang musika. Naroon din ang isang malaking piyanong elektroniko na mapatutugtog ng mga bisita kapag tutuntungan ang mga teklado. Laging pinupuntahan ng kaniyang mga tagahanga ang puntod ni Teng, isang kaganapang humihiwalay mula sa kaugalian ng mga Tsino na umiwas sa pagtungo sa mga libingan.[1][5]

Noong Mayo 2002, inilantad sa madla ang hubog na pagkit ni Teng sa Madame Tussauds ng Hong Kong.[1]

Ang isang bahay na binili ni Teng sa Hong Kong noong 1986 sa Blg. 18 Kalye Carmel ay naging isang pook na tunguhan ng kaniyang mga tagahanga. Ipinatalastas noong 2002 ang planong ipagbili ang tahanan upang maging puhunan para sa pagtatayo ng isang museo sa Shanghai,[6] at sadya ngang naibenta sa halagang HK 32 milyon. Naganap ang pagsasara ng kasunduan sa pagbili noong 29 Enero 2004, petsang kung kailan dapat ay ika-51 kaarawan ni Teng.[1][7]

Para alalahanin ang ika-10 anibersayo ng kaniyang kamatayan, ang Pundasyong Pangkalinangan at Edukasyon ni Teresa Teng (Teresa Teng Culture and Education Foundation) ay naglunsad ng isang kampanya na pinamagatang "Feel Teresa Teng" (Damhin si Teresa Teng). Bilang karagdagan sa paglulunsad ng isang pagtatanghal na panganibersayo sa Hong Kong at Taiwan, pumasyal ang mga tagahanga ni Teng sa kaniyang dambana sa Libingan ng Chin Pao San. Bilang dagdag pa, ang ilan sa mga kasuotan ni Teng, maging mga alahas at mga sariling kagamitan ay itinanghal sa Yuzi Paradise (Paraiso ng Yuzi) Naka-arkibo 2020-09-18 sa Wayback Machine., isang liwasang pansining na nasa labas ng Guilin, Tsina.[1][8]

Mga impluwensiya sa tanyag na kalinangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa napakatanyag ng kaniyang mga awitin sa mga bahay-aliwang pang-Karaoke ng mga Tsino kung kaya’t nalampasan nila ang kapangyarihang pang-midya at sensura ng pamahalaan ng Republikang Popular ng Tsina, at sinabi nga na “sa araw, si Deng Xiaoping ang namumuno sa Tsina, ngunit tuwing gabi si Deng Lijun (Teresa Teng) ang namumuno."[9] Kinanta rin ng ibang mga mang-aawit ang mga awitin ni Teng, lalo na si Faye Wong na naglabas ng panghandog na album (Decadent Sounds of Faye, Mga Bumabalong na Tugtugin ni Faye) na naglalaman ng lahat ng mga pangunahing awiting dating kinakanta ni Teresa Teng. Kilala rin si Timi Zhuo sa pagkanta ng mga awitin ni Teng, at tinaguriang "pangalawang salinlahi” ni Teng dahil magkahawig ang kanilang malumanay na tinig at maging ang mga gawi sa pag-awit. Noong 1996, naging kasangkapang-kuwento ng pelikulang Comrades: Almost a Love Story (Magkapanalig: Halos isang Kuwento ng Pagibig, 甜蜜蜜), ang buhay at kamatayan ni Teresa Teng - bagaman hindi ito ang pangunahing salaysayin ng pelikula - sa ilalim ng direksiyon ni Peter Chan. Ginamit rin ang kaniyang mga awitin sa ibait ibang mga pelikula, katulad ng Rush Hour 2. Noong 2007, gumawa ng tanpatsu (単発, pelikulang pantelebisyon) ang TV Asahi ng Hapon, na pimagatang Teresa Teng Monogatari (テレサ・テン物語)[10] upang alalahanin ang ika-13 anibersayo ng kamatayan ni Teng. Ang aktres na si Yoshino Kimura ang gumanap bilang Teresa Teng.[1]

Mga piling awitin na pinatanyag ni Teresa Teng

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • "When Will You Return?" (Kailan Ka Magbabalik?) – ang paksang awiting ito ay ginamit din (datapwa, hindi opisyal) sa Meteor Garden kung saan inawit ng ina ni Shan Tsai (Tsukushi) ang ilan sa mga unang taludtod. Ang orihinal na umawit ng kantang ito ay si Zhou Xuan, isang manganganta mula sa Shanghai.
  • "Endless Love" (Bu Liao Qing, Walang Hanggang Pag-ibig) - Ang awiting ito ay orihinal na kinanta ni Koo Mei, na umawit bilang kinatawan ng yumaong aktres na si Lin Dai sa isang pelikulang may katulad ding pamagat (Bu Liao Qing). Ginamit rin ito ni Tsa Chin, samantalang naglabas naman si Anita Mui ng bersiyon na nasa wikang Kantones. Nagkaroon din ito ng isang bersiyong rap mula kay David Tao.
  • "Wine Added to Coffee" (Alak Hinalo sa Kape) – Bagaman hindi opisyal, ginamit ang awiting ito sa Meteor Garden II kung kailan nalasing ang tatay ni Shan Tsai matapos ang trabaho. Inawit ang ilang taludtod.
  • "As Gentle As a Breeze" (Kasinglumanay ng Isang Ihip ng Hangin, Tsino: 恰似你的温柔; pinyin: Qià Sì Nǐ De Wēn Róu, lit: Just Like Your Tenderness, Katulad ng Iyong Kalumanayan), isang awitin na dating inawit ni Tsai Chin (蔡琴).
  • "A Small Wish" (Isang Maliit na Kahilingan, Tsino: 一个小心愿; pinyin: Yī Gè Xiǎo Xīn Yuàn).
  • "The Milky Way" (Landas na Bituin[11], Tsino: 云河; pinyin: Yún Hé, literal na kahulugan: Cloud River, o Ilog ng Ulap).
  • "Fragrance of the Night" (Halimuyak ng Gabi, Tsino: 夜来香; pinyin: Yè Lái Xiāng).
  • "How Would You Explain" (Paano Mo Ipapaliwanag, Tsino: 你怎么说; pinyin: Kàn Jīn Tiān Nǐ Zěn Mé Shuō, literal na kahulugan: Let's See What You'll Say Today, o Tinganan Ntin Kung Ano ang Sasabihin Mo Ngayon).
  • "Raining on the East Mountain" (Umuulan sa Silangang Bundok,Tsino: 东山飘雨西山晴; pinyin: Dōng Shān Piāo Yǔ Xī Shān Qíng, literal na kahulugan: East Mountain Raining West Mountain Clear, o Umuulan sa Silangang Bundok at Maaliwalas sa Kanlurang Bundok).
  • "The Moon Represents My Heart" (Ang Buwan ang Kumakatawan sa Aking Puso, Tsino: 月亮代表我的心; pinyin: Yuè Liàng Dài Biǎo Wǒ De Xīn) – Pinasikat ang awiting ng iba pang mga artista katulad ng yumaong Leslie Cheung sa album na Forever (Walanghanggan); ni Jerry Yan sa mga pagtatanghal ng banding F4 ; at nina Sammi Cheng at Jerry Yan sa isang saliwan. Isang mabilis na bersiyon ang kinanta ni Linda Wong. Kinanta ito ng yumao nang si Anita Mui bilang paghahandog kay Teresa Teng; inawit din ito ni Mui sa isang duwetong kasama ni Andy Lau. Isang anyong rap naman ang ginawa ni David Tao. Isinalinwika din ito sa Filipino na inawit ni Zsa Zsa Padilla para sa pelikulang Mano Po 2. Inawit din ni Kim Chiu sa sarili niyang bersiyon ang kantang ito.
  • "Stroll on the Road of Life" (Pamamasyal sa Daan ng Buhay, Tsino: 漫步人生路; pinyin: Màn Bù Rén Shēng Lù).
  • "Your Sweet Smiles" (Matatamis Mong Mga Ngiti, Tsino: 甜蜜蜜; pinyin: Tián Mì Mì, literal na kahulugan: Sweet Honey Honey, Matamis na mga Pulot) – Ginamit ang awiting ito sa Love Storm (Bagyong Pag-ibig), na kinanta ni Leon Lai sa isang mas masiglang paraan, at ginawa ding rap ni Machi Didi. Inawit din ito ng pumanaw nang si Roman Tam bilang handog kay Teresa Teresa Teng.
  • "On the Other Side of the Water" (Sa Kabilang Gawi ng Tubig,Tsino: 在水一方; pinyin: Zài Shǔi Yī Fāng).
  • "Small Town Story" (Kuwento ng Maliit na Bayan, Tsino: 小城故事; pinyin: Xiǎo Chéng Gù Shì).
  • "Forget Him" (Kalimutan Siya, Tsino: 忘记他; pinyin: Wàng Jì Tā).
  • "Do You Know Whom I Love" (Alam Mo Ba Kung Sino ang Mahal Ko, Tsino: 你可知道我爱谁; pinyin: Nǐ Kě Zhī Dào Wǒ Ài Shéi)
  • "Thank You" (Salamat sa Iyo, Tsino: 谢谢你; pinyin: Xiè Xiè Nǐ).
  • "Goodbye My Love" (Paalam Aking Mahal, Tsino: 再见,我的爱人; pinyin: Zài Jiàn, Wǒ De Ài Rén, wika ng Indonesia: Selamat Tinggal Kekasih) – Ito ang pinakatanyag na awitin ni Teresa Teng sa Indonesia. Nirekord ni Ten ang bersiyong ito sa wika ng Indonesia noong 1977, at isinalin ng kompositor ng Indonesiang si A. Riyanto. Ginamit ito para sa isang album na pangwika ng Indonesia.
  • "Wishing We Last Forever" (Ninanais Kong Magtagal Tayo, Tsino: 但愿人长久/水调歌头; pinyin: Dàn Yuàn Rén Cháng Jǐu/Shuǐ Diāo Gē Tou) – Isa itong tulang isinaawit mula sa kaugaliang Tsino. Ginamit ito kalaunan ni Faye Wong. Kinanta ito ni Jolin Tsai habang tumutugtog ng piano si Jay Zhou.
  • "How Many Worries" (Ilan Bang Pagaalala, Tsino: 几多愁/虞美人; pinyin: Jǐ Duō Chóu/Yú Měi Rén) – Isa ring tulang ginawang awitin.
  • "I Only Care About You" (Ikaw Lamang ang Aking Pinahahalagahan, Tsino: 我只在乎你; pinyin: Wǒ Zhǐ Zài hū Nǐ; Hapon: 時の流れに身をまかせ (Toki-ni nagare-ni mi-o makase), "I Leave Myself in the Hands of The Flow of Time" o Iniiwan Ko ang Aking Sarili sa mga Kamay ng Daloy ng Panahon) – Kinanta ito ni Teresa Teng sa isang pakikipagsaliwan kay Jackie Chan at maging kay Itsuki Hiroshi. Sa kalaunan, inawit rin ito ni Gigi Leung.
  • "Fruit" (Bunga, Hapon: 別れの予感 (Wakare-no yokan))
  • "To Live With You From Now On" (Mamuhay na Kapiling Mo Mula Ngayon, Hapon: あなたと共に生きてゆく) (Anata to Tomo ni Ikite Yuku) – Ito ang pinakahuling awiting pang-single sa wikang Hapon. Muling inawit ito manunulat ng awit na si Izumi Sakai ng Zard noong 2005. Nasasangkapan ang bagong bersiyon nito ng tugtugin ni Erhu at naglalaman din ng mga pananalitang Mandarin bilang pagalala sa ika-10 anibersaryo ng kamatayan ni Teng.

Mga pangunahing gantimpalang pang-awitin mula sa bansang Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinagkaloob kay Teresa Teng ang mga sumusunod na pangunahing gantimpalang pang-awitin sa Hapon.[12]

  • Gantimpalang Japan Record (日本レコード大賞, Nihon Rekōdo Taishō)

Ibinibigay bawat taon ang mga sumusunod: Grand Prix (1), Best Song Award (1), Best New Singer Award (1), Gold Awards (10), New Singers Award (5), at higit sa 20 iba pang mga gantimpala.

Napanalunan ni Teresa Teng ang New Singers Award (新人賞, Gantimpala para mga Bagong Manganganta) para sa 「空港」(Kūkō) noong 1974, at ang Gold Award (金賞. Gintong Gantimpala) noong 1986 para sa kaniyang 「時の流れに身をまかせ」 (Toki no Nagare ni Mi o Makase). Noong 1995, napagwagian niya ang Special Merit Award (特別功労賞, Gantimpalang Pang-natatanging Puntos).

  • All-Japan Cable Radio Awards (全日本有線放送大賞, Zen-Nihon Yūsen Hōsō Taishō, Gantimpalang Kable-Radyo sa Kabuuan ng Hapon)

Ipinagkakaloob bawat taon ang : Grand Prix o Pinakamahalagang Gantimpala (1), at may ibang 15 pang mga gantimpala.

Napanalunan ni Teresa Teng ang Grand Prix (グランプリ)ng tatlong ulit, ito ang mga sumusunod: para sa kaniyang「つぐない」 (Tsugunai) noong 1984, 「愛人」 (Aijin) noong 1985, at「時の流れに身をまかせ」 (Toki no Nagare ni Mi o Makase) noong 1986. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang anumang mang-aawit ay napagkalooban ng Grand Prix nang walang patid sa loob ng tatlong taon.

Noong 1987, nagwagi siya ng Outstanding Star Award (優秀スター賞, Gantimpala para sa Natatanging Bituin) para sa kaniyang「別れの予感」 (Wakare no Yokan).

  • Japan Cable Radio Awards (日本有線大賞, Nihon Yūsen Taishō, Gantimpalang Radyo-Kable ng Hapon)

Ang mga sumusunod ay ang mga gantimpalang ipinagkaloob kay Teng:

1984: ang Grand Prix (大賞), ang Best Hit Award (Gantimpala para sa Pinakapatok o Pinakatampok), at Cable Radio Music Award (Gantimpalang Pangmusikang Radyo-Kable) – para sa 「つぐない」 (Tsugunai) .

1985: ang Grand Prix, ang Best Hit Award, at Cable Radio Music Award – para sa 「愛人」 (Aijin) .

1986: ang Grand Prix, ang Best Hit Award, at Cable Radio Music Award – para sa「時の流れに身をまかせ」 (Toki no Nagare ni Mi o Makase) .

Sa muli, ito ang unang pagkakataon na ang isang mangaawit ay nagwagi ng Grand Prix na walang paknit sa loob ng tatlong taon.

1987 at 1988: Gantimpalang Pangmusikang Radyo-Kable para sa kaniyang「別れの予感」 (Wakare no Yokan).

1995: Napagkalooban siya ng gantimpalang Cable Radio Special Merit Award (有線功労賞) dahil sa pagwawagi ng Grand Prix na walang patid sa loob ng tatlong taon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 Mula sa Ingles na Wikipedia
  2. Zhao, Lei (3 Agosto 2006). "Bakit hindi makabisita si Teresa Teng sa Punong-Lupain ng Tsina". Southern Weekend (Sina.com). Nakuha noong 23 Marso 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Palabas na paluntuntunan sa YouTube.com
  4. ""Pop diva Teresa Teng lives on in Chinese hearts" (Nabubuhay pa sa puso ng mga Tsino ang bituing mang-aawit na si Teresa Teng)". China Daily. 2005-05-12. Nakuha noong 2007-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Teresa Teng's grave Naka-arkibo 2005-08-30 sa Wayback Machine.. Sityong Opisyal ng North Coast & Guanyinshang. Kinuha noong 2 Enero 2007.
  6. Taiwanese diva's home 'for sale' (Ipinagbibili ang tahanan ng Taiwanesang bituin). BBC news, 29 Hulyo 2002. Kinuha noong 2 Enero 2007.
  7. "A Retrospective Look at 2004 (Isang pagbabalik-tanaw sa 2004). Radyo HKVP, Disyembre 2004. Kinuha noong 2 Enero 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2008. Nakuha noong 24 Pebrero 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Teresa Teng in loving memory forever (Teresa Teng pagalaalang may pagmamahal magpawalanghanggan)". China Daily (Tsina sa Araw-araw. 2005-05-08. Nakuha noong 23 Marso 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Reed, Barbara Edith. Davison, Gary Marvin. 1998. Culture and Customs of Taiwan (Kultura at Kaugalian ng Taiwan), Imprentang Greenwood. ISBN 0313302987
  10. "テレビ朝日|スペシャルドラマ テレサ・テン物語". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-02. Nakuha noong 2008-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Dravins, Dainis, Juan Lajo, Manwel Mifsud at Alberto Millán Martín. What is the Milky Way called in different languages? The Milky Way in Tagalog: pulóng-bituín, landás na bituín, at ariwanas, Stoivaine.kapsi.fi". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-07. Nakuha noong 2008-03-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. " テレサ・テン データべース (talaan tungkol kay Teresa Teng)" Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine., nakuha noong 14 Disyembre 2007.

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal
Sinundan:
George Lam
Gantimpalang Ginintuang Karayom ng RTHK Gantimpalang Sampung Pinakatampok na Gintong Awitin
1995
Susunod:
Alan Tam