Wikipedia:Sinupan ng mga nagdaang napiling larawan/Sinupan 7
Mga napiling larawan noong 2012 hanggang 2019 (kabuoang bilang: 23)
[baguhin ang wikitext]Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885 – Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk
Ang Pluto (designasyon ng planetang hindi pangunahin: 134340 Pluto) ay isang planetang unano sa Kuiper belt, isang sinturon ng mga bagay lampas sa Neptune. Ito ay ang unang bagay sa Kuiper belt na natuklasan. Ito rin ang pinakamalaki at ikalawang pinakamabigat na kilalang planetang unano sa Sistemang Solar at ang ikasiyam na pinakamalaking, ikasampung pinakamabigat na bagay na direktang umiinog sa Araw. May-akda ng larawan: NASA / Johns Hopkins University Applied Physics Laboratory / Southwest Research Institute
Si Napoleon I, na ipinanganak bilang Napoleone di Buonaparte at nakikilala rin bilang Napoleon Bonaparte (15 Agosto 1769 - 5 Mayo 1821), ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransiya, ang unang hari ng Italya, ang tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine. Ang kanyang mga nagawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa politika ng Europa sa ika-19 na siglo.
May-akda ng larawan: Jacques-Louis David
Ang Lungsod ng Ho Chi Minh (Biyetnames: Thành phố Hồ Chí Minh; pakinggan), na dating tinatawag na Saigon (Sài Gòn; pakinggan), ay ang pinakamalaking lungsod sa Biyetnam. Sa ilalim ng pangalang "Saigon", nagsilbi ito bilang kabisera ng kolonyang Pranses ng Cochinchina, at pagkatapos ng Timog Biyetnam mula 1955 hanggang 1975.
May-akda ng larawan: Diego Delso
Ang sebra (Ingles: zebra) ay isang uri ng kabayong may mga nagpapalitang guhit na itim at puti. Nakikita ito sa Timog Aprika.
May-akda ng larawan: Yathin S Krishnappa
Ang bistek (Ingles: steak in soy sauce) ay isang lutuing Pilipino na may karne o isda ("isda sa toyo") na sinabawan ng toyo, at sinahugan ng katas ng kalamansi o limon, sibuyas at iba pang panimpla. May-akda ng larawan: Arnold Gatilao.
Ang Jupiter o Hupiter ay ang ika-limang planeta mula sa Araw at ang pinakamalaki sa loob ng Sistemang Solar. Isa itong higanteng gas (gaya ng Saturn, Uranus at Neptune) na may masa na mas kaunti lamang sa ika-isang libong bahagdan ng bigat ng Araw. Subalit ang bigat nito ay dalawa at kalahating mas mabigat kaysa sa pinagsamang bigat ng lahat ng ibang planeta ng Sistemang Solar. May-akda ng larawan: NASA.
Ang pighati ay isang damdamin, emosyon, o sentimyento, na mas malubha kaysa sa kalungkutan, at nagpapahiwatig ng isang kalagayang pangmatagalan. Hindi ito katayuan ng pagiging hindi masaya, bagkus ay nagpapahiwatig ng isang antas ng pagpapaubaya o pag-sang-ayon na ng kalooban sa isang karanasan, na nagbibigay ng hindi karaniwang anyo ng pagkakaroon ng dangal. Inilalarawan din ang pighati bilang nasa gitna ng pagpunta sa pagtanggap at hindi pagtanggap sa pangyayaring naganap. May-akda ng larawan: Vincent van Gogh.
Ang mga Nepali ay mga taong mula sa dating Kaharian ng Nepal, na matatagpuan sa Kahimalayahan. Ito ang nag-iisang kahariang Hindu sa buong daigdig. Matatagpuan ang Nepal sa Timog Asya na nasa pagitan ng Tsina at India. Pagkatapos ng 240 taon, ang Nepal ay naging isang republika. Ang nasa larawan sa itaas ay isang babaeng Nepali sa araw ng kaniyang kasal. May-akda ng larawan: Nirmal Dulal.
Ang mag-anak ng mga orkidya, na nakikilala rin bilang ang pamilya ng Orchidaceae, ay mga monokot na mayerba na binubuo ng mula 22,000 hanggang 26,000 na mga espesyeng nasa loob ng 880 na mga sari ng mga halamang namumulaklak. Ang mga ito ang bumubuo ng nasa 6-11% sa lahat ng mga halamang may buto. Matatagpuan ang mga orkidya sa halos lahat ng mga bansa sa mundo, maliban na lamang sa Antarktika. Isang halimbawa ng mga orkidya ay ang sari ng Phalaenopsis. May-akda ng larawan: André Karwath.
Ang tsunami o sunami ay mga sunod-sunod na alon na nabubuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago nang malakihan. Ang mga lindol, malaking pagkilos ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at pagsusubok ng mga kagamitang nukleyar sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami. Ang epekto ng tsunami ay mapapansin at napakalala, katulad ng naganap sa Ao Nang, lalawigan ng Krabi, sa bansang Taylandiya noong 2004. May-akda ng larawan: David Rydevik.
Ang pusit ay isang malaki at namumukod-tanging pangkat ng mga pandagat na cephalopod. Katulad ng ibang mga cephalopod, makikilala ang pusit dahil sa kaniyang naiibang ulo. Ang isang halimbawa ng pusit ay ang Loligo forbesii, na inilalarawan sa itaas sa pamamagitan ng isang muling napagandang litograpiya na ang orihinal ay nagbuhat sa Cefalopodi viventi nel Golfo di Napoli (sistematica) na isinulat ni Jatta di Guiseppe (1896) at inilimbag sa Berlin, Alemanya ng R. Friedländer & Sohn. May-akda ng larawan: Comingio Merculiano (1845–1915).
Ang kababaihan sa Timog Korea ay ang mga babae na naninirahan o nagmula sa Timog Korea. Nakaranas ang mga babaeng taga-Timog Korea ng malaking pagbabagong panlipunan sa kamakailang lumipas na mga taon kasunod ng himala sa Ilog ng Han, sa mabilis na pag-unlad na pangkabuhayan ng bansa sa ilalim ng kapitalistang diktador na si Pak Chung-hee, at sa nagresultang mataas na antas ng mga karapatan at edukasyon ng mga babae. Sa kabila ng mga pagkilos na may pagkiling sa pagkakapantay-pantay, ang Korea ay nananatiling isang lipunang patriyarkal. May-akda ng larawan: LG전자.
Si John F. Kennedy (Mayo 29, 1917 - Nobyembre 22, 1963), mas nakikilala bilang JFK, ay ang ika-35 pangulo ng Estados Unidos na nanungkulan mula 1961 hanggang 1963. Matapos maging komander ng mga bangkang demotor na pangtorpedo na PT-109 at PT-59 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig nahalal siya bilang isang kongresman ng Massachusetts (1947-1953). Naging senador siya mula 1953 hanggang 1960. Tinalo niya sa halalan ng Pagkapangulo si Richard Nixon (na noon ay nakaupo bilang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos). Siya ang pinakabatang nahalal para sa naturang posisyon. Namatay siya sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo noong Nobyembre 22, 1963. May-akda ng ipinintang larawan: Aaron Shikler.
Ang pabo, na katulad ng Alectura lathami ng Australia, ay isang uri ng ibong nakakain ng tao. Kabilang ito sa mga tinatawag na ibong pampoltri. Ang pabo ay isang malaking ibon na nasa saring Meleagris. Ang isang espesye nito, ang Meleagris gallopavo, na karaniwang nakikilala bilang pabo ng kalikasan/pabong labuyo o pabo ng ilang ay katutubo sa mga kagubatan ng Hilagang Amerika. Ang pabong domestiko ay isang inapo ng espesyeng ito. Ang isang umiiral pa ring espesye ay ang Meleagris ocellata na katutubo sa mga kagubatan ng Tangway ng Yucatán. May-akda ng larawan: JJ Harrison.
Ang palaka ay isang uri ng hayop na gumagawa ng tunog na kokak. Isa itong ampibyano (nabubuhay sa katihan at sa tubig) na walang buntot at madalas tumalon. Kabilang sa uri nito ang kakapsoy. Ipinagkakaiba ito sa mga karag dahil sa kanilang kaanyuan. May pagkakaibang ginagawa sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa pamamagitan ng kanilang anyo, na inudyok ng pagpunta ng mga karag sa tuyong mga kapaligiran o tirahan. Marami sa mga karag ang may parang katad na balat para sa mas mainam na pagpapanatili ng tubig sa kanilang katawan, at kulay na kayumanggi para sa kakayahang magtago o magkubli. Mahilig din silang maghukay o maglungga para ibaon o ikubli ang sarili. Subalit hindi maaasahan na indikasyong sukatan ng mga ninuno nito ang mga adaptasyon o katangiang ito, dahil sinasalamin lamang ng taksonomiya ang ugnayang pang-ebolusyon o ng kanilang pag-unlad bilang hayop. Walang halaga ang anumang kaibahan sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa kanilang klasipikasyon. May-akda ng larawan: Geoff Gallice ng Gainesville, Florida, Estados Unidos.
Ang Glossopsitta concinna o Lorikitang Musko ay isang lorikita, na isa sa tatlong uri na nasa saring Glossopsitta. Naninirahan ito sa timog, gitna, at silangang bahagi ng Australia. Unang inilarawan ang ibong ito ng ornitologong si George Shaw noong 1790 bilang Psittacus concinnus sa isang koleksiyon na nasa Daungang Jackson (na nakilala sa ngayon bilang Sydney). Sa kinalaunan, inilarawan naman ito ni John Latham bilang Psittacus australis. Ang Concinna ang pinakatumpak na palayaw nito sa Latin na may kahulugang "elegante". May iba pang pangalan ito, tulad ng Lorikitang Pula ang Tenga at Lunting Kita at dating tinatawag ito ng mga mamamayan ng Sydney bilang Coolich. Mali namang tawagin ang uring ito bilang Lunting Leek at Haring Parrot. May-akda ng larawan: Fir0002
Ang alimango ay anumang hayop na pantubig (mga krustasyano) na may malapad ngunit sapad na katawan. Malalaki ang mga ito at karaniwang may maitim na kulay. Nakatikom ang tiyan nito sa ilalim ng kaniyang katawan. May 10 mga paa ang isang alimango (kabilang ang dalawang sipit). Kamag-anakan ito ng mga maiitim din subalit mas maliliit na talangka, dakumo at katang. May pagkakaiba at mas malaki ang alimango kaysa sa alimasag. May-akda ng larawan ng Grapsus grapsus: Elizabeth Crapo, Tenyente sa Pulutong ng NOAA
Ang kaktus o kakto ay mga halamang may matatalas na mga tinik o madawag na mga dahon at makakapal na mga sanga o tangkay. Tumutubo ang makakatas na mga halamang ito sa mga disyerto. Isang halimbawa nito ay ang Opuntia ficus-indica na maaaring katutubo sa Mehiko, bagaman matagal nang naging isang domestikadong halamang-ani na may kahalagahan sa mga ekonomiyang pang-agrikultura sa tigang at bahagyang matigang na mga bahagi ng mundo. May-akda ng larawan: Quartl
Ang gumamela, na nakikilala rin bilang hibisko o mababaw, at may pangalang pang-agham na Hibiscus ay isang sari ng mga halamang may mga kasaping uri na kalimitang itinatangi dahil sa kanilang kapansin-pansing mga bulaklak. Tinatawag din silang bulaklak ng Hamayka. Kabilang sa malaking saring ito ang mga nasa 200–220 mga uri ng halamang namumulaklak sa loob ng pamilyang Malvaceae, na katutubo sa maligamgam, hindi gaanong kalamigan o hindi kainitan, subtropikal, at tropikal na mga rehiyon sa buong mundo. Kabilang din sa sari ang mga taunan at pangmatagalan o perenyal na mga mayerbang mga halaman, pati na ang makahoy na mga palumpong at maliliit na mga puno. May-akda ng larawan: JLPC
Ang dinosauro, katulad ng Achelousaurus, ay mga sinaunang reptilya o butiking namuhay noong matagal nang panahon ang nakalilipas. Nagmula ang pangalang dinosauro mula sa isang salitang Griyegong nangangahulugang "nakapanghihilakbot na butiki". Naniniwala ang mga dalubhasa sa agham na unang lumitaw ang mga dinosauro noong mga 230 milyong taon na ang nakararaan. Noong 65 milyong taon sa nakaraan, naglaho ang mga dinosauro. Kung minsan, itinuturing na mga inapo ng mga dinosauro ang mga ibon. May-akda ng larawan: JLPC.
Ang sinuso ay isang natatanging kurba sa larangan ng matematika. Nagsisimula ang pagkurbang ito mula sa isang pangunahing lugar, na sumusulong na papalayo habang umiinog sa paligid ng isang tuldok. Samakatuwid, matapos na magsimula sa isang lugar, pumapalibot o pumapaikot ito sa lugar na iyon, subalit palayo nang palayo mula sa lugar na iyon. Kaiba ito mula sa isang bilog at sa isang tambilugan. Ang isang hugis na sinuso ay isang "bukas" na kurba, samantala ang bilog at ang tambilugan ay nakasarang mga kurba. May-akda ng larawan: Andreas Tille
Si Shiva o Siva ay isang mahalagang diyosa sa Hinduismo at isang aspeto ng Trimurti. Sa tradisyon ng Shaiva ng Hinduismo, si Siva ay kinikilalang supremong diyos. Sa tradisyong Smarta, isa siya sa limang pangunahing anyo ng diyos. Ang mga tagasunod ng Hinduismo na sumasamba kay Siva ay tinatawag na mga Shaivite o Shaiva Ang Shaivismo, kasama ng tradisyong Vaiṣṇava na nakapokus kay Vishnu, at tradisyong Śākta na nakapokus sa diyosang si Devī, ay ang tatlo sa pinaka maimpluwensyal na denominasyon ng Hinduismo. May-akda ng larawan: Julia W