Sink

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang sink (Kastila: zink, Ingles: zinc) ay isang mabughaw-bughaw na puti at makisap na metalikong elementong malutong kung nasa pangkaraniwang temperatura. Nagiging madali ang pukpok dito kapag nag-iinit, kaya't ginagamit bilang sangkap sa mga aloy o balahak na katulad ng bronse at bras o tansong dilaw. Ginagamit din itong sangkap sa paghihinang at maging bilang pantubog sa yero ng bubungan. Naibukod ni Andreas Sigismund Marggraf ang elementong ito noong 1746.[1][2][3]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Sink, zink, zinc, bluish-white metal". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 1239.
  2. De Guzman, Maria Odulio. (1968/2005). "Zinc, oksido de si(n)k". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760., pahina 195.
  3. Gaboy, Luciano L.. "Zinc". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.