Pumunta sa nilalaman

Bread of Life Ministries International

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Bread of Life Ministries International (BOL) ay isang ebanghelikang megachurch na itinatag noong 1982 ni Reb. Caesar "Butch" Conde, ang pangunahing pastor ng iglesia. Ang headquarters ay matatagpuan sa Bread of Life Ministry Center (mas kilala bilang Crossroad77) Mother Ignacia Ave. Lungsod ng Quezon, Pilipinas. Ang BOL ay may higit kumulang 68 kongregasyon na may miyembro na umaabot 30,000 sa buong Pilipinas at sa labas ng bansa.

Ang central church ay matagpuan sa Quezon City, Antipolo, Makati at Valenzuela. Ang ibang pang kongregasyon ay matatagpuan rin sa Caloocan City, Las Piñas, Lungsod ng Maynila, Marikina, Muntinlupa na may 13 satellite outreaches sa lingguhang pagdalo ng may 15,000 miyembro sa buong Metro Manila. Ang BOL ay may 35 na kongregasyon sa Rizal, Cavite, Laguna, Pampanga, Palawan, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Zambales, Tarlac, Bataan, Pangasinan, Palawan, Bicol, Cebu, Bohol, Dumaguete, Bacolod, Butuan, Davao, Cagayan de Oro at General Santos City. Noong 1996, Ang BOL nay nagsimulang magtatag ng mga internasyonal na mga outreaches upang maabot ang mga Pilipino sa ibang bansa at iba pang mga lahi. Ang BOL ay may 20 international outreach sa 10 bansa, na matatagpuan sa Asya, North America, Middle East at Europa sa pamamagitan ng set up ng outreach congregations sa bansang Hapon, Singapore, Brunei, Myanmar at South Korea sa Asya; sa United Arab Emirates at Saudi Arabia sa Gitnang Silangan, sa Australya, sa Espanya, Pransiya, Italya at ang Netherlands sa Europa, at sa Los Angeles, San Francisco at San Diego, California at sa New York City, New York sa Estados Unidos.

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


PilipinasKristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.