Pumunta sa nilalaman

Republikang Dominikano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dominican Republic)
Republikang Dominikano
República Dominicana (Kastila)
Watawat ng Republikang Dominikano
Watawat
Eskudo ng Republikang Dominikano
Eskudo
Salawikain: Dios, Patria, Libertad
"Diyos, Bayan, Kalayaan"
Awitin: ¡Quisqueyanos Valientes!
"Quisqueyanong Magigiting!"
Location of Republikang Dominikano
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Santo Domingo
19°00′N 70°40′W / 19.000°N 70.667°W / 19.000; -70.667
Wikang opisyalKastila
KatawaganDominikano
Quisqueyano (kolokyal)
PamahalaanUnitaryong republikang pampanguluhan
• Pangulo
Luis Abinader
Raquel Peña de Antuña
LehislaturaKongreso
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Diputado
Formation
1821–1822
1844–1861[1]
1865–1916
1924–1965
• Fourth Republic
1966–present
Lawak
• Kabuuan
48,671 km2 (18,792 mi kuw) (ika-128)
• Katubigan (%)
0.7
Populasyon
• Pagtataya sa 2024
Increase 11,434,005 (88th)
• Densidad
220/km2 (569.8/mi kuw) (ika-65)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $294.562 bilyon (ika-64)
• Bawat kapita
Increase $27,231 (ika-67)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $127.913 bilyon (ika-64)
• Bawat kapita
Increase $11,825 (ika-74)
Gini (2020)39.6
katamtaman
TKP (2022)Decrease 0.766
mataas · 82nd
SalapiDominican peso (DOP)
Sona ng orasUTC  – 4:00[2] (Atlantic Standard Time)
Kodigong pantelepono+1-809, +1-829, +1-849
Internet TLD.do[2]
Sources for area, capital, coat of arms, coordinates, flag, language, motto and names: [3]
For an alternate area figure of 48,730 km2 (18,810 mi kuw), calling code 809 and Internet TLD: [2]

Ang Republikang Dominikano, payak na kilala bilang Dominikana (Kastila: Dominicana), ay bansa sa pulo ng Hispaniola, bahagi ng kapuluan ng Kalakhang Antillas sa rehiyon ng Karibe. Ang tatlong-kawalo ng kanluran ng pulo ay sakop ng bansang Haiti,, dahilan upang ang Hispaniola ay maging isa sa dalawang pulo ng Karibe, kasama ng Saint Martin, na pinagsasaluhan ng dalawang bansa. Kung tutukuyin ang lawak at populasyon, ang Republikang Dominikana ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Karibe (sunod sa Cuba), taglay ang 48,445 km2 (18,705 mi kuw) at halos 10 milyong katao, isang milyon dito ay nakatira sa kabiserang-lungsod, ang Santo Domingo.[3][4]

Ang Republikang Dominikano ang ikasiyam na may pinakamalaking ekonomiya sa Latin Amerika at ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa rehiyon ng Karibe at Gitnang Amerika.[5] Bagama't matagal nang kilala ang bansa sa agrikultura at pagmimina, ang ekonomiya ay pinangungunahan ngayon ng mga paglilingkod o serbisyo.[2] Ang pag-unlad pang-ekonomiya ng bansa ay ipinakikita nito sa nauuna nitong sistema ng telekomunikasyon at imprastraktura ng transportasyon. Gayunpaman, nananatiling malalaking suliranin ng bansa ang kawalan ng trabaho, katiwalian sa pamahalaan, at paputul-putol na serbisyo ng kuryente. Taglay din ng bansa ang "di-pantay-pantay na markadong kita".[2] Ang migrasyong palabas ay nakaaapekto nang malaki sa Republikang Dominikano, dahil maraming pumapasok at lumalabas na mga migrante sa bansa. Malaking suliranin ang paglipat ng mga taga-Haiti at ang pagkakaroon ng mga Dominikanong nagmula sa Haiti ang mga ninuno. Maraming mga Dominikano ang umaalis at nagtutungo sa Estados Unidos.[6] Nakapag-aambag ang mga ito sa pag-unlad ng bansa dahil nagpapadala sila ng mga bilyong dolyar sa kanilang mga pamilya.[2][7]

Pangalan at Sagisag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kabuuan ng kasaysayan (hanggang kalayaan nito) nito, ang kolonya ay dating kilala bilang Santo Domingo,[8] ang pangalan ng kasalukuyang kabisera nito, at ng santong patron nito, Santo Domingo. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga "Dominikanos", at ang mga rebolusyonaryo nito ay tinawag ang kanilang bagong bansa bilang "La República Dominicana". Kadalasang pinaiikli ang pangalan nito sa "Ang D.R."[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Historia de la República Dominicana. Ediciones Doce Calles, S.L. 2010. p. 409. ISBN 978-84-00-09240-5. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2024. Nakuha noong Hulyo 1, 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "CIA – The World Factbook – Dominican Republic". Central Intelligence Agency (CIA). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 13 Pebrero 2016. Nakuha noong 4 Hun 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Embassy of the Dominican Republic, in the United States". Nakuha noong 27 Peb 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Estimaciones y Proyecciones de la Población Dominicana por Regiones, Provincias, Municipios y Distritos Municipales, 2008" (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 11 Mayo 2011. Nakuha noong 25 Dis 2008. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Konteksto: Estimaciones; Población en Tiempo Real sa Wayback Machine (naka-arkibo 2011-08-08)
  5. "CIA – The World Factbook – Rank Order – GDP (purchasing power parity)". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 4 Hunyo 2011. Nakuha noong 27 Peb 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "United States – Selected Population Profile in the United States (Dominican (Dominican Republic))". 2008 American Community Survey 1-Year Estimates. U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 10 Ene 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "U.S. Relations With the Dominican Republic". United States Department of State. 22 Okt 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Dominican Republic – The first colony". Country Studies. Library of Congress; Federal Research Division. Nakuha noong 19 Hun 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kraft, Randy (27 Ago 2000). "Paradise On The Beach Resorst Are Beautiful In Caribbean's Punta Cana, But Poverty Is Outside The Gates". The Morning Call. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-07. {{cite news}}: Cite has empty unknown parameters: |deadurl= at |trans_title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


Mga bansa sa Karibe

Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago

Mga dumidepende: Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S. Virgin Islands


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.