Halo-halo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang halo-halo.
Para sa ibang gamit, tingnan ang Halo-halo (paglilinaw).

Ang halo-halo o haluhalo (mula sa salitang ugat na halo) ay isang tanyag na pagkaing pangmeryenda sa Pilipinas, na may pinagsama-samang ginadgad na yelo at gatas, na hinaluan ng iba't ibang pinakuluang mga mga munggo at prutas, at inihahain ng malamig habang nakalagay sa isang mataas na baso o mangkok.

Walang natatanging resipi para sa meryendang ito, at may malawak na kaurian ang mga sahog na ginagamit. Nagbago-bago ang pagkakasunud-sunod na paglalagay ng mga sangkap. Kabílang sa mga pangunahing mga sahog ang mga pinakuluang pulang munggo, karaniwang munggong kahugis ng bato ng tao, garbansos, kaong, kinayod na buko o makapuno, at saging na sabang nilagyan ng arnibal. Maaari din itong sahugan ng langka, kaymito, sago, nata de coco, ube, kamote, minatamis na mais, pinipig, leche flan, sorbetes, gulaman at pilì.[1] May iba ring nilalangkapan ng papaya, abukado, kiwi, saging o seresa. May ilang paghahanda na nilalagyan ng sorbetes sa ibabaw ang halo-halo.

Pangkaraniwan nang ginagamit ang gatas na kondensada o gatas na ebaporada sa halip na sariwang gatas, dahil sa klimang pantropiko ng Pilipinas.

Sa paghahanda, karamihan sa mga sangkap (prutas, munggo, at ibang minatamis) ay unang inilalagay sa loob ng isang mataas na baso, na susundan ng ginadgad na yelo. Pagkatapos ay bubudburan naman ng asukal at papatungan ng leche flan, ube halaya, o sorbetes (maaaring magkakasama ito). Bubuhusan ng gatas na kondensada ang halo-halo bago ihain.

Pinakikita ng meryendang ito ang pagsasanib ng Kanluranin at Hilaga sa kalinangan ng mga Pilipino, na ang mga ginagamit na sahog ay nagmula sa malawak na mga impluwensiya. Halimbawa na: mula sa mga Tsino ang pulang munggo, mula sa mga Indiyano ang garbansos, mula sa mga Kastila ang leche flan, at mula sa mga Amerikano ang ginadgad na yelo.

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.