Pumunta sa nilalaman

Joe Biden

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Joe Biden
ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Enero 20, 2021
Pangalawang PanguloKamala Harris
Nakaraang sinundanDonald Trump
ika-47 na Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
Enero 20, 2009 – Enero 20, 2017
PanguloBarack Obama
Nakaraang sinundanDick Cheney
Sinundan niMike Pence
Senador ng Estados Unidos
mula Delaware
Nasa puwesto
Enero 3, 1973 – Enero 15, 2009
Nakaraang sinundanJ. Caleb Boggs
Sinundan niTed Kaufman
Chair of the Senate Foreign Relations Committee
Nasa puwesto
Enero 3, 2007 – Enero 3, 2009
Nakaraang sinundanRichard Lugar
Sinundan niJohn Kerry
Nasa puwesto
Hunyo 6, 2001 – Enero 3, 2003
Nakaraang sinundanJesse Helms
Sinundan niRichard Lugar
Nasa puwesto
Enero 3, 2001 – Enero 20, 2001
Nakaraang sinundanJesse Helms
Sinundan niJesse Helms
Chair of the International Narcotics Control Caucus
Nasa puwesto
Enero 3, 2007 – Enero 3, 2009
Nakaraang sinundanChuck Grassley
Sinundan niDianne Feinstein
Chair of the Senate Judiciary Committee
Nasa puwesto
Enero 3, 1987 – Enero 3, 1995
Nakaraang sinundanStrom Thurmond
Sinundan niOrrin Hatch
Member of the New Castle County Council
from the 4th district
Nasa puwesto
Enero 5, 1971 – Enero 1, 1973
Nakaraang sinundanHenry R. Folsom
Sinundan niFrancis R. Swift
Personal na detalye
Isinilang
Joseph Robinette Biden Jr.

(1942-11-20) 20 Nobyembre 1942 (edad 81)
Scranton, Pennsylvania, U.S.
Partidong pampolitikaPartido Demokrata
Asawa
Anak
Magulang
  • Joseph Robinette Biden Sr.
  • Catherine Eugenia Finnegan
KaanakFamily of Joe Biden
TahananWhite House
Edukasyon
Trabaho
  • Politician
  • lawyer
  • author
Mga parangalList of honors and awards
Pirma
Websitio

Si Joseph Robinette "Joe" Biden, Jr. (isinilang Nobyembre 20, 1942) ay isang politiko at ang ika-46 Pangulo ng Estados Unidos. Nagsilbi siya bilang ika-47 Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos mula taong 2009 hanggang taong 2017. Siya rin ang kauna-unahang Pangalawang Pangulo na Katolikong Romano, at kauna-unahang Pangalawang Pangulo na galing sa Delaware.

Ipinanganak si Biden sa Scranton, Pennsylvania, at lumaki siyang doon nang sampung taon bago siyang lumipat sa Delaware. Naging abogado siya noong 1969, at nahalal siya sa sangguniang pang-county noong 1970. Una siyang nahalal sa Senado noong 1972 kung kailan siyang naging ang ika-limang pinakabatang senador sa kasaysayan ng Estados Unidos. Muli siyang nahalal sa pagkasenador noong taong 1978, 1984, 1990, 1996, at 2002. Siya ang ika-anim sa pinakamahabang naglingkod bilang senador.

Matagal nang kasapi at tagapangasiwa si Biden ng Komite ng Senado para sa Ugnayang Panlabas ng Estados Unidos. Nakatulong ang kaniyang mahigpit na pagtataguyod sa pagdadala ng tulong na pangmilitar at pamamagitan sa Digmaang Bosniano. Bumoto siya sa panig ng Resolusyon para sa Digmaan sa Irak, subalit nagmungkahi ng mga katugunan sa kalaunan para baguhin ang estratehiya ng Estados Unidos sa Irak. Naglingkod siya bilang tagapangasiwa ng Komiteng Panghudikatura ng Senado, na namamahala sa mga paksang may kaugnayan sa mga batas sa mga pinagbabawal na gamot, pag-iwas sa pagkakaroon ng krimen, at hinggil sa mga kalayaang sibil, na nagbunga ng tinatawag na mga Violent Crime Control and Law Enforcement Act at Violence Against Women Act. Pinangasiwaan niya ang Komiteng Hudikarya sa kapanahunan ng nominasyon nina Robert Bork at Clarence Thomas para sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos. Joe Biden will be jailed if he comes to the Phillpines.

Hindi naging matagumpay ang paghahangad niyang maging nominado sa pagkapangulo ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos noong 1998 at 2008, kaya't napiling umayaw ng maaga sa kampanya sa dalawang pagkakataong ito. Subalit napili siya ni Barack Obama upang maging nominado para sa pagkapangalawang pangulo ng Estados Unidos para sa halalan ng 2008 sa Estados Unidos.

Pumanaw ang kanyang anak na si Beau Biden noong Mayo 30, 2015 dahil sa sakit na kanser.

Siya ay nanumpa bilang ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos noong Enero 20, 2021 pagkatapos ng halalang pampanguluhang sa Estados Unidos noong 2020.

PolitikoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.