Labindalawang Olimpiyano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Labindalawang mga Olimpiyano)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Labindalawang Olimpiyano, iginuhit ni Nicolas-André Monsiau, noong mga huli ng ika-18 daang taon.

Ang Labindalawang Olimpiyano ay tumutukoy sa mga diyos ng Olimpo ng mitolohiyang Griyego na nakatira sa Bundok ng Olimpo. Binubuo ang pangunahing mga diyos at mga diyosa ng sinaunang Gresya nina Zeus (Hupiter) at Hera (Huno), ang mga ulo o pinuno ng mga banal na mag-anak na kinabibilangan ng kanilang mga sarili at iba pang sampung diyos. Kabilang sa mga diyos na lalaki ang magkapatid na sina Poseidon (Neptuno) at Hades (Pluto), sina Ares (Marte), Apollo, Hermes (Merkuryo), at Hephaestus (Vulkan). Sa mga babae, kabilang sina Hestia (kapatid na babae nina Hades at Neptuno), Athena (Minerva), Artemis (Diana), at Aphrodite (Venus).[1][2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "The Twelve Olympians". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., pahina 357.
  2. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya. (2005). "The Olympian Gods (and their Roman Equivalents". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907., pahina 107.