Pumunta sa nilalaman

Pandaigdigang Paliparan ng Chubu Centrair

Mga koordinado: 34°51′30″N 136°48′19″E / 34.85833°N 136.80528°E / 34.85833; 136.80528
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pandaigdigang Paliparan ng Chubu Centrair
Buod
Uri ng paliparanPubliko
May-ari/NagpapatakboCentral Japan International Airport Co., Ltd. (CJIAC)
PinagsisilbihanNagoya, Hapon
LokasyonTokoname, Aichi, Hapon
Nagbukas17 Pebrero 2005 (19 taon na'ng nakalipas) (2005-02-17)
Sentro para sa
Nakatuong lungsod para sa
Elebasyon AMSL12 tal / 3.6576 m
Mga koordinado34°51′30″N 136°48′19″E / 34.85833°N 136.80528°E / 34.85833; 136.80528
Websayt(sa Ingles) www.centrair.jp
Mga patakbuhan
Direksyon Haba Ibabaw
m tal
18/36 3,500 1,066.8 Kongkreto/Aspalto
Estadistika (2018)
Mga pasahero12,043,636
Kargamento (metriko tonelada)199,140
Kilos ng sasakyang panghimpapawid96,591
Sanggunian: Ministeryo ng Lupain, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo ng Hapon[1]

Ang Pandaigdigang Paliparan ng Chubu Centrair (中部国際空港, Chūbu Kokusai Kūkō) (IATA: NGOICAO: RJGG) ay isang paliparang pandaigdig sa artipisyal na pulo sa Look ng Ise, Lungsod ng Tokoname sa Prepektura ng Aichi, 35 km (22 mi) timog ng Nagoya sa gitnang Hapon.[2]

Nauuri ang Centrair bilang isang primera klaseng paliparan at ito ang pangunahing internasyunal na puwerto para sa Chubu ("sentral") na rehiyon ng Hapon. Daglat ang pangalang "Centrair" (セントレア, Sentorea) ng Central Japan International Airport, isang alternatibong salin na ginagamit sa pangalang Ingles na umiiral na kompanya ng paliparan, ang Central Japan International Airport Co., Ltd. (中部国際空港株式会社, Chūbu Kokusai Kūkō Kabushiki-gaisha). Ginamit ang paliparan ng 10.2 milyong tao noong 2015, na nakaranggo bilang ika-8 pinakaabalang paliparan ng bansa, at 208,000 tonelada ng karagamento ang naikilos noong 2015.

Mga operasyon ng JAL at ANA sa Pandaigdigang Paliparan ng Chubu

Pinagsisilbihan ng Chubu Centrair ang ikatlong pinakamalaking kalakhang lugar sa Hapon, na nakasentro sa palibot ng lungsod ng Nagoya. Pangunahing sentro ng paggawaan ang rehiyon, na may punong-himpilan at mga pasilidad pamproduksyon ng Toyota Motor Corporation at pasilidad pamproduksyon para sa Mitsubishi Motors at Mitsubishi Aircraft Corporation.[3]

Sa maraming pagtulak ng lokal na pangkat pangnegosyo tulad ng Toyota, lalo na para sa 24-oras na mga lipad ng kargamento, nagsimula ang konstruksyon noong Agosto 2000, na may badyet na JPY¥768 bilyon (€5.5 bilyon, US$7.3 bilyon), subalit sa pamamagitan ng mabisang pamamahala, nakatipid ng halos ¥100 bilyon.[4] Isang pangunahing kontratista ang Penta-Ocean Construction.[5]

Sang-ayon sa mga ulat ng midya, kumita ang Kodo-kai, isang pangkatin ng Yakuza sa pangkat Yamaguchi-gumi, ng napakalaking halaga ng salapi sa pagiging tanging tagapagtustos, sa pamamagitan ng pantagong kompanya na Samix, ng lupa, bato, buhangin, at graba para sa proyekto ng konstruksyon ng paliparan. Bagaman kriminal na nasakdal ang mga ilang ehekutibo ng Samix para sa panraraket, naiurong ang demanda sa kalaunan. Sang-ayon sa mga ulat, may mga impormante ang Kodo-kai sa loob ng pulisya ng Nagoya na binigay sa organisasyon ang panloob ng impormasyon na pinahintulot na unahan ang mga nag-iimbestigang awtoridad.[6]

Nang nagbukas ang Chubu Centrair noong Pebrero 17, 2005, kinuha nito halos lahat ng mayroon nang komersyal na lipad ng Paliparan ng Nagoya (Palapagan ng Nagoya na ngayon), at pinaginhawa ang mga lugar sa Tokyo at Kansai mula sa kargamento. Bilang isang pamalit para sa Paliparan ng Nagoya, namana rin nito ang kodigong pampaliparang IATA na NGO. Tamang-tamang nagbukas ang paliparan upang serbisyuhin ang pagdagsa ng mga bisita para sa Expo 2005, na matatagpuan malapit sa Nagoya. Napagmuni-muni na ang paliparan ay may ilang kompetisyon sa Paliparan ng Shizuoka, na nagbukas noong Hunyo 4, 2009.

Mga pag-urong ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga ilang pag-urong mula sa Chubu Centrair pagkatapos nagsimulang ang operasyon ng paliparan. Tumakbo ang American Airlines sa isang ruta patungong Chicago na hindi umabot ng pitong buwan noong 2005, subalit sinabi na ang serbisyo ay "hindi kumita tulad ng inasahan."[7] Noong 2008, pagkatapos ng iilang taon ng serbisyo mula sa Chubu Centrair, kinansela ng ilang kompanyang panghimpapawid ang tukoy na mga lipad at nilagay sa pahinga ang iba, kabilang ang pagsuspinde sa lipad ng Malaysia Airlines tungo sa Kuala Lumpur,[8] pagtapos ng Jetstar sa operasyon nito sa paliparan, pagtigil ng Continental Airlines sa lipad nito sa Honolulu at pagsuspinde ng United Airlines sa mga lipad nito tungong San Francisco, na binabanggit ang mababang pangangailangan sa primong cabin. Nagpatuloy din ang lipad na ito sa Chicago hanggang 2007.[9] Umalis ang Emirates at Hong Kong Express Airways sa paliparan noong 2009, bagaman nagsimula muli ng serbisyo ang HK Express noong Setyembre 2014. Tinapos din ng Japan Airlines ang mga lipad nito tungong Paris noong 2009 at Bangkok noong 2020. Tinapos ng Garuda Indonesia ang serbisyo mula sa Denpasar noong Marso 2012, subalit bumalik sa Nagoya kasama ang pagbukas ng direktang lipad mula Jakarta noong Marso 2019 ngunit tumagal lamang hanggang Marso 2020. Umalis ang EVA Air sa paliparan noong Hunyo 2012 (simula noon, binalak nilang bumalik sa serbisyo sa Hunyo 2019). Umatras ang TransAsia Airways na sangay ng V Air mula sa Centrair at tinapos ang operasyon noong Oktubre 2016.

Patuloy na nag-aalok ang Nagoya ng mga interkontinental na mga lipad sa pamamagitan ng serbisyo ng Delta Air Lines tungong Detroit at Honolulu, serbisyo ng Lufthansa tungong Frankfurt at serbisyo ng Finnair tungong Helsinki.

Aichi Sky Expo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang sentro ng eksposisyon sa loob ng pulong paliparan ang nagbukas noong Agosto 30, 2019. Mayroon ang eksposisyon ng 6 na bulwagang eksibisyon na may 10,000 m2 bawat isa.[10] Kabilang sa mga kaganapan na naganap sa lugar ang edisyong 2019 ng Wired Music Festival noong Setyembre 7 at 8.[11]

Pangunahing bulwagan ng pagdating, sa pag-uugnay ng hugis-"T" na gusali

Nag-aalok ng domestikong lipad ang hilagang bahagi ng terminal, habang internasyunal na lipad naman sa katimugang bahagi, na may dedikadong bilihan ng tiket, mga checkpoint pangseguridad, tsubibo ng mga bagahe, at para sa mga internasyunal na lipad, mga pasilidad ng imigrasyon at adwana. Pinoproseso ang mga pagdating sa ikalawang palapag, at mga pag-alis sa ikatlo. Ginagamit ang mas mababang palapag sa pagpapanatili, pagtutustos ng pagkain, at ibang operasyon sa grawnd, gayon din mga paghimpil ng pampasaherong bus sa gitna ng rampa ng paliparan. May labing-tatlong tarangkahan para sa domestikong paglipad (kabilang ang tatlong tarangkahan para sa bus), at labing-apat na tarangkahan para internasyunal na lipad (kabilang ang tatlong tarangakahan para sa bus). Para naman sa pambadyet na kompanyang panghimpapawid na domestiko at internasyunal ang Terminal 2 na may 11 tarangkahan para internasyunal na lipad at 9 na tarangkahan para sa domestikong lipad.[12]

Tingnan ang pinagmulan na query sa Wikidata at mga sanggunian.


Mga kompanyang panghimpapawid at destinasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kompanyang panghimpapawidMga destinasyon
Air Busan Busan,[13] Seoul–Incheon[14]
Air China ShanghaiPudong
Air Do Hakodate, SapporoChitose
All Nippon Airways Asahikawa, Fukuoka, Hakodate, Ishigaki, Memanbetsu, Miyako, Nagasaki, Naha, Sapporo–Chitose, Sendai, Tokyo–Haneda
Pana-panahon: Kushiro
Asiana Airlines SeoulIncheon
Cathay Pacific Hong Kong, Taipei–Taoyuan
Cebu Pacific Maynila
China Airlines Taipei–Taoyuan
China Eastern Airlines Beijing–Daxing,[15] Chengdu–Shuangliu, Lanzhou, Qingdao, Shanghai–Pudong, Taiyuan, Xi'an, Yantai
China Southern Airlines Changchun, Changsha, Dalian, Guangzhou, Harbin, Shanghai–Pudong, Shenyang, Wuhan
Delta Air Lines Detroit
Etihad Airways Abu Dhabi, Beijing–Daxing[16]
EVA Air Taipei–Taoyuan
Finnair Helsinki
HK Express Hong Kong
Ibex Airlines Fukuoka, Kagoshima,[17] Kumamoto, Matsuyama, Niigata, Ōita, Sendai
Japan Airlines Honolulu, Sapporo–Chitose, Shanghai–Pudong, Taipei–Taoyuan, Tianjin, Tokyo–Haneda, Tokyo–Narita
Pana-panahon: Obihiro
Japan Transocean Air Naha
Jeju Air Seoul–Incheon
Jetstar Japan Fukuoka, Kagoshima, Maynila, Naha, Sapporo–Chitose
Juneyao Airlines Nanjing, Shanghai–Pudong, Wuxi, Xiamen
Korean Air Busan, Seoul–Incheon
Loong Air Hangzhou
Lufthansa Frankfurt
Peach Sapporo–Chitose, Sendai[18]
Philippine Airlines Cebu, Maynila
Shandong Airlines Jinan, Qingdao
Shanghai Airlines Guangzhou, Wenzhou
Shenzhen Airlines Beijing–Kapital, Wuxi
Singapore Airlines Singapore
Skymark Airlines Kagoshima, Naha, Sapporo–Chitose
Solaseed Air Kagoshima, Miyazaki, Naha
Spring Airlines Ningbo, Shanghai–Pudong, Shenzhen
StarFlyer Taipei–Taoyuan
Thai AirAsia X Bangkok–Don Mueang
Thai Airways Bangkok–Suvarnabhumi
Thai Lion Air Bangkok–Don Mueang
Tianjin Airlines Tianjin
Tigerair Taiwan Kaohsiung, Taipei–Taoyuan
T'way Airlines Jeju
United Airlines Guam
Urumqi Air Jinan, Urumqi, Wuhan
Vietnam Airlines Hanoi, Lungsod ng Ho Chi Minh
Pananda

^1 May ilang destinasyon na maaring apektado ng COVID-19, samakatuwid, hindi pinagkakaiba ang pansamantalang mga suspensyon bilang pana-panahong serbisyo.

Mga kompanyang panghimpapawidMga destinasyon
AirBridgeCargo Airlines Moscow–Sheremetyevo
ANA Cargo Hong Kong, Naha
Asiana Cargo Seoul–Incheon
DHL Aviation Anchorage, Cincinnati, Charleston (SC), Hong Kong, Leipzig/Halle, McConnell AFB, Everett, Seoul–Incheon, Taranto–Grottaglie, Taipei–Taoyuan
National Airlines (N8) Anchorage, Los Angeles
Nippon Cargo Airlines Osaka–Kansai, Tokyo–Narita
Transmile Air Services Kuala Lumpur–Internasyunal
ULS Cargo Hong Kong, Istanbul–Atatürk

Panlupang transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
μSky Limited Express (kanan) at Limited Express (kaliwa) ng Meitetsu

Pinapagana ng Meitetsu (Daambakal ng Nagoya) ang Estasyon ng Sentral na Pandaigdigang Paliparan ng Hapon, ang estasyon ng tren para sa Centrair na matatagpuan sa Linya ng Paliparan ng Meitetsu. Kinokonekta ng pinakamabilis na serbisyo ng "μSky Limited Express" ang paliparan sa Estasyon ng Meitetsu Nagoya sa loob ng 28 minuto. Gumagana ang lahat ng μSky Limited Express sa pinakamataas na bilis na 120 km/o sa pamamagitan ng seryeng 2000 ng mga tren, na itinalaga ang lahat ng mga upuan at kinakailangang bumili ng dagdag na 360 yen na "espesyal na tiket para sa limitadong ekspres."[19] Katabi ng Estasyon ng Meitetsu Nagoya ang Estasyon ng JR Nagoya, na pinapahintulot ang paglipat sa Shinkansen na mga tren na punlo (bullet) na hindi lamang papunta sa Tokyo at Osaka subalit sa maraming pangunahing lungsod din, gayon din sa mga lokal na tren ng JR, Meitetsu, at Kintetsu, at ang Munisipal na Subway ng Nagoya.

Mayroon mga panukala para sa isang linyang JR na kumukonekta ang Centrair sa Estasyon ng Nagoya at ang network ng JR sa pamamagitan ng Estasyon ng Okkawa ng Linya ng Taketoyo. Bagaman, walang aktuwal na konstruksyon ang naipatupad.

Mayroon din panukala para sa linyang Aonami na kumukonekta ang Centrair sa Estasyon ng Nagoya sa pamamagitan ng pagtatayo ng lagusan o tulay. Kumilos ang pampamahalaang munisipal ng Nagoya para sa pagtatasa ng pagiging posible ng proyekto noong 2019.[20]

Nag-aalok ang Centrair Limousine ng direktang serbisyong bus tungo at mula sa gitnang Nagoya, Sakae, at pangunahing mga otel.[21] Pimapatakbo ito ng isang pribadong kompanya ng bus sa Prepektura ng Mie. Tumatakbo din ang mabibilis na mga bus sa mga karatig na prepektura para sa 3,000 yen hanggang Kyoto sa pamamagitan ng Prepektura ng Mie.[22][23]

Lantsang pantawid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kumukonekta ang ferry o lantsang pantawid sa terminal pamapasehero sa Tsu – isang 40-minutong paglalakbay.

Kinokonekta ng isang daanang toll ang Centrair at ang pangunahing kalupuaan.

Hindi pinapahintulot ang mga bisikleta sa toll ng Tulay ng Centrair tungong pangunahing kalupaan. Kailangang sumakay ang mga siklista na lumalabas sa paliparan sa isang lokal na tren ng Meitetsu, isang himpilan tungo sa Estasyon ng Rinkū o sa isang taksi sa tulay tungo sa Pagpapalitan ng Rinkū na nasa hilaga ng Aeon Mall Tokoname.

Tinatampok ng Centrair ang ika-4 na Palapag na Sky Town Shopping Center, na maaring mapuntahan ng pangkalahatang publiko, na may 61 tindahan at kainan, nakaayos sa dalawang "kalye," ang Renga-dori[24] at Chochin-yokocho.[25] Indibiduwal na nakatema ang mga tindahan ng Chochin-yokocho upang magkaroon ng tunay na itsurang Hapones.

Ibang pasilidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
FLIGHT OF DREAMS
Aichi Sky Expo

Matatagpuan ang Sentrong mga Operasyon ng Boeing Dreamlifter sa tapis ng paliparan, tungo sa timog ng pangunahing terminal. Ginagamit ang pasilidad na ito upang iimbak ang mga bahagi ng sasakyang panghihimpawid ng Boeing 787 mula sa Hapon habang hinihintay ang paglipad nito sa pasilidad ng asambliya sa Estados Unidos.[26]

  • 2009: Ika-4 na Pinamahusay na Paliparan sa Mundo ng Airport Service Quality Awards ng Airports Council International[27]
  • 2011: Ika-5 Pinakamahusay ng Paliparan sa Buong Mundo ng Airport Service Quality Awards ng Airports Council International[28] at Pinakamahusay na Paliparan ayon sa Laki sa kategoryang 5 hanggang 15 milyong pasahero.[29]
  • 2015: Ipinabatid ng Skytrax na nanalo ang Pandaigdigang Paliparan ng Chubu sa unang puwesto sa "Pinakamahusay na Pangrehiyon na Paliparan ng 2015" na parangal at unang puwesto sa "Pinakamahusay ng Pangrehiyong Paliparan – Asya" na parangal para sa ikalimang taon na tumatakbo.[30]
  • 2016: Sinuri ng Skytrax ang Pandaigdigang Paliparan ng Chubu bilang ang "Pinakamahusay na Pangrehiyon na Paliparan ng Mundo ng 2016" at ang ika-6 na "Pinakamahusay na Paliparan sa Buong Mundo"[31][32]
  • 2017: Naging unang paliparan sa mundo ang Pandaigdigang Paliparan ng Chubu na nakamit ang "5-Bituin na Marka ng Pangrehiyong Paliparan" ng Skytrax.[33]
  • 2018: Sa 4 na sunud-sunod na taon, nanalo ang Pandaigdigang Paliparan ng Chubu ng parangal na "Pinakamahusay na Pangrehiyong Paliparan ng Mundo" (Skytrax). Nakaranggo din ang Chubu sa ika-7 pinakamahusay na paliparan sa mundo.[34][35]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Chubu International Airport" (PDF) (sa wikang Ingles). Japanese Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 21 Oktubre 2016. Nakuha noong 7 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 21 October 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  2. AIS Japan (sa Ingles)
  3. "Feb 10, 2005 GOODBYE & AND THANK YOU KOMAKI AIRPORT" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Central Japan International Airport". 23 Abril 2010. Nakuha noong 23 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Centrair Profile and History". airport-technology.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Sentaku Magazine (muling inimprenta sa Japan Times), "Kodo-kai still raking in funds despite tougher yakuza laws", 23 Oktubre 2015 (sa Ingles)
  7. Skertic, Mark (1 Oktubre 2005). "American Airlines to end flights to Nagoya, Japan". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Disyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "LCC eyes Nagoya-Kuala Lumpur runs". Kyodo. 13 Setyembre 2013. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Hunyo 2016. Nakuha noong 13 Disyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Brown, Steven (22 Hulyo 2008). "United Airlines to stop flying to Nagoya from S.F." San Francisco Business Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Disyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 株式会社インプレス (2019-07-25). セントレア直結の国際展示場「Aichi Sky Expo」公開。ビッグサイト、メッセ、インテックスに次ぐ規模. トラベル Watch (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2019-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 開催5周年にして初の2DAYS開催でパワーアップ「WIRED MUSIC FESTIVAL‘19」. PR Times (sa wikang Hapones). 2019-02-01. Nakuha noong 2019-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "エアポートガイド" (PDF) (sa wikang Ingles). Chubu Centrair International Airport. Nakuha noong 13 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Air Busan adds Busan – Nagoya service from June 2018" (sa wikang Ingles).
  14. https://www.routesonline.com/news/38/airlineroute/289823/air-seoul-adds-new-routes-in-april-2020/ (sa Ingles)
  15. Liu, Jim. "China Eastern moves Beijing – Japan service to Daxing in S20". Routesonline (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. https://www.etihad.com/en-ae/news/etihad-airway-announces-move-to-beijings-spectacular-daxing-international-airport Naka-arkibo 2021-03-05 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  17. Liu, Jim. "IBEX Airlines W20 operation changes". Routesonline (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Liu, Jim. "Peach expands Nagoya Chubu service in late-Dec 2020". Routesonline (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 名鉄空港特急「ミュースカイ」 – 電車のご利用案内 | 名古屋鉄道. www.meitetsu.co.jp (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2019-08-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 関謙次. 名古屋·あおなみ線、中部空港まで延びる? 市が検討へ. 朝日新聞 (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-10-02. Nakuha noong 2019-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Centrair Limousine – Chubu Centrair International Airport, Nagoya" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "AIRPORT BUS" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Pebrero 2018. Nakuha noong 10 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 10 February 2018[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  23. "Nonstop Express Limousine Bus Service" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Renga-dori (sa Ingles) Naka-arkibo 2006-09-01 sa Wayback Machine.
  25. Chochin-yokocho (sa Ingles) Naka-arkibo 2006-09-01 sa Wayback Machine.
  26. 中部国際空港セントレアのご案内 (PDF). Chubu Centrair International Airport (sa wikang jp). 1 Hunyo 2017. Nakuha noong 2017-10-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  27. "The World's Best Airports 2009 – Asia Comes out on Top" Naka-arkibo 2013-09-01 sa Wayback Machine. Businessweek. Hinango noong 23 Marso 2014 (sa Ingles).
  28. "World's best airports announced – Asia dominates" Naka-arkibo 2012-04-09 sa Wayback Machine. CNN Go. 15 Pebrero 2012. Hinango noong 12 Abril 2012 (sa Ingles).
  29. "ASQ Award for Best Airport by Size (5-15m)". Airports Council International. 14 Pebrero 2012. Hinango noong 13 Abril 2012 (sa Ingles).
  30. "Chubu International Airport awarded Best Regional Airport 2015" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. The 10 best airports in the world Hinango noong 22 Abril 2018 (sa Ingles)
  32. World's Best Airports 2016 Naka-arkibo 2017-09-18 sa Wayback Machine. Hinango noong 22 Abril 2018 (sa Ingles)
  33. Chubu Centair is the world's first 5-star regional airport. Hinango noong 22 Abril 2018 (sa Ingles)
  34. World's Best Regional Airport 2018. (sa Ingles) Hinango noong 22 Abril 2018
  35. World's best airports for 2018 Hinango noong 18 Hulyo 2018 (sa Ingles)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Pandaigdigang Paliparan ng Chubu Centrair mula sa Wikivoyage