Skopje
Skopje Скопје | ||
---|---|---|
Lungsod | ||
Lungsod ng Skopje Град Скопје | ||
Tulay na Bato Pambansang Tanghalang Masedonyo • Kapan Han sa Lumang Basar MRT Center • Puwerta ng Masedonya • Rebulto ng Mandirigmang Nangangabayo Kuta ng Skopje | ||
| ||
Lokasyon ng Skopje sa Republika ng Masedonya | ||
Mga koordinado: 42°0′N 21°26′E / 42.000°N 21.433°E | ||
Bansa | Masedonya | |
Bayan | Lungsod ng Skopje | |
Rehiyon | Rehiyon ng Skopje | |
Pamahalaan | ||
• Alkalde | Koce Trajanovski (VMRO-DPMNE) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 571.46 km2 (220.64 milya kuwadrado) | |
Taas | 240 m (790 tal) | |
Populasyon (2002) | ||
• Kabuuan | 506,926 | |
• Kapal | 890/km2 (2,300/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong postal | 1000 | |
Kodigo ng lugar | +389 02 | |
Plaka ng sasakyan | SK | |
Patron | Mahal na Birheng Maria | |
Websayt | skopje.gov.mk |
Ang Skopje (Masedonyo: Скопје; Albanes: Shkupi; Serbiyo: Скопље, Skoplje) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Hilagang Masedonya, kung saan isa sa bawat tatlong Masedonyo ang naninirahan sa teritoryo nito. Ito rin ang sentrong pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura at akademiko ng bansa. Sa panahon ng Imperyong Romano, kilala ang Skopje bilang Scupi.
Nasa bahaging itaas ng Ilog Vardar ang Skopje, na nasa isang pangunahing rutang hilaga patimog sa pagitan ng Belgrade at Atenas. Ayon sa huling opisyal na pagbilang noong 2002, may populasyon na 506,926 katao ang Skopje; gayunpaman, ayon sa dalawang 'di-opisyal na tantiya para sa mas kasalukuyang panahon, may populasyon ang lungsod na 668,518[1] o 491,000 katao.[2]
Paghahating pampangasiwaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang dibisyong pampangasiwaan mismo ang Skopje, na nakahati sa sampung bayan na bahaging bumubuo sa rehiyong pang-estadistika ng Skopje. Ang Batas Skopje ang namamahala sa organisasyong pampangasiwaan ng Skopje bilang isang dibisyong pampangasiwaan sa Masedonya.
Mapa | Blg. | Bayan (Општина, opština) |
Lawak (km²) |
Populasyon (2002) |
---|---|---|---|---|
1 | Centar (Центар) | 7.52 | 45,412 | |
2 | Gazi Baba (Гази Баба) | 110.86 | 72,617 | |
3 | Aerodrom (Аеродром) | 21.85 | 72,009 | |
4 | Čair (Чаир) | 3.52 | 64,773 | |
5 | Kisela Voda (Кисела Вода) | 34.24 | 57,236 | |
6 | Butel (Бутел) | 54.79 | 36,154 | |
7 | Šuto Orizari (Шуто Оризари) | 7.48 | 22,017 | |
8 | Karpoš (Карпош) | 35.21 | 59,666 | |
9 | Gjorče Petrov (Ѓорче Петров) | 66.93 | 41,634 | |
10 | Saraj (Сарај) | 229.06 | 35,408 | |
Kabuuan | Skopje | 571.46 | 506,926 |
Pangangasiwa at pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula 1976 hanggang 1996, inorganisa ang Skopje bilang isang hiwalay na pamayanang sosyo-pampolitika na binubuo lamang ng limang bayan: ang Gazi Baba, Karpoš, Kisela Voda, Centar and Čair. Noong 1996, inilikha ang dalawa pang bayan: ang Šuto Orizari and Gjorče Petrov, sa ilalim ng isang Skopje na binigyan ng katuturan bilang isang hiwalay na yunit ng sariling pamahalaan. Itinalaga noong 2004 ang kasalukuyang anyo ng Skopje, na may 10 bayang bumubuo dito
Direktang ihinahalal ang alkalde ng Skopje. Kasalukuyang nanunungkulan si Koce Trajanovski bilang alkalde, na inihalal noong Abril 2009.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Град Скопје. "Skopje – Capital of the Republic of Macedonia". skopje.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-02-02. Nakuha noong 2010-12-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Macedonia". Population estimations for 2010 by cities, towns and statistical regions, based on the results of the 2002 national census and other data from the State Statistical Office of the Republic of Macedonia. City Population DE. 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A1 TV Online (2009-04-06). "Груевски му се заблагодари на Црвенковски". a1.com.mk. Nakuha noong 2011-02-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Masedonyo)