Pumunta sa nilalaman

Subic Freeport Expressway

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Subic Freeport Expressway
NLEX Segment 7
Subic–Tipo Expressway
Subic Freeport Expressway pasilangan patungong Subic–Clark–Tarlac Expressway sa Hermosa, Bataan.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Tollways Management Corporation
Haba8.8 km (5.5 mi)
UmiiralOktubre 15, 1996–kasalukuyan
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N3 (Abenida Jose Abad Santos) sa Dinalupihan, Bataan
 
Dulo sa kanluranLansangang Rizal at Maritan sa Subic Bay Freeport Zone, Olongapo, Zambales
Lokasyon
Mga lawlawiganBataan, Zambales
Mga pangunahing lungsodOlongapo
Mga bayanDinalupihan, Hermosa, Morong
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Subic–Freeport Expressway (dinaglat na SFEX at dating tinawag na NLEX Segment 7 at Subic–Tipo Expressway) ay isang mabilisang daanan sa Gitnang Luzon, Pilipinas, na may dalawang linya at haba na 8.8 kilometro (5.5 milya). Dumadaan ito sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Binubuong bahagi ng Expressway 4 (E4) ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simula sa mga Lansangang Rizal at Maritan sa kanluran, dadaan ang mabilisang daanan pahilaga sa mga latian ng dating Naval Exchange papuntang Lansangang Argonaut. Isang 230,000 boltaheng linyang transmisyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mula sa linyang transmisyon ng Hermosa-Olongapo ay tatawid sa mabilisang daanan sa simulang dulo nito bago pumasok ng Bataan National Park. Paglapit nito sa Lansangang Argonaut, liliko ito pa-kanan at aakyat ito habang papasok ng Bataan National Park. Liliko naman ang mabilisang daanan sa direksiyong patimog-silangan pagdaan sa mga dalisdis ng kabundukan. Papasok ang mabilisang daanan sa lalawigan ng Bataan paglabas nito ng Bataan National Park, at may dalawang pook serbisyo ng Total na kinabibilangan ng isa na bago mag-checkpoint panseguridad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa mga linyang patimog at isa na malapit sa checkpoint para sa mga linyang pahilaga. Liliko ito pakanluran, at pagkatapos ay pasilangan, tatawid sa ibabaw ng isang ilog, at babalik sa naunang direksiyon. May isang daang pang-ibabaw (overpass) pagkaraang ng tulay at bago makatumbok sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx). Pagkatumbok sa SCTEx, may isang tarangkahang pambayad (toll plaza) at hihiwalay ang daan sa dalawa, ang kaliwa ay patungong Abenida Jose Abad Santos (Daang Olongapo–Gapan), habang ang kanan ay isang tarangkahang pambayad na patungong SCTEx.

Bilang bahagi ng mga proyektong pagpapalawak at pagpapaganda ng NLEx Corporation sa mga mabilisang daanan nito, kasalukuyang pinalalawak ang mabilisang daanan upang mailaan ang isang karagdagang daanan kasama ang dalawang mga tulay at isang tunel kalinya ng mga umiiral na daanan, tulay, at tunel. Pagkatapos ng pagpapaganda ng Subic Freeport Expressway, magkakaroon ito ng dalawang mga landas sa bawat direksiyon mula sa simula nito sa SCTEx hanggang sa dulo nito sa Olongapo.[1]

Uri ng sasakyan Bayarin
Class 1
(Mga sasakyan, motorsiklo, SUV, at jeepney)
/km
Class 2
(Mga bus, magaan na trak)
/km
Class 3
(Mga mabigat na trak)
/km
LalawiganLungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
BataanDinalupihan9157 N3 (Abenida Jose Abad Santos)Silangang dulo ng mabilis na daanan
Hermosa9157Tarangkahang Pambayad ng Tipo (Easytrip at kabayarang pansalapi. Mula Marso 18, 2016.)
9157 E4 (SCTEx) – Mabalacat, MaynilaPasilangang labasan at pakanlurang pasukan
9056Tarangkahang Pambayad ng Tipo (kabayarang pansalapi) (tinanggal)
Morong8855Tsekpoint ng Subic Bay Metropolitan Authority
Total (Subic Tipo 2) (pakanluran)
8855Holy Land Subic SanctuaryPalitang trumpeta. Daan sa pakanluran ay sa pamamagitan ng Total (Subic Tipo 2)
8855Total (Subic Tipo) (pasilangan)
ZambalesOlongapo8352Lansangang Rizal, Lansangang MaritanKanlurang dulo ng mabilis na daanan
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Sarado/dati
  •       Hindi kumpletong access
  •       May toll

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]