Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas (o Korte Suprema ng Pilipinas) ay ang pinakamataas na hukuman sa Pilipinas, gayon din bilang huling sandigan ng Pilipinas. Pinamumunuan ito ng Punong Mahistrado at biinubuo ang hukuman ng 15 na Kasamang Mahistrado, kabilang ang Punong Mahistrado. Alinsunod sa Saligang Batas ng 1987, ang Kataas-taasang Hukuman ang tagapamahala ng lahat ng mga hukuman at lahat ng mga tauhan nito.[1]
Ang tanggapan ng Kataas-taasang Hukuman, na dating bahagi ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila,[2] ay matatagpuan sa panulukan ng Kalye Padre Faura at Abenida Taft sa Maynila, at ang pangunahing gusali nito ay nakatapat sa Ospital Heneral ng Pilipinas (PGH).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mga taong bago maitatag ang opisyal na Kataas-taasang Hukuman, mayroon ng mga institusyon na nagsasanay ng kapangyarihang panghukuman. Bago dumating ang mga Kastila, ang kapangyarihan na panghukom ay nasa kamay ng mga pinuno ng barangay. Noong unang mga taon ng pamahalaang Kastila, ang kapangyarihang ito ay ibinigay kay Miguel López de Legazpi, ang pinakaunang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang hukumang sibil at kriminal sa ilalim ng Kautusan Real noong Agosto 14, 1569.
Ang kasalukuyang Kataas-taasang hukuman ay nagmula sa Real Audencia ng Maynila, na itinalaga noong ika-5 ng Mayo 1583 at binubuo ng isang pangulo, apat na hukom, at isang piskal. Ang Punong mahistrado ng Real Audiencia ay ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Ito ang naging pinakamataas na hukuman sa Pilipinas, na sinundan lamang ng Consejo de Indias ng Espanya. Subalit, gumaganap din ito ng mga tungkuling tagapangasiwa ng pamahalaan, hindi lamang mga tungkuling panghukuman.
Ang tungkulin at kayarian ng Audiencia ay sumailalim sa malaking pagbabago noong 1815 nang ang tagapangulo nito ay pinalitan ng punong mahistrado at tinaasan ang bilang ng mga hukom. Kinilala itong Audiencia Territorial de Manila na may dalawang sangay, ang sibil at kriminal, at lumaon ay tinawag na sala de lo civil at sala de lo criminal. Pinalitan ang Audiencia sa isang tunay na sangay panghukuman sa inilabas na kautusan noong Hulyo 4, 1861, subalit ang mga hatol nito ay maaaring iapela sa Kataas-taasang Hukuman ng Espanya sa Madrid.
Noong Pebrero 26, 1886, isang "Audiencia" ang itinatag sa Cebu, na sinundan ng pagkakatatag ng "Audiencia" para sa mga kasong krimina; sa Vigan. Subalit, ang katanyagan ng Kataas-taasang hukuman bilang tagapagpaliwanag ng batas ay hindi alam noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.[3]
Panahon ng mga Amerikano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula 1898 hanggang 1901, walang Kataas-taasang Hukuman dahil binuwag ng bagong Amerikanong Gobernador-Heneral ng Pilipinas ang Real Audencia de Manila dahil sumailalim ang Pilipinas sa pamahalaang batas militar ng Amerikano.
Opisyal na itinatag ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas noong Hunyo 11, 1901 sa pamamagitan ng pagpasa ng Batas blg. 136, na kilala rin bilang Batas Panghukuman ng Ikalawang Philippine Commission. Sa bisa ng batas na iyon, ang kapangyarihang panghukom sa kapuluan ng Pilipinas ay pinaialim sa Kataas-taasang Hukuman at Courts of First Instannce". Ang ibang mga kasunod na hukuman ay itinatag din.
Ang kayarian ng hukuman na napasa ng Batas blg. 136 ay pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos sa pagpasa ng Philippine Bill of 1902.
Reogranisasyon matapos Ang Ikalawang digmaang pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos mapalaya ng mga kapanalig na pwersa ang Pilipinas noong 1945, muling inayos ni Pangulong Sergio Osmeña ang Korte sa pamamagitan Ng pagtatalaga kina Delfin Jaranilla< Feliscisimo Feria, Mariano de Hoya, Guillermo Pablo, Gregorio Perfecto, Emilio Hilado at Jose Espiritu bilang mga bagong mahistrado, ngunit may MGA may mga nanatiling mga mahistrado Sila at sina Roman Ozarta (itinalaga noong ika-24 Ng Hunyo 1941), Ricardo Paras (itinalaga ika-28 Ng Disyembe 1941), Jose Generoso (Itinalaga noong ika-11 Ng Mayo 1942) at si Antonio Horilleno (itinalaga noong Ika-3 Ng Hulyo 1943), at kasabay rin nito ang pagpapalaki Ng Korte mula sa labing-isang mahistrado paakyat sa labing-tatlong mahistrado.
Pagrereorganisa pagkatapos Ng EDSA 1
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos ang EDSA 1 noong 1986, at mailuklok si Corazon Aquino bilang Ika-11 Pangulo ng Pilipinas hiniling niyang magbitiw Ang mga kasalukuyang mga nakauping mahistrado ng Korte Suprema at sa diskresyon ng mga nakaupong mahistrado sila ay nagsipag bitiw sa pwesto, at dahil sa pangyayaring ito nareoeganisa niya ang Korte, at nagtalaga siya ng bagong mga mahistrado ito ay Sina Jose Feria (, Pedro Yap, Marcelo Fernan at Andres Narvasa, anim na araw matapos Ang pagtatalaga kay Narvasa, muling itinalaga ni Pangulong Aquino sina Ameurfina Melencio-Herrera, Hugo Gutierrez, Jr., Vicente Absd Santos, Claudio Teehankee at Nestor Alampay bilang mga mahistrado, Isang taon makalipas Ang EDSA 1, hiniling din ni Pangulong Aquino na magbitiw si Punong Mahistrado Ramon Aquino, at kanyang itinalaga bilang kapalit si Claudio Teehankee.
Dibisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Hukuman ay pinahintulutan na umupo alinman sa en banc o sa mga dibisyon ng tatlo, lima o pitong miyembro. Mula noong 1987, hinati ng Korte ang sarili sa 3 dibisyon na may tig-5 miyembro. Karamihan sa mga kaso ay dinidinig at pinagdesisyunan ng mga dibisyon, sa halip na ang Korte en banc. Gayunpaman, iniaatas ng Saligang Batas na ang Korte ay makinig sa en banc "[isang]lahat ng mga kaso na kinasasangkutan ng konstitusyonalidad ng isang kasunduan, internasyonal o ehekutibong kasunduan, gayundin ang "mga kinasasangkutan ng konstitusyonalidad, aplikasyon, o pagpapatakbo ng mga atas ng pangulo, mga proklamasyon, mga kautusan, mga tagubilin, mga ordinansa, at iba pang mga regulasyon". Ang Korte na en banc ay nagpapasya din sa mga kaso na orihinal na dinidinig ng isang dibisyon kapag ang mayoryang boto ay hindi maabot sa loob ng dibisyon. Ang Korte rin ay may pagpapasya na dinggin ang isang kaso en banc kahit na walang sangkot na usapin sa konstitusyon, gaya ng karaniwang ginagawa nito kung babaligtarin ng desisyon ang precedent o magpapakita ng nobela o mahahalagang tanong.
Dati sa ilalim ng 1935, 1973 at 1986 Freedom Constitutions, ang Korte ay awtorisado lamang na umupo sa alinman sa '' en banc '' o sa mga dibisyon ng apat.
Noong Mayo 18, 2022[4], Si Alexander Gesmundo, ang Punong Mahistrado ay naglabas ng Espesyal na Kautusan Blg. 2901 na muling inayos ang mga Dibisyon ng Korte Suprema, ito ay inilathala sa parehong araw at nagkabisa kaagad, Sa kanya bilang Chairman ng First Division, at Associate Justice Hernando bilang working chair nito, ang iba pang chairmanship ay ibinigay kay Nakakatandang Kasamang Mahistrado Leonen (2nd Division) at Caguioa (3rd Division), dumating kaagad ang reorganization na ito pagkatapos ng paghirang kay Justice Singh noong Mayo 18, 2022[5].
Tungkulin | Unang Dibisyon | Ikalawang Dibisyon | Ikatlong Dibisyon |
---|---|---|---|
Tagapangulo | A. Gesmundo (Punong Mahistrado) |
M. Leonen (Nakakatandang Kasamang Mahistrado) |
A. Cagiuoa |
Tagapangulo ng trabaho | R. Hernando | ||
Mga Miyembro | A. Lazaro-Javier | H. Inting | |
R. Zalameda | M. Lopez | S. Gaerlan | |
R. Rosario | J. Lopez | J. Dimaampao | |
M. Marquez | A. Kho Jr. | M. Singh |
Kasalukuyang komposisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]tignan din: Talaan ng mga Mahistrado Ng Kastaas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Ang Korte Suprema ay binubuo ng isang punong mahistrado at labing-apat na kasamang mahistrado. Sa mga kasalukuyang miyembro ng Korte, si Marvic Leonen ang pinakamatagal na naglilingkod sa hustisya, na may panunungkulan ng 4392 araw (12 taon, 9 araw) hanggang 21 Nobyembre 2024 ang pinakahuling hustisyang pumasok sa korte ay si Maria Filomena Singh na nagsimula ang panunungkulan noong Mayo 18, 2022[5]. Ito ay Ang kasalukuyang komposiyon Ng Kataastaasang Hukuman, Ang ika-walong Korte sa pamumuno ni Alexander Gesmundo bilang Punong Mahistrado ng Pilipinas.
Posisyon | Larawan at Pangalanng Mahistrado Kapanganakan at Lugar ng Kapanganakan ng Mahistrado |
Petsa ng Pagkakatakaga | Petsa ng Pagreretiro (70 years old)[6] | Tagapagtalagang Pangulo | Paaralan ng Batas | Nakaraang posisyon o opisina (Pinakabago bago ang pagtatalaga) |
Pinalitan |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Punong Mahistrado | Alexander Gesmundo kapanganakan San Pablo, Laguna 6 Nobyembre 1956 (1956.9) |
Abril 5, 2021[7] | Nobyembre 6, 2026 | Duterte | PADM | Kasamang Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas (2017–2021) |
Peralta |
Nakakatandang Kasamang Mahistrado | Marvic Leonen ipinanganak Lungsod Baguio 29 Disyembre 1962 |
Nobyembre 12, 2012[8] | Disyembre 30, 2032 | Aquino III | UP | Punong Negosyador para sa kapayapaan para sa
Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro |
Aranal-Sereno |
Kasamang Mahistrado | Alfredo Benjamin Caguioa ipinanganak Quezon City 26 Setyembre 1959 |
Enero 22, 2016[9] | Setyembre 26, 2029 | Aquino III | PADM | Umaaktong Kalihin ng Hustisya (2015–2016) |
Villarama Jr. |
Kasamang Mahistrado | Ramon Paul Hernando ipinanganak Tuguegarao, Cagayan 27 Agosto 1966 |
Oktubre 10, 2018[10] |
Agosto 27, 2036 | Padron:Sortnamae | PSB | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela (2010–2018) |
Martires |
Kasamang Mahistrado | Amy Lazaro-Javier ipinanganak Maynila 16 Nobyembre 1956 |
Marso 6, 2019[11] | Nobyembre 6, 2026 | Duterte | UST | Kasamang Mahustrado ng Hukumnan ng Pagaapela (2007–2019) |
Tijam |
Kasamang Mahistrado | Henri Jean Paul Inting ipinanganak Bansalan, Davao del Sur 4 Setyembre 1957 |
Mayo 19, 2019[12] | Setyembre 4, 2027 | Duterte | UADD | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela (2012–2019) | Bersamin |
Kasamang Mahistrado | Rodil Zalameda ipinanganak Caloocan 2 Agosto 1963 |
Agosto 5, 2019[13] | Agosto 2, 2033 | Duterte | PADM | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon (2008–2019) |
Del Castillo |
Kasamang Mahistrado | Mario Lopez ipinanganak La Union 4 Hunyo 1955 |
Disyembre 3, 2019[14] |
Hunyo 4, 2025 | Duterte | PSB | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon (2006–2019) |
Jardeleza |
Kasamang Mahistrado | Samuel Gaerlan ipinanganak San Juan, La Union 19 Disyembre 1958 |
Enero 5, 2020[15] | Disyembre 19, 2028 | Duterte | [[Pamantasang San Beda|PSB}} | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon (2009–2020)[16] |
Peralta |
Kasamang Mahistrado | Ricardo Rosario ipinanganak Quezon City 15 Oktubre 1958 |
Oktubre 10, 2020[17] | Oktubre 15, 2028 | Duterte | PADM | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon (2005–2020) |
Reyes Jr. |
Kasamang Mahiatrado | Jhosep Lopez ipinanganak Manila 8 Pebrero 1963 |
Enero 25, 2021[18] |
Pebrero 8, 2023 | Duterte | UP | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela (2012–2021) |
Baltazar-Padilla |
Kasamang Mahistrado | Japar Dimaampao ipinanganak Marawi, Lanao del Sur 27 Disyembre 1963 |
Hulyo 10, 2021[19] | Disyembre 27, 2033 | Duterte | University of the East | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela (2004–2021) |
Gesmundo |
Kasamang Mahistrado | Midas Marquez ipinanganak Quezon City 16 Pebrero 1966 |
Setyembre 27, 2021[20] | Pebrero 16, 2036 | Duterte | PADM | Administrador ng mga Korte ng Kataas-taasang Hukiman ng Pilipinas (2009–2021) |
Delos Santos |
Kasamang Mahistrado | Antonio Kho Jr. ipinanganak Jolo, Sulu 29 Hunyo 1966 |
Pebrero 21, 2022[21] |
Hunyo 29, 2036 | Duterte | PSB | Komisyoner ng Komisyon ng Halalan (2028-2022) |
Carandang |
Kasamang Mahistrado | Maria Filomena Singh ipinanganak Quezon City 26 Hunyo 1966 |
Mayo 18, 2022[5] |
Hunyo 28, 2036 | Duterte | PADM | Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela (2014–2022) |
Perlas-Bernabe |
Timeline ng mga Miyembro Ng Korte ni Gesmundo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bar key: tinalaga ni B. Aquino III Tinalaga no Duterte tinalaga ni Marcos Jr.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ See Section 6, Article VIII, Constitution Naka-arkibo 2016-06-29 sa Wayback Machine.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-15. Nakuha noong 2017-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-10-01. Nakuha noong 2017-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Supreme Court reorganizes divisions". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-05. Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "Duterte names CA Justice Filomena Singh 15th Supreme Court member". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Article VIII, Sec. 11 of the Constitution of the Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 5, 2019. Nakuha noong Agosto 6, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Duterte chooses Alexander Gesmundo as new chief justice". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-04-05. Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Romero, Purple S. (2012-11-21). "Marvic Leonen is new Supreme Court justice". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Quismundo, Tarra (2016-01-23). "Caguioa appointed to Supreme Court". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ranada, Pia (2018-10-10). "CA Justice Hernando appointed Supreme Court justice". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Patag, Kristine Joy. "Duterte picks Court of Appeals Justice Javier for SC magistrate post". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ranada, Pia (2019-05-27). "Duterte appoints CA justice Henri Inting to Supreme Court". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buan, Lian (2019-08-05). "Duterte appoints CA justice Zalameda to Supreme Court". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santos, Einor (2019-12-03). "Two more Duterte appointees join Supreme Court". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-21. Nakuha noong Nobyembre 21, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tomacruz, Sofia (2020-01-08). "Duterte appoints CA justice Gaerlan to Supreme Court". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Court of Appeals - Judicial and Bar .16 Hon. RICARDO R. ROSARIO July 22, 2005 October 15, 1958 October - [PDF Document]". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 23, 2022. Nakuha noong Abril 1, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CA Justice Rosario appointed to Supreme Court". cnn (sa wikang Ingles). 2020-10-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-21. Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aguilar, Krissy (2021-01-26). "CA Justice Lopez appointed to SC". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Patag, Kristine Joy. "CA justice Japar Dimaampao, known Muslim jurist, appointed to Supreme Court". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Torres-Tupas, Daphne Galvez, Tetch (2021-11-16). "Duterte names Midas Marquez as SC associate justice". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Duterte appoints ex-Comelec Commissioner Kho as new Supreme Court Associate Justice". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)