Usapang Wikipedia:Kapihan/Sinupan 18

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Archive This is an archive of past discussions. Do not edit the contents of this page. If you wish to start a new discussion or revive an old one, please do so on the current talk page.

Pag lagay ng paksa na naglalaman ng mga sagisag ng luzon kavi 822 A.D.

Paano ba mailagay sa tagalog Wikipedia ang paksa na ito dahil mahirap ilagay ang 27 sagisag ng panulat o scripts nito sa access na ito? Ang baybaying tagalog ay narito na, paano ko mailalagay ang Luzon kavi dito?pakisabi nga kung paano?Willy agrimano

timestamp 06:29, 31 Marso 2010 (UTC)

Nasaan na ang ibang mga tagapangasiwasa!?

Nasaan na ang ibang mga tagapangasiwasa!? ....Napansin ko na tanging sila Nickrds09 at AnakngAraw nalang ang ibang tagapangasiwang nakikita ko. Ang iba baga'y pansamantalang umalis muna o lumipat sandali sa ibang wika.... - Estudyante (Usapan) 13:12, 1 Abril 2010 (UTC)

Paumanhin, abala ako sa tunay na buhay: pamilya, relihiyosong pamayanan at trabaho. Bukod pa doon, inaasikaso ko pa na maitatag ang Wikimedia Philippines. Hayaan ninyo, babalik ako dito kapag nakaluwag-luwag ako. Mabuhay ang Wikipediang Tagalog! :-) --Jojit (usapan) 08:27, 5 Abril 2010 (UTC)
Kasalukuyang naging abala rin ako sa pagkatatag ng Wikimedia Pilipinas, kaya kahit sa Wikipediang Ingles, hindi rin ako naging masyadong aktibo ngayon. Ngunit nandito pa rin ako para sa anumang tulong na kailangan ng pamayanan. --Sky Harbor (usapan) 07:14, 8 Abril 2010 (UTC)

Artikulo

Maaari ko lamang itama ung Lumot sa artikulo na kung saan ang Lumot ay isang dibisyon ng Dibisyong Bryophyta, ung Klase Musci. Sana po ay magawan agad ito ng aksyon dahil magdadagdag sana ako ng panibagong artikulo e. Salamat User:Shirou15 (usapan) 6:59 7 Abril 2010 (UTC)

Anong uri ng tulong ang inyong kinakailangan? Baka naman maaari ka rin maging mangahas (be bold) at gawin ang pagbabagong nais mong gawin. --Sky Harbor (usapan) 07:12, 8 Abril 2010 (UTC)

Wikimania Scholarships

The call for applications for Wikimania Scholarships to attend Wikimania 2010 in Gdansk, Poland (July 9-11) is now open. The Wikimedia Foundation offers Scholarships to pay for selected individuals' round trip travel, accommodations, and registration at the conference. To apply, visit the Wikimania 2010 scholarships information page, click the secure link available there, and fill out the form to apply. For additional information, please visit the Scholarships information and FAQ pages:

Yours very truly, Cary Bass
Volunteer Coordinator
Wikimedia Foundation

Paunawa lang po sa lahat ng mga nais maging iskolar ng Wikimania 2010: sarado na ang panahon ng pagpapapresenta. Ihahayag ang resulta ng pagpapapresenta sa 30 Abril. --Sky Harbor (usapan) 21:51, 14 Abril 2010 (UTC)

Maynila 7

Inaanyayahan ang pamayanan ng Wikipediang Tagalog na makilahok sa ika-7 pagtitipon ng mga Wikipedista sa Kalakhang Maynila ngayong 1 Mayo sa Figaro, Hanston Square, Ortigas Center, Lungsod ng Pasig. Ito ay isang magandang oportunidad upang makilala ang inyong mga kapwa-Wikipedista mula sa iba't-ibang panig ng Kamaynilaan (mangyari rin ang buong Pilipinas) at pag-usapan ang mga kaganapang nagbibigay-katuturan sa ating pagiging pamayanan at sa pag-hugis ng ating minamahal na Wikipedia.

Kasama rin sa Maynila 7 ay ang usapan ukol sa pagbuo ng ating lokal na sangay ng Pundasyong Wikimedia, ang Wikimedia Pilipinas. Maaari rin kayong sumali dito at makilahok sa mga adbokasya at proyekto ng pamayanang Wikimedia sa buong Pilipinas.

Sana magkita-kita tayo sa Araw ng mga Manggagawa! --Sky Harbor (usapan) 18:06, 19 Abril 2010 (UTC)

tungkol sa republic act 7624

Gusto ko lang pong malaman kung kayo ay my tagalog version ng republic act 7624. dahil ito po ay aking report sa susunod na linggo, gusto kung maintindihan ng mabuti sa tagalog, sapagkat mahirap pong maunawaan sa english... salamat po,

lj, ng manila

Paumanhin lj, subalit wala kaming kopya ng Batas Republika Blg. 7624. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 01:58, 20 Hunyo 2010 (UTC)

Veneto

Sana po ay tulungan niyo po ako sa pagdaragdag ng mga artikulo.

--Shirou15 Miyerkules, Abril 28, 2010 , 10:30 (GMT+8:00)

timestamp 02:57, 28 Abril 2010 (UTC)

mga artikulong may ingles na nilalaman

ang tagagamit ng 112.202.161.147 na ito ay paulit ulit na nagdadagdag ng mga artikulong nasa wikang ingles. Nabura na minsan ang mga nagawang artikulo nito subalit ginawaan niya ito muli. Nilagyan ko na kamakailan ng babala na ""clean up translation at mabilisang pagbura ang mga artikulo"" subalit binura niya lamang ito. Sana mabigyan ito ng pansin. Salamat.. --Mananaliksik 04:44, 4 Mayo 2010 (UTC)

Kasalukuyang inaaksyon ito, at hindi lamang dito ang problema. Pati na ang mga ibang mga Wikipediang Pilipino, sila rin ay nagkakaproblema sa mga artikulo tulad niyon. Isang epektibong hadlang laban sa anon na iyon ay ang pagsalin ng mga artikulong iyon sa Tagalog. --Sky Harbor (usapan) 09:51, 7 Mayo 2010 (UTC)

Si Rizal bilang Bayani

Q: Sinu- sino ang mga tanyag na manunulat na nagsasabing si Rizal talaga ang pambansang bayani?

A:

  • Anacoreta P. Purino in Rizal the Greatest Filipino Hero. He had a premonition of his death for he wrote two letters, one addressed to his parents. brothers and friends; and the second to the Filipinos. See more: [[1]]
  • No law, executive order or proclamation has been enacted or issued officially proclaiming any Filipino historical figure as a national hero. However, because of their significant roles in the process of nation building and contributions to history, there were laws enacted and proclamations issued honoring these heroes. See more: [2]

Emmylou2010 04:25, 20 Mayo 2010 (UTC)

Anime Portal

Maari po bang gumawa ng Portal na tungkol sa Anime. Kung maaari, magagawan ba ng paraan kung paano gumawa ng naturang Portal. Sana po ay matugunan niyo po ang aking kahilingan. --Shirou15 (usapan) Martes, Mayo 18, 2010; 07:10 (GMT+8:00)

Kung nais mong gumawa ng portal, maaari mong gawing iyan. Gayunpaman, wala pa tayong ngalan-espasyong "Portal" (Portal namespace). Ihihiling pa ito sa bugzilla. --Sky Harbor (usapan) 13:01, 20 Mayo 2010 (UTC)

Dagdag na Pagbabago o Rebisyon sa Pagsasalin

1. Ang Calculator sa wikang Tagalog ay maaring Tala-tuusan. Ito ay isang bagay na ginagamit na pang-tuos ng tamang halaga.

  • Pangungusap: Maari mo bang ituos ang halaga ng aking pinamili?

2. Ang Keyboard na ginagamit sa pagmamakinilya ay maaring tawaging Teklado o Tipahan.

  • Pangungusap: Marami ka ngayong isusumiteng ulat, pwede mo itong gawin gamit ang tipahan.

3. Ang 'mas naayong salin ng salitang 'Cartoon ay Karikatura. Subalit, ang mga palabas na catoon sa telebisyon ay mas tamang sabihing Larawang Gumagalaw.

  • Pangungusap: Marami sa ating bansa ang mahusay sa karikatura.

Emmylou2010 03:17, 20 Mayo 2010 (UTC)

Hiwalay na artikulo

Ipinagtangi ko, tulad ng sa Wikipedyang Inggles at sa iba pa, ang mga artikulo ng Bibliya at Tanakh. Dahil dito, kinailangan kong dagdagan ang ilang mga artikulo ng mga sumpay patungo sa ikalawa.

Kung kailangan 'nyo ng tulong, sabihin 'nyo lang. Salamat. --Pare Mo 07:01, 21 Mayo 2010 (UTC)

Maling baybay

Sa Beta:

  • Sa Unang Pahina: ang pindutang "usapan ko" ay dapat na may malaking titik na "U" upang maging "Usapan ko".
  • Sa itaas ng pahinang ito (Kapihan): ang baybay ng "Proyetong pahina" ay dapat na "Proyektong pahina". - AnakngAraw 20:17, 5 Hunyo 2010 (UTC)
Yes check.svgY Tapos na. --Jojit (usapan) 03:36, 9 Hunyo 2010 (UTC)

Pangangailan ng Lahat

Napapansin ko na mukhang kailangan ng mas maraming bot ang Wikipedia na ito. Eto ang dapat gawin ng mga ibang bot dito:

  • Gumawa ng awtomatikong lagda para sa mga tagagamit/IP na hindi lumagda.
  • Linisin ang Sandbox kada 12 oras.
  • Magkaroon ng bot na nag-rerevert ng mga edit na halatang bandalismo. Tulad ng:
    • Pag-blanko sa pahina
    • Paglagay ng "random characters"/walang saysay na wiki markup sa isang pahina.

Sana maitaguyod natin ito. Estudyante (usapan) (mga ginawa) 07:30, 9 Hunyo 2010 (UTC)

Palagay ko po ay dapat kayong magtanong ukol dito sa en:Wikipedia:Bot owners' noticeboard.--Lenticel (usapan) 08:36, 9 Hunyo 2010 (UTC)

Ang Portal ng Anime at Manga

Inaanyayahan ang lahat ng tumatangkilik sa Wikipedia na gumawa ng mga Bagong Artikulo na tungkol sa Anime. Tulungan niyo po ako na paunlarin ang Portal ng Anime at Manga. Sa ibang katanungan, magiwan na lang kayo ng mga mensahe sa Usapan na para sa Anime at Manga. --Shirou15 (usapan) Hunyo 16, 2010; 18:33 (UTC)

timestamp 11:05, 16 Hunyo 2010 (UTC)

kabilang ba ang asia sa russia

tanong ko po kong ang russia po ba ay asya?

Magandang Araw. Oo kasama ang Rusya sa Asya. Nagkataon lamang na may ilang bahagi ang Rusya na nasa teritoryo ng Europa. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 17:16, 16 Hunyo 2010 (UTC)
Magandang araw din, itinatama ko lamang po na ang Rusya ay mailalarawan sa dalawa. Ang unang paglalarawan dito ang kanyang pulitika, kasama ito sa europa sapagkat ang kabusera nitong Moscow ay makikita sa bahaging europa, samantala, ang ikalawa, maisasama naman ang ilang bahagi ng rusya sa Asya, mas lalo ang Siberia sapagkat ito ay pumapasok sa hangganang Ural na ginagamit ng mga Heyologo bilang natural na hangganan ng Europa at Asya. -Shirou15 (Pahina ng Usapan) Hunyo 18, 2010; 20:58
Maraming salamat sa iyong mas malalim na paglilinaw kasamang Shirou15. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 16:49, 19 Hunyo 2010 (UTC)


Paanyaya sa pagtatanghal ng Wikimania 2012

Sa palagay ninyo, handa ba tayong itanghal dito sa Pilipinas ang Wikimania, ang pinakamalaking pagtitipon ng mga Wikimedista sa buong mundo, ngayong 2012? Masasabi ba natin na handa na tayo? --Sky Harbor (usapan) 14:01, 19 Hunyo 2010 (UTC)

anu ano ang mga disiplinang panglipunan na may kinalaman sa kasaysayan

anu ano ang mga disiplinang panglipunan na may kinalaman sa kasaysayan

timestamp 12:44, 22 Hunyo 2010 (UTC)

Sa mga Tagapangasiwa

Sana po ay tulungan niyo po ako na tapusin ang nasimulan kong artikulo. Tala ng planetang minor: 2001–3000, kung gusto niyo namang ipagpatuloy, ituloy niyo lang. Sumanguni lamang dito , Tala ng planetang minor para sa ibang mga artikulo. Salamat.

-- User:Shirou15 User talk:Shirou15

timestamp 13:40, 22 Hunyo 2010 (UTC)

Pagsasatagalog ng mga Suleras

Gumagawa po ako ng ibang artikulo, at hinahango ko ang mga suleras o template nito mula sa English Wikipedia. Ang kaso nga lang po ay nakalagay pa sa Ingles ang mga pangalan sa loob ng isang suleras sa halip na Tagalog ang lalabas kapag ginawa ang paunang tingin. Kailangan ko po ng tulong upang maisa-tagalog na po ang mga suleras at hindi na po Ingles sa paunang tingin. Salamat po! -- Lee Heon Jin (usapan) 09:11 07 Hulyo, 2010 (UTC)

Anung partikular na suleras ba ang tinutukoy mo kasamang Lee Heon Jin, baka may maitutulong ako. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 03:57, 7 Hulyo 2010 (UTC)
Heto po ang isang halimbawa ng suleras na tinutukoy ko:
Probisiyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea
대한민국임시정부
大韓民國臨時政府
Desterado

1919–1948
 

Taegeukgi

Awit
Aegukga
Kabisera Not specified
Capital-in-exile Shanghai, at nilipat sa Chongqing
Wika Koreano
Pamahalaan Presidensiyal na republika (1919-1925)
(1940-1948)
Parliyamentaryong republika(1925-1940)
President
 - 1919-1925 Syngman Rhee
 - 1927-1933 and
 1935-1940
Yi Dongnyeong
 - 1926-1927 and
 1940-1948
Kim Gu
Prime Minister
 - 1919-1921 Yi Donghwi
 - 1924-1925 Park Eunsik
 - 1944-1945 Kim Kyu-sik
Makasaysayang panahon Maagang ika-20 Siglo
 - Nationwide civil resistance Marso 1, 1919
 - Saligang Batas Abril 11, 1919
 - Gobiyernong nai-proklama Apbril 13, 1919
 - Shanghai Attack Abril 29, 1932
 - Digmaan idineklara sa Axis Disyembre 10, 1941
 - Liberasyon Agosto 15, 1945
 - Republika ng Korea naitatag Agosto 15, 1948
 - Demokratikong Pangmadlang Republika ng Korea naitatag Setyembre 9, 1948
Salapi Won

Gaya po ng nais kong ipabatid, tignan niyo na lang po sa suleras yung "President" at "Prime Minister" na dapat po sana ay "Pangulo" at "Punong Ministro" ang lilitaw kapag ginawa ang paunang tingin sa naturang suleras. Sinubukan ko pong gawing Tagalog ang mga ibang termino, ngunit hindi ko pa po lubusang kabisado ang ilang bahagi ng suleras. -- Lee Heon Jin (usapan) 8:09, 08 Hulyo 2010 (UTC)

Magandang Hapon! Nagsatagalog rin ako ng ilang bahagi ng suleras na Infobox Former Country at sinubukan kong gamitin ang inilagay mong mga datos dito. Noong una hindi ko rin agad nalaman ang dahilan pero di naglaon at nakita ko ang tunay na dahilan kung baket Ingles ang ginagamit niya. Nagkataon kasing may nakalagay na "title_leader = President" at "title_deputy = Prime Minister". Sinubukan kong tanggalin ang laman na President at Prime Minister at nakita kong tagalog na ang ginagamit. Nawa'y makatulong ito. :) -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 07:54, 8 Hulyo 2010 (UTC)




Pakikipagugnayan sa Tsina at Iba pang Bansa noong Panahon ng Sung(960-1279M.K.)

Magandang umaga po,nais ko lang pong itanong sa inyo ang ibig sabihin ng letters after the "WORD SUNG" sa pamagat ng aking tinatanong.Ganun din po itatanong ko din ang ibig sabihin ng B.K. na gaya ng M.K.My sn has an assignment and his teacher told them to research on this.I've search the net and some books and dictionaries but I can't find the answer.Can you please help me.Thanks and God bless...SALAMAT

Ang B.K. ay Bago kay Kristo at ang M.K. ay mula kay Kristo. Yan ang pagkakatanda ko sa aming aralin noong nasa mataas na paaralan pa lamang ako. Tagalog nang B.C. Before Christ at A.D. na Anno Domini na ang ibig sabihin ay "Sa panahon ng ating Panginoong Hesukristo". -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 02:01, 13 Hulyo 2010 (UTC)
May mas maikling kahulugan ang A.D.: sa Taon ng Panginoon (T.P.). Mali ang paggamit natin ng M.K. bilang A.D.; dito ko lang nararanasan ang salin na iyon. --Sky Harbor (usapan) 16:40, 18 Hulyo 2010 (UTC)
Mangyaring may naaalala ako na may nabasa akong aklat noong ako'y nasa mataas na paaralan pa lamang na ginamit ang M.K. Maaaring mali rin ang aking pagkakatanda. Siguro'y kakailanganin natin ang mga sanggunian talaga na mga aklat o kung ano pa mang maaaring pagkunan ng sanggunian ukol rito. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 05:55, 20 Hulyo 2010 (UTC)

Mungkahi sa pagtanggal ng karapatan ng IP sa paglikha ng pahina (Ikalawang beses)

Dahil sa akin mga na-obserbahan sa mga nakaraang buwan at dahil sa karamihan ng mga tagapangasiwa ay abala sa ibang bagay ay muli ko pong iminumungkahi na tanggalin ang karapatan ng mga IP para makapaglikha ng bagong pahina (Tignan ang unang pagmumungkahi para sa ibang detalye). Napansin ko na po kasi na madalas na ang "pagtetesting" ng mga IP dito at kung minsan pa ay naglalagay sila ng di kanais-nais na kumento ukol sa wikipedia na ito. Salamat. -WayKurat 14:22, 18 Hulyo 2010 (UTC)

Pagbabagong-anyo ng mga petsa

Matagal ko na itong inisip, pero ano sa tingin ninyo: dapat bang palitan ang anyo ng mga petsa sa Tagalog Wikipedia mula sa estilong Amerikano (Mayo 12) sa estilong Europeo (12 Mayo)? --Sky Harbor (usapan) 13:00, 12 Mayo 2010 (UTC)

Nais kong magbigay ng mungkahi ngunit ito ay maaring saklawin ng panuntunan ng administrasyon ng Wikipedia.
Sa mga paaralan, sa abot ng aking natatandaan, ang ginagamit na anyo ng petsa sa wikang Tagalog ay: Ika-12 ng Mayo, 2010. Hindi ko lamang tanto kung ito ay kasalukuyan pa ring itinuturo o ginagamit sa mga paaralan sa panahong ito.--[User:Lannia] 21:35, Ika-01 ng Nobyembre 2010

Sa pagkakaalam ko, ito pa rin nag itinuturo sa mga paaralan, ngunit umiiral na ito kasama ng anyong Amerikano. Para sa simplipikasyon nito, maaari naming gamitin ang anyong Europeo. --Sky Harbor (usapan) 03:43, 2 Nobyembre 2010 (UTC)

Imokawa Mukuzo Genkanban no Maki

Gusto ko lamang idagdag ang Imokawa Mukuzo Genkanban no Maki sa Alam mo ba. Paano po ba iyon? Salamat.--Shirou15 12:41, 30 Hulyo 2010 (UTC)

Paglipat sa pahina - Pambansang Museo ng Lahing Pilipino

Magandang araw! Nais ko pong ilapat ang pahinang Pambansang Museo ng Lahing Pilipino papunta sa Pambansang Museo ng Pilipinas na isang redirect page lamang sa ngayon. Ayon sa opisyal na website ng Pambansang Museo (sa http://www.nationalmuseum.gov.ph/), ang opisyal na pangalan ng institusyon ay "Pambansang Museo ng Pilipinas" at hindi "Pambansang Museo ng Lahing Pilipino." Sa halip, ang "Museo ng Lahing Pilipino" ay isa lamang departamento o gallery sa ilalim ng Pambansang Museo ng Pilipinas (katulad ng National Art Gallery, Planetarium, ant mga Regional Museums)

Salamat po!
Mk32 09:08, 2 Agosto 2010 (UTC)

Yes check.svgY Tapos na. Salamat sa panukala. Estudyante (usapan) (mga ginawa) 13:31, 9 Agosto 2010 (UTC)
Sa kinabukasan, maaari ring hiwalayin ang pangkarga at gawing hiwalay na artikulo ang Pambansang Museo ng Lahing Pilipino, katulad ng ginagawa sa en.wiki ngayon. --Sky Harbor (usapan) 01:53, 10 Agosto 2010 (UTC)

The Internationale

Humuhingi po ako ng tulong sa pagpapalawig sa artikulo ng The Internationale. Nakahanap kasi ako ng webpage kung saan nakasulat ang mga lirikong Tagalog nitong awit, pero hindi ako sigurado kung tama ang ginawa ko sa pagdagdag ng sanggunian. Alphapeta 06:35, 12 Agosto 2010 (UTC)

Pakilarawan mo po ang ibig mong sabihin sa hindi ka sigurado sa tamang pagdagdag ng sanggunian. Alam ko may bersyong Tagalog ng The Internationale (na ipinakita sa akin ng guro ko dati sa ika-apat na taon ko sa sekundarya) sa en.wiki, ngunit hindi ko alam kung saan ito hinango. --Sky Harbor (usapan) 22:28, 12 Agosto 2010 (UTC)
Hindi po kasi ako sanay sa HTML, kaya kinokopya ko lang ang mga halimbawa sa pagdagdag ng sanggunian. Pero ang nahanap kong sayt ay nasa labas ng Wikipedia, at ito pa lang ang nag-iisang sanggunian ng The Internationale para sa Tagalog. May bilang na lumabas sa tabi ng sinulat ko, pero walang lumalabas na talababa. Nagpapasalamat na lang po ako sa nag-ayos ng ginawa ko para sa pahinang iyon.
Tutulong po ako sa pagpapaulad ng artikulong The Internationale. Sana ay magbigay ka ng mga website para sa ikauunlad nito. --Shirou15 15:27, 15 Agosto 2010 (UTC)

Mga Tagapangasiwa

Tanong ko lang po kung nasaan na ang mga tagapangasiwa sa Tagalog Wikipedia. Kaunti lamang ang nakikita kong mga tagapangasiwa sa mga nakaraang araw. Sana po ay pagtuunan niyo ng pansin ang kakulangan sa Pamayanan natin. Salamat :). --Shirou15 03:19, 21 Agosto 2010 (UTC)

Narito ako sa kasalukuyan, pero hindi ko alam kung nasaan ngayon sina Jojit, Bluemask, Nickrds09 at AnakngAraw. --Sky Harbor (usapan) 15:56, 21 Agosto 2010 (UTC)
Narito po ako. Tulad ni Sky Harbor, di ko po alam ang kalagayan nila Felipe Aira, Jojit, Bluemask, Nickrds09, Delfindakila at AnakngAraw. Estudyante (usapan) (mga ginawa) 08:35, 22 Agosto 2010 (UTC)
Kayong dalawa lang po kasi ang nakikita ko sa mga nagdaang araw. Sana po ay magpakita na sila sa mga susunod na araw. Salamat :) --Shirou15 08:55, 22 Agosto 2010 (UTC)
Tagapagpangasiwa din ako dito ngunit mas aktibo akong tapangasiwa sa en.wiki--Lenticel (usapan) 23:37, 22 Agosto 2010 (UTC)
Inaktibo ka kaya nang matagal. :)) --Sky Harbor (usapan) 01:32, 23 Agosto 2010 (UTC)
Siyam na buwan di ata iyon :). Marami kasi akong kelangang gawin sa trabaho at pagaaral ko noon. --Lenticel (usapan) 02:11, 23 Agosto 2010 (UTC)
Marami lang po akong inaasikaso sa TB (Totoong Buhay/Real Life). Padalhan na lang po ako ng email dito kung kailangan po ng aking atensyon. --bluemask 09:46, 23 Agosto 2010 (UTC)
Kailangang may gawin kayo po dito kahit na may mga ginagawa kayo sa buhay niyo po, kaya nga po kayo naging mga tagapangasiwa para pagyamanin ang Tagalog Wikipedia. Salamat :) --Shirou15 10:45, 25 Agosto 2010 (UTC)
Maraming Salamat sa lahat ng naiimbag mo kasamang Shirou15. Ikinalulugod ko na masugid kang nag-aambag para sa proyekto nating ito. Ipagpaumanhin mo kung hindi ako makagawa dito minsan sapagkat nagiging abala ako sa trabaho. Hayaan mo at sinisikap ko namang makapag-ambag dito araw-araw kahit simpleng pagbabantay lamang ng mga gumagawa ng bandalo. Sana nga'y ganoon rin ang ginagawa ng iba pa nating mga kasamahan lalo na ng mga Tagapangasiwa. :) -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 15:25, 25 Agosto 2010 (UTC)
Abala ako sa Wikimedia Philippines, pamilya, relihiyosong pamayanan, trabaho at iba pang mahahalagang bagay sa totoong buhay. :-) Gayunman, sisikapin kong maging aktibo dito. Shirou15, baka nais mong maging isang Tagapangasiwa din? O baka may naiisip kang ibang tagagamit na maging Tagapangasiwa. Hindi lamang limitado sa amin ang pagiging Tagapangasiwa. --Jojit (usapan) 05:49, 16 Setyembre 2010 (UTC)
Sa usapin ng bagong nominasyon para sa tagapangasiwa, may dalawang kasalukuyang nominasyon. Gayunpaman, tandaan natin na para sa proyekto ng ganitong laki sa pamanayanan, mataas na ang bilang ng mga tagapangasiwa. --Sky Harbor (usapan) 07:46, 16 Setyembre 2010 (UTC)

SUL usurpation

Hello. I hope this is the correct place to request it. Can you rename User:Lou to User:Lou_old ? This account has no contributions and is requested by Lou@elwiktionary (see sulutil and request).

Thanks by advance -- Quentinv57 27 aug 2010 11:01 (CEST)

timestamp 09:37, 27 Agosto 2010 (UTC)

Portal:Anime at Manga

Inaanyayahan ang lahat na magbigay ng mga magagandang larawan sa Portal ng Anime at Manga na nagpapakita ng mga larawan na tungkol sa anime at manga na kinakailangan para sa ikauunlad ng Portal na ito. Salamat --Shirou15 13:34, 27 Agosto 2010 (UTC)

Wikipedya sa Philippine Youth Congress in IT

Ako ay ikinasasayang ibalita sa inyo na tayo ay maglulunsad bilang isang organisasyon sa Philippine Youth Congress in Information Technology sa Setyembre 14 hanggang 17, 2010 sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Jojit ang ating magiging kinatawan at tagapagsalita sa ikalawang araw sa UP Film Center. Sya ay maguulat tungkol sa Wikipedia at paano ito nakaapekto sa kalakaran at pagugnayang pandaigdig. Ito ay mula 9:00 hanggang 10:00 ng umaga.

Tayo rin ay magaayos ng isang booth sa Bahay ng Alumni sa pamantasan at ating ipapakita ang ating nabuo at bubuuing mga proyekto.

Aming kayong inaayayahang makilahok sa ating unang pangmalakihang proyekto bilang isang volunteer. Kami ay nakapaghanda ng pagkain at inumin sa inyo.

Ipaalam lang po sa amin kung kayo ay interesado. --Exec8 07:46, 2 Setyembre 2010 (UTC)

Malawakang pagdadagdag ng artikulo

Nako-concern ako sa pagtaas ng bilang ng mga artikulo sa Wikipedia. Sa liit ng ating pamayanan hindi ko alam kung paano natin ito maaaksyunan. Nararapat ba muli na tumawag para sa muling pagtigil sa malawakang pagdadagdag ng mga artikulo (mass uploading of articles)? Ano sa palagay niyo? --Sky Harbor (usapan) 14:27, 6 Setyembre 2010 (UTC)

Magandang araw kasamang Sky Harbor. Ano ba sa tingin mo ang nakakabahala rito? Hindi ba maganda na dumarami ang lathalain dito sa ating proyekto? Ang isa ko lang naiisip na negatibong epekto nito ay ang mahirap na pagbabantay at pagpapanatiling may tamang nilalaman. Baka po may hindi pa ako naiisaalang-alang. Maraming Salamat! -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 02:33, 7 Setyembre 2010 (UTC)
Magandang araw po sa inyo, kailangan po ng mga pagdadargdag sa mga arikulo sa Tagalog Wikipedia. Naiintindihan namin na kailangan din na may magbantay sa lahat ng mga idinadagdag na artikulo. --Shirou15 03:04, 7 Setyembre 2010 (UTC)
Ayos lamang ang pagdagdag subalit dapat tama at may mga sangguniang nilalaman ang mga bagong artikulo. Mas mainam na hindi puro stub (usbong) lamang ang mga artikulo. Mas mainam kung mas marami ang impormasyon kasya maraming artikulo.--Lenticel (usapan) 03:23, 7 Setyembre 2010 (UTC)
Sang ayon ako kay kasamang Lenticel. Mas mainam nga na hindi puro usbong lamang. Mas maganda na yaong mas kaunti na maraming laman ang bawat lathalain kesa naman sa marami nga subalit puro usbong naman at walang masyadong impormasyon ang bawat lathalain. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 03:42, 7 Setyembre 2010 (UTC)
Hindi ako tumututol sa pagdagdag ng mga magagandang artikulo. Ang kinaaalalahanan ko ay ang pagdami ng mga usbong na maaaring hindi natin mababantayan at mapagtatrabahuan. Mabuti ito sana kapag malaki ang pamayanan natin at sigurado tayong may magbabantay sa mga artikulong idinagdag, ngunit sa liit ng ating pamayanan hindi ko alam kung posible ito. --Sky Harbor (usapan) 05:25, 7 Setyembre 2010 (UTC)
Katulad ni SkyHarbor ako ay nangangamba rin nga sa pagpapanatili ng mga lathalain sa kanilang magandang kalagayan o ayos. Mangyaring ako kasi ay nagbubukas lamang at nagbabantay dito sa pamayanan tuwing Lunes hanggang Biyernes dahil may Internet dito sa tanggapan. Subalit kapag Sabado at Linggo ay walang akong kakayahang magbantay rito malibang hiniram ko ang laptop ng opisina namin. Lalo na nga ngayong kakaunti naman ang mga aktibong tagagamit dito sa Tagalog Wikipedia hindi talaga maiaalis ang pangamba na hindi mabantayan at hindi mapangasiwaan ng iilang aktibong tagagamit kung magkakaroon man ng mga pambababoy at mga paglalagat ng maling impormasyon rito sa pamayanan. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 05:51, 7 Setyembre 2010 (UTC)

Malawakang pagdaragdag ng artikulo...nanaman

Nangyayari nanaman ang malawakang pagdaragdag ng mga artikulo. Mahalagang tanong ang dapat natin tanungin ukol dito: kung may tagagamit na nagdadagdag ng artikulo, sino ang magpapanatili dito? --Sky Harbor (usapan) 09:58, 21 Oktubre 2010 (UTC)

Sa tingin ko, kailangan talaga. Lalo na at karamihan ay galing sa pagsalin sa mga website gaya ng Google Translate. Mapapansin talaga yun sa gramatika ng mga artikulo--JL 09 15:33, 30 Oktubre 2010 (UTC)

Portal

Magandang araw po, Maaari pa po bang gumawa ng ibang portal? Kasi portal pa lamang ng anime at manga ang nasisimula ko. Salamat :) --Shirou15 04:57, 10 Setyembre 2010 (UTC)

Fundraising time is around the corner!

Hello Wikimedians, my name is Deniz and I am working for the Wikimedia Foundation during the 2010 Fundraiser. My job is to be the liaison between the Tagalog community and the Foundation. This year's fundraiser is intended to be a collaborative and global effort, we recognize that banner messages that perform well in the United States don't necessarily translate well, or appeal to international audiences.

I am currently looking for translators who are willing to contribute to this project, helping to translate and localize messages into Tagalog and suggesting messages that would appeal to Tagalog readers on the Fundraising Meta Page. We've started the setup on meta for both banner submission, statistical analysis, and grouping volunteers together.
Use the talk pages on meta, talk to your local communities, talk to others, talk to us, and add your feedback to the proposed messages as well! I look forward to working with you during this year's fundraiser.

Please translate this message into Tagalog if you can and post it below, thanks! --Dgultekin 22:29, 10 Setyembre 2010 (UTC)

Juan de la Cruz

Bakit kaya "Juan dela Cruz" ang nakagawiang itawag sa tipikal na mamamayang Pilipino? bakit hindi Pedro o Carlos? bakit hindi delos Reyes o Dimaculangan? - Tricia

Juan de la Cruz. --bluemask 23:38, 19 Setyembre 2010 (UTC)

ano ang bagong pangalan ng mesopotamia

ano ang bagong pangalan ng mesopotamia?

Irak. --Sky Harbor (usapan) 09:36, 20 Setyembre 2010 (UTC)

Wikipedia Project

Maaari po bang magsimula ng panibagong proyektong Wikipedia, na tungkol sa Anime at Manga? Interesado lamang ako na gumawa nito at sana ay mapalawak natin ang mga artikulo na tungkol sa Anime at Manga. Salamat po:) --Shirou15 13:11, 21 Setyembre 2010 (UTC)

pwede iyon. Mas mainam din na maganyaya ka ng mga bagong potensyal na mga editors mula sa iyong klase. --Lenticel (usapan) 01:08, 22 Setyembre 2010 (UTC)
Salamat po. --Shirou15 10:44, 22 Setyembre 2010 (UTC)

Portal

Bakit po sa portal ng anime at manga ng tagalog ay nakalagay sa itaas ay artikulo habang sa portal ng anime at manga sa Ingles ay nakalagay sa itaas ay portal, paano po ba maaayos ito? Salamat po: --Shirou15 01:18, 24 Setyembre 2010 (UTC)

Wala pang ngalan-espasyong "Portal" na umiiral. Maaari kang humiling ito sa bugzilla. --Sky Harbor (usapan) 04:30, 7 Oktubre 2010 (UTC)

Fundraiser 2010/Beat Jimmy!

The Fundraising Committee is issuing all interested Filipino community members a challenge: we want you to beat Jimmy. The appeal from Jimmy Wales and the corresponding banner have been tested head-to-head with other successful banners, and the results are clear: it's our best performing message... by a lot. This year we have a lofty fundraising goal; we need all of our banners to bring in donations like the Jimmy Appeal, but no one wants to keep the Jimmy banner up for two months. We want to run donor quotes, and other wonderful ideas, but we have to have banners that work as well as or better than the Jimmy appeal.

We've just released the highlights from a donor focus group, and the results of our donor survey. With one month to the launch of the fundraiser, the messages we test must be driven by data from our tests and surveys - we can no longer rely on instinct alone.

We've redesigned our fundraising meta pages with the Jimmy challenge; check out the survey results and propose/discuss banners that reflect these findings. Add the banners you think will 'beat Jimmy' here to be tested Tuesday October 12 against Jimmy.

Check out Philippe's email Beat Jimmy and get involved!

If someone could translate this that would be great! Thank you! Klyman 17:50, 6 Oktubre 2010 (UTC)

wika

nagkakaisa po ba ang mga pilipino sa iisang wika?

timestamp 02:26, 8 Oktubre 2010 (UTC)

Mataas na Paaralang Pambansa vs. Pambansang Mataas na Paaralan

Magandang araw. Gusto kong mabigyan ng linaw tungkol sa paggamit ng Mataas na Paaralang Pambansa at Pambansang Mataas na Paaralan. Dito ako isinilang at lumaki sa Pilipinas, nabigyan ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan ng DepEd na gumagamit ng titulong "<insert name place here> National High School" bilang opisyal na pangalan. Sumulat ako sa pahayagang Filipino ng paaralan namin, ang aking ina ay guro at dalubhasa sa wikang Filipino, at kahit kailan hindi nila ginamit ang "Pambansang Mataas na Paaralan". Ilang paaralang hayskul ang napuntahan ko sa Metro Manila dahil sa mga paligsahan sa iba't ibang subject noong high school, at ni isa man sa kanila ay hindi gumamit ng "Pambansang Mataas na Paaralan". Mas ginagamit nila ang "Mataas na Paaralang Pambansa" bilang salin ng kanilang opisyal na pangalan. Mayroon po ba tayong batayan para maging istandard ng Wikipedia ang salin na "Pambansang Mataas na Paaralan", "Paaralang Mataas na Pambansa" o "Pambansang Paaralang Mataas"?

Nakakatakot naman pong isipin na nagiging nakakatawa tuloy ng ilang salin dito sa Wikipedya. Baka isang araw ay mapulaan tayo niyan.--JL 09 04:02, 15 Oktubre 2010 (UTC)

Magandang Araw! Sa kaso ng aming paaralan. Gumaca National High School ang opisyal na pangalan nito sa Tagalog ay Pambansang Mataas na Paaralan ng Gumaca. Gayundin ang Amontay National High School sa Pitogo, Quezon ay tinatawag na Pambansang Mataas na Paaralan ng Amontay. Hindi ko sigurado kung anu ang ginawa nilang basehan sa paggamit noon subalit sa aking palagay hindi natin maaaring palitan ang opisyal nilang ginagamit kaya maaari talagang maging magkakaiba ang porma ng pangalan ng mga "National High School" dito sa Tagalog Wikipedia. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 04:13, 15 Oktubre 2010 (UTC)
Ginagamit ng Masbate National Comprehensive High School sa Lungsod ng Masbate ang saling "Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate" (batayan dito). Maging din ang Meycauayan National High School sa Lungsod ng Meycauayan, Bulacan, ginagamit nila ang saling "Pambansang Mataas na Paaralan ng Meycauayan" (batayan dito).
Sa ganitong uri ng debate, kailangan nating bigyan dito ng pansin ang balarila kapag pinag-uusapan dito ang salin. Isa sa mga dahilan kung bakit ko ibinalik ang paglilipat ng dalawang artikulo ay dahil kung isasalin natin ang pangalan sa Ingles, mas diretsahan ang salin na "Pambansang Mataas na Paaralan" kaysa sa "Mataas na Paaralang Pambansa". Nakikita rin natin ito sa pagbabagong-salin ng mga pangalan ng mga ahensiya ng pamahalaan kamakailan lamang: halimbawa, ang dating "Aklatang Pambansa" noong dekada 1960 ay naging "Pambansang Aklatan" ngayon. Mas karaniwan din ang paggamit ng "Pambansang xxxx" kaysa sa "xxxx Pambansa" sa pagsasalin ng mga ahensya sa Tagalog/Filipino: mayroon tayong Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA), Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad (NPC/NAPOCOR), Pambansang Pulang Krus ng Pilipinas (PNRC), atbp.
Kung tutuusin, hindi lang rin sa kung "Pambansang xxxx" o "xxxx Pambansa" ang dapat maging huling saklaw ng debateng ito. Sa ilang mga lalawigan sa Katagalugan (tulad ng Marinduque), ang salin ng "high school" ay ang mas matanda, ngunit ngayo'y mas 'di-karaniwan, na "paaralang sekundarya" sa halip na "mataas na paaralan" na naging sikat sa Kalakhang Maynila at lumaganap sa buong bansa bunsod ng paglaganap ng Filipino (ang tinaguriang "Pilipinisasyon"). Sang-ayon man ako sa pagsasapamantayan ng ating mga salin ng opisyal na pangalan, dapat ding may konsiderasyon tayo sa sitwasyon ng ilan pang mga lalawigan: tandaan, hindi lamang ginagamit ng Wikipedia ang Tagalog ng Maynila (Filipino), kundi ang Tagalog na matatagpuan natin sa Katagalugan at maaari rin sa buong bansa. --Sky Harbor (usapan) 12:48, 15 Oktubre 2010 (UTC)

Paanyaya

Wikipe-tan head.png Magandang Araw po. Inaanyayahan ka ng WikiProyekto ng Anime at Manga na sumali sa proyektong ito. Ikinalulukod niya na ikaw ay sumali dito. Kung ikaw ay may katanungan hinggil sa proyektong ito, pumunta lamang sa usapan para sa proyekto ng Anime at Manga. Maraming Salamat po. --Shirou15 11:24, 17 Oktubre 2010 (UTC)

timestamp 11:20, 17 Oktubre 2010 (UTC)

Hinihiling na Artikulo

Kung may mga hinihiling kayong mga artikulo na may kaugnayan sa Anime at manga, pumunta lamang dito. Maraming salamat.

timestamp 11:17, 17 Oktubre 2010 (UTC)

Wikipedia:Pagpapalit ng bansag

Maaari nang humiling ang mga tagagamit ng Wikipediang Tagalog na nais magpalit ng bansag sa pahina sa itaas. --Sky Harbor (usapan) 19:33, 19 Oktubre 2010 (UTC)

Dito po sa aming barangay Lapnit, San Ildefonso Bulacan ang nahalal na Kapitan ay nakatapos na ng 3 termino at ngayon na siya ay muling nahalal ay kung susumahin ito ngayon ay ika-4 na termino..ano po ang malinaw na batas ng comelec sa bagay na ito...ito po ba ay bawal na? o maari pa?--124.217.69.45 01:42, 26 Oktubre 2010 (UTC)

kasaysayan ng asya

1. ito ay tinaguraing "bahay ng mga Niyebe".

timestamp 10:49, 2 Nobyembre 2010 (UTC)

KAHULUGAN NG BIRTUD

NAIS KO PONG MALAMAN ANG IBG SABIHIN NG BIRTUD?

timestamp 12:38, 3 Nobyembre 2010 (UTC)

Pagkokontrol sa pagdagdag ng artikulo

Tulad ng ginawa ni Felipe Aira noong 2008, nais ko pong imungkahi ang pagpapaliban (o moratorium) sa pagdaragdag ng mga usbong tulad ng mga nakikita natin ngayon. Maaari ngang naaapekto na ngayon ang kalidad ng Tagalog Wikipedia, at kailangan nating kontrolin ito. Ano sa palagay niyo ang dapat nating gawin? --Sky Harbor (usapan) 06:37, 8 Nobyembre 2010 (UTC)

Magandang araw sa lahat kung tatanungin ang aking opinyon tungkol sa usaping iyan, tama lang ang pagdaragdag ng mga artikulo ngunit sa napapansin ko sa mga nagawa ng ating kasamahang si Wikiboost, mayroon siyang mga nagawang artikulo na may interwiki ngunit kapag tinignan mo ito sa ibang mga interwiki, walang nabangit na ganoong artikulo o kaya naman ay nabura dahil na rin sa hindi kilala ang mga tauhan o ang palabas ayon na rin sa panuntunan ng Wikipedia (Halimbawa:Seiko Sakurada at Chen Zhi Kai). Para sa karagdagang impormasyon tignan ang Talaan ng mga panuntunan sa bibliyograpiya ng mga nabubuhay na tao. Maraming salamat po!!! --Shirou15 12:19, 8 Nobyembre 2010 (UTC)
May mas mahalagang tanong dito: sa anong batayan dapat na magkaroon tayo ng malawakang pagdagdag ng mga usbong? Hindi ba mas nararapat na bigyan ng diin ang kalidad ng mga artikulo kaysa sa bilang lamang nito? --Sky Harbor (usapan) 03:51, 9 Nobyembre 2010 (UTC)

May mga poblema sa malawakang pagdagdag ng mga artikulo. Gaya ng:

  • di tanyag na mga tao gaya ng mga politikong hindi pumapasa sa en:POLITICIAN at mga starlets na di naman tanyag.
  • maling pagsasalarawan. May mga artikulo akong nakita na ukol sa isang mangaawit ngunit sinasabi ng artikulo na kilala silang artista
  • walang sanggunian

Matagal nang isyu ito, ayos lang sa akin ang mga usbong subalit ang paglalagay ng mga mali at walang sangguniang mga artikulo ay hindi dapat pabayaang dumami--Lenticel (usapan) 06:49, 9 Nobyembre 2010 (UTC)

Ikinatatakot ko naman ang maaaring maging dulot ng malawakang pagdaragdag. Naging kontrobersiya na ang Cebuano sa pagdagdag nila ng mga artikulo sa mga commune sa Pransiya, at ang Waray-Waray naman ay naging dahilan kung bakit may sistema na ngayon sa pagko-kontrol ng kalidad ang Wikipedia sa Indones. Kailangan ba nating gawin iyan dito sa Tagalog Wikipedia? --Sky Harbor (usapan) 13:25, 21 Nobyembre 2010 (UTC)

Paglilipat ng mga artikulo

Hindi ko po alam kung ako lamang ang nakakapansin, pero ginagawa na naman ni 23prootie ang mga bagay-bagay na naging dahilan ng pagkakaharang niya sa Ingles na Wikipedia, dito sa Tagalog Wikipedia. Halimbawa, ay ang copy-pasting ng ilang artikulo sa halip na paggamit ng Move na opsyon. Ginawa niya ito sa Burma at Myanmar, maging sa Maldives at Maldibas. Alam ko po na may batayang-sangguniang ginagamit sa pagsasalin ng mga pangalan ng bansa. Dahil sa mga pinagsasabi niya ukol sa usaping ito, sa aking palagay, wala siyang proposisyon na sumunod sa anumang batayn ng Wikipedia. Hindi rin siguro nakakapagtaka kung bakit tinatawag na Burma ang bansang iyon sa Ingles na Wikipedia. Higit pa, bagamat si 23prootie ay isang mabisang patnugot dito, sa tingin ko, ang kumentong ito sa aking usapan ay isang patunay na masama pa rin ang kanyang hangarin.--JL 09 12:34, 13 Nobyembre 2010 (UTC)

Hindi lang po ata ito nangyayari sa dalawang artikulong Maldives at Burma, kundi sa iba pang artikulo hinggil sa mga bansa.--JL 09 q?c 12:40, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Nais ko lang ipaalam na isasalin ko ang mga pangalang ng mga bansa na mas angkop sa Wikang Filipino. Karamihan dito ay naaayon sa saWikang Kastila gaya g bansang Maldibas ngunit ang iba ay base sa opisyal na pagkilala ng bansang Pilipinas gaya ng sa Myanmar. --23prootie 12:44, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Ipapaala ko lamang sa pamamagitan ng copy-pasting, nasisira ninyo ang kasaysayan (history) ng mismong artikulong kasangkot. Minsanan nang nangyari ang ganyang bagay kabilang na ang mga sockpuppet na nilikha mo. Kung sa tingin mo, mabuti ang copy-pasting para lamang mailipat ang mga iyan, nagkakamali ka. At patungkol sa "move requests", kung hindi ito ma-accommodate sa mga artikulong ililipat, pwede naman itong pag-usapan dito kung saan malaki ang tsansa na makita ng mas nakararami.--JL 09 q?c 12:50, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Tungkol ba ito sa kasalukuyan o sa nakaraan? Alam na ng lahat ang kasaysayan nationg dalawa kaya di na bago ang pagtutol mo sa akin. Nakapaskil doon sa mga nominasyon ng mga tagapangasiwa ang mga nararamdaman mo sa akin kayahindi gagana ang mga pagtutol mo. Hindi it Inggles na Wikipidya kaya hindi dapat Inggle ang gagamiting wika sa mga talaan ng mga bansa. In other words, people already know what you are alleging so rather than focus on the past, you should instead debate whether or not it is NOT appropriate the Tagalog variants of the country names.--23prootie 12:54, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Ganito na lang, kung ayaw mong masira ang mga kasaysayan ng mga artikulo, maghintay ka ng isang tagapangasiwa para ilipat ang mga ito. Tingnan na lang nating kung ilang siyam-siyam ang hinhintayin mo para mangyari iyon.--23prootie 12:57, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Hindi ko po alam kung ano ang nais ninyong sabihin, pero malinaw ang palisiya (o sabihin nating panuntunan) patungkol sa paglilipat ng mga artikulo: Do not move or rename a page by copying/pasting its content, because doing so fragments the edit history. (Wikipedia's copyright license requires acknowledgement of all contributors, and editors continue to hold copyright on their contributions unless they specifically give up this right. Hence it is required that edit histories be preserved for all major contributions until the normal copyright expires.)--JL 09 q?c 13:11, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Pakisalin. Hindi ko naiintindihan. --23prootie 13:34, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Kailangan ding idiin dito na hindi nararapat manlikha ng mga bagong salita. --Sky Harbor (usapan) 06:49, 17 Nobyembre 2010 (UTC)

Pagsusupan

Hindi kaya panahon na upang i-supan ang pahinang ito? Ang iba sa mga usapan dito ay noon pang 2009 nakalagay, at lubha nang mahaba ang usapan, medyo mahirap para sa ibang browser at mababagal na kompyuter.--JL 09 q?c 13:00, 13 Nobyembre 2010 (UTC)

Nako, hindi --23prootie 13:01, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Kung tagapangasiwa na ako ngayon di sana mas madali na ang trabaho ko. Hindi pa masisiran ang kasaysayan ng mga artikulo. Hindi mo na lang sana pinigilan.--23prootie 13:02, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Kagaya po ng nabanggit ko nga paulit-ulit, hindi batayan ang pagiging tagapangasiwa upang maging mabuting editor. Bukod pa, sa simpleng hindi mo pagsunod sa pamantayan patungkol sa paglilipat, copy pasting at iba pa ay hindi mo magawa ngayong simpleng tagagamit ka pa lamang, paano pa kung administrador ka na? Nakakatakot ito siguro kung magkaganoon.--JL 09 q?c 13:28, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Ang problema kung ang pamantayan mismo ay depektibo, wala ring mararating. Hindi sapat ang mga tao dito para ipatupad lahat ng pamantayan. Kadalasan kanya-kanya. Maiintindihan mo ito kung noong 2007 nandito ka na sa Wikipidya. Hindi lahat nakasalalay lamang sa pamantayan.--23prootie 13:33, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
Maypagka-lawless dito sa ngayon kaya unless mam-vandalise ka ng mga artikulo, hindi ka papansinin.-112.201.186.29 13:44, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
23prootie, huwag mo nang dalhin pa dito ang masamang imahe mo ng sockpuppetry.--JL 09 q?c 13:49, 13 Nobyembre 2010 (UTC)
patawad nag-logout na pala ako. --23prootie 13:56, 13 Nobyembre 2010 (UTC)